Press Release
April 20, 2016

SEN. GRACE POE INTERVIEW TRANSCRIPT
Punto Asintado hosted by Erwin Tulfo and Martin Andanar

ERWIN TULFO: Magandang umaga po, Senator Grace, ma'am.

SEN. GRACE POE: Hi, magandang umaga, Erwin at Martin, sa muling pagkakataon at sa lahat ng nakikinig, magandang umaga po.

Erwin: Pwede bang gayahin itong ginawa sa India, ma'am, na (ang mga) hindi nagbabayad ng mga buwis pinapadalhan ng drum and bugle 'yung bahay para magbayad ng buwis?

MARTIN ANDANAR: Para mapahiya.

Erwin: Palagay ko maganda 'yan, pagka kayo ho ay maluklok, ma'am, padalhan ng BIR ng drum and bugle corps 'yung isang bahay na negosyo o negosyante o tao na ayaw magbayad ng buwis, Senator Grace.

POE: Para sa akin, ano, kailangan talaga magbayad ng buwis lalong-lalo na kung merong malaking negosyo o may negosyo. Pero ayusin muna natin 'yung sistema ng buwis sa ating bansa. 'Yun 'yong problema e, parang hinahabol natin 'yung mga ibang maliliit pero 'yung iba naman na malalaki hindi, tapos ang taas-taas pa ng buwis sa ating bayan. Para sa akin kasi talagang gusto ko babaan naman natin nang konti sapagkat, ikumpara mo sa ibang bansa Asya, tayo na 'yung pinakamataas o isa sa pinakamataas e. So, isa 'yon, dapat magkaroon muna ng pagbabago sa BIR. Dapat talagang mapapagkatiwalaan ang mga naroon bago tayo gumawa ng mga hakbang na parusahan 'yung ating mga kababayan.

Erwin: Yes, ma'am. Hindi ho ba, ma'am, diyan sa Senado inaprubahan ho ninyo 'yung tungkol sa income tax, pagpapababa ng income tax ng mga indibidwal na hindi inaprubahan po ng gobyerno, pero kayo sa Senado inaprubahan ninyo dahil nakita ninyo na pwede, 'di ho ba?

POE: Opo, 'yon po talaga ang ginawa namin sapagkat... Si Senator Sonny Angara nga 'yung nagpaumpisa 'non pero hindi po 'yan kasi pinayagan din, na-veto yata 'yung bill na 'yon.

Erwin: Opo. Pero pwede, ma'am, kung talagang gugustuhin? Kung saka-sakaling palarin kayo diyan, ma'am, ay pwede bang babaan itong mga buwis na ito? At saka 'yung mga sinasabing SSS na 'yan ay taasan naman, dagdagan ng P2,000? I'm sure pumasa po sa inyo diyan sa Senado 'yan noon, so I'm sure siguro lulusot na 'yan 'pag nagpalit na ho ng gobyerno?

POE: 'Yon po talaga 'yung balak namin, na talagang babaan ang buwis, lalong-lalo na may teachers, halimbawa, kumikita ng twenty-six-hindi. Kumikita ang isang teacher ng P18,000 a month, pagdating po ng isang taon, ang ibinabayad nila halos P26,000 para sa taxes...

Erwin: P26,000, ma'am? Diyos ko...

POE: P26,000. E akalain mo 'yon? Ano ba ang pwedeng bilhin ng P26,000? Tuition ng anak mo, pwede kang bumili ng pagkain, pambayad ng kuryente ng ilang buwan... Kaya nga po malaking bagay talaga na pababain natin.

Erwin: Mapupunta lang po sa ano 'yung mga-pagpapautang-mga loan site, doon napupunta, kawawa naman...

POE: Oo nga.

Erwin: Anyway, Senator Grace, kaya nga po kami napatawag ay may bago ho kayong ad na napanood po ng mga kababayan natin. It's about-ang tono ho ay women equality. Bakit po? May last 19 days to go, bakit naglabas pa ho kayo ng ganoong ad, Senator Grace? Is it about somebody, or is it just a message to tell everyone na in your administration, everybody is equal including the women?

POE: Actually po, matagal na namin talaga 'yang adbokasiya, na pantay-pantay dapat lahat. Sa mga darating na araw, meron din akong isa pang lalabas na ad tungkol naman sa isang adbokasiya, kaya... Kasi, siyempre, ngayon na nag-iisip ang ating mga kababayan-sino ang karapat-dapat, sino ang susuportahan-responsibilidad din namin ilabas kung ano ba 'yung aming mga ipaglalaban para sa kanila. So 'yon po ay kasama po ng aming pagpapakilala ng plataporma. Pero totoo naman po, dapat naman talaga iginagalang ang lahat, lalo na ang mga kababaihan. At nais ko nga palang batiin si Tita Caring kung nakikinig.

