Press Release
December 22, 2015

Interview with Sen. Francis G. Escudero (FGE)

QUESTION: 'Yung reaction sa survey po.

FGE: Ang survey iba't iba naman talaga 'yan hanggang dumating ang araw ng eleksyon. Ginagalang, tinatanggap at pinag-aaralan namin, tinitignan namin bilang giya ang bawat survey iba-iba man ang resulta. Sa parehong period, sabi ng Laylo lamang si GP. Sorry, take two. Sa parehong surveys, sa parehong period, sabi ng Laylo lamang si Senator Grace. Sa parehong survey period din, sabi ng Pulse Asia lamang naman si Vice President Binay. Lalabas ang SWS mamaya o bukas, paano 'pag iba na naman 'yung number one doon? At least napag-aralan ang bawat kandidato kung ano 'yung mga dapat nilang gawin. Tulad ng sinasabi ko palagi: sino man ang mataas, sino man ang mababa, dapat pag-aralan lamang nila at hindi dapat magaling 'yung mababa o magyabang 'yung mataas dahil magbabago't magbabago rin 'yun hanggang sa araw ng eleksyon.

QUESTION: Sir, anything na dahilan...

QUESTION: Ganun din dati. Sir, dati consistent si Senator Grace sa lahat ng survey. So now, siyempre may mga... 'yung number three nga. Nakaapekto ba 'yun kay Sen. Grace?

FGE: Dalawang bagay. Una, talagang magte-taper-off naman 'yung mga surveys habang papalapit ang eleksyon dahil unti-unting nagdedesisyon ang ating mga kababayan. Pangalawa, hindi rin natin maikakaila nakaapekto 'yung dalawang disqualification orders ng Comelec First at Comelec Second Divison na hopefully 'pag pumabor kay Senator Grace ang Korte Suprema mababawi din naman 'yun.

QUESTION: Sir, how do you plan to come through that? Kung paano niyo pa papataas pa lalo 'yung ano?

FGE: Kailangan lamang naming sundan 'yung legal process. Wala naman kaming choice doon. At hopefully, bago maghalalan lumabas 'yung pasya ng Korte Suprema kaugnay sa dalawang kasong iniakyat doon o iaakyat doon. Una 'yung SET, pangalawa 'yung Comelec. At pangatlo siguro, tulad din ng madalas kong sinasabi, mataas man o mababa sa survey basta patuloy lamang kami ni Senator Grace na mag-iikot at ipaparating 'yung aming mensahe: plataporma at pangarap para sa Pilipinas sa mas maraming lugar at sa mas marami nating mga kababayan.

QUESTION: Sir, do you still need na mas mag-ikot na mas madalas? Si Binay...

FGE: Mayroon pero may trabaho din kami ni Senator Grace sa Senado na ginagampanan pa rin namin hanggang ngayon. Hindi tulad marahil ng ibang kandidato na walang parehong obligasyon o mas malayang nakakapag-ikot sa kabila ng kanilang mga obligasyon sa pamahalaan pa ngayon.

QUESTION: Sir, 'yung sa inyo naman nila Grace, Sir. You're still number one pero solely in chained (inaudible).

FGE: Ganun din. Tulad ng ibang survey, magte-taper-off 'yan. Tataas at bababa 'yan. May lalamang, may hindi lalamang. Pinag-aaralan din namin at tinitignan namin bilang giya ang mga numero't survey na 'yun. Hindi namin tatawaran ang isang survey over the other. Lahat pinag-aaralan namin.

QUESTION: Sir but do you see that in the end it will be a close fight between you and Sen. Grace?

FGE: Wala akong tinatawaran sino man makakalaban sa parehong pwesto. Lahat sila kapable, lahat sila may kakayahan na manguna, hindi man ngayon, sa darating na panahon lalo na ako na lang ata ang kandidatong wala pang advertisement. So, sana at nagpapasalamat ako na sa kabila nu'n, maski na papaano'y nandoon pa rin 'yung suporta ng ating mga kababayan.

