Press Release
May 29, 2016

Transcript of DZBB Interview with Senate President Franklin M. Drilon by Nimfa Ravelo

Q: Congratulations ulit sir, hindi lang kayo nanalo, number one pa.

SPFMD: Ay salamat po. Ako po ay nagpapasalamat, at kukunin ko lang po itong pagkakataon na magpasalamat sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng DZBB na magpasalamat sa mahigit sa 18.6 million votes na kanilang ipinagkaloob sa akin. Hindi ko po inaasahan na ganoon kalakas ang inyong tulong, ngunit ako po ay natutuwa at nakakataba ng puso ang ipinakitang suporta ng ating mga kababayan.

Q: Sir mas marami pa pala kayong boto kay President-elect Rodrigo Duterte.

SPFMD: Oo, pero hindi mo pwedeng ikumpara ang mga boto namin dahil siya, one-on-one. Kaya ganun pa man, ako po ay natutuwa at nagpapasalamat sa ating mga kababayan, sa pagsuporta nila sa ating kandidatura.

Q: Ano po ba ang scenario bukas, may session sa umaga at sa hapon pa po yung joint session ng Congress para sa proclamation ng president at vice-president?

SPFMD: Unang-una po sa umaga, may mga ilang local bills at franchise bills na aming ipapasa sa umaga. Ito'y mga batas na naipasa na sa lower House at aming ipapasa sa Senado, may mga third reading na ito, kumpleto na ang committee report, hindi ko lang maalala ngayon kung alin yung mga bills, ngunit tiningnan ko na at noong nakaraang sesyon pwede nang ipasa.

Pangalawa, bukas po kami ay magrereconvene bilang the National Board of Canvassers (NBOC) sa alas-2 ng hapon. Ito po ay pinakamabilis na proclamation na aking naalala- 3 araw lang, 3 araw na tuluy-tuloy ang pag-canvass at natapos. Ito po ay maganda sa ating sambayanan, dahil unang-una po nagbibigay ito ng stability sa ating political system. Mayroon pong maliwanag at mapayapa na paglipat ng kapangyarihan mula kay Pangulong Benigno Aquino III patungo kay President-elect Rodrigo Duterte. Ito po ay nagpapakita ng maturity ng ating demokrasya, na walang gulo, maayos, at tahimik ang paglipat ng kapangyarihan ng pagpapatakbo ng pamahalaan, at ating kino-congratulate ang COMELEC sa magandang conduct ng ating halalan.

Bukas po ng hapon ang joint committee ng Senado at ng Kamara who did the actual canvassing ay isusumite po itong report, ito po ay aaprubahan ng Kongreso at Senado acting jointly as the National Board of Canvassers. Wala po akong nakikitang problema, within one hour's time matatapos namin ang proclamation, after one from hour from convening we will have a new president-elect and vice president -elect.

Q: Naabisuhan na po ba si President-elect Duterte at Vice President-elect Robredo?

SPFMD: Pagkatapos po ng bilangan ng canvass noong Biyernes, noong Biyernes ng gabi, pinirmahan namin ni Speaker Sonny Belmonte ang formal na invitation kay President-elect Rodrigo Duterte at Vice President-elect Leni Robredo, na amin silang binibigyan ng imbitasyon na dumalo sa pormal na proklamasyon na gaganapin sa Lunes ng hapon.

Q: Yung kay Vice President-elect Leni, sigurado kayo na pupunta siya?

SPFMD: Sigurado ako na pupunta siya.

Q: Yung kay President-elect Duterte?

SPFMD: Wala akong balita na personal, pero bibigyan ko lang ng diin, na itong attendance during the proclamation ay sa personal, wala namang legal effect kung hindi siya dadalo sa proclamation. Ang amin lang, it is my hope that he attends the proclamation, dahil iyon ang tradition, at ito po ay isang institution na nagpapatibay sa ating demokrasya, ang paproklama ng ating pangulo at pangalawang pangulo, kaya we extended the invitation. Ngunit, uulitin ko, ito po ay tanggapin man o hindi, ito ay personal na position ni President-elect Duterte.

Q: Kapag sa proclamation, wala nang speeches di ba?

SPFMD: Wala po, wala ng speeches. The tradition is, itataas lang natin ang kanilang kamay. But yan po, as I said, nasa sa kanila po kung dadalo sila. Sa katunayan po, sa senatorial proclamation, recently you witnessed si Senator Sotto was not available, he was out of the country, si Senator Lacson ganun din. Legal ang proclamation kahit wala yung nanalong kandidato, but you know, sana paunlakan ang aming imbitasyon.

Q: Pwede rin pong gamitin iyang occasion diba para mapakita na maganda ang magiging working relationship ng lehislatura at ehekutibo?

SPFMD: Yes, that's true, but ang mas importante ay yung tradition at symbol na we are a working democracy.

Q: Kapag po pine-present na yung canvassing report nila Senator Koko Pimentel at Congressman Boyet Gonzales, wala na po bang makakapigil doon? Nakikita po ba kayong magfifilibuster pa, mag-oobject pa?

SPFMD: Nasa sa kanila po iyan. Lahat po iyan, possible. Ngunit siguro naman, doon sa canvassing nakita naman natin na malinis ang mga certificates of canvass at election returns, wala namang diperensiya. I think public opinion will be on our side if bilisan natin itong proclamation dahil lahat naman nabigyan ng pagkakataon na kwestiyunin ang certificates of canvass, ngunit tatlong araw tuloy tuloy from 2 pm to 10 pm ay maayos naman po, at balita ko sa mga abugado ni Senator Bongbong Marcos, sinabi naman po na pareho naman ang certificates of canvass na hawak nila at hawak ng canvassing committee, at hawak ng mga partido, kaya wala masyadong tanong.

