Press Release
February 2, 2016

SEN. GRACE POE AMBUSH INTERVIEW TRANSCRIPT

Question: Ma'am, you've told the Star before na mayroon kayong nakukuha, can you tell us, elaborate, yung sa mga candidates daw na pina-fund yung campaign through illegal drugs?

Senator Grace Poe: Hindi. Ang sinasabi ko, it is not an impossibility, especially now na wala tayong mga PDAF at kung ano-ano pang mga other sources of funding from the national government o ano, na especially during the time of elections, this can be happening. And we've already heard that the statement of the local government from Iloilo, actually not the local government. But some witnesses were alleging that there is something going on also there. We need to be able to verify kung mayroong narcopolitics. And it seems there's some connections, so we're asking the continued investigation of this, particularly the DOJ, kasi maraming mga implicated dito, hindi lamang mga ordinaryong mamamayan, mayroong mga kagawad, mayroong mga sinasabing miyembro ng PNP, mayroong sinasabing miyembro ng local government. So, seryosong bagay ito at nakakabahala.

Question: Hindi isolated sa Iloilo lang, maaring sa ibang parts din bansa?

Poe: Tama. It's not just isolated in one particular province, we've heard from others. But I, you know, ito yung nadinig natin ngayon, tungkol doon sa threats din sa media na delikado sa Aksyon Radyo sa Iloilo. Yun ang nagdulot nga ng imbestigasyon na ito. Kasi pag mayroong banta sa kalayaan na maghayag, tapos nakita pa natin konektado sa droga, alam natin malalim-lalim talaga ang problema, sapagkat hindi lamang iyon, sa imbestigasyon na ito, nakita natin itong mga indibiduwal na ito na nasasangkot nga sa mga isyu na ito, ang daming mga baril. Pinapayagan sila at ang permit nila inissue ng 2015, recently lang, mga November at ito ay valid until 2019. High powered weapons from a person who was formerly convicted na wala man lang record kung bakit siya bigla ngayon nakakalaya na. Supposedly habeas corpus, pero very doubtful yung reason behind his release.

Question: Ma'am may info po ba kayo kung anong mangyayari sa national level, yung pag-fund ng campaign ng mga kandidato?

Poe: Wala. Basta eto yung ating pagdinig ay ukol ngayon dito sa nangyari sa Aksyon Radyo Iloilo, at sinasabi natin kung ito'y nangyayari sa isang lugar na katulad niyan, hindi na naman malayo na mangyari 'yan sa maraming lugar at nangyayari 'yan sa maraming lugar sa ating bayan. Ang sinabi ko nga po sa PDEA, yung listahan ninyo ng top wanted na may mga warrant of arrest na mga drug pushers, dapat 'yan available na madaling makita sa website ninyo at pati sa mga police stations niyo diyan, pati sa mga paaralan ay nandoon. Para naman mas mabilis tayo makahuli kahit na yung mga ngayon lang natin nalaman na kapag nahuli pala 'yan, o 'pag nag-tip na, wala man lang reward money na kailangan naman. Sabihin na natin dalawang milyon ang ibibigay natin sa bawat indibidwal, kung 20 people 'yan, 20-Million yun na malalagay natin sa kulungan na importante naman na mawala na sila sa pag-iikot dito sa lipunan, sa siyudad natin na magbabanta sa kalusugan at kaligtasan ng ating mga anak.

Question: Yun bang convicted for drugs, ipapabalik niyo po ba sa kulungan?

Poe: Dapat talaga matanong, bakit nga siya unang-una na-pardon or napalaya nang ganon-ganon na lamang. Dapat life imprisonment 'yan. Pangalawa, meron nga ngayon na sinasabi na ni-revoke na nila yung permit ng kaniyang mga baril so tinatanong ko sa PNP 'O, pinuntahan niyo na ba sa bahay niya? Kinuha niyo na ba yung mga firearms? Sinurrender na ba niya'? Wala pa rin. Kaya nga sabi namin may break na nga ang senado pero kahit na may break kami lahat 'yan ay tututukan natin malaman bakit may mga high-powered weapons yung mga katulad niya na naglalakad, kitang-kita, walang katakut-takot, at bakit pinapayagan na magkaroon ng ganito ang local government ng doon.

Question: Election gun ban na ngayon e.

Poe: Oo nga. Si Senator Sotto nga hindi makakuha no'n. Pero nangyari kasi ito bago pa yung election gun ban pero ngayon na-revoke na yung kaniyang mga baril, ire-revoke.

Question: Ma'am, will you bring this issue sa Presidential Debates? Yung illegal drugs issue? Sa concern ng mga presidentiables?

Poe: Importante na kahit sinong tumatakbo ay mayroon talagang plataporma na matibay tungkol sa kaligtasan ng ating mga kababayan. At wala naman tayong tinatago. Yung mga krimen at mga problema sa droga ay kailangang lutasin agad. At importante nga na tutukan ito pati yung media killings, isa 'yan na kailangan nating tutukan sapagkat kayo yung mga unang nagsisiwalat ng mga pangyayaring ganiyan. E kung patatahimikin kayo edi wala nang magrereport tungkol dito.

Question: Ma'am, yung reward system magiging legislative action?

Poe: Gustong kong maging legislative action 'yan. Kung hindi man magiging legislative action, sa tingin ko ang isang pangulo na mayroong intelligence fund ay ano ba naman yung bigyan ng malaking reward ang isang tao na magsasabing 'dito nakatira 'yan at ito' at mahuhuli. Sabihin na natin, mayroon tayong dalawampung mga nasa wanted na hindi pa nahuhuli. Sa dalawang milyon bawat isa diyan, napakamura niyan kung iisipin ninyo na mailalagay sila sa kulungan at mawawala sila sa pag-iikot at pagtutulak ng droga.

Question: Ma'am, another issue. Ma'am, kayo pa ba ang magpupull-out sa plenary ng Mamasapano tsaka MRT issues?

Poe: Sa ngayon, isusumite pa lang natin ang report. As yung sa Mamasapano issue ay tinitingnan pa namin kung magsusuplementary kami tungkol dito. Hindi naman namin papalitan na ang mga naging findings. If ever na kailangan pang dagdagan, titingnan natin. Marami tayong mga nasa floor na ngayon katulad niyan ng Close-caption Bill na amin, kahapon, ay naaprubahan noong second reading. Tapos mayroon din diyang sa Anti-wiretapping na aming isusulong mamaya.

Question: Ma'am, sa MRT findings, ma'am?

Poe: We are submitting the committee report by Wednesday.

Question: Tomorrow, Ma'am?

Poe: Tomorrow. Ito naman kasi, mayroon nang mga recommendations. Basta mapirmahan na ito ng mga senator, this is already an accepted submitted committee report.

Question: So far, Ma'am, (inaudible) reporting against Abaya?

Poe: Wala pa. Wala pa. Isa-submit palang natin yung report...

Question: Pero, Ma'am, before you submit, Ma'am, you have to get majority votes?

Poe: No. No. What I mean is we're going to circulate the report. Oo.

Question: Ma'am, yung liabilities, Ma'am, will go beyond Abaya?

Poe: Hintayin nalang ninyo yung Committee report but definitely he's not just the only one though he's largely responsible.

Question: Ma'am, may main update ba sa DNA testing?

Poe: Wala pa.

Question: Ma'am, willing po kayo magpa-DNA kay Senator Bongbong?

Poe: Hindi naman kailangan.

News Latest News Feed