Press Release
January 20, 2016

PRESS CONFERENCE TRANSCRIPT
SEN. GRACE POE AND SEN. CHIZ ESCUDERO

DASMARINAS, CAVITE
20 January 2016

Question: Magandang umaga po, ako po si Rebecca Velasquez ng Pulso. Ang tanong ko po kay Senator Grace Poe. Noong December 25 pormal na inilunsad ang ASEAN Integration kung kabilang ang Asean Economic Community dito. Isa sa napapaloob sa Asean Economic Community ay ang treaty for goods, services, investments and skill of labor. Kung kayo po ay mauupo sa puwesto mayroon po ba kayong konkretong hakbang at inisyatibo upang masigurong mapo-protektahan ang interes ng manggagawang Pilipino dahil lalaki po ang kompetensya nila sa merkado, dahil sa nakaambang pagpasok ng skilled worker mula sa Asean Region.

Poe: Yung Asean Economic Integration ay makakatulong sa atin kung tayo ay buo, kung tayo ay talagang handa para dito. Tama yung tanong mo, papaano natin matutulungan ang ating mga manggagawa. Magagawa lang po natin iyan kung ang ating mga polisiya ay magiging maayos, ang ibig sabihin nito, papaano natin mae-enganyo ang mga namumunuhan na pumunta dito sa ating bansa. Unang-una, napakataas ng ating mga buwis, ang ating corporate income taxes at saka yung ating personal income taxes mataas kumapara sa ating mga kapitbahay. Pangalawa, ang proseso ng pagtatayo ng negosyo dito ay napakatagal at napakahirap ikumpara sa iba. Pangatlo, may issue pa rin tayo sa transparency at corruption sapagkat hindi pa natin naipapasa ang FOI. Kaya ko nabanggit sa iyo iyan ay ganito. Para magkaroon ng mas maraming manufacturing jobs sa Pilipinas, kailangan ay magtayo ng mas maraming mga pabrika, mas maraming mga korporasyon dito. Pero hindi mangyayari iyan kung hindi natin ayusin ang mga bagay na ito. Kaya yung mga economic provisions sa ating Konstitusyon ay kailangan din nating tingnan. Kung papaano natin halimabawa mapapalawak ang pagmamay-ari ng dayuhan pero sa ibang mga industriya lamang at hindi sa lahat. Pangalawa, importante rin kasi na dooin sa ating agrikultura, halimbawa kung saan sa ibang bansa, napakalakas ng kanilang agrikultura, bigyan din natin ng sapat na tulong ang ating mga magsasaka. Irigasyon, farm to market roads, post-harvest facilities at saka kapital at crop insurance. Kasi kung hindi natin gagawin iyan, lahat ng mga produkto sa ibang mga bayan, sa ibang mga bansa ay dadagsa dito na hindi naman natin kayang, hindi natin kayang makompetensyahan sapagkat nga dito mas mahal magproduce dahil mahirap ang ating mga magsasaka. Lahat ng mga bagay na iyan ay dapat natin talagang paghandaan dahil pag ginawa natin iyan at naging mas maayos, ako ay naniniwala, mas maraming magkakagustong magtayo ng negosyo dito. Una, ang ating populasyon ay bata. Ikumpara mo sa ibang mga bansa sa Asya, yung ating median age dito ay nasa 23 years old. Iyan ay very enticing sa kanila. Pangalawa, ang mga Pilipino magaling mag-Ingles. Pangatlo, yung ating bansa mas hospitable talaga kaya hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa pero kailangan lang natin ayusin ang ating sistema.

Question: Pangalawang katanungan po. Para po kay Senador Chiz Escudero. Rachel Ann po ng Cavite Times Journal. Kamakailan po sir, ayon sa sinabi po ni Senator Sotto wala pong budget na nakalaan para sa contraceptive na... contraceptive po. Pero ano po ba ang masasabi niyo rito kasi walang nilaan na budget ang government para doon pero taliwas naman po sa pagpasa sa RH law.

Escudero: Isa po ako sa bumoto at sumuporta sa RH Bill noong iyan pinagbotohan sa Senado. Binawasan po yung budget, pero hindi totoong wala dahil maliban sa budgetary allocation ng national government, mayroon din po kasing pondo na nanggagaling sa labas, galing sa mga international at foreign agencies patungkol dito. Sa katunayan, sa nagdaang tatlong taon, ang pondo para sa RH dito sa ating bansa partikular, iba't-ibang paraan o modalities ng contraceptives, nanggagaling po sa foreign funding ng pamahalaan. Dito sa ating bansa partikular iba't-ibang paraan o modalities ng contraceptives, nanggagaling po sa foreign funding ng pamahalaan. Hindi man po zero, mayroon pong pondong nanggagaling sa labas galing po diyan. Mina-manage lang po ng pamahalaan 'yung pondo nila. Kung may panggagalingan sa ibang sources, hindi na po siya popondohan mula sa local or domestic surface pero may pondo pa rin po para ipatupad ang RH Bill. Sa contraceptives man ay wala locally. Meron naman pong pondo para sa information dissemination na para sa akin, iyon ang mas mahalagang bahagi, iyon ang mas mahalagang trabaho na dapat pong ginagampanan sa ilalim po ng RH Law.

