Press Release
April 13, 2016

Transcript of interview with Sen. Francis G. Escudero (FGE)

QUESTION: Sir, yung sa finile ninyong kaso with regards dun sa mga active generals, ano na po yung update? Kung meron man.

FGE: Naghihintay kami ng sagot ni General Marquez, dahil yung Chief of Police sa Abra, ni-relieve n'ya ng walang anu-ano pa man, habang iniimbestigahan. Ayon sa kanya mismo, sa sarili n'yang press con, ang pagkakaiba daw ng Chief of Police sa Abra at itong mga heneral na ito ay dahil may nagreklamo.

Pwes, naghain kami ng reklamo. Inaantay ko ngayon ang pantay na pagtrato ni General marquez, tulad ng ginawa n'ya sa isang ordinaryong Chief of Police sa Abra. Kung ire-relieve din n'ya ang mga heneral na ito.

QUESTION: So far, Sir, may timeline kayo? Kasi ang sinasabi nila, parang yung memo daw according to Marquez, is inaasahan nila sa Friday pa darating. I mean, ang sagot sa memo n'ya.

FGE: Well, ang importante, aksyunan n'ya ito sa lalong madaling panahon. Maganda ding malaman, pinasagot din ba n'ya sa pamamagitan ng memo yung Chief of Police ng Abra bago nila tinanggal? Pinasasagot ba nila sa pamamagitan ng memo bago nila tanggalin? Yung iba't-ibag OIC, Chief of Police na tinalaga nila sa iba't-ibang parte ng bansa, humigit-kumulang tatlong daang Chief of Police ng mga bayan ang acting hanggang ngayon.

Sana kung anong procedure nila kay Juan, yun din ang procedure nila para kay Pedro. Anuman ang kanilang ranggo. Importante, mapanatili nating kapani-paniwala at parehas ang halalan, at malaki ang papel na gagampanan ng Philippine National Police dyan. Buo at mataas ang respeto ko kay General Marquez. Sana wag n'ya akong biguin dito.

QUESTION: But, Sir, just in case wala po s'yang aksyon...

FGE: Sana maaksyunan n'ya ito. Ayoko munang mag-komentaryo sa isang bagay na hindi pa naman nangyayari o hindi pa naman n'ya nagagawa.Umaasa ako sa pagkakakilala ko sa kanya na ito ay aaksyunan n'ya. Balita ko nga, nagyayabang pa yung mga heneral na kaklase nitong apat na ito na marami daw sila at kung irerelieve daw silang apat ay dapat marami sila na irelieve. Wala na yata sa lupa ang paa ng mga heneral na ito sa yabang. Dapat at marapat, ibalik sila sa lupa ng kanilang chief PNP.

QUESTION: But sir di ba nag deny si Mar na hindi naman po (inaudible)?

FGE: Hindi ganon ang?

QUESTION: (inaudible)

FGE: Na ano?

QUESTION: Na nakipagmeeting sila.

FGE: Hindi naman niya kailangan na maging nandoon. Sapat na na nandoon ang kanyang mga tao at doon pa sa kanyang lugar. Open secret ang hayagang suportang binibigay ng ilang mga heneral ng Philippine National Police sa dati nilang boss sa DILG. Siguro panahon na para ibaba ni Gen. Marquez 'yung kanyang paa sa isyung ito. Pakita at patunayan at hayaan nating magsilbing ehemplo ito na hindi niya papahintulutan ito sa hanay ng Philippine National Police.

QUESTION: Sir ano po ang implication nung meeting? (inaudible) How they can affect the elections?

FGE: Napakarami na ng reklamong tinatanggap sa iba't-ibang parte ng bansa. Ang pinakalatest halimbawa, ay sa Cotabato City na nirerelieve 'yung mga pulis doon at iniipit 'yung mga pulis na incumbent doon dahil tila kumakampi sila sa partido na iba doon sa lokal na kinakampihan ng Liberal Party.

Ito'y iisa lamang sa mga kwento na siguro dapat tignan at suriin ni Gen. Marquez. At ang simulang maganda nito ay kung irerelieve niya ang apat na heneral na ito para mapakita na hindi niya papaboran maski na administrasyon ang kinakampihan. At pangalawa, sana mapakita rin niya na hindi niya itotolerate anumang uri ng pamumulitika sa hanay ng Philippine National Police.

QUESTION: Bilang opisyal po ng gobyerno, pag sinulatan may obligasyon na magreply, kayo po ba ay nabigyan na ng reply?

