Press Release
April 1, 2016

Transcript of Bombo Radyo Interview with Senate President
Franklin M. Drilon by Jun Desca

Q: Lumabas po kamakailan lang yung senatorial survey at lumalabas po na nangunguna kayo. Ano po ang inyong reaksyon diyan?

SPFMD: Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa ating mga kababayan at kanilang kinikilala ang ating performance bilang pangulo ng Senado. Ako po ay natutuwa, at sana imaintain natin ito, at alam ko naman hindi po ako nahihiyang humingi ulit ng tulong sa ating mga kababayan dahil nakita na nila ang ating performance sa Senado.

Q: Ito nga po't malapit na ang halalan at halos magsisimula na yung overseas absentee voting. Ngayon pala pinakamalaki yung bilang ng dami ng OFWs na boboto, out of 10 million, 7 million ang boboto.

SPFMD: Tama po iyan, one week from now on April 9, ay maguumpisa na iyan. Pero ang balita ko, 7 million ang pwedeng bumoto sa overseas Filipino workers, ngunit, 1.3 million o kulang sa 1.4 million lamang ang rehistrado. So ibig sabihin, hindi pa po marami ang bumoboto, at malaki pa ang agwat between those who are eligible to vote and yung talagang boboto.

Ito lamang po siguro ay nagpapakita na kulang pa ang impormasyon. Alam mo, importante na ang overseas Filipino workers ay makaboto, tayo po ang nagtulak diyan, pati yung Dual Citizenship Act. Kahit kayo ay dayuhan na, pwede kayong magapply ng dual citizenship at bumoto. Ngayon kasi, mababa lang, ang pinakamababa po ay yung sa Europa, 88,000 lang ang registered voters, pero ang target natin, 204,000 voters.

Talaga pong hirap na hirap at ako naman po ay nakikiusap sa mga kababayan natin sa ibayong dagat na siguro to have some interest in this. Ang importante po ay ang maihalal natin na pinuno o lider ng ating bansa ay siyang makakapagbigay ng tunay na serbisyo. Kung hindi po tayo sasali sa eleksyon, wag kayo magreklamo kung mga magnanakaw yung ating maihalal o yung mga walang nalalaman sa pamumuno.

Q: Bilang vice-chairman po ng Liberal Party, ano po ang inyong reaksyon dito sa batikos na "selective" daw po ang anti-corruption efforts ng administrasyon?

SPFMD: Hindi po totoo iyan, dahil recently lang eh na-convict yung aming kapartido, na miyembro ng kasalukuyang gabinete. Kung selective lang po ay edi walang masasampahan ng kaso na kaalyado ng Partido Liberal. Kung atin pong titingnan, sa ngayon lahat po tayo ay pantay, kapartido ka man o hindi, kung ikaw ay nagkasala, ikaw ay masasampahan ng kaso.

Halimbawa, yung most recent one, malungkot ko pong sasabihin, pero si Secretary Neric Acosta, na miyembro ng gabinete, Cabinet- rank, na convict sa Sandiganbayan. So ano po yung ating masasabi? Wala pong katotohanan yung selective justice. Pulitika lang iyan.

Q: Sir, yung ipinasa niyo pong PWD bill sa Senado, batas na.

SPFMD: Tama po iyan, tayo po ay natutuwa at pinirmahan na ng pangulo ang Republic Act 10754 na nagexempt sa ating mga kababayang may kapansanan o persons with disabilities (PWDs) mula sa pagbayad sa value added tax. Sa ilalim po ng batas, na iyan, ang ating mga PWDs ay makikinabang sa 20% discount at exemption sa value-added tax kagaya po ng gamot na binibili o mga binabayad na fees sa dokot including yung laboratory fees, yan po ay exempt sila sa value-added tax na ineenjoy na ngayon ng ating mga kababayang may kapansanan. Yan po tinulak natin bilang pangulo ng Senado, napasa po iyan nung tayo ay nanunungkulan bilang pangulo ng Senado nitong nakaraang sesyon.

News Latest News Feed