Question: Nasabi niyo po sa legalities ng disqualification na whatever decision po ay tatanggapin niyo. Kung sakali, if ever po na kayo po ay nadisqualify ano po ang hakbang na gagawin niyo?

Poe: Kung ano man ang natitirang legal na proseso ay ating tutugunan subalit kung ano po ang pinal na desisyon ay siyempre tatanggapin iyon. Unang-una ako po'y mambabatas. Dapat ay pinapahalagahan ko ang batas. Siyempre hindi mo maiaalis kung kami ay salungat ang aming pananaw. Subalit kami naman po ay kumpiyansa sa aming legal na kinatatayuan ngayon. Sa totoo lang, hindi naman namin talaga iniisip na kami ay madidisqualify. Kaya lamang po gaya nga ng sinabi ko, dapat talaga ay handang tanggapin maski na sino, 'yung magiging desisyon.

Question: Gusto ko lang i-clarify ma'am, para at least galing po sa inyo. 'Yun pong isang ad na kumakalat sa facebook para kasing black propaganda na ang dating 'nung ginamit niyo na ang national anthem ng America. Tapos merong caption doon na 'yung advertising agency daw po ninyo, ginawa daw po nila iyon dahil pang-asar po sa inyo dahil hindi sila nabayaran. Ano ho 'yung talagang totoo sa kuwentong ito ma'am?

Poe: Siyempre naghahanap sila ng dahilan para magpost 'nun. Unang-una hindi ko po alam kung anong grupo iyon. Lima po sila. Kausapin ko sila kung meron man sapagkat 'yung aming mga kasamang magtrabaho para sa...'yung tumutulong sa'min e kilala ko naman lahat at 'yun pa ay tatakbuhan mo? Siyempre hindi. Hindi ko nga alam kung sino 'yung nagpapalabas 'nun. Hindiko na rin pinapansin dahil marami naman ganyan talaga ang lumalabas sa FB.

Escudero: Ewan ko dito kay Jiggy kung sino 'yun.

Poe: Magpakilala sila.

Question: Ricky Cruz po. Kahapon po sabi niyo, kinakabahan po kayo tungkol po 'dun sa Supreme Court. Ano po ba ang nararamdaman niyo Madame Pangulong Grace Poe sa magiging desisyon ng Supreme Court?

Poe: 'Yung sinabi kong kinakabahan, siyempre Korte Suprema maski na sinong pumunta doon, lalong lalo na ikaw ang pinag-uusapan, kahit naman anong forum pero hindi naman po ako natatakot kasi iba naman 'yung kaba niya. Iba rin 'yung takot ka talaga. Ang sa akin naman, ako'y naging kumpiyansa at kuntento sa mga naging sagot ng aming abogado sapagkat lahat naman ng mga itinanong doon ay nasagot niya ng tama at totoo.

Question: 'Yung committee report [on Mamasapano] ma'am was for the President... pero walang specific na recommendation. Pero bilang 'yung bagong ano nagtetraining for the defense, (Inaudible). So okay na kayo na ma-amend 'yung committee report na sinasabi niyong evidence against the president?

Poe: Sa ngayon, tinatayuan namin ang report na 'yon. Wala kaming ninanais palitan o dagdagan doon subalit gaya nga ng sinabi doon sa aming diskusyon, siyempre kung may bagong ebidensya na magpapalit, hindi naman pwede na hindi natin ikonsidera iyon. Pero ako naman ay kumpyansa na natanong na namin kasi ang mga dapat naming tanunging, siguro iba lang ang style ng pagtatanong ni Senator Enrile, ipinapaubaya namin sa kanya yung pagkakataon na iyon sapagkat wala naman nag-object, nobody objected from the Rules Committee and even during plenary walang nag-object.

Question: Clarification lang, after nung na-conduct yung report, magkakaroon na ba ulit nang specific na recommendation sa president?

Poe: Dahil kapag sinabi mo naman responsibilidad mo iyon ang ibig sabihin lang naman nun ay mayroon ka ding direktang authority para doon pero unconventional nga kasi dahil yung chain of command ang ating tinatanong pero kapag nagkakamali, halimbawa yung isang commander, yung sa kanyang desisyon yung sa ground, hindi mo din siya maho-hold liable for any criminal liability kung wrong judgment call. Hindi ko sinasabing yung sa pangulo ay ganun, basta yung sinasabi namin dahil nga siya ang commander-in-chief at may kausap siya, mayroon siya talagang responsibilidad doon.

