Press Release
December 8, 2015

Transcript of DZRH Interview with Senate President Franklin M. Drilon
by Rey Sibayan and former Rep. Angelo Palmones

Q: Kumusta ho ang mga pagdinig sa Senado?

SPFMD: Unang una ibalita sa inyo na kagabi po ay natapos na ang bicameral conference committee hearings sa usapin tungkol sa budget. Ito po ang maganda, ang main features po ng ating budget, mayroon pong nakalaan na P57 billion para sa pagtaas ng sahod ng ating mga manggagawa o kawani sa pamahalaan. Pangalawa, yung DepEd ay tatanggap ng pinakamataas na pondo sa susunod na taon, na nagkakahalaga ng mahigit sa P412 billion, o 22 percent higher sa kasalukuyang budget nito na P321 billion.

Q: Para po saan iyan? Will it include more funding para sa implementasyon ng K to 12 program?

SPFMD: Tama po iyan, ang implementasyon ng K to 12 program ay kasama po diyan at pagtatayo sa mahigit sa 47,500 classrooms. Pangalawa, nandiyan yung Department of Public Works and Highways, ang budget ay halos worth mga P382 or P385 billion. Yung Department of Health, mga P124 billion. Yung Department of National Defense may mga P126 billion.

Q: Maihahabol naman po yung SSL, definitely mapipirmahan ng Presidente hindi ho ba?

SPFMD: Tama po iyan. Sa Miyerkules amin pong ira-ratify sa Senado itong budget at makakarating kay Pangulo by next week at sigurado bago mag-Pasko ay ito po ay mapipirmahan.

Q: Pinatatanong po, aprubado na po ba yung SSS pension increase?

SPFMD: Oo, aprubado na po iyan. Inaprub na po namin iyan sa Senado at Kongreso. Pino-process po, hindi pa po dumadating sa akin galing sa Kamara de Representante yung printed copy. Yaan po ay mechanical na lang, at sigurado po ako na kapag nakarating sa akin po, ay pipirmahan ko agad at aking ipapadala sa Malakanyang para maaprubahan.

Q: Eto daw pong no-el scenario ay nanggaling sa Liberal Party. Totoo po ba iyan?

SPFMD: Yan ay kalokohan at walang katotohanan iyan. Bakit naman iyan gagawin iyan? Ang Pangulo ay binibilang na lang kung ilang araw na lang ang nalalabi sa kanyang administrasyon, at ibig nya na po magpahinga. He deserves to rest and he has served our country well. Yan pong mga intriga na iyan ay sana naman po ay huwag na natin bigyan ng halaga at hindi naman totoo iyan.

Q: Yung "no-bio no boto" na hinihiling pong ma-lift sa Comelec, pabor po ba ang Senado? Ipinasa ng Kongreso yung batas, dapat noon na qinuestion yung constitutionality.

SPFMD: Tama, at ang mahalaga, magkaroon tayo ng malinis na halalan at itong hakbang na ito ay sang-ayon sa reglamento at sa batas na nagpapayo na dapat ay malinis ang ating halalan. Ako po ay sinusuportahan ko po ang posisyon ng Comelec dito ngunit nirerespeto ko naman kung anuman ang magiging desisyon ng Korte Suprema. Ang hinihiling ko lang sa Korte Suprema, wag naman tagalan ang decision dito, dahilan sa nakasalalay ang kinabukasan ng ating demokrasya.

Q: Yung latest SWS survey po, ano po ang reaksyon ng Liberal Party? Humina daw po ang endorsement power ng Pangulo.

SPFMD: Alam nyo po sa akin, ay palagi ang isang survey, ay iyan po ay repleksyon ng paniniwala ng taumbayan for a particular period. Tingnan mo lang, noong 6 na buwan na nakaraan hindi ba si Vice President Binay ay mukhang unbeatable for President? Ngayon po, ganun din si Senator Grace Poe. Dati mataas iyan , ngayon No.2 na lang, naunahan ni Duterte. Ang ibig ko lang ipaabot, na itong mga surveys na ito ay pagsisilip lamang sa attitude on a particular period.

Limang buwan pa ang halalan, and we realize at the Liberal Party na kailangang magtrabaho kami nang husto. Ngunit hindi ibig sabihin na ito na yun, talo na. Malakas po, siguro kailangang na marinig at maipaliwanag ng husto ang programa ng administrasyon na dapat ipagpatuloy natin ang "Daang Matuwid". Maraming mahihirap sa ilalim ng Pantawid Pamily Program na umangat ang buhay.

Q: Binawasan daw po ng Senado yung budget ng CCT sa DSWD?

SPFMD: Sa pag-uusap po namin ni Senator Legarda, kami po ay nag-aalangan, at hindi sangayon si Senator Legarda na bawasan ang budget ng DSWD. I can't confirm that yet dahil sinabi lang sa akin kagabi, hindi ko pa nakikita ang actual budget. Pinakamabuti either si Congressman Ungab at si Senator Legarda ang inyong matawagan dahil sila po ang nakakaalam, sila po ang nakatutok.

Q: May tsimis po, si Congressman Ungab ay lilipat na daw po. Lumipat na po ba?

SPFMD: Alam ko po magkaibigan si Congressman Ungab at si Mayor Digong. Magkaibigan iyan. Kung iyan ang mangyayari ay hindi na ako magugulat, ganoon talaga sa ating pulitika, kapag magka-ibigan, kaya siguro naman aminin na niya na hindi niya maiwanan ang kanyang kaibigan. Wala namang masama doon.

Q: Alam namin po na isa sa mga concerns ay ang Negros. Mukhang matindi po ang complikasyon diyan sa Negros, dahil sa laban ni Cong. Albee Abelardo Benitez at Governor Coscoluella.

SPFMD: Unang-una, hindi naman po sila naglalaban sa pulitika. Sa pagkakaalam ko, hindi naman kandidato si dating Gov. Coscoluella, hindi po siya kandidato. Siya lang po ang nangunguna sa pagkandidato ni Secretary Mar Roxas sa Negros, pero hindi po siya kakandidato.

Pangalawa po, yung pong sinasabing komplikasyon ay medyo eksaherado at kami po ay naniniwala kami na ang Negros Occidental ay susuportahin po ang Tuwid na Daan, at susuportahin si Mar Roxas, dahil po sa ang kanyang ina, si Judy ay taga Negros, at malakas po ang aming kandidato doon. Sa bawat eleksyon na nakaraan, ay palagi pong nanalo doon.

Sa mga kampanya ay palaging may mga gusot na dapat ayusin pero hindi po dapat iyan blown out of proportion.

Q: Kayo po ba sa LP ay umaasa na magnunumber one si Secretary Mar Roxas?

SPFMD: Siyempre, at iyan po ay aming pagsisikapan. Dahil kami po ay naniniwala na si Secretary Mar ay siyang kandidatong na makakapagpatuloy ng mga programa ng kasalukuyang administrasyon na umangat ang buhay ng ating mga kababayan.

News Latest News Feed