QUESTION: Sir, kay Sen. Grace. (Inaudible)

FGE: I don't know. Only she can answer that because more often than not or most often the not, siya naman 'yung kinakausap o kausap tungkol sa mga bagay na 'yun. Gaya ng nasabi ko 'yun, wala naman halos nagbibigay sa Vice President dahil ni hindi mo pa alam kung anong trabaho pa ang gagampanan niya maski na manalo pa siya. Pangalawa, ang nag-disqualification case na hinaharap na sumasagot sa mga isyung iyon ay si Senator Grace. Hindi naman ako nakakasama sa mga pagpupulong na 'yun.

QUESTION: But as to your wisdom, Sir. Anong dapat gawin to reassure 'yung mga...

FGE: Kailangan lamang ipaliwanag 'yung legal na sitwasyon na may prosesong dapat sundan at nasa dulo, base sa jurisprudence, base sa mga naunang desisyon ng Korte Suprema ay buo ang aming pag-asa na papabor sa kanya ang pinal na desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa bagay na ito. Ulitin ko, Korte Suprema lamang ang pwedeng mag-disqualify sa isang kandidato. Hindi ang Comelec, hindi ang SET, o iba pang mga bodies na nagpapasya o nagdedesisyon.

QUESTION: Pero, Sir, kapag na-save na po ang ruling puwede kasi siyang (inaudible) talagang matagal po. Bakit (inaudible)?

FGE: Ganoon naman talaga 'yon. Proseso 'yon at wala kaming magagawa kaugnay no'n. Anumang kasong isinampa ay kailangan harapin at sagutin. Pero kung mangyayari nga yung ninanais sana naming mapaboran siya edi siya lamang yung kandidato na sa kalagitnaan o bandang dulo ng eleksyon ay mayroong malaking bounce o bump pa kaugnay sa pagkaka-qualify sa kaniya with finality pagdating sa Korte Suprema, hopefully.

QUESTION: Pero, Sir, yung iiklian pa yung suffering niyo para sa SC. Paano kung ma-drag po ng sobra-sobra?

FGE: Hindi siya puwedeng mag-drag dahil, at the latest, by January ay kailangang magpasya ang Comelec one way or the other at kailangan ng Korte Suprema na magpasya din kung saka-sakali hindi lamang kay Senator Grace kundi sa ibang kandidatong hindi ilalagay yung pangalan sa balota. One way or the other, kailangan mapagpasiyahan 'yan by January dahil ipiprint na yung aktwal na mga balota by the third week or fourth week of January dahil mayroong logistical requirement 'yon sa pag-imprenta at sa pagpapadala sa iba't ibang precincts.

QUESTION: Pero sabi ni Senator Drilon ay by January 19 lang ita-tackle ng SC yung SET case. Possible daw earliest na ma-decide ay end of January na so Comelec might delay na lang daw the printing.

FGE: Sana huwag pangunahan ni Senator Drilon yung Comelec. Independent constitutional body 'yon at desisyon nila kung anong ninanais nilang gawin. Ang options ng Comelec ay ito: ito lamang pag-delay ng printing, option nila ay ilagay kung sinoman ang tingin nilang dapat ilagay sa kabila ng pending disqualification cases tulad ng ginawa nila sa nagdaang election noong 2013 para sa gayon ay hindi maging 'moot' ang anumang magiging pasya ng Korte Suprema kaugnay sa isyung 'yon. Pangalawang puwede nilang gawin ay 'wag isama. Ang problema ay may problema nga 'yon na ma-apektuhan ang due process rights ng mga kandidatong dinisqualify nila na maaaring i-qualify naman ng Korte Suprema. Pangatlong option lamang yung pag-delay ng printing pero may hangganan din 'yon dahil may eleksyon sa May 9 na dapat i-meet at habulin ng Comelec.