Escudero: Dagdagan ko lang Miles. Yung report na finile ni Senator Grace, pinirmahan iyon ng dalawampu't isang senador. Kung babaguhin iyon kailangan tanungin mo muna yung dalawamput isa. Kung may karagdagang impormasyon si Senator Enrile kung saka-sakali, ilalabas iyon sa pamamagitan ng supplemental report dahil nangyari pagkatapos ng pagdinig na ginawa namin. Kaugnay ng pananagutan ni Pangulong Aquino kung saka-sakali, nabanggit mo na din, impeachable officer siya at hindi maaaring mapanagot sa ano man at naging maingat din kami dahil kapag nilagyan namin ng pananagutan ang commander on the ground dahil may maling ginawa, ang takot namin, baka mabalihibuan o kabahan na yung mga commander natin, hindi na magdesisyon on the ground dahil baka masampahan siya ng kaso. Baka wala na tayong commander na magsabi o commander-in-chief na magsabing attack dahil baka nasa likod ng utak niya ay kapag mali itong utos kong ito ay madedemanda ako. Ayaw din naman naming itali yung kamay nila at conscious at sensitive kami doon sa posibilidad na iyon sa report nung ginawa iyon ni Senator Grace.

Question: One last na lang po, kung magkaroon po ng recommendation, I mean, kasi kapag (inaudible) especially yung mga actions ng president, whatever the findings of the committee, in that case, is the said evidence required?

Escudero: Nangyari na iyon noon, hindi bilang ebidensya kundi bilang isang basehan ng reklamo o kaso. Nasa korte muli iyon para ipresenta yung aktwal na ebidensya na magpapatunay doon sa sinabi o nilalaman ng report pero maging basehan ng pagsampa ng kaso, oo, ilang ulit na din nagawa iyon partikular sa PDAF cases laban sa ilang senador at congressman, yung report ng Senado ay ginamit bilang basehan sa pagsamapa ng kaso.

Poe: Yung Board of Inquiry BOI? Di ba yung PNP kay General Magalong? Magalong yung BOI? Sa BOI. Iyon din ay isang cross reference kung saan pwede nating tignan kung nagkakatugma yung mga salaysay nung mga nandoon at mga namumuno ukol dito. Mayroon din silang mga rekomendasyon pero gaya nga din ng sinabi ni Senator Chiz na co-chair na natin dahil siya dati yung sa Finance e. Sila din ay nag-iingat dito sa mga magiging rekomendasyon nila dahil nga ayaw din nila na mawalan nang loob ang ating mga commander o sino man na mga sundalo at pulis natin kapag mayroong mga bakbakan sa ground.

Question: Mam, follow up ko lang po about diyan kasi kahapon yata si Senator Osmeña sinabi niya na parang personal vendetta daw baka ang gagawin ni Senator Enrile dahil nga kay Pnoy and sa sitwasyon nila so hindi po ba kayo nagaalangan na maaaring magamit ang kumite na ang chairmanship ay nasa inyo dahil diyan?

Poe: Noong binasa yung section 32, when there are new findings or, basta under section 32 hindi lang new evidence pero new findings o kung ano pa man but is clinged by one of the senators or kung sino with regards to the report ay pwedeng buksan ulit. Ngayon pinapayagan lang natin siya under that atsaka bilang respeto na rin na kasama siya sa Senado. Siya'y isang colleague namin, subalit sabi ko nga, pagbibigyan namin siya sa mga katanungan. Pero 'pag nakikita na namin na lumalagpas na du'n sa mga direktang may kinalaman dito sa Mamasapano at nagiging personal, siyempre bilang presiding senator ay kailangan ko talagang pigilan din 'yun.

Question: Hi, ma'am. Good morning po, good morning sir. Ma'am, yesterday you've mentioned na the mere presence of your mom is enough proof of her support for you but as much as we understand that you respect her so much and you don't want her to be hurt. Is she ready to speak on the circumstances of your adoption?

Poe: My mom has always been ready to speak about that. Hindi lang talaga sa ngayon. Siyempre 'yan ay nasa korte na. Pero kahit naman sino ang magtanong ay bukas naman siya sa naging istorya ng buhay namin. 'Yon nga yung kanyang ikinalulungkot, sapagkat para bang nakukuwestiyon ang pagmamahal, pag-aaruga ng isang mga katulad niya na ikaw man ay mayrong adopted na bata o mayron kang biological child. Pareho rin naman ang pinagdadaanan ninyo bilang magulang.

Question: Kasi ma'am she has been medyo quiet about it even if she was already asked. Parang sinabi lang niya na it was a long walk. Hindi siya nag...

