Press Release
May 3, 2016

Transcript of Senator Chiz's Interview In Quezon City Today

DATE: May 03, 2016
EVENT: Taste of LA Press Conference

QUESTION: Yung sa motorcade daw ngayon ni Senator Poe, mayroon daw poster na Poe (inaudible)

FGE: Okay lang, sige lang. PBB, Pinoy Big Brother and more, PBB yan, Pinoy Big Brother and more. Okay, itinatanggi namin ang pahayag ay alegasyon ni Ginoong Belgica, hindi totoo iyon, independent candidates kami at maski na yung alegasyon mismo niya sa kanyang reklamo, wala siyang sinabing may alok o tumanggap ng pera mula sa amin o mula sa sinuman sa kampo ni Senator Grace.

Isa sa pinaka-madaling gawin, lalo na sa halalan, magsabi ng alegasyon na may nag-aalok ng pera at diumano may tumatanggap, pero sa kaso mismo ni Senator Grace ayon sa kanya, ni walang binigay o tinaggap na pera kaugany sa ano mang pagkikilos. Independent kami at kulang na nga ang pondo namin, hindi po namin gagawin iyan.

QUESTION: Anong motive sa tingin niyo para (interrupted)

FGE: Tumatakbo siya bilang senador, naibigay na siguro niya yung motibo niya noong kinover siya nung mag-file siya ng reklamong ito sa COMELEC.

QUESTION: Senator ang impression parang si Ronnie yata under sa kapatid niya si Duterte.

FGE: Well, dagdag pa siguro iyon, siyempre iba yung presidential candidate na sinusuportahan niya kaya may rason siguro siya na sampahan ng kaso ay si Senator Grace at si Secretary Roxas. Siguro maliwanag yung paggamit ng administrasyon ng resources nila para sa kampanya ng kanilang mga kandidato, pero napakalayo naman ng ganoong alegasyon sa kaso ni Senator Grace.

QUESTION: Pero sir, considering na Duterte, allied siya kay Duterte, could it be na diversionary tactic ito sa...

FGE: Posible na lahat iyon at kasama na lahat iyon. Pero tulad ng sinasabi ko madalas, basta't may isyu, dapat sagutin, basta may tanong, dapat ipaliwanag. Ito may alegasyon siya, may tanong siya, sinasagot ko ng diretso at tahasan. Hindi totoo, wala kaming ginagawang ganyan at nag-iimbento lamang siya. Next.

QUESTION: A few days before the election, could this affect the outcome or the result?

FGE: Lahat ng mga bagay na ito, lahat ng lumalabas sa balita, naniniwala ako tinitimbang iyan ng ating mga kababayan sa kanilang pagpapasya sa dulo. Humigit kumulang labing lima hanggang dalawampung porsyento sa ating mga kababayan ang malambot pa ang katayuan kaugany sa kung sino ang iboboto.

Marahil, ayon doon sa mga naunang eleksyon, sila ay magpapasya sa pinaka-huling araw na, meaning kapag nakaupo na sila doon sa upuan sa classroom at magsha-shade na. Doon lamang sila magpapasya, lahat ng mga balitang ito, titimbangin nila. In a democracy, you follow the will of majority, it is the wisdom of the majority that you have to follow. Wala nang tama, wala nang mali doon.

QUESTION: Sir wala pong masyadong detalye o laman yung petisyon ni Belgica, so mayroon ba kayong message sa kanya, anong tawag niyo sa kanya?

FGE: Kung nais niyang ipa-imbestigahan edi dapat lamang imbestigahan ng COMELEC, nakakatawa lamang yung timing at nakakatawa lang bakit dinamay niya si Senator Grace, samantala, napakaraming ebidensya at alegasyon kaugnay sa paggamit ng Liberal Party ng makinarya at government resources na mas malala pa sa vote buying. Bakit hindi iyon ang pinansin niya?

QUESTION: Tulad po ng ano, may masasabi po ba kayo?

FGE: 4Ps, yung paggamit na lamang ng pangalang Daang Matuwid sa balota mismo. Nick name ba nilang dalawa iyon at nagkataon pa na pareho pa ang nick name ni Secretary Roxas at Congresswoman Leni?

Hindi din maikakaila, lahat ng programa ng gobyerno, nakasulat ang Daang Matuwid. Nick name ba talaga nila iyon simula pa noong bata pa sila at nagkataon ba na silang dalawa ang tumatakbo, pareho pa sila ng nick name? Maliwanag na paggamit at pagsamantala, pagride-on at pagsakay iyon sa mga programa at proyekto ng pamahalaan.