QUESTION: Hindi puwedeng gawing first option nila 'yon? Suspendihin the evaluation of the Court?

FGE: Hindi puwedeng first option 'yon. Last option siguro 'yon kung saka-sakali dahil nga mayroon kang May 9 deadline. And if you work your way backwards, kailangang ma-print yung mga balota at a certain point in time dahil kailangang ma-imprenta siya, ma-distribute, ma-pack, at maipadala.

QUESTION: Pero (inaudible), Sir, nangyari na ba 'yan before na sinama pa rin sa balota kahit na yung DQ (interrupted)

FGE: Noong 2013. Noong 2010, mayroong partylist groups na dinisqualify ang Comelec. Hindi nila sinama sa balota pero bago mag-eleksyon ay nanalo yung partylist group. Noong lumapit yung partylist group sa Comelec at sinabing 'paano ito', ang naging sagot ng Comelec ay 'tumakbo ka nalang ulit next election'. Mali naman po 'yon. So, noong 2013, binago ng Comelec yung polisiya nila. Sinama na nila miski na yung may disqualification order sila. Nilagyan lang ng asterisk para gayon ay mabigyang galang kung anumang magiging pasya ng Korte Suprema with finality kaugnay sa disqualification ng mga partylist at candidates na dinisqualify ng Comelec noong panahong 'yon.

QUESTION: Pero partylist noong 2013, sir, wala namang senatorial candidate na may DQ?

FGE: Wala at that time. Wala at that time. Pero mas significant siguro ang pinag-uusapan natin ngayon dahil pangulo o ikalawang pangulo at hindi partylist group lamang.

QUESTION: So, Sir, okay lang na i-move pa yung target date para sa printing ng ballot?

FGE: As a last option siguro. I think it's best for Comelec to decide one way or the other: Isasama ba o hindi. Dahil baka mamaya kapag inantala o dinelay nila 'yan ay maapektuhan naman yung buong eleksyon na i-push pa nila yung eleksyon o yung araw ng halalan sa ibang petsa. Hindi po puwede 'yon dahil nakasaad at nakatalaga sa ating Saligang Batas na dapat ang halalan ay isinasagawa on the second Monday of May kung anumang petsa bumagsak 'yon. Hindi puwedeng baguhin ng Comelec 'yon dahil nakasulat 'yun mismo sa Saligang Batas.

QUESTION: Sir, balik lang ako sa survey, Sir, kasi si Binay ay number one siya ulit so nakatulog ka na for months na hindi siya yung center of attraction?

FGE: Bahagi din siguro 'yon. Parte 'yon pero parte rin yung pag... Tingin ko, ang pinakamalaking parte ro'n ay yung balita at kaugnay sa mga disqualification cases laban kay Senator Grace. At imbis na mapunta sa iba ay tila napunta kay Vice-president Binay yung mga nag-aakalang disqualified o na-disqualify si Senator Grace.

QUESTION: So siya yung nag-benefit doon sa potential voters ni Senator Grace?

FGE: Tila ganoon pero may mas mga eksperto sigurong maaring makapag-sabi base sa kanilang pag-aaral. On first impression, tila ganoon.

QUESTION: Sir tungkol naman kay Senator Grace natanong ninyo ba kung apektado siya sa mga surveys?

FGE: Nakausap ko siya kanina. Ang sabi niya, 'Ang ibig sabihin niyan kelangan nating mas magsipag next year' sabi ko oo naman (laughs)

QUESTION: Pero sir hindi ba parang mahirap sa part ni Senator Grace kasi parang nagiging dating sa tao na disqualified na siya?

FGE: Oo pero may malaking bawi naman iyon. Matapos magpasya ang Korte Suprema pabor sa kanya. Hopefully again ano. Hopefully.

QUESTION: Ay si Secretary Mar kahit mababa sa mga survey he is very confident na kaya niyang manalo bilang pangulo? Sabi nga niya hindi niya kelangang mag identify ng mga areas na palalakasin niya kasi tuwid na daan is (inaudible).