FGE: Ayon sa Republic Act 6713, Code of Ethical Standards of Public Officials and Employees, tama ka. Dapat merong sagot sa takdang araw. Pitong araw ang binibigay ng batas para sumagot sila. Anumang uri ng sagot na dapat sagutin. Yan ang takdang panahon din marahil na meron si Gen. Martquez para aksyunan.

Pero uulitin ko, sa ibang mga opisyal na may reklamong tinaggap siya, mula sa LP man, lalo na mula sa LP o sa ibang partido, siya ba ay nanghingi din muna ng sagot bago niya nirelieve? O nirelieve ba muna niya agad? Dahil kung nirelieve niya muna agad ang iba, dapat ito irelieve din muna niya maski na habang iniimbestigahan.

Wala namang epekto sa sweldo ito, wala namang epekto sa ranggo nila ito. Pero may epekto ito kung talagang namumulitika sila sa maaring maging resulta at pagiging malinis at parehas na halalan.

QUESTION: Sir sa SWS survey na kinomisyon ng TV5, para sa kanila, ikaw ang number one doon, ikaw yung nanalo sa debate, sa CNN debate. Anong reaksyon niyo?

FGE: Nagpapasalamat kami sa ating mga kababayan, sa anumang pagsuporta nila sa debate man o sa pagtakbo namin bilang ikalawang pangulo. Ang importante napalabas ng mga kandidato ang kanilang mga layunin, mithiin, programa at plataporma. Hindi ko lang talaga kasi ugali na manira ng kapwa kandidato o apakan ang ibang tao bago umangat.

Naniniwala ako na bawat kandidato sa pagka-ikalawang pangulo, katunggali ko man sila, ay may puwedeng maiambag at maialok sa ikabubuti ng ating bansa at nasa kamay na ng ating mga botante ang pagpili kung sino ang pinaka-nararapat sa amin.

QUESTION: Sir, hindi kaila sa iyo na may mga bashers po kayo last debate, magkakaroon ulit ng debate sa Linggo ang ABS-CBN. Ano yung paghahandang ginawa niyo and mayroon ba kayong some changes na gagawin based on those bashers na sinasabi sa inyo?

FGE: Tinawag mo na ngang basher... Sa akin, palaging what you see is what you get. Hindi para sa akin na baguhin ang sarili ko para lamang sa panahon ng eleksyon at bumalik sa kung ano talaga ako.

Kung ano ako bago maghalalan, kandidato man ako o hindi, ganoon naman ako habang naghahalalan at maski na pagkatapos pa noon. Maganda nang mapintasan ang pagsasalita o pananalita, kaysa ano mang bagay na ginawa o hindi ko ginawa bilang inyong kinatawan sa Kongreso man o sa Senado.

QUESTION: Sir, how about yung... kasi po sa latest naman na Pulse Asia, medyo naungusan na po kayo ni Leni Robredo?

FGE: Lahat ng survey pinagaaralan namin, lahat ng survey tinitingnan namin kung paano pa namin mapagbubuti ang aming kampanya, ako man o si Senator Grace. Hindi ako tulad ng ibang kandidato na pag mababa, pipintasan yung survey, pag mataas, pupurihin yung nagsu-survey. Mataas man o mababa, madalas kong sinasabi, giya iyan para sa amin.

Dahil ang survey tataas ka naman talaga, bababa, tataas, bababa, sinuman ang mataas hindi dapat magyabang, sinuman ang mababa hindi dapat mainis dahil sa dulo, boto pa rin naman sa araw ng eleksyon ang binibilang kung sino ang magwawagi at sinong maninilbihan bilang pangulo man o ikalawang pangulo.

QUESTION: But sir, ikinababahala niyo po ba yung pagbaba kahit paano?

FGE: Palagi naman akong running scared mataas man ako o mababa sa survey, wala namang pinagkaiba. Basta kami, gagawin namin yung lahat ng aming makakaya, given our limited resources, upang maparating ang aming mensahe at mapaunawa yung aming mensahe sa mas marami sa ating mga kababayan.

QUESTION: Will there be a change in strategy sir, considering ilang linggo na lang bago ang halalan?

FGE: We have been changing strategies from the beginning, almost on a weekly, sometimes bi-monthly basis. Some small, some noticeable, pero ang kampanya naman ay palaging work in progress. Hindi naman iyan nakaukit sa bato na hindi mo na kailangang baguhin o puwedeng baguhin. Constantly, nage-evolve at nagbabago iyan hanggang sa huling araw ng pangangampanya.