Poe: Pagpasensyahan niyo na kami. Alam niyo yung nanay ko ay hindi na rin ganon kabata ngayon. Tapos naglakad din siya mula Padre Faura papunta du'n at may mga nakakita sa kanya na nadapa siya. Hindi na lang niya ipinakita yung kanyang pagdadaing, pero yung paa niya medyo namaga doon. Naawa rin ako. Actually 'yun yung naawa ako sa nanay ko nu'n e, sapagkat siyempre 'pag ganon ka na at mayron ka ng pinagdadaanang emosyonal tapos nangyari pa 'yun sa'yo. Naawa rin ako sa kanya. Hindi ko nga siya gustong ilagay sa ganong sitwasyon. Pero gaya nga ng sinabi ko, iba parin 'pag andun yung nanay mo. At siya mismo ang gustong pumunta rin du'n para ipahiwatig sa amin na nandun naman siya para bigyan kami ng lakas ng loob.

Question: Ma'am, tanong ko lang rin. Kasi before you mentioned in a radio interview that your husband is willing to renounce his American citizenship, bagamat hindi naman talaga required. Pwede bang manghingi ng update. Has he renounced his U.S. citizenship or is he ready to renounce it anytime especially now that you're encountering a lot of challenges, ma'am?

Poe: Of course. Kung mapapansin niyo kasi yung sa akin ano, matagal na nga naproseso. Ilang buwan ang inabot kaya nga tinanong nila. Kaya lang I have to immediately do it in front of a public officer dahil nga I was assuming a post not to be able not to comply with that. Kailangan mong ilagay yung mga assets and liabilities. Marami kang mga kailangan suriing mabuti. Atsaka isa pa ang asawa ko ay natural born tala 'yon. Nagkataon lang yung mga magulang niya nag-aaral du'n. Kaya nga hindi ko alam kung talagang nagiging isyu. Siyempre 'yan ang hinahanapan nila ng dahilan, pero hindi naman talaga 'yan isyu.

Question: Ma'am you mentioned in the last time that I asked about the DNA that there a lot of other variable tests that need to be done. Nasaan na po tayo ngayon du'n because I think this is already the third week. So from the December 29 na nakuha po dumating sila sa Metro Manila December 31 so...

Poe: Third week na. Kailangan nang mag-follow up.

Question: This is the third week.

Poe: So kailangan nang mag-followup.

Question: If you already have an update?

Poe: Wala pa, wala pa namang official na natatanggap na resulta. Pero kung mayron man o hindi, hindi naman namin ipriprisenta ito. Sapakat yung aming mga basehan na legal ay hindi naman naka-anchor dito sa DNA test.

Moderator: Bilang pinakamalaking boto na nanggaling po dito sa probinsya ng Cavite, sinu-sino po ba ang mga kaalyado niyo dito? Atsaka ano po ba ang mga plano niyo para sa Cavite kung sakali kayo ang manalo?

Escudero: Sinong kaalyado namin? Kayo. (Laughs) Tumatakbo po kami bilang independiyente. So hindi tulad nung mga kandidato na may partido, may maituturo po silang kapartido nila dahil dala yung pangalan ng partido nila. Kami po independent kaming tumatakbo, so sinumang indibidwal o grupo na kakarga o magdadala sa aming kandidatura, iba't iba sa bawat lugar. Karamihan po ay hindi naman din mga pulitiko. Kung meron mang pulitiko na lalabas o lider na lalabas, siguro sa hindi malayong hinaharap po iyon. Pero kung kami ang tatanungin ninyo, indepedent po kaming tumatakbo dahil sa simpleng paniniwala. Sinuman ang magiging pangulo o pangalawang pangulo ng bansa dapat po ang tawag niya sa kaniyang partido hindi na NP, LP, NUP o NPC. Dapat po Pilipinas na, para lahat tutulungan niya, lahat aasikasuhin niya. Walang pili, hindi tulad ngayon minsan kapag ka kapartido, may proyekto. Kapag ka kalaban, may kaso. Dapat ho pantay ang pagtrato, dahil ang kahirapan o kalamidad walang naman pong pinipiling kulay o partido. Dapat ang paninilbihan, wala din po.

