Press Release
November 23, 2015

Transcript: Senator Trillanes' reax re: Duterte decides to run for President

QUESTION: ... sa desisyon ni Mayor Duterte na tumakbo at 'yung kanyang dahilan ay dahil nga sa issue ng citizenship ni Senator Poe?

SAFT: Well, while natutuwa tayo na dumadami 'yung pagpipilian ng mga kababayan natin , nalulungkot ako sa dahilan niya. Dapat sa mga ganitong mga posisyon, dapat the only reason kung bakit ka tatakbo ay dahil marami kang magandang magagawa dito sa ating bayan. Hindi kung anu-ano pa. Masyadong flimsy 'yung ginawang dahilan kaya 'yun lang. Medyo nakakalungkot 'yung ginawang dahilan.

QUESTION: Ito sir. Sinasabi na daw na mga nag-oobserba po doon sa isyu, kung mayroon pang issue ng citizenship si Senator Poe dapat nu'ng senador pa lamang ay may violent reaction na kaagad si Mayor Duterte.

SAFT: 'Yun na nga. Kaya parang lumalabas na naghahanap lang ng dahilan pero talagang noon pa pala gustong tumakbo. So sa atin, hindi maganda 'yan. Kung gusto mong maging lider ng ating bayan, kailangan buo ang loob mo. Kailangan ang mga kadahilanan mo ay para sa bansa at para sa mga kababayan natin. Hindi 'yung kung anu-ano pa.

QUESTION: At dapat sumentro 'yung mga isyu sa mga plataporma at mga plano sa bansa?

SAFT: 'Yon. Hindi 'yung ngitngit e. Parang lumalabas nagngingitngit ka kaya ka tatakbo parang hindi lang ako kumportable doon.

QUESTION: Do you see him as a game changer sa presidential race?

SAFT: Well, definitely. Kasi magbabago talaga 'yung environment dahil makakakuha siya ng mga boto kung saan-saan. Makikita pa lang natin sa susunod na survey pero sa ngayon pa lang, mali 'yung panimula ng sinasabi niya.

QUESTION: Who do you think would have benefit? O who would be adversely affected by his entry among the presidentiables?

SAFT: Palagay ko siyempre sina Sec. Mar Roxas at saka si Vice President Binay dahil sila 'yung naghahabol so sila 'yung makakainan ng boto rito. So, baka ang mangyari nito magdidikit dikit silang tatlo or baka maiiwan 'yung isa doon.

QUESTION: So wala siyang magiging effect kay Senator Grace?

SAFT: Makakakuha siya ng boto kay Senator Grace but since malaki 'yung lamang, malaki pa rin 'yung magiging lamang sa kanilang tatlo. 'Yun lang ang aking palagay, but abangan ko 'yung sa next survey.

QUESTION: Salamat, Senator.

News Latest News Feed