Press Release
December 5, 2015

Bam on 2016 Budget
Transcript of Media Interview in Dumaguete City

Q: Ano na po ang development sa Senate?

Sen. Bam: It's the budget season at nagba-bicameral conference na po kami para sa budget. Of course, malaki po iyong budget natin ngayon, three trillion (P3 trillion), so we want to make sure na lahat po ng importanteng bagay na dapat mapondohan, mapopondohan naman.

Iyon po ngayon ang pinakamabigat na gawain namin. For this year, I'm one of the Vice Chairmen for Finance. Nakaupo po uli tayo sa bicam. We're hoping by next week matapos na po natin ang budget.

It's the largest budget we've ever had kaya talagang kailangang siguraduhin na ang pera sa edukasyon, pera para sa kalusugan, pera para sa maliliit na negosyo, nandiyan ho iyan at makaabot ang pera ng bayan sa ating taumbayan.

Siyempre po, ganyan na kalaki ang gastusin. We want to make sure na umaabot ho talaga ang pondong iyan sa tao.

News Latest News Feed