Press Release
May 22, 2016

TRANSCRIPT SENATOR SONNY ANGARA INTERVIEW OVER DZBB WITH NIMFA RAVELO

Nimfa Ravelo: Good morning Senator Sonny Angara

Sen. Juan Edgardo Angara: Magandang umaga NImfa. Sa lahat ng nakikinig sa DZBB, good morning po.

NR: Sir, patulong po sa pagtaya kung ano po ang magiging scenario bukas at sa mga susunod na raw dahil po magka-canvass na kayo para sa presidential at vice presidential elections.

SJEA: Opo. Nakasaad po kasi sa ating Saligang Batas na ang boto para sa presidente at bise presidente ay ang kongreso - ang magkaparehang Kamara (ang magka-canvass). Bukas na ang sesyon namin pati na rin sa Kamara de Representante at ang unang gagawin nila'y mag-create sila ng committee to canvass so yung ilang mambabatas ay pipiliin at yun ang magiging representatives ng buong Kamara. Whether it's a House of Representatives o Senado ay may committee at pagkatapos ay mag-a-adopt ng rules at isa-isa ay ipadadala na yung certificate of canvass whether galing sa probinsya at galing sa mga siyudad o lungsod. I think, 165 kung hidni ako nagkakamali yung total number of certificates of canvass na susuriin po namin.

NR: So, sir bukas po mago-open kayo ng sesyon para doon sa ilang legislative agenda. So, kalian po kayo magko-convene as national board of canvassers?

SJEA: Sa Wednesday po yata yung joint session namin bilang board of canvassers, so siguro and Tuesday, yung mga preliminary matters pa lang ang mga pag-uusapan.

NIMFA: Sir, sa instagram po may picture kayo na may meeting kayo kasama yung ilang Comelec officers tsaka po si Sen. Guingona, Sen. Pimentel. Tungkol na po ba ito sa canvassing?

SJEA: Opo. Yun po ay meeting kung saan nagpresenta ang Comelec sa amin dahil kakatapos lang ng kanilang canvassing. Sila naman po kasi, kina-canvass nila ang lahat ng boto - ang lahat ng opisyal. At brinif (briefed) nila kami kung ano ang sitwasyon doon sa iba't ibang board of canvassers at kung ano yung mga nangyari. Kasi may ilang presinto, na hindi nabilang yung mga boto - hindi na na-convene dahil parang nagkagulo yata - hindi na nagkabotohan, so, I think, may mga 100 boto na hindi na bibilangin. Pero hindi naman apektado ang resulta sa lahat ng posisyon.

NR: So, na-brief na rin po kayo na may mga COC na hindi nakapag-transmit ng 100 percent o dahil may error -

SJEA: E di ba nabanggit nila na may error sapagkat may tinatawag na testing, e. Yung (pre-???) so doon dapat tinitesting nang sabay sabay yung mga makina, at binubura yung mga laman nun kapag araw ng eleksyon. Ang ipapadala na lang yung impormasyon - yung nangyari talaga nung araw na iyon - yung aktuwal na botohan. Pero ang nangyari, hindi nabura yung sa testing - so ang ginawa nila, nagre-transmit sila. So may mga notation doon para alam lang namin kung ano yun, kasi baka may mag-kwestiyon.

NR: Opo kasi nag-cover kami sa Senate, yung mga COC na kinanvas, nagtataka kami hindi pa itina-tabulate. Yung nga po pala merong mga correction. Kasi yung mga na-transmit yung mga galing sa final testing and ceiling, e ang dapat na mag-appear yung resulta na ng botohan noong May 9.

SJEA: Tama po. Yun ang exactly nangyari sa ilang presinto. Hindi nabura so ang naipadala yung resulta ng final testing

NR: E, paano po yung naging issue doon sa pakikialam ng tao ng Smartmatic sa PPCRV transparency server? Yung tinawag nilang cosmetic change? Kasi yun po yung kritikal para sa vice presidential race dahil tight yung labanan. Yun ho ba kailngan munang ma-resolve o tatanungin muna ninyo rito yung comelec at smartmatic?

SJEA: Well, definitely siguro magiging issue yun. Pag-uusapan yun. Pero kami hindi pa namin napag-uusapan but definitely it will be taken up. Palagay ko ire-raise yan ng ilang party - so, ireresolba yan at habang nagka-canvass naman kami nariyan yung mga kinatawan ng Comelec, nariyan din po yung board of canvassers at malamang nariyan din po yung smartmatic. So, puwede nating tanungin kung ano talaga yung nangyari dyan. At kung saka-sakali, pwede ring magpatawag ng mga eksperto para malinawan itong mga issue na ito.