FGE: Alam ninyo kelangan naman siguro talaga bawat kumakandidato may paniniwalang kaya niyang manalo. Kung hindi, hindi na siya magkakandidato. So lahat ng nagpapatuloy ng kanilang kandidatura, lahat ng nagfile ng kanilang Certificate of Candidacy maski papaano may paniniwala palaging pinanghahawakan na may panalo at may pag asa silang manalo. Dahil kung wala iyon, hindi na siguro sila magpapatuloy. Karapatan ng bawat kandidatong mag isip at isipin ang ganiyang uri ng pananaw...

QUESTION: Hindi kayo sir kinakabahan na baka (inaudible)

FGE: Wala namang sigurong ganon at wala pa kaming nakikitang ilan para sabihin iyon. Sa puntong ito, bahagi na lang siguro iyan ng itinatawag nating political noise or political braggadocio. Kaugnay ng nalalapit na halalan. Ika nga pampalakas ng loob ng mga kasamahan at supporters. Ginagawa din namin iyan.

QUESTION: Sir (inaudible) at some point affected sa nangyayari kay Senator Grace ngayon? Like (inaudible)

FGE: Kasama din marahil iyon. Hindi ko maiaalis iyon. Possible iyon. Pero hanggat hindi pa natatapos ang mas malalim na pag aaral namin sa survey, mahirap pang sabihin pero palaging posibilidad iyon. Ha? Teka question muna. Bakit lumabas sa ANC 3.2?

QUESTION: 3.002

FGE: Mali iyong ANC ninyo ha. 3.2-T ang nakalagay. Hindi. Hindi pwedeng madagdagan iyon ha. Sige. For the fifth time sa term ni Pangulong Aquino napasa on time ang budget at nagpapasalamat ako na napasa din ito on time. Isa ito sa mga rason kung bakit nagbitiw ako bilang Committee on Finance Chair sa Senado para matiyak ang pagkakapasa ng National Budget at hindi mahahaluan ng pulitika at pagbabatikos kaugnay ng pamumulitika at eleksyon ang usapin kaugnay ng taunang budget kung ako ang nagpatuloy na nag chair noon. Subalit base sa aming pag rereview, pinanatili at nanatili naman iyong mga safeguards na inilagay namin sa 2014 at 2015 budget. Kaugnay ng DAP at PDAF. Sa muli katulad ng taong ito nasa kamay ng executive branch ang pagpapatupad ng mga probisyon kaugnay sa itinalaga ng Korte Suprema. Kung papaano ipapatupad ang taunang budget. Pwedeng may sabihin din ako kahit hindi ninyo tanungin?

QUESTION: (inaudible)

FGE: Hindi. Nais kong ipanawagan at ipanukala sa pamahalaan at saka sa CPP, NPA and NDF na iyong ceasefire na ipinapairal nila sa ngayon hanggang sa New Year, sana baka pwede namang mapag usapan nila na panatilihin na iyan hanggang sa darating ng eleksyon. At ng hindi na dagdag problema at palaisipan pa iyan. At ng hindi na rin dagdag na pabigatin iyan sa parte ng pamahalaan. Lalong lalo na sa kasalukuyang isyu kaugnay ng West Philippine Sea. Mas maganda siguro tumigil talaga muna ang patayan ng kapwa Pilipino at harapin muna natin iyong mga hamon at pagsubok kaugnay ng mga dayuhan na tila nag pupursige na awayin o makipag away sa atin o hindi tanggapin anumang desisyon, ng International Tribunal. Kaugnay ng isyu ng West Philippine Sea. Paano kapag manalo ang China sabi nila hindi nila tatanggapin?

QUESTION: Hindi naman talaga nila tatanggapin.

FGE: Paano kapag nanalo sila doon? (laughs)

QUESTION: Pero deadma sila. Sabi ni Ryan Chua walang live broadcast, parang delayed.