QUESTION: Sir, mga isang linggo na lang bago mag-election day, anong bases kino-cover ng campaign niyo ngayon?

FGE: Lahat naman siguro ng kampanya bumabalik na sa mga sentro, sa mga balwarte nila so sa parte at panig namin ni Senator Grace, ito ay ang Central Luzon, Metro Manila at Calabarzon area, dun na lamang naka-concentrate ang kampanya. Hindi lang siguro sinunod namin ang karamihan ng mga kandidato dahil ito rin naman 'yung lugar na may pinakamalalaking boto sa ating bansa.

QUESTION: Sir, alam nating independent kayo, may mga alliances hanggang sa...at level ng presinto may mga tao ba kayo para magbantay?

FGE: Meron, latag ang aming legal at team ng mga watchers sa bawat lugar ng ating bansa para mabantayan hindi lamang po yung boto na para sa'min, para mabantayan na magiging sagrado at malinis, kapani-paniwala ang darating na halalan sinuman ang madeklarang mananalo.

QUESTION: Sir, sa motorcade daw po ni Senator Poe kanina sa Cavite, meron daw don na mga nakakabit na posters ng partylist partido ng bayan ang bida na Poe-Bongbong tandem, anong reaksyon niyo?

FGE: Kanya-kanya naman yan, independent kami at hindi naman kami miyembro ng partido, may kanya-kanyang grupo, partido, organisasyon na iba-iba naman ang gusto. May iba namang sumusuporta sa'kin na iba din ang dinadalang presidente gayundin kay Senator Grace. Hindi 'yan issue sa amin.

Ang importante at mahalaga para sa amin ay para sa akin, manalo siya at manalo din ako. Manalo ako at manalo din siya sa panig naman niya. Sa lahat ng tandem, kami na yata ang may pinakamatagal ang pinagsamahan at maliit na bagay 'to at hindi namin 'to iniinda...ika nga sa pagtatapos ng halalang ito na ilang araw na lang naman.

QUESTION: Sir, the campaign full of considered bets, do you think you will be surprised with the Catholic votes?

FGE: 95 percent ng mga Pilipino ay catholic at sila naman talaga ang nagdedecide kung sino ang mananalo sa darating na eleksyon. Ang tanong, kung boboto ng iisang direksyon o iba't ibang direksyon dahil sa dulo, katoliko ka man, muslim o anuman ang iyong paniniwala at relihiyon, tig-i-tig-isa lamang tayo ng boto hindi naman doble ang bilang ng pagboto ng Katoliko.

Hindi naman doble ang bilang ng ibang relihiyon. Pare-pareho at pantay-pantay lang yan. Each election is unique at siguro, maraming mga eksperto titingnan at pag-aaralan ang eleksyong ito kaugnay sa mga naganap, paano nangyari ito at bakit nangyari 'yan.

QUESTION: Sir, meron bang mga sinasabi lalo na sa overseas na bumoto sila pero iba yung lumalabas sa resibo, so, confident pa rin ba kayo, I mean, may trust pa ba kayo sa integrity ng ano...

FGE: Pinatignan at pina-imbestigahan namin 'yan at ayon sa aming mga abogado, hindi pa nila ma-verify ang katotohanan dahil puro mga posts lang sa internet at walang aktuwal na reklamo naman na inihain yung partikular na mga botanteng nagsabing ganun na nga.

Hanggang sa ngayon, pinatututukan namin ang bagay na 'yan at kahit naman yung mga overseas postings lalo na yung mga malalaki, tulad ng Hongkong, Singapore at Middle East, meron naman po kaming watcher din doon na wala naman pong iniuulat sa amin na ganun ka-massive na operasyon kaugnay sa iba yung binoto dun sa nabilang o lumabas sa resibo.

QUESTION: So, mamaya may endorsement sa inyo yung Coco Farmers Federation, paano ito makakatulong sa inyo?

FGE: Anumang endorsement ng grupo, partido o indibidwal, malaking bagay para sa amin ni Senator Grace 'yan dahil pareho kaming independent candidate. Dagdag palagi yon. Ika nga, politics is addition so, nagpapasalamat po kami sa kanila at sa iba pang grupo, indibidwal na magpapahayag ng kanilang suporta sa aming kandidatura.

QUESTION: Sir, do you expect other local leaders to jump ship from other to your team?

FGE: Sana pero mas maganda nang manggaling sa kanila. Ayokong pangunahan, lalo na ngayon na nitong mga huling araw ng kampanya, 'yung panggigipit nitong administrasyon ay doble at triple time na yata. Panggigipit in the form of threatening the filing of cases, papalitan yung Chief of Police, papapalitan yung Provincial Director, sususpendihin at ibababa yung desisyon so, hindi ko na alam kung anong kakahinatnan ng kanilang pagpapasya.