NR: Pero yan po, hindi po dapat yan makapigil sa resulta ng canvassing kahit po may isyu doon sa transparency server?

SJEA: Hindi naman po siguro. Well, maaaring pag-usapan pero I think, yung pwedeng i-resolve - kasi yung issue naman ditto, yung authenticity o kung tama ba yung mga nakalagay sa certificates of canvass. So ikukumpara yung ipinadala electronically or by mail doon sa papeles na pinirmahan at may thumb marks ng board of canvassers. Iyon ang trabaho talaga ng board of canvassers.

NR: So, kung may issue po ng dayaan, hindi po kayo ang magre-resolve doon, ano po?

SJEA: Well, depende sa klase ng dayaan. For example, pag sinabing nagkabilihan ng boto sa isang lugar, palagay ko, hindi kami ang magre-resolve noon dahil hindi iyon ang tinutukoy sa due execution at authenticity, e. Yung sa due execution, ang pinag-uusapan dyan kung tama nga ba yung pag-tabulate at kung tugma yung dalawang paraan ng pagka-canvass.

NR: E halimbawa kung fake o may question doon sa authenticity ng COC na iprinisinta sa inyo, -- yun ang nire-resolve nyo?

SJEA: Opo. Pero yung iba, kung may gusting ipabilang ulit na mga balota dahil sinasabing baka hindi nabilang nang tama, palagay ko sa presidential electoral tribunal yun.

NR: Sir, sabi nyo kanina, magki-create kayo ng canvassing committee. So sinu-sino po ang magiging members nyan? Sigurado hindi puwede dyan yung mga tumakbong presidente at bise presidente?

SJEA: Para maging partial at objective ang maging dating nya, hindi makakasama (sa komite) yung mga kumandidato sa mga posisyong ika-canvass namin - yun ngang president at vice president. So, the senate president at sa panig ng kamara, yung speaker, tapos yung majority leaders of both Houses. Pero hindi puwede si Senator Alan, kasi siya ang majority leader namin. Ang deputy nya, si Sen. Koko Pimentel, sya yung tatayong chairman at doon naman sa panig ng Kamara, si Cong. Boyet Gonzales sapagkat hindi naman siya tumakbo bilang presidente o bise presidente, siya ang tatayong chairman nitong board of canvassing - chairman ng joint canvassing committee.

NR: So, magiging member kayo non, ano po?

SJEA: Opo at maging yung mga ibang hindi kumandidato like Sen. Guingona, hindi kumandidato as president or vice president, si Sen. Legarda, at yung ating minority leader dapat may representative din galing sa minorya. Si Sen. Enrile. Tapos may mga alternate, si Sen. Bam Aquino, narinig ko is an alternate also, naroon din sya nung meeting. And I think, Sen. Legarda nabanggit din po yata.

NR: Sa inyo pong pagtaya ngayon pa lang, tingin nyo magiging smooth naman yung canvassing? Hindi kaya maging issue rito ang quorum dahil merong mga natalo, baka wala nang gana o kaya naman - kasi po sa Kamara, usual problem yang quorum, e.

SJEA: Kaya nga mas madaling mag-create ng committee to represent each House dahil mas madaling kumuha ng quorum ng committee kesa quorum ng buo. Dati naalala ko, may gusto kaming ipasa nung kongresman pa lang ako Nimfa, nagkulang tayo ng mayorya para maipasa yung ilang batas. I think, yung ratification ng Freedom of Information, I think 14th congress yun, e. 2010, so after ng 2010 elections, hindi na bumalik yung iba tulad ng mga natalo. Medyo nawalan na sila ng gana kaya hindi na sila pumasok.

NR: So, concern po pala yan...

SJEA: Well, usually sa first day yata may quorum, e. I think ditto sa canvassing, mas malaki ang interes ng mambabatas, e. So, hopefully, kumpleto naman.

NR: Pero pag halimbawa po yung sa committee, syempre pag part ng committee, may commitment na kailangang mag-appear, mag-canvass. Yung inyo pong committee canvassing report, ipre-present yan sa plenary. Pagdating sa plenary, hindi nyo naman nakikita na mag-o-obstruct o magiging sagabal yung mga natalo sa pagka-pangulo o yung sa Kamara yung mga natalo rin?