FGE: Pero pano kung nanalo sila dun at talo tayo. Ang sasabihin naman natin, dahil hindi tinanggap yan, hindi rin namin tanggap yan. (laughs) Ang labo ano. Okay sana samin, pero dahil ayaw nilang tanggapin, ayaw na rin namin tanggapin.

QUESTION: (inaudible) ni Sen. Grace...

FGE: Yung DNA kung mag prove na positive kung saka-sakali, makakaapekto lamang ito doon sa SET case kung saan natural born status ang issue. At kung mapappatunayang Pilipino ang nanay o ang tatay niya, it will be the SET case na pending ngayon sa Korte Suprema at iniakyat ni Atty. David sa Korte Suprema.

QUESTION: Kasi may residence issue...

FGE: Iba yung isyu ng residency naman sa Comelec.

QUESTION: (inaudible) basta lahat ng issue na natural-born malilinis na?

FGE: Malilinis 'yun kung yung magpa-positive sa DNA ay Pilipino ang isa.

QUESTION: Sir, technical po, pag nag positive, ilang percent yata?

FGE: Meron nang rules of court kaugnay sa bagay na yan. 'Yung chances o probability of being a son or daughter, meron nang rules na pinalabas ang Korte Suprema kaugnay niyan. Pero, dahil ito ay sila sila lang ang gumawa, kailangan ipag-utos uli ng Korte na gawin sa isang masusing paraan na sumusunod doon sa rules. Para yung chain of evidence ay protektado. Para sigurado na doon nga galing, kay Sen. Grace nga galing at 'yun nga din yung actual na tinest base sa kautusan ng Korte. Uulitin lang naman uli 'yun.

QUESTION: Speaking of David, nagfile na naman siya against Duterte. So kanino ba talaga si David?

FGE: Well, maliwanag na hindi samin. Maliwanag na rin na hindi kay Mayor Duterte. Dahil pareho kaming recipient o tumanggap ng disqualification case mula sa kanya. Akala ko nga, umasa sana ako, matapos niyang madisqualify na magbabago ang kaisipan niya kaugnay sa pagfile ng DQ. Pero imbes na nanghinaan ng loob, tila mas lumakas pa ang loob magfile ng panibago n namang DQ laban sa ibang kandidato.

QUESTION: Process of elimination sir...

FGE: hindi ko alam ang mga koneksyon ni Atty. David e.

QUESTION: May nakita akong record (inaudible)

FGE: Sige bibigyan kita ng konti, hindi maikakaila na ang pwede lamang panggalingan palagi ng ganitong uri ng mga galaw ay yung mga magbebenipisyo sa ganitong uri ng kasong sinasampa laban sa pili o ilang kalaban lamang.

QUESTION: Sino sir?

FGE: Ang dami ng listahan, mga one hundred twenty yung nag-file for president. (laughs)

QUESTION: Kasi ano, maglalabas na rin yung Comelec en banc, di lalong ano...

FGE: Hindi naman, dahil mareresolba at liliwanag iyan depende, nasa listahan ba siya o wala? Kakailanganin ba ang TRO mula sa Supreme Court para mailagay siya sa listahan o ilalagay na ba talaga yung pangalan sa listahan ng Comelec.

QUESTION: Sir, sino ba ang dapat magsasabi ng ganoon?

FGE: Depende, kung sinong... Kung nasa listahan na siya, di aakyat malamang yung kabila na tanggalin sa listahan. Kung wala siya sa listahan, aakyat kami ni Senator Grace, para malagay siya sa listahan. So depende sa magiging utos ng Comelec.

QUESTION: Di ba sir, kasi ngayon, kapag tinanong na idinisqualify, medyo naapektuhan talaga siya. What more kung in-approve pa ng Comelec en banc?

