Press Release
February 11, 2016

GRACE POE MESSAGE
Batac City Hall
February 11, 2016

Naimbag nabigat kadakayo amin apo.

Maraming salamat po sa ating gwapo at very trendy Mayor Jeffrey Nalupta sa inyong pagtanggap sa amin. Syempre, kasama po natin ang pinaka-gwapo na kandidato at masipag na Vice Mayor ng syudad ng Maynila, si Vice Mayor Isko Moreno. At sa inyong lahat po na naririto maraming salamat po sa inyong mainit na pagtanggap.

Alam niyo po tuwing pupunta ako dito sa Ilocos sentimental po para sa akin talaga ito sapagkat ito yung mga panahon nung naalala ko noong ako'y bata-bata pa na magkasama kami ng aking ama na nagba-bike jan sa may Paoay sa paligid dyan habang nagsho-shooting siya ng Panday. Dito siya may inspirasyon dahil sa ganda ng inyong probinsya na gumawa ng pelikula kung saan hinding hindi siya makakalimutan. Ang pinakamagandang mga pelikula ni FPJ ay dito nag-shooting sa Ilocos Norte kaya pag pumupunta ako dito damang dama ko ang kanyang presensya at hindi rin mapagkakaila nang tumakbo si FPJ bilang presidente sa isip niya, ang dami niya talagang binabalak gawin para dito sa Ilocos Norte sapagkat sabi niya sa turismo lang, ang daming potensyal dito, oo nga pala nais kong batiin, ang hindi tumatanda at batang batang Governor natin, Governor (Imee) Marcos, Manang.

Sabi niya ang potensyal ng turismo dito ay napakalaki dahil nga ang ganda-ganda ng inyong lugar. Noon pa pinaplano kung papano palawakin ang airport at kung ano pang pwedeng gawing para dito, nakita rin niya kung papanong dami ng trabahong madadagdag kung diretsong may International flights dito at ma-expand natin ang airport. Kaya sana naman sa pagkakataon na ito hindi lamang yon pati na rin yung mga pangarap ni FPJ para sa mga magsasasaka. Nung nakausap na natin si Governor Imee, talagang hirap na hirap sa problema ng smuggling ng mga ibang mga produkto. Kung papayagan natin na pumasok ang mga produktong yan, bigyan natin ng magandang kapalit na produkto ang ating magasasaka, na kaya natin dito. Kaya kasama sa amin programa ang libreng irigasyon hanggat kailangan ng ating mga magsasaka at kasama na rin po yun nga pampadagdag trabaho sa turismo.

Gusto rin nating pababaan ang buwis sapagkat sa mga sweldo ninyo, lalo na mga kawani ng gobyerno, hindi ba Mayor, kahit tayo iniinda natin ang laki ng nakakaltas, kung hindi man matataasan ang sweldo ninyo agad bawasan natin ang buwis na binabayad, ang take home pay ninyo mas malaki. Ang mga teachers na kumikita ng 18,000 kada buwan pagdating ng bayaran ng taxes ang nababayad nila sa gobyerno ang total po ay halos umaabot ng 26,000 a year so magtatrabaho ka ng isang buwan at kalahati para lang magbayad ng buwis parang hindi naman yata makatarungan iyon. Bago pa humaba ang aking talumpati nais ko ring sabihin na dumaan kami sa palengke so nakakain na kami ng empanada at nakabili na kami ng mga pasalubong na bagnet. At yun mga ibat-iba. Alam mo dati paborito ng tatay ko rin kainin eh diningding eh tapos yun mga malalaking chicharon tapos pag uuwi yan sa Maynila, magdadala yan ng kumot na habing iloco o magdadala ng masa podrida na galing naman sa Vigan. So parang laking Ilocano na rin ako pag tinawag ako ng tatay ko at may iuutos siya sakin sasabihin niya "danum" alam ko na yun tubig, para sa kanya. So, wag na lang po ninyo kalilimutan parang related narin tayo lahat dito. Ako ang pinakamagalang na kandidato Grace Poe, apo.

News Latest News Feed