SJEA: We will make sure na naroon sila kasama ng kanilang mga abogado, mag-e-enter sila ng kanilang appearance at kung meron silang objection, they will formalize it. May mga proseso naman dyan na galing din sa mga dating canvassing. At para matiyak na smooth ang prosesong ito.

NR: E sir yung sa proclamation po? Di ba meron kayong report - at ang magpro-proclaim yung buong Senate, yung buong House, e. Yung sa mismong proclamation po, tingin nyo hindi naman po magiging issue ang quorum doon?

SJEA: Hindi. Sa palagay ko, hindi.

NR: Pag ginawa nila yun, sila rin ang mababatikos di po ba?

SJEA: Correct. At saka hindi rin maganda tingnan - historically hindi naman. Usually, nagiging kumpleto for that moment.

NR: Tsaka siyempre magpapa-pogi na rin sa incoming president.

SJEA: Puwede.

NR: Sir, isa po sa mga ipinangako ni incoming president Duterte ay income tax reform. Ika ko nga kanina, matagal nyo nang isinusulong ang income tax reform para mabawasan naman ang buwis ng mga hindi kumikita ng kalakihan. Ano po ang nagiging pananaw nyo rito? Palagay nyo, maisasabatas ito dahil may ganuung commitment si Duterte?

SJEA: Yes, maganda yung sinabi ng kanyang incoming finance secretary, si Mr. Dominguez. Na sa tingin nya, hindi nag-progress yung income tax rate, ibig sabihin hindi na-index. Ibig sabihin, kung ano yung kita mo noong 1997, syempre mas maliit ang halaga nun ngayon dahil nagkaroon tayo ng tiantawag na inflation o yung pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Hindi nakahabol doon ang sistema ng ating pagbubuwis. Iyon din talaga ang habol natin nung i-file natin ang ating bersyon. So, siguro ang mangyayari nyan Nimfa, magpapatawag tayo ng hearing kung saka-sakali kugn tayo pa rin ang magiging chairman ng ways and means. O kung sinuman, mag-file pa rin tayo ng panukala at magkakaroon ng hearing sa senado kung sino man ang chairman at saka tatawagin yung mga opisyal, papakinggan kung ano yung nakikita nilang mga dapat baguhin. Pero yung pilosopiya halos parehas, e. Yun ang kagandahan nyan. Gusto nila maging patas yung ating buwis at yung kumikita nang di kalakihan, dapat hindi rin dapat binubuwisan nang malaki. Sa ngayon, yung mga bago nating teacher, for example, ang taas ng binabayaran nilang buwis. Halos nasa 20 percent na sila. E bagong salta pa lang sila sa pagtratrabaho, e. So definitely, kailangang mag-ipon yan para sa bahay, kailangang mag-ipon para sa mga bilihin , sa sasakyan for example. Hindi imposible yung ganoong klase ng pag-iipon kung halos 1/3 ng kinikita mo, o kalahati ng kinikita mo ay napupunta sa buwis. Bukod dyan, may PhilHealth, may PagIbig, may GSIS, yung tiantawag na payroll taxes. So talagang patung-patong yang mga buwis na yan, hindi na nakakaipon yung pangkaraniwang empleyado. Yun ang puntos natin kaya hinahabol natin yung pagreporma ng ating tax code. Ang P500,000 noong araw, malaki yun dahil yun ang sweldo ng president o bise president ng isang kumpanya noong 1997. Ito ang taon kung kalian ginawa yung ating batas sa buwis. Pero yang halagang yan, hindi na gaanong kalaki kung tutuusin.

NR: Ngayon po kasi, di ba ho 32 percent agad. Pag tinignan natin sa payslip - 32 percent agad?

SJEA: 32 percent sa amount anything over P500,000 ang kinikita sa bawat taon. So, pag kumita ka ng over P500,000 yung excess nun ay bubuwisan ng 32 percent. Sabi nga natin, noong 1997, e malaking bagay yun dahil mamahaling kotse na yun, at baka nga makabili ka pa ng house and lot noong araw, e. Pero ngayon, halos wala ka nang mabili masyado. IIlan na lang ang mga saskyan na mabibili mo sa P500,000.

NR: Hindi na nga po yan makakabili ng sasakyan ngayon, e.