Poe: 'Yung mga plano natin sa Cavite, nung pumunta nga kami dito nakita natin napakarami ng mga academic institutions. Ang laki ng development talaga. Ang importante, inter-connectivity. Unang-una, yung mga dapat na proposals sa train systems natin dapat abot sa Bacoor. Maimplementa na agad 'yan. Lahat ng mga right of way issues, lahat ng mga balakid dito ay dapat alisin na. Sapagkat mas magiging madali para sa mga kakabayan natin na magtrabaho dito, magtrabaho sa mismong sentro sa Manila at umuwi dito na walang...hindi na ganun kalayo at hindi na traffic. At kapag mas mabilis ang daloy ng biyahe, mas mabilis din tayong makakagawa ng trabaho natin. Importante 'yan, 'yun sa tingin ko ang prayoridad. Pangalawa, marami pa rin dito, importante talaga na mabigyan natin ng tamang suporta. 'Yung mga ating estudyante, napakabata rin ng ating populasyon dito sa Cavite. Na mabigyan sila ng tamang kalidad ng edukasyon, ipaimplementa natin na sinuman ang gustong mag-college, 'yung UNIFAST Law, dapat kapag ka hindi nila kaya libre na 'yan. O kaya pwede silang umutang na maliit ang porsiyento at babayaran lamang nila kapag nag-graduate na sila. At gaya nga sinabi mo kanina, dapat talaga na maghikayat tayo ng mga mamumuhunan dito para sa lalo pang lumaki ang ating economic base at industriya. Akalain niyo kapag may nagbukas dito na isang malaking kumpanya. Mas maraming trabahong malilikha. So trabaho, inter-connectivity at transportasyon, at edukasyon para sa ating mga taga dito. Thank you po.

Escudero: Dagdag ko rin ng konti, Cavite ang expansion area ng Metro Manila sa South. At Bulacan, Pampanga naman sa North. Sa hindi malayong hinaharap, patungo na po dito ang development sa katunayan, meron nga kayong investment. Nabanggit nga ni Sen. Grace kanina, mula sa malaking kumpanya, P90 billion bilang paunang investment sa real estate development dito sa Cavite. Ang expansion area papunta rito, ang proyekto ng gobyerno dapat papunta rin dito sa pamamagitan ng serbisyo publiko. Kalye man 'yan, tulay, train o patubig dapat makarating dito. Dahil ito na ang bagong mga sentro at bagong mga siyudad ng Pilipinas at bansa. Darating ang panahon, magiging old town ang Metro Manila. At 'yung mga bagong siyudad nandito na sa area ng Cavite, ng Batangas sa South; ng Bulacan at Pampanga sa North. At sana, 'yung mga pagkakamali nating ginawa o nagawa sa Metro Manila ay maiwasan natin dito sa mga panibagong siyudad na gagawin at ginagawa natin dito sa Cavite at Batangas.

Question: May additional ano lang po ako, doon po sa traffic, Grace Manyaga po. Follow-up lang po about doon sa traffic kasi po last campaign po, dito rin po sa Dasmariñas. Sinabi po ng pangulong Aquino, na kung hindi po masusulusyunan ang traffic dito sa Cavite magpapasagasa daw po siya sa tren. Which recorded naman po namin dito. So ano pong comment mo Sen. patungkol sa...kasi po 2016. Siya rin po ang nagsabi na 2015 kapag hindi po nagawan ng solusyon 'yung traffic, magpapasagasa po siya sa tren ng 2016. Ano pong comment niyo dito? Sinama niya pa po si Sec. Abaya.

Escudero: Sinong mauuna?

Question: So ano pong masasabi niyo dito sa sinabi ni Pangulong Aquino.

Poe: Ayaw naman nating mangyari 'yun, maski na panindigan niya 'yun, tayo na mismo ang pipigil sa kanya. Lahat naman tayo minsan ay nagbibitiw ng salita, lalong-lalo na kapag kumpiyansa tayo sa kasama natin. Nakakalungkot pag ang mga dapat magpatupad nito na inaasahan mo, ay hindi nagawa ang nararapat gawin. Isispin anman kasi din ninyo, syempre ang pangulo, ang dami din iniisip. Ilalagay mo dapat, kaya nga kung dapat, kung sino ang magiging Pangulo, kasama sa iyong trabaho ay maglagay ng mga taong may kwalipikasyon, pero hindi lamang yun, may malasakit at merong integridad, sa isang posisyon. Sapagkat, lahat yan, kahit na hindi ikaw direkta angmay kasalanan, ay babalik sa iyo bilang Pangulo. Kasi tulad nitong Mamasapano, diba ganun din naman? Kaya para po sa akin, kawawa naman s'ya na nabigo s'ya sa kanyang mga ibang naitalaga. Pero ang ibig sabihin lang nun, para sa amin na tumatakbo ngayon, ay ito ay isang hamon na dapat naming ipatupad at ipapatupad. Kasi ako, may mga anak din akong bata. Bilang isang magulang, kung mas maikli ang aking paglalakbay sa trapiko araw-araw, mas may oras ako kasma nila. Mas marami akong magagwa. Nasa interes nating lahat ang mabilis na pagbyahe. At sabi nga ni Sen. Chiz, ito ay nagiging bagong, parang mga city centers na natin. Nangangarap tayo na magkaroon ng mas madming trabaho dito. Tama yun. Pero bagon natin ding isipin yun, i-layout na natin ang groundwork para mas mabilis din ang daluyan ng pagbyahe.