Ang tanong ko na lang siguro sa mga public official na ginigipit ng administrasyon para lamang suportahan ang kanilang kandidato ay ito: Kung mananalo ang kandidato ng administrasyon, anim na taon pa kayong gigipitin pa at tatratuhin ng ganito. Ang relasyon dapat nakabase sa respeto o pagmamahal hindi sa takot o panggigipit.

QUESTION: Sir, sino 'yan? Sino'ng mga local officials 'yan?

FGE: Maraming nagpaparating sa'min pero sila mismo ayaw din namang magsabi, takot din magsabi at magpahingi ng tulong at ipagbigay-alam ang ginagawa sa kanila pero laganap at kilala 'yon. Alam po ninyo at alam po nila kung sino ang mga tinutukoy ko.

QUESTION: Sir, ang ibig niyong sabihin, hindi sila makakapag-open ng support pero makakapag-deliver ba sila ng support?

FGE: 'Yun ang aming titingnan. 'Yun ang ating titingnan dahil sa dulo wala rin naman sigurong may gusto na under the gun ka palagi, 'ika nga may nakatutok sa iyo't nakaumang palagi 'yung baril kada hindi ka susunod, kada hindi ka sasang-ayon sa anumang utos o kagustuhan na mayroon sila. Hindi na po demokrasya ang tawag diyan at tiyak ko hindi na rin tuwid 'yan.

QUESTION: Sir, kanina sinasabi niyo about tungkol doon sa wala kayong pondo para nga doon sa vote buying. Ba't dalawa 'yung pinagbibintangan ni Belgica -- Senator Poe and Secretary Mar Roxas? So sa kanila po ba may possibilities? Sorry to ask this question.

FGE: Sa kanila...

QUESTION: Do they have the machinery?

FGE: Well, they have the machinery. Certainly, they have the funds. Tingnan mo na lamang kung sinong may pinakamaraming poster. Agad, sila na. Sila na may pinakamagaganda at maraming rally, sila na. Sinong nag-aattend ng mga turn-over ceremony ng mga project ng gobyerno? Sila pa rin. So hindi na ako magugulat kung saka-sakaling ginagawa nga nila 'yan ng mas malawakang lebel sa baba.

QUESTION: Sir, may kapalit ka nang funds? Projects?

FGE: Hindi ko alam. Hindi. Ito ang algasyon, aktwal naman na bigayan 'yon e. hindi project 'yon, cash 'yon.

QUESTION: Sir, kamusta kayo?

FGE: Okay naman.

QUESTION: Sir, bakit hindi kayo kasama ngayon?

FGE: Huling araw kasi nag-interviews kami kanina. Huling mga araw ng kampanya 'tsaka kailangan ko maiwan din kasi alam namin may magfa-file ng petisyon. Para may makasagot at sumagot ng diretso sa mga alegasyong bibitiwan laban kay Senator Grace.

QUESTION: Bukas?

FGE: Hindi. Ngayon. 'Yung kay Belgica, nabalitaan namin 'yun.

QUESTION: Bukas hindi kayo kasama?

FGE: Bukas Kapehan yata kami, so Kapehan kami.

QUESTION: Hindi kayo kasama sa Quezon?

FGE: Hindi, nanggaling na rin kasi kami ro'n. Itong huling dalawa, tatlong linggo ng kampanya ang ginawa namin mas higit na magkahiwalay kaysa magkasama kami para mas marami kaming ground na ma-cover at mas maraming beses din naming ma-cover. So napauntahan ko last week o two weeks ago. Siya naman pupunta a week or two weeks after at nang ang footprint namin, 'yung recall, mas marami at mas pabalik-balik.

QUESTION: Sir, dalawa nalang yata ang senatorial candidates niyo. Nasaan na ang iba?

FGE: Kasi kaniya-kaniyang punta na rin kung saan nila kailangan kasi sa huling araw ng kampanya, sa huling mga linggo ng kampanya, usually nagiiba-iba na talaga 'yung pupuntahan. Kahit naman anong eleksyon ganoon 'yon dahil 'yung lugar kung saan kailangan magpunta ng isang senatorial candidate baka iba naman 'yung pupuntahan no'ng kaniyang presidential candidate.

'Yung lugar na kailangang puntahan naman ng vice presidential candidate baka din iba sa kailangang puntahan no'ng kaniyang presidential candidate. Kasi itong mga huling araw puro naghahabol na po 'yan sa kani-kanilang mga lugar na dapat tunguhan.