SJEA: Totoo. So, yun ang puntos natin. Parang napag-iiwanan na yung batas natin sa buwis sapagkat wala na yung indexation. Ano ba ang indexation? Yun yung sinasabi na kada tatlo o limang taon, e binabago ang rate of tax o buwis sapgakat kinikilala nga niya na merong inflation talaga at kailangang makahabol yung porsyento ng buwis.

NR: At saka kailangan po ay klaro na every three or four years merong adjustment kesa yung fixed na nakalagay sa batas na so and so percentage na sapalaran kung mababago sa mga susunod na kongreso.

SJEA: Yes. Yun yung tinatawag na indexation. Nakatali sya sa inflation. Ibig sabihin, tulad ng sinabi mo, every three or four years dapat binabago yun.

NR: So ito po, kailangan siyempre dahil buwis, kailangan pumasa muna sa Kamara so kritikal na ito ay maitulak doon - kasi sa Senate - although depende rin sa composition pero parang pag ganitong bill hindi naman nahihirapang lumusot di po ba? Pag sa Senate?

SJEA: Well, sa Senate, inaasahan na rin natin na magkakaroon din ng kaunting debate rito. Pero sa pilosopiya, palagay ko walang hindi sumasang-ayon na kailangan baguhin ang ating batas sa buwis. Halos lahat ng mambabatas, kahit siguro sa Kamara, sang-ayon na dapat baguhin. Yun nga lang nitong nakaraang Kongreso, medyo nagdalawang-isip ang Kamara na ipasa yung panukala natin sapagkat parang ayaw ni Presidente Aquino at saka ng kanyang economic team. Sabi nila, kailangang pag-aralan daw itong mabuti dahil mawawalan daw ng kita (ang gobyerno) at kailangan, malawakan o wholistic -0- yun ang lagi nating naririnig nating termino - wholistic ang pananaw natin dyan sa pagbabago ng buwis. Yun ang naririnig natin, so ngayon, natutuwa tayo dahil ipinaglaban natin yan at talagang kailangan na talaga. Kailangan na ng ating mga manggagawa at kanilang mga pamilya itong repormang ito.

NR: Sana po itong tuluy-tuloy na pagsusulong ninyo nito ay samahan din ng mga nangangailangan ng bill na ito ng pag-iingay para hindi po makaligtaan, hindi po ba?

SJEA: Oo dahil minsan may mga pangakong napapako pero sa tingin ko, hindi naman dahil inanunsyo na, e. So kahihiyan na nila kung hindi nila itutuloy.

NR: Tsaka sisingilin po iyan.

SJEA: Sigurado po yan dahil talagang may clamor na. May mga gusto talagang mangyari ito (tax reform).

NR: Syempre, maipu-push nyo po yan, chairman man kayo o hindi ng ways and means committee ..

SJEA: Opo. Definitely. Ipa-file po natin at nakahanda na po yan. Pagpasok po ng bagong kongreso sa July 1, this year, ifa-file na po namin yan.

NR: E, sir, kung may time pa kayo - yung isusulong daw na pagbabago sa Konstitusyon para maisalin ang gobyerno tungo sa Federal form, kayo ba ay sang-ayon ditto?

SJEA: Well, sa totoo lang hindi ako eksperto sa Federalism, Nimfa sapagkat buong buhay ko, narito tayo sa isang Unitary form of government kung saan naka-centralize yung kapangyarihan sa Presidente. Pero, sa prinsipyo ng Federalism na paged-devolve o paglalabas sa mga kapangyarihan mula sa centralized government at ipapasa sa local government, o kaya Federal government, e medyo okay ako doon dahil nakikita na nga natin na pagka masyadong centralized ang ating gobyerno at sa kanyang paggastos, e, merong - nakita ko yan mismo sa lalawigan namin sa Aurora - ilang dekadang hindi nabibigyan ng tulong o financial assistance yung aming mga proyekto roon -- itong nakaraang dekada lang nagkaroon ng totoong pag-unlad doon sapagkat nagkaroon din ng investment yung national government. Pero pag hindi nagbibigay ng pondo ang national government, nakakaligtaan talaga yung malalayong lugar kaya hindi sila umuunlad at hindi patas yung pag-unlad dito sa buong bansa. Iyon ang nakikita ko, andun yung pag-asa na lahat mabibigyan ng patas na kakayanan at resources. Doon sa prinsipyong yun, sang-ayon ako. Dun sa kaunting detalye siguro, posibleng magkaroon ng kaunting debate. Usually, ang debate dyan, kung ano yung mga kapangyarihang ibibigay sa local governments at ano yung maiiwan sa national government. Doon magkakaroon ng debate tiyak.

