Press Release
January 28, 2016

TRANSCRIPT OF DZMM INTERVIEW ON MAMASAPANO INVESTIGATION

Gerry Baja: Wala nga ho bang bagong impormasyon na nakuha ang Senado sa reopening ng Mamasapano probe?

Sen. Sonny Angara: Parang sa tingin ng karamihan ng mga senador, parang wala naman lumabas na bago sapagkat nagkaroon na ng limang pagdinig noong nakaraang Enero 2015 at nagkaroon ng bagong hearing, wala naman. Maaaring yung ibang bagay hindi alam ng publiko, baka sa executive session namin o ibig sabihin sa nakasarang pintuan wala po yung media baka dun lumabas. Pero ngayon in open session lumabas, baka yun lang ang diperensya.

Baja: Iyun pong mga binabanggit ni Sen Enrile na mga text messages sa pagitan ng Pangulo at ni Gen. Purisima, mga text messages ni Napenas kay Purisima yun po ba ay hindi napag-usapan o nailabas sa nakaraang hearing?

Angara: Nabigay na po sa amin yun kasi hiningi namin yun kay Gen. Purisima kaya nga alam na natin isang taon na nakaraan kung ano yung komunikasyon mula kay Pangulong Aquino at Purisima. I think ang first text ni Gen. Purisima, halos mga 5 ng umaga tapos marami silang text na palitan hanggang 11am. Tapos mula 11am hanggang 6pm ng Jan 25 wala ng masyadong text. Pero klaro na karamihan po sa impormasyon na natatanggap ng Pangulo ay galing kay Gen. Purisima.

Baja: Yun mga text na iyon ay nailabas ho ba iyun dati o yon ay ibinigay lang sa inyo sa executive session?

Angara: Hindi ko na maalala kung nailabas sa publiko iyon pero definitely nabigay na sa mga seandor so hindi na bago yun sa mga nag-attend dati nung mga hearing.

Baja: Dun daw ho na-establish na talagang alam na alam ni Pangulo sa simula pa lang ang operations at may nabanggit dun na may tinanong si Sen. Enrile kay Gen. Purisima na parang hindi man ba inalala ng Presidente ang lagay ng mga sundalo nung nabanggit na nakuha na si Marwan?

Angara: Mukhang ang akala kasi ng Pangulo ay napakalaki po ng pwersa ng mga SAF sapagkat dun pa lang sa mga third text niya kay Gen. Purisima, tinatanong niya, akala ko ba 160 ang ating mga tropa dun bakit parang nahirapan sila kasi parang may text si Gen. Purisima na medyo nagbabarilan doon, medyo natigil doon sa hindi na nakuha si Usman. Si Marwan nakuha pero si Usman hindi nakuha. So nagtataka si Pangulo bakit ganun. Naalala nga niya na parang 160 yung pinadala at kung 20 lang naman ang kalaban dun. So hindi pa klaro sa kanya nung umaga kung gaano kaseryoso ang casualties sa panig ng SAF.

Baja: Pero dun sa mga impormasyon na palitan ng text na maagang maaga pa naipakita po dun talaga na si Napenas directly reporting to Purisima, Purisima is directly reporting to the President wala nang ibang nakakaalam na opisyal. Sa simula pa lang alam na ng Pangulo ang operation.

Angara: Mukhang sa general plan alam nya pero yung detalye mukhang talagang sila ng SAF under Napenas talaga ang gumawa kasi hindi nila alam kung saan, ilan ang papasok kung ilan ang tinatawag na blocking force sino yung mag-aantay para sa tinatawag na rescuing force. Yung mga ganung detalye, mukhang hindi alam masyado ng Pangulo yun pero definitely silang tatlo po yung nag-usap. Nandun din ata si Capt. Mendez na tiga-SAF, andun din sa pagpaplano. Pero klaro din dun nagbigay ng instruction ang Pangulo sa head ng SAF at kay Gen. Purisima na may dalawang bagay na instructions na binigay yung Pangulo: yung pagko-coordinate sa AFP at pangalawa, pinadagdag niya yung bilang ng tropa ng SAF na pupunta dun dahil gabi nga ang pasok nila at nag-aalala siguro yung Pangulo at sabi nya sabi ni Gen. Napenas from 300 ang bilang na sinuggest niya nirekomenda niya kay Pangulong Aquino at Gen. Purisima pinadagdag nya ng 400 yung bilang ng mga tropa.

Baja: Dun po sa sinasbi ni Sen. Enrile na kahit walang mga bagong ebidensya pero satisfied siya dahil naipakita niya ang kamay ng Pangulo ang responsibilidad ng Pangulo sa naturang operation, ano pong assessment niyo doon, Senator Sonny?