Question: Sa sinabi n'yo po, masasabi n'yo po ba na bigo si Pangulong Aquino sa pagtatalaga n'ya kay Sec. Abaya? Kasi po... S'ya mismo nakarinig nung salita ni Pangulong Aquino during that time.

Poe: Nasabi ko na ang lahat ng nasabi ko tungkol sa kanya. Kami po ay magre-release ng isang committee report sa mga darating na linggo, tungkol dito sa MRT. Para sa akin, ito'y kanyang lugar. Ayoko nang gatungan.

Escudero: Kaibigan at kasama ko dati noong si Sec. Jun. Hindi lang naman siguro kami ang dismayado. Pati kayo dismayado rin. Pati nga si Pangulong Aquino dismayado rin. Kaya imbis na s'ya na lang, hinili na lang n'ya si Sec. Abaya. Dismayado din naman siguro tayong lahat. At bilang constitutents, bilang mamamayan na boss ni Pangulong Aquino, may karapatan naman tayong madismaya sa anumang performance o trabaho ng maski na sinong opisyal, saan man s'ya galing. Trabaho at obligasyon nating paalalahanan at sabihan sila, kung may pagkukulang o nagkukulang sila, na s'yang ginagawa lang naman po namin.

Question: Magandang umaga po, Sen. Grace Poe. Katanungan ko to kasi marami ang nakakikita sa mga botante. Sana po kahit anong mangayri sa desisyon ng Supreme Court at ng COMELEC, gusto pong malaman namin kung tuloy pa ang pagtakbo ninyo. Yun po ang katanungan ko.

Poe: Salamat po sa inyong katanungan. Syempre gusto naman natin talaga paglingkuran ang ating mga kababayan sa mas malawak na paraan. Kaya lamang po, syempre kailangan din nating sundin kung anuman ang magiging desisyon nito.l Sila naman po talaga ang makakapag-desisyon n'yan. Pero sa ngayon, tayo po ay patuloy na kandidato. At habang nananatili ang ating pangalan dito sa listahan na ito, tayo naman po ay tuloy pa rin.

Escudero: Ang kahulugan po at bisa ng TRO na inissue ng Korte Suprema, sa botong 12-3 ay ito, pinatigil nila ang COMELEC sa anumang hakbangin na i-disqualify si Sen. Grace, dahil nasa kamay na nila ang bola. Wala na po sa COMELEC. Dahil at bugso ng TRO ng Korte Suprema, pinag-utos din sa COMELEC na ilagay ang pangalan ni Sen. Grace sa balota para hinid mapawalang-bisa anumang desisyon o kapasyana na ibababa o igagawad ng Supreme Court kaugnay ng kanyang kaso. Nangyari po kasi yan nung 2010. May isa pong partylist na dinisqualify ng COMELEC, tapos pagdating nga pag-printa ng balota, hindi po sinama ng COMELEC, pagdating ng Abril, nanalo yung partylist sa Supreme Court. Ang sabi po ng parylist sa COMELEC, panalo na ako paano na yan? Sagot po ng COMELEC sa kanya nung 2010, tumakbo ka na lang ulit sa 2013. Hindi naman ho yata tama at makatarungan yun. Kaya bahagi sa pinag-utos ng Korte Suprema tumakbo ka na lang ulit sa 2013. Hindi naman ho yata tama at makatarungan 'yon. Kaya bahagi sa pinag-utos ng Korte Suprema, habang dinidinig yung kaso, ilagay ang pangalan ni Senator Grace sa balota. So, bilang katugunan po sa katanungan niyo, kandidato si Senator Grace sa pagkapangulo. Hindi po nabago yun ng mga kalaban ni Senator Grace. Bigo po silang ipa-disqualify at ipa-tanggal yung kanyang pangalan sa balota. At kung hindi po siya kandidato, ano naman po sa tingin niyo ang ginagawa namin dito?

Question: Follow up lang po sa question, kay Senator Poe na po. Do you have any regrets that you did not accept the offer of Mar Roxas to run with him?

Poe: Lahat 'yan bago po pagdesisyunan ay medyo naisip ko nang mangyayari e. Pero syempre hanggat hindi nangyayari, hindi mo naman talaga mararamdaman yung buong hagupit nito, pero hindi ako nagsisisi kasi ganito 'yan. Nung kami nag-usap ng ating Pangulo, malinaw naman sa aming pag-uusap na ang aming sinisikap ay gawin kung ano sa aming pananaw ang magagawa naming kabutihan sa bayan, yun talaga yun. Kaya hindi ako nagsisisi at kung mayroon man akong ikinalulungkot ay syempre dahil ako naman po ay naging kasama rin ng ating Pangulo, yun lang. Pero hindi ako nagbabago ng isip o nag-iisip na dapat hindi ko ginawa 'yon. Yun lang ang alam kong sigurong hindi nangyari kung ako'y sumama sa kanila, siguro hindi magiging ganito kabigat lahat ng mga kaso laban sa akin. Pero hindi naman natin malalaman dahil tapos na 'yun e, iba yung sitwasyon ngayon.