NR: E syempre sir, pag itinulak yung Federalism, kailangan amendahan ang Konstitusyon. Nitong mga nakaraang kongreso, hindi nagtagumpay ang charter change dahil ang ipinu-push po kasi patapos na yung term ng president - ang laging duda, gusto lang mag-extend ng term.

SJEA: Tama po yan. Siyempre naroon po ang takot ng mga pulitiko at ng publiko na may mga pansariling interes yung nagtutulak ng cha-cha so maganda ngayon na sa umpisa pa lang, pag-usapan na.

NR: Ideally sir, sa first and second year po ng Duterte administration?

SJEA: Opo. Puwede nang idebate yan. Kung anong klase o hugis ng gobyerno ang ninanais at kung ano ang magigng distribusyon ng kapangyarihan sa iba't ibang lebel ng gobyerno.

NR: Tsaka mukhang masalimuot pa ito kasi hindi pa sustansya agad ng pag-uusapan. Baka pagdebatehan pa. kung hindi po ako nagkakamali, ay kung paano aamendahan ang Konstitusyon - kung ConCon bay an o ConAs.

SJEA: Yes, lagi namang may debate dyan. Dahil yung mga may gusto ng ConCon o maghahalal pa ng kinatawan para lang pag-usapan yung pagbabago ng ating Saligang Batas at gagawa pa ng isang convention o isang body na merong mga mag-aamenda o delegate tulad nang nangyari noong 1973. Ang argument ng mga may gusto nyan, e, ito, walang pansariling interes ang mga delegado sapagkat sila lang ang eksperto at pag-uusapan nga nang maigi kung ano yung pagbabagong gusto natin. Ang argument naman against the ConCon or on other forms of amending the Constitution tulad ng Constituent Assembly ay mas mura siya, hindi siya magastos at mas mabilis siya. So, yun ang contending arguments dyan - ditto sa paraan ng pagbbago ng ating saligang batas.

NR: Basta't kung yan ay isusulong, dapat ngayong maaga pa lang at hindi kung kailang patapos na ang term (ng presidente).

SJEA: Tama yun Nimfa para hindi sila malalagyan ng suspetsa na meron silang pansariling interes na gustong pahabagin yung kanilang termino o kung anuman.

NR: Sir, yun pong sa Senate presidency, kayo ba'y may inoohan na na susuportahan na senate president?

SJEA: Well, nakikipag-usap po tayo sa iba't ibang indibidwal o grupo na interesado at sa ngayon, parang basa ko ay parang wala pa namang - may 13 po roon na talagang kailangan para makuha yung post ng Senate president. So, I think, maraming pag-uusap pa ang nangyayari sa ngayon at dyan kasi, merong mga iilang grupo at iilang indibidwal - so sa ngayon, walang iisang grupo na may 13 votes. I think yung Liberal Party has six (6), yung UNA has four (4) kung hindi ako nagkakamali, may limang (5) independent, tapos meron naman sa grupo ni Pres. Duterte, yung PDP, merong isa at of course sa NP I think there are two (2) or three (3) -- so ayun. Dapat may magsama dalawa o tatlo sa grupo na yun para bumuo ng isang mayorya composed of 13 senators. At pag nangyari yun, magkakaroon tayo ng Senate president.

NR: Sir, pag walang naka-13, what happens po?

SJEA: Pag walang naka-13, by default, yung incumbent senate president will remain and that's senate president Frank Drilon.

NR: So sir hindi po malulusaw yung kanyang senate presidency? Magsasara po yung 16th Congress -