Angara: Palagay ko si Pangulong Aquino mismo, hindi niya naman tinatago na siya ay may responsibilidad dito sabi nga nya dadalhin nya hanggang sa araw ng pagkamatay nya itong SAF 44 na nangyari wala pa rin akong nakitang bago, ginagalang natin sympre yung pananaw ng kasamahan natin sa senado pero sabi ko nga eh yung dyamante sa ibang tao maaring pwet ng baso sa ibang senador. Definitely magkakaroon ng kaibahan sa aprreciation ng ebidensya sa ating mga kasamahan.

Baja: Anong susunod dito Sen Sonny, may napagusapan na ba ang mga senador kung ano ang next move ng senado?

Angara: Well wala naman napag-usapan, I think parang tapos na ata kung hindi ako nagkakamali. Dahil mukhang natanong na ni Sen. Enrile yung mga gusto niyang matanong at ang pagbubukas ng ating imbestigasyon ay primarily ay mabigyan siya ng tyansa na ilabas yung kanyang alam.

Baja: May binabanggit po tungkol sa audio digital recording na hawak nitong si Ret. Gen. Valeroso, hindi na ba yun napag-usapan at hindi na ba yun binigyan ng halaga ng senado kahapon, Senator?

Angara: Wala na ho kasing nagbigay ng ebidensya sa komite, yun ang balitang umabot po sa amin na may mga lumalapit na gustong ilabas itong mga recording at parang dinirekta po sila sa opisina ni Sen. Enrile at hindi na namin alam kung anong nangyari, kung ibinigay nga ba talaga o hindi binigay itong mga recording.

Baja: Hindi po hinigi ito o sinubpoena ng committee?

Angara: Hindi naman ho, kasi karamihan naman ng bisita doon hindi naman sinubpoena. Parang kumbaga pinadalhan ng imbitasyon, so kung tipong gusto nila, ipadala yung ebidensya wala naman pong pumipigil sa kanila.

Baja: Kung ipapadala ho ano pong magiging appreciation ng committee?

Angara: Well, hindi ko nga alam Gerry. Sabi ko nga kanina, minsan iba-iba yung appreciation ng mga miyembro ng komite. Maaaring meron gustong i-play maaaring may mga iba sasabihin may Anti-Wiretapping tayo baka hindi pwedeng i-play. Pero sa akin, kung wala naman nagrereklamo pwede siguro i-play.

Baja: Pwedeng tingnan, pwedeng silipin.

Angara: Pwede naman.

Baja: Bahala na ang committee, si Sen. Poe bilang chairman. Wala pa bang official report, official committee report senator?

Angara: Meron na pong draft committee report at yun yung pinaikot sa amin bandang February o Marso ng nakaraang taon at karamihan sa amin ay pumirma na dun at palagay ko, hindi na magbabago yun dahil wala naman masyadong bagong ebidensya. Kung saka-sakaling meron siguro baka magkaroon ng tinatawag na report o supplemental report pero sa tingin ko, hindi na mababago yung original report.

Baja: Bago ko lang kayo bitawan senator, may pahabol lang isang senior citizen, ano raw ho ang tyansang ma-override sa senado yung pag-veto dun sa SSS pension?

Angara: Siguro dapat magmula sa House of Representatives yun dahil doon nagmumula ang override veto, kung saan nagmula ang panukala originally. Kung saan nag-originate, nauna yun sa Kamara de Representantes, doon dsapat ma-override yung veto muna.

Baja: Tapos ipapasa sa inyo, ano hong tyansa nun kung umabot naman sa inyo?

Angara: Well, maaaring idebate pero ang problema, 3 araw na lang ang session namin, yun ang kalaban ng panukalang iyan. Nest Monday, Tuesaday, tsaka Wednesday tapos magiging campaign period na po, mag-aadjourn kami ng ilang buwan. Tapos meron na naman kaming 1 linggo sa late May or early June. Wala nang panahon ang session namin.

Baja: So next week 3 sessions nalang ang balik nyo ay kailan na ho, Senator?

Angara: Parang end of May or beginning of June na may 1 week kami doon tapos may canvassing period dahil magkakaroon ng election so Kongreso yung official Board of Canvassers. Maaaring maihahabol pa yung ibang panukala, pero yung pag-override sa veto parang sa kasaysayan wala pang nagyayaring ganun kung hindi ako nagkakamali.

Baja: Senator Sonny salamat po sa pagtanggap sa tawag namin. Magandang umaga po.

Angara: Maraming maraming salamat, magandang umaga Gerry at sa mga nakikinig po.

News Latest News Feed