FGE: Pareho naman na yun, nauunawaan naman iyon ng ating mga kababayan, dahil ang bumubuo ng en banc ay sila rin namang bumubuo noong division. Maliban na lang kung may magre-reverse doon sa mga nagpasiya noong una matapos nilang maliwanagan o muling balik-tanawan yung mga pleadings na fi-nile namin sa motion for reconsideration.

QUESTION: Sir, isa pa po, yung tungkol kay Senator Poe, kahit ano pa ho ang sinasabi ninyo at ni Senator Poe na she's still in the run, Ano pa rin yung tao, parang perception pa rin nila is disqualified.

FGE: Mas maganda na rin siguro na yun yung kailangan naming liwanaging issue, kaysa magpapaliwanag kami sa ibang issue na mas mahirap sigurong i-eksplika o bigyang linaw lalo na kaugnay sa anumang atraso sa taumbayan. At least alam namin na yun ang dahilan, at yun din ang dapat naming iparating sa ating mga kababayan. Nakakalungkot lang na imbis na plataporma, programa, layunin, mithiin ang paguusapan sa halalan, puro mga personal na mga bagay at pagpapaliwanag kaugnay sa kaso ang nagiging paksa sa anumang forum, tulad nito. (laughs)

QUESTION: Pero sir, imagine na lang sir ngayon, di ba nakaka-demoralize, especially for her na she's going around knowing na-disqualified siya by the two divisions?

FGE: Hindi naman, kasi, sa paglilibot niya, isang rason yun para maunawaan at maintindihan ng ating mga kababayan na patuloy siyang nananatiling kandidato sa pagka-pangulo, dahil kung hindi, bakit siya magpapakapagod na iikot pa at pupunta roon? Hindi naman siya up for re-election for any other position except president.

QUESTION: Sir, usapan lang namin, sino ang iboboto mo kapag na-disqualify si Grace Poe? 'Di ba?

FGE: Pero, ibig sabihin din noon na kapag nagpasya ang Korte Suprema, again, hopefully pabor sa kanya. E, di may bump, may bounce at manunumbalik lahat iyon. Dahil wala namang ibang isyu na ipinupukol sa kanya maliban doon. Walang ibang kandidatong may bounce that late in the elections, if ever. Kasi, by that time nag-advertisement na lahat. By that time ,nasabi na nila lahat ng gusto nilang sabihin. By that time, nagsayaw at kumanta na iyan sa stage. Nagpatawa na. Si Senator Grace ay isang nakabinbing isyu pa na maaring makatulak o maka-push sa kanya na umangat ng malaki matapos na mabigyang linaw.

QUESTION: Di'ba Sir, sabi ni PNoy si Mar Roxas may solido na siyang boto?

FGE: Oo, tila may mga solid siyang mga dalawampung porsiyento. Pero, sa pananaw ko ay hindi sapat ang dalawampung porsiyento para manalo.

QUESTION: At puwede pang mabago iyon, Sir?

FGE: At puwede pang, gaya nga ng sabi ko magbabago at magbabago pa rin iyon.

QUESTION: Kasi Sir, makakalimutan ba kaya ang mga isyu na ibinabato laban sa kanya?

FGE: Hindi ko alam. Hindi ko alam kasi minsan ang pinagpipilian ng ating mga kababayan between A or B, C or D. So, ang isyu minsan ay pumapangalawa lamang sa kung sino ang mas gusto nila kung mawawala ang isang kandidato. Sa kasalukuyan, may dalawang kandidato na nahaharap sa disqualification case, si Mayor Duterte at saka si Senator Poe.. So, bahagi rin siguro iyon ng numero na lumalabas kay Mayor Duterte. Although hindi yata nacapture ng survey period iyon. Dahil iyong mga DQ case ay isinampa pagkatapos na. At saka hindi tulad ni Senator Grace na may desisyon laban sa kanya. Kay Mayor Duterte, wala pang desisyong lumalabas laban sa kanya kung saka-sakali. In fact, iyong naunang lumabas ay pabor sa kanya kaugnay sa COC na nai-file laban sa kanya.

News Latest News Feed