Question: Ma'am, kanina binanggit ninyo na kawawa si PNoy, hindi natupad yung pangarap natin. Naging mabait siya sa mga kaibigan niya. Pati yung (inaudible), pagiging mabait pa ba iyon sa mga kaibigan niya na inuupo niya

Poe: Ang sinabi ko, hindi naman sa... ewan ko kung nasabi kong kawawa. Pero nabigo ang ating Pangulo. Oo, mabait ang ating Pangulo at dapat maging mabait rin ang sinumang mamumuno. Importante naman, hindi naman nangangahulugan na 'pag mabait ka ay hindi ka rin strikto sa mga nararapat na matugunan na responsibilidad. Kaya nga doon sa first 100 days. kung saan itatalaga ang ating mga gabinite, kasama doon syempre titingnan natin ang kanilang kwalipikasyon. Ilalagay natin doon ay ang kanilang deliverables. Ibig sabihin, ito yung minimum na expected sa inyo. Ipa-draft natin sila at kami rin ay dapat mayroon dito. Kasama ng ating development plan. Kapag hindi nila nagagawa 'yon at nakikita natin na palpak, 'wag na tayong magpatumpik-tumpik sapagkat ang anim na taon, nakita naman natin, ay napakabilis na natatapos. Bigla na lang, parang nandoon lang tayo sa inaguration tapos anim na taon na. So, hindi tayo pwedeng magsayang ng oras. Ngayon, tungkol sa kaibigan at kung sino pa man. Ang importante ay kwalipikasyon. Okay lang siguro kung kaibigan mo kung magaling at nakita mo naman kung ikukumpara mo sa iba ay yun na yung pinakamaaasahan mo. Pero syempre may mga ibang posisyon rin na mas mabuting wala nang affiliation para walang duda kung bakit ka nagtalaga ng mga katulad nila.

Escudero: May kasabihan sila, huwag mong isasama ang kaibigan mo sa negosyo at trabaho dahil sa dulo dalawang bagay lang ang pwedeng mangyari. Mag-aaway kayo o papalpak yung trabaho o negosyo na pinasukan ninyo. Hanggat maaari, dapat yung pagkakaibigan sa labas ng trabaho, sa labas ng anumang dapat at gusto mong gawin. Hindi lamang para maging maayos yung trabaho, para hindi na rin kayo magkaaway o matigil yung pagiging magkaibigan ninyo.

Question: Kapag kayo po ay nahalal bilang pangulo at pangalawang pangulo, ipagpapatuloy niyo pa ba yung slogan ni PNoy na tuwid na daan?

Poe: Sabi ko nga walang monopolya ng tuwid na daan. Ang prinsipyo niyan ay tama para sa atin na gawin ang nararapat, kung anong maayos at makatarungan. Nakita natin na marami pa tayong pwedeng gawin para mas maging hindi lamang tuwid, maliwanag, maayos, mabilis ang ating landas na tinatahak.

Escudero: 'Yan po ang isa pa sa mga rason, nakaligtaan ko kanina, kung bakit kami tumatakbo bilang independent at walang partido. 'Yung kandidato ng administrasyon ang palaging sasabihin, itutuloy namin 'yung ginawa ng administrasyong ito. Para naman kasing tama lahat. Halimbawa, ayaw nilang babaan ang buwis. Sabi ng kandidato ng administrasyon, itutuloy namin 'yung hindi pagpayag na babaan ang buwis. Vineto ni Pangulong Aquino 'yung SSS. Sabi ng kandidato ng administrasyon, "Ang galing. Tama 'yung ginawa niya." Bagaman nu'ng pinagbotohan 'yan, bumoto 'yung mga miyembro ng LP pabor doon. Pangatlo, alam niyo 'yung kandidato ng oposisyon ang sasabihin namin: "Mali lahat ng ginawa ng administrasyon." Maski na tama. Kami po'y tumatakbo na walang partido dahil sa paniniwala namin. Tama na ang bangayan at sisihan. Pagkatapos ng eleksyon, simple ang pamantayan at panuntunan. Dapat ang susunod na pangulo at ikalawang pangulo, ipagpatuloy ang mga tao at maayos na nagawa ng kasalukuyang administrasyon. Itigil 'yung mga masama at mali at punuan 'yung pagkukulang. Para hindi kada bagong administrasyon nagsisimula na naman tayo palagi sa simula. Pagpulutan na natin ng aral ang pagkakamali nu'ng nakaraan at let's try to build on whatever it is this administration has started and move forward from there.