QUESTION: Ibig-sabihin nagkakawatak watak?

FGE: Hindi, kasi may schedule naman talaga kaming magkasama-sama sa meeting de avance sa May 7.

QUESTION: Sir, have you seen po ba 'yung video na sinasabi ni Belgica?

FGE: Hindi, pero tiyak ko wala 'yung mukha ko ro'n at wala 'yung mukha ni Senator Grace doon. At sinuman ang gumagawa no'n, malay ba? Ma at Pa, malay at pake namin sa ginagawa po no'n?

QUESTION: Sir, 'yung ibang candidates po sinasama po nila 'yung mga family members na umiikot. So sa inyo po ba tinutulungan ba kayo ni Heart?

FGE: Minsan 'pag libre siya at wala siyang taping. Kahapon yata hindi siya naka-ikot dahil mayroon siyang presscon para sa kaniyang -- nag-advertise e -- para sa kaniyang upcoming soap pagkatapos ng eleksyon. Pero today, nagpunta siya sa Laguna kasama ang ilang mga kaibigan niya para mangampanya doon.

Pero mamayang gabi mayroon din siyang commitment kaugnay naman ng kaniyang pagiging contract star ng isang television station. So ganoon. Jina-juggle niya 'yon pero priority pa rin siyempre commitment sa trabaho niya kaugnay sa pagiging artista niya.

QUESTION: Can we say ba may iba pong tao na natatakot o nangangamba that happened to elections, baka magkagulo daw dahil sa mga scenario, iba't ibang scenario? And on your part, may nakikita ka bang ganoon?

FGE: Palagi namang may pangambang ganiyan lalo na sa mga kandidato na gustong may panghawakan kaugnay ng kanilang pagkapanalo o hindi pagkapanalo. Pero naniniwala ako matatag ang ating demokrasya at kaya niyang tumayo sinuman ang manalo, anuman ang mangyari, at wala rin naman sigurong may gusto na magkaroon ng kaguluhan sa ating bansa at may mamatay o masaktan kaugnay ng pulitika lamang.

QUESTION: So, tama din pala, boss. Nag-file siya noong una tapos sinabi rin niya na nagsecond petition siya no'ng alam na niya ang pangalan ni...

FGE: Oo, mali 'yung una niyang finayl e. 'Yung una niyang finayl wala si Grace.

QUESTION: A, nilaglag nalang, Sir?

FGE: Hindi. May second petition siya na sinama niya pero ang binanggit nga niya roon sa isang rally daw sa Baguio may nagpromise ng 500, magsuot ka lang ng white shirt. Pero nagrereklamo daw 'yung mga tao kasi hindi sila binayaran. So nasaan 'yung...?

QUESTION: Nasa vote buying. (laughing) Ang labo no'n.

FGE: So nasaan iyong, nasaan yung...

QUESTION: Nasa booth. (laughs) Ang labo.

FGE: Ang labo nga. Yes ma'am?

QUESTION: Sir may action ba kayo regarding dito sa....

FGE: Wala sasagutin lang namin. Wala ka namang pwedeng ifile na malicious persecution laban sa kaniya. Kung iyon ang paniniwala niya. Sasagutin namin at buo ang kumpiyansa namin na hindi didikit iyon dahil hindi naman talaga totoo.

QUESTION: Nandoon po ba kayo noon sir? Sa Baguio? Kasi sa Baguio iyong laging binabanggit?

FGE: Nandoon kami.

QUESTION: Kasama din po kayo?

FGE: Pero ang daling gawin noon. Kahit ako pupunta ako sa isang rally mo magpapadala ako ng tao. Sa rally ni Mar, mag aalok ako, magpapavideo ako mamimigay ako ng pera. Kasalanan na ni Mar iyon? Parang papagawa ako ng poster ni Mar, ididikit ko sa lahat ng bawal. Ay 'di 'oh bakit nakadikit iyong mga poster ni LP sa bawal?' Hindi ba? I mean how will you find out. Pwedeng paninira lang iyon o magpapagawa ako ng sample ballot na ang nakalagay Mar-Chiz para magtampo at magalit si Leni. Mang intriga. Parang ganyan, papagawa ka ng poster Grace-Bongbong.

QUESTION: Itatanong na ngayon?

FGE: Una baka iyon naman talaga ang paniniwala ng tao. Sino ba naman ako para pigilan siya kung iyon ang paniniwala niya. Nagpagawa siya e. Pangalawa, baka galing din sa kalaban iyon para mang intriga. Ang iniexpect lulundag ka, lulukso ka at makikipag away ka. Ang tagal ng gimik iyon.

News Latest News Feed