SJEA: Hindi kasi Senate is a continuing body, e. Yung kalahati ng senado ay may termino pa, hindi nawalan ng kapangyarihan yun during the turn-over of power on June 30, unlike dun sa Kamara, ang lahat ng termino ng mga dating kongresista ay natapos sa noon of June 30, 2016 and yung termino naman ng mga bagong kongresista, mag-uumpisa sa June 30. So talagang kumbaga ito'y klarong-klaro. In and out - out yung 16th congress, in yung 17th congress sa Kamara. Pero sa Senate, may continuing - yung kaming 12 na nahalal noong 2013 ay naiiwan pa kami dyan. So may continuing existence yung senate as an institution. So siguro magiging iba yung patakaran. Kaya kung makikita mo, pagbukas ng sesyon sa July, usually July 25 or 26, ang nagpre-preside po sa Kamara, yung secretary general nila kung wala pang nahalal na Speaker. Pero sa Senado, ang nagpre-preside, yung Senate president. Kasi nga, continuing body sya. Kaya ang nangyari noong 2010, kung hindi ako nagkakamali, hindi pa naman ako senador noon, pero nagbabasa rin tayo ng pahayagan at nasusundan po natin - walang senador ang nakakuha ng 13 boto para palitan ang dating senate president na si Sen. Juan Ponce Enrile. Siya pa rin ang naging senate president. Dapat kung may ambisyon yung ibang mga senador na maging senate president, siguro dapat mag-usap-usap din sila dahil pag nagsama yung kampo ng isa at yung kampo ng pangalawa, e usually, magkakaroon na ng mayorya yun, e. Dahil nabanggit ko, usually ang mga grupo dyan, 6 or 5 or 4 - so pag nagsama yun, may 11 ka na or may 12 ka na so isang boto na lang ang kailangan mong kunin para maging senate president ka. So, ang recommendation natin, magsama na lang sila di ba?

NR: Paano ba makakatulong yung endorsement ni incoming president Duterte. Di ba palaging sinasabi na independent naman ang Senate, pero di ba po kahit paano, material din ang endorsement ng (pangulo)?

SJEA: Makakatulong yun sa palagay ko kung sino man ang magiging - hindi pag nagsasalita ang ating pangulo, pero kung magsalita siya na 'ito ang kanyang manok, e pag iisipan yun. Bilang bagong presidente, gusto rin naman ng mga senador kahit hindi niya kapartido, e, gusto rin syang tulungan.

NR: Kasi kagaya po nito --- nag-declare na gustong maging senate president si Sen. Koko Pimentel, e kaisa-isa po sya sa PDP-Laban. So, saan manggagaling ang boto nya? Kahit may alyansa sya sa Nacionalista Party, e sinu-sino po ba ang nasa NP, e, apat lang po ba?

SJEA: I think, tatlo. Si Sens. Cynthia Villar, Alan Cayetano, and Sonny Trillanes. Hindi naman sila nagkasama-sama noong eleksyon so hindi rin natin alam kung magkakasundo. So, yun nga, ang race to the senate presidency is a result of building alliances and crossing party line actually. Pero ang sbi ko nga, magiging matimbang din ang personal choice ng ating pangulo.

NR: Ilan po sila sa LP?

SJEA: Anim sila Nimfa kung hindi ako nagkakamali. Pero I think, ibinibilang nila doon si former TESDA secretary, ating kaibigan si Sen. Joel Villanueva na number 2 din. Topnotcher.

NR: Hindi po ba sya member ng LP?

SJEA: I don't think he's a member of the LP but he ran under the LP slate. Pero kung isinama sya roon, I think, anim sila. Sens. Recto, Pangilinan, De Lima, Hontiveros and Bam. So ilan yun?

NR: Magiging 7 po kung -

SJEA: Sen. Hontiveros is a member of Akbayan.

NR: A, okay. So hindi sya LP. So nitong mga nakaraang araw na, hanggang sa pagbubukas ng sesyon, panigurado , dyan magaganap ang ligawan.

SJEA: Sigurado yan, Nimfa. Pero mahabang panahon yan, so, siguro yung kumuha ng boto, hindi rin makakakaasa dahilbaka mabago yan. Kailangan bantayan din niya yung boto nya roon tulad ng eleksyon sa presidente at bise presidente. Kailangan may watcher kumbaga dapat bantayan din ang boto.

NR: So yung papasok na senador at kongresista, tingin nyo may honeymoon period na mangyayari pagpasok ng Duterte administration?

SJEA: Usually naman oo kasi pagkagaling sa acrimonious o eleksyon kung saan talagang naglaban ang iba't ibang grupo, usually pagod na rin yan. Ang tendency, give the new president a good start - yung tinatawag na honeymoon period, usually 100 days yan - so kaya nga lyamado rin yung kanyang mga kandidato sa pagka-Speaker. Nababalitaan na rin si Cong. Bebot Alvarez ay lyamado na sa race para sa Speakership, so although di natin ang alam ang totoo dyan, e usually, product din yung mga incoming congressmen, gustong tulungan ang bagong pangulo.

NR: Okay po. On that note sir, maraming-maraming salamat po sa inyong oras.

SJEA: Salamat din Nimfa at magandang umaga po sa kanilang lahat.

News Latest News Feed