Erwin: Ay, naku, oo... Ma'am, may isa pa po pala. In the past few days, we've been trying to get in touch with you. Hihingi lang kami sana ni Pareng Martin ng reaction kasi, hindi ho ba, under sa inyo itong transportation? Itong, ngayon, nangyari na itong nakawan naman. Nandiyan na ho kayo ngayon, medyo hindi na ho naimbestigahan ito; sabi ng DOTC imbestigahan, awa ng Diyos wala pa ring nangyayari. May nanakawan na ho diyan na kapatid ni Pacquiao at saka 'yung ilan pang mga pasahero, nagkaroon ng brownout. Kaliwa't kanan na po ang problema diyan sa NAIA natin, susmaryosep, Senadora.

POE: Alam mo, talagang sa ngayon mapapalitan na sila e-'yung mga nandiyan-sapagkat alam naman natin, pagdating ng Mayo, sa tingin ko hindi na itatalaga 'yung mga dati nang nandiyan. 'Yung malungkot 'non, sa nakita naman natin, 'nung 'tanim-bala' dapat naglagay na ng mga CCTV. Hindi natin alam kung kumpleto na ba 'yan. Pangalawa, nagka-brownout pa nga sa NAIA e, so talagang hindi nakakapagtaka pero dapat talaga managot matagal na 'yung namamahala diyan sapagkat hindi nila napapatakbo nang tama 'yung kanilang dapat responsibilidad. Ako ay talagang naaawa rin sa ating mga kababayan. Dapat hindi talaga nangyayari 'yan. Ang airport ang una nating pinupuntahan 'pag aalis tayo-ang huli nating nakikita 'pag aalis tayo at ang una nating nakikita, ng ating mga turista 'pag pumupunta dito sa Pilipinas, dapat maayos.

Erwin: Kayo ho ba Senator Grace Poe ay handang-handa na para sa ikatlong debate diyan sa Pangasinan, ma'am?

POE: Alam mo, Erwin, ako talaga ay gusto ko na lang kausapin ang ating mga kababayan kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit ako tumakbo. Sa huli po, sila naman po talaga ang magdedesisyon. At kung ano man 'yung mga alam natin para makatulong sa kanila, 'yon naman ang nais nating ilahad.

Erwin: Ma'am, alam ko ho busy kayo. Nasa lalawigan po kayo ngayon, ma'am, sabi po ng staff namin. Is this correct? POE: Opo. Nag-land po kami sa Cagayan de Oro pero nandito na po kami ngayon sa Iligan. 'Yung ating mga kababayan-

Martin: Iligan City?

POE: Opo, nandito po kami.

Erwin: Ma'am, panghuli na kami, baka mawala po 'yung signal natin. Reaksyon lang po, ma'am, kasi may mga natatanggap po kaming report ni Pareng Martin, 'yun nga pong mga nangyayari doon po sa Overseas Absentee Voting. Sa mga embahada nating konsulado 'pag nagboboto raw 'yung kababayan natin ay sabay bulong na 'yung manok daw ng administrasyon ang iboto. Diyan sa Japan 'pag nag-renew ng passport sinasabihan daw doon ng consul: 'O, si ganito tayo ha, kay Roxas tayo ha...' E ganoon daw ho, ma'am, tapos meron pa kaming... Ito pa ang mas masaklap ngayon, ma'am, baka may mga kilala ho kayo na mga kaibigan ninyo diyan na may mga VIP, ika nga, security na galing sa PNP. 'Pag nalaman 'yung pulis, 'yung boss ng mga pulis na 'yon na mga security galing sa PSPG ay sumusuporta kay Grace Poe, kay Binay o Duterte, kawawa po 'yung pulis na 'yon; laging pinag-re-report sa Kampo Krame, ma'am. Ano po ang reaksyon niyo ho rito, Senadora?

POE: Nais kong ipaalala sa ating mga kasamahan sa gobyerno na hindi sila pwedeng magkampanya lalo na kung sila ay (nasa) isang appointed position o kaya regular na kawani. Pwede naman silang pumili pero hindi sila pwede talagang magkampanya. At sa ating mga pulis at militar, alam ko marami talaga sa kanila ay may mga personal talaga na gusto nila, karapatan ninyo 'yon. Kaya huwag kayong magpapagamit maski na kanino sapagkat ang responsibilidad ninyo ay protektahan ang ating mga kababayan.

Martin: Alright. Senator Grace Poe, good morning, si Martin po ito ma'am.

POE: Hi, Martin.

Martin: Para po sa kababayan natin diyan sa Mindanao-sa Iligan, Cagayan de Oro, Misamis Oriental-saan po kayo papunta, ma'am? Saan po papunta ang inyong caravan?

POE: Opo, nandito po kami sa Iligan ngayon, tapos pupunta kami ng Cagayan de Oro mamaya; meron pong Misamis Oriental. Sa Cagayan de Oro mamayang gabi, meron pong malaking pagtitipon, mga alas-singko ng hapon po 'yon. Kaya siyempre dito sa atin importante talaga mapuntahan natin ang lahat ng lugar at lalong-lalo na rin dito sa Mindanao. Erwin: Alright. Senadora Grace Poe, ma'am, maraming salamat po. Magandang umaga, mag-ingat po kayo diyan.

Martin: Thank you po.

POE: Maraming salamat sa lahat ng nakikinig, at sa inyo Martin at Erwin, thank you.

News Latest News Feed