QUESTION: Sir, anong mga areas ang kailangan niyong i-improve sa messaging, sa...

FGE: Maraming bagay. Lahat naman puwede pang ma-improve. Hindi pa naman nararating talaga 'yung sukdulan sa iba't ibang bagay sa pangangampanya man, sa lugar na nararating, sa messaging man, sa kayang pagpaliwanag ng aming mensahe. Lahat 'yon puwede pang ma-improve. Hindi lang siguro sa amin, sa lahat ng kandidato.

QUESTION: Sir, sabi niyo last week ng senate finance committee instead in 9:26*, nalaman over 50 billion ba na QRF, 'yung Quick Reaction Fund, both 2015 and 2016 ang unspent hanggang ngayon?

FGE: Alam mo, nakakalungkot 'yon. Naglagay precisely kami ng quick response fund para mas mabilis ang pag-release nito - kaya nga quick e - kumapra sa calamity fund na napakahaba ng prosesong pinagdadaanan sa NDRRMC para maka-react agad sila.

Pero sa kabila po ng flexibility na binigay namin sa gobyernong ito, napakabagal pa rin nila tumugon sa pangunahing kalamidad sa ating bansa. Isa lang naman ang kalamidad na kinakaharap natin ngayon e: El Niño. Two years ago alam na nating tatama sa atin ito pero hindi sila naghanda. Kulang ang kanilang paghahanda kaya ngayon pinagdurusahan ito ng ating mga magsasaka, kaya ngayon nangyayari 'yung tulad sa Kidapawan kung saan 'yung dapat sana nagpapakain sa atin na magsasaka sila mismo wala na ring makain.

QUESTION: Sir, 'yung sa... Ngayon po, naglabas ng desisyon ang Sandigang Bayan na pinapayagan na makapag-bail si Napoles at Governor Leñete. Reaksyon niyo po.

FGE: Bago 'yon, tanong: 'di ba may four pending case... Isa lang ito sa marami?

QUESTION: Yes, sir.

FGE: So hindi pa rin siya makakalaya?

QUESTION: Hindi pa.

FGE: Nagsungaliw lang 'yon. Kasi nagulat din ako doon.

QUESTION: Reaksyon, Sir.

FGE: Nakita namin ang ebidensiya sa senado laban kay Napoles. To say the least, nagulat at hindi ko inaasahan ang desisyong ito ng Sandigang Bayan. Patungkol sa ibang akusado, hindi na dumaan 'yon sa senado at lumabas na lamang at sinampa 'yon pagkatapos ng mga hearings. Pero itong pag-grant ng bail kay Ginang Napoles, syempre kasabay ko siguro ang buong sambayanan sa pagkagulat dahil hindi po natin inaasahan na ito'y ibibigay ng Sandigang Bayan. Subalit may mga kaso pa naman siyang ibang pending sa ibang dibisyon ng Sandigang Bayan.

QUESTION: Pero may implication ba, Sir, o effect 'yon sa mga nakabinbin din niyang kaso?

FGE: Hindi ko alam kasi ang detalye no'ng mga kasong finayl sa kada dibisyon e. Baka as co-conspirator lamang 'yon at baka 'yung kasong sinampa partikular sa dibisyon na 'yon ay mahina o kulang ang kalakip na ebidensiya. So mahirap husgahan kung talagang may pagkukulang ba o wala ang husgado.

QUESTION: Okay na.

FGE: Alam mo, nakakalungkot? Si Napoles ginrantan ng bail... Puwedeng sabihin ko nalang 'yon?

QUESTION: O, sige po. Go.

FGE: Nakakalungkot na si Ginang Napoles ginrantan ng bail pero 'yung pitumpu at anim na magsasaka na hinuli ng pulis sa Kidapawan hanggang ngayong nakakulong pa at hindi makapagpiyansa. Medyo hindi yata pantay at tama ang hustisya kung ikukumpara natin ang dalawang ito. 'Di ba ang bail 12,000?

QUESTION: Tingnan nga natin. Sir, parang ang nangyari pa yata ngayon, 'yung ganoon, lahat sila pinapayagan and then at the same time parang parang may iba pang mga... 'Yung even though 'yung mga patay 'yung kalingkingan ng mga (inaudible)

FGE: Kasi ino-autopsy, inaalam kung may powder burns ba, may ganoon.

News Latest News Feed