Question: Sir, may move sa Senate para i-override po ang SSS pension bill. Ano na pong nangyari? Na-solusyon niyo daw po ba 'yun, Senator?

Escudero: Hindi ko aangkining resolution 'yun. 'Pag inangkin ko 'yun baka maraming hindi pumirma. 'Yung authors po nu'n 'yung mga pipirma. Pero may pinapaikot po kaming resolusyon na hindi pa nakakakalap ng sapat na pirma. Siguro 'pag nasagad na namin lahat ng kayang makuhang pirma, du'n na lamang namin siguro ilalabas to be fair to those na hindi pa nabibigyan ng tsansa na ilagay 'yung pirma nila. Unfair kasing ilabas na hindi pa naman nakikita ng lahat. Baka sabihin napilitan na lang dahil may lumabas. Pantay-pantay at sama-sama ko sanang gustong matanong ang lahat kaugnay nito kung talagang pipirma ba sila sa sense of the Senate resolution. Hindi kasi kami pwedeng mag-override nang hindi nag-ooverride ang Kamara dahil ang House... ang Kamara ang house of origin ika nga nu'ng SSS increase pension bill. 'Yung compromise na binabanggit ngayon ng Kamara, naguguluhan din ako doon. Bakit hindi 'yan sinabi at inalok ng SSS? Ang posisyon ng SSS, ayaw namin sa P2,000 period. Ba't hindi sila nag-alok ng, pwede ba 200? Ay hindi, 1,500. Pwede ba 500? Ay hindi, 1,200. Wala e. Ang sabi nila, ayaw lang talaga nila. Tapos pabago bago pa 'yung figures nila. Nu'ng una silang humarap sa amin, 1,100,000 pensioners daw. Sa kalagitnaan naging 1,500. Nu'ng presscon po nila last... the other day, 2,100,000 na raw ang bilang ng pensioners. Hindi ko maintindihan ba't pabago bago ang kanilang datos. Ika nga nu'ng kasabihan: 'pag gusto palaging may paraan, 'yung ayaw palaging may dahilan.

Question: Sir, possible pa po ba na ma-reach natin 'yung quorum? Lalo na po may sinabi din si Sen. Villar na hindi na raw possible dahil elections season. Mahirap na daw maka-gather ng quorum.

Escudero: Tatlong linggo na lamang ang sesyon ng Senado. Sana kasama kayo sa pagpapaalala sa amin na mag-attend sa sesyon. Andito man ngayong umaga, tinitiyak ko sa inyo. 'Pag dating at kagat ng alas-tres nandoon po kami sa Senado para mag-attend ng session at gampanan ang aming tungkulin. Kung kailangan gawin at pagbotohan 'yan, lalo na 'yung mga tumatakbo, tinitiyak ko sa inyo nandoon 'yan sa Senado dahil importanteng panukalang batas ito. Mas problema ang quorum sa House of Representatives kasi kulang kulang 300 sila at ang kinakailangang boto para ma-override 'yung veto: 190 congressmen more or less. Sa quorum nila ni hindi yata sila nakakarating ng 190. Paano pa 'yung botong 190 kung saka-sakali? Pero ika nga kung mayroong... kung gusto palaging may paraan. Sana 'wag ayaw at maghanap na lamang ng dahilan.

Poe: Tungkol din nga pala sa SSS. Tatlong bagay. Unang una 'yung kanilang administrative cost mas mataas. Pangalawa, 'yung kanilang collection mababa kailangan nilang panagutin ang mga employers at bigyan ng mas mataas na penalty 'yung hindi nagbabayad. Nagpapa-remit ng kanilang SSS ng empleyado. Pangatlo, siyempre hindi maganda sa tingin ng tao na 'yung mga mas nakakataas doon ay malaki 'yung nakukuhang bonus. Siyempre 'pag nawawalan ka ng moral authority na magsabing hindi natin kaya 'yan, samantalang ay ganoon naman 'yung naging kalakaran. 2029 pa raw maba-bankrupt. Halos lahat po ng Social Security... 2027 na ngayon.

Escudero: Dati 2029, ngayon 2027.

Poe: Kung mapapansin niyo sa ibang bansa, lahat po mayroong hamon na patatagan ang kanilang Social Security at kahit po sa Estados Unidos noon ay nagkaroon din po ng crisis ukol diyan na in the next administration... Sila nga mas maikli e. Parang in the next 10 years noon, parang mawawala na ‘yung Social Security. Kasi lahat ‘yan ini-invest din sa market. So talagang kailangan kung sinong itinatalaga diyan ay magaling na manager, magaling na investment manager para mapalaki ang pera ng ating manggagawa. At higit sa lahat, dapat talaga babaan nila ‘yung kanilang cost ng pag-ooperate nila.

News Latest News Feed