Q: Sir yung ginawang isyu ng mga abugado ni Senador Marcos tungkol sa undervoting, hindi naman iyon makakaapekto sa paglabas ng canvassing report at sa proclamation?

SPFMD: Hindi po iyan. Yung undervoting natural lang po iyan, ang ibig sabihin bumoto sa presidente, hindi bumoto sa bise-presidente, kaya lumalabas na nag-undervote. Ganun din po kung hindi ka bumoto sa senador, kung isa lang ang binoto mong senador, 11 ang undervote. Kung bumoto ka sa mayor at hindi kay bumoto sa vice-mayor, mayroong undervote. Kung bumoto ka sa governor at hindi sa vice-governor, may undervote.

So natural po iyan, at in fact, kung titingnan mo yung numbers ng bumoto sa presidente at bise-presidente, sa bilang natin ay 42,290,407 yung kabuuan nung bumoto sa anim na kandidato sa pagkapangulo. Ngunit sa mga kandidato sa pagka-bise presidente, ay 40,805,888. Ibig sabihin, may mga 1,484,000 na hindi bumoto sa pagka bise-presidente.

Q: Sabi kasi nila may undervotes, may electronic fraud.

SPFMD: Karapatan po nilang ipahayag iyan sa publiko, ngunit hindi po iyan basehan na tigilin ang proklamasyon.

Q: Hindi po ba ito magbibigay ng duda sa pagkapanalo ni VP Leni Robredo?

SPFMD: Sa palagay ko hindi. Pinaliwanag naman na sa publiko na ito ay walang epekto sa proklamasyon at ito ay nagpapakita lamang na mas maraming bumoto sa pagka-presidente kaysa sa pagka bise-presidente. May desisyon na ang Comelec noon pa na ito ay hindi hadlang para iproklama ang isang kandidato.

Q: Hindi po unusual kahit sabihin nila na 3.2 million yung undervotes?

SPFMD: Hindi po unusual iyan, at kung sa senador nga, kung isa lang ang binotong senador, 11 ang undervote diyan dahil 12 dapat ang ating iboboto. Kung isa lang ang ibobotong senador, valid iyan ngunit may undervote na 11.

Q: On the legislative agenda of the Senate

SPFMD: Unang una, isa sa mga isyung maagang lumabas ay yung sa postponement ng barangay elections, dahil may barangay elections dapat sa October. Ako po ay susuporta sa panukalang batas at sisikapin namin na ito ang unang maipasa, yung postponement ng barangay elections, dahil sangayon ako sa sinabi ng Comelec na talagang may "election fatigue," katatapos lang ng halalan, siguro we concentrate first on governance. Pwede namang ipagpaliban ng 1 taon ang elections, hindi po problema iyan sa akin.

Pagdating ng 17th Congress, siyempre ang uunahin natin ay yung national budget para sa administrasyon ng President-elect Duterte, dahil iyan ay dapat tapusin, yung National Expenditure Program, yung budget natin, ay tapusin by December 31, 2016. Yan ang unahin natin. Huwag natin kalimutan, ito ay bagong Kongreso, kaya maraming organizational matters na tatalakayin, at tatapusin, at bago tayo makapagumpisa ng debate sa budget, ay medyo ilang linggo pa ang dadaan dahil it will have to have time for the organization of the different committees in the Senate.

Q: Tsaka sir yung salary standardization law, kailangan din isalang.

SPFMD: Tama po iyan, yung Salary Standardization Law, tatalakayin po natin, dahilan sa hindi po naipasa iyan noong nakaraang Kongreso, at mayroong inaasahan ang ating mga kawani sa pamahalaan na sa 2017, na second tranche o schedule ng SSL IV, ngunit kailangan iyan unang-una nasa budget, at pangalawa, maipapasa natin yung Salary Standardization Law.

Q: Yung institutionalization of the Conditional Cash Transfer Program, kasama po ba sa isusulong ninyo?

SPFMD: Unang una, to be realistic about it, baka mahirapan sa 2016 ang institutionalization, pero sisiguraduhin po natin na ang budget sa 2017, sakop po ang budget para sa CCT. Of course, since it is only in the budget, dapat po iyon ay isama sa presidential budget na isusumite sa Kongreso. Kung hindi ako ngakakamali that's about P63 billion for the current year. As a signal na ipagpapatuloy dapat isama sa president's budget.

Q: Kung hindi po isasama ni President Duterte ang CCT sa budget, wala pong magagawa ang Congress?

SPFMD: Well, maghahanap tayo ng pondo na maipupuno para matuloy ang benepisyo sa 4.3 million na pamilyang Pilipino na ngayon na nasa ilalim ng CCT. Iyan po ay budgetary item, pwedeng hanapan ng paraan ng Congress dahilan Kongreso ang may hawak ng budget. Personally, I will work, kapag hindi maisama ang CCT sa budget, na maisama iyan.

Q: Yung income tax isa rin po ba sa inyong isusulong?

SPFMD: Yes, susuportahan po natin iyan. Yaan po ay manggagaling sa Kamara, by tradition hihintayin po namin iyan sa Kamara, ngunit ngayon pa lang I am making public that I will support a tax reform program. Dapat po ayusin natin ang ating income tax structure, dahil 20 taon na ang income tax schedule natin kaya yung value ng pera ng 1995, iba na ngayon. Pero ang rate eh parehas pa rin.

Q: Yan po ang kailangan naming uring manggagawa.

SPFMD: Kinikilala natin ang pangangailangan at justness ng revision ng ating income tax structure.

Q: On the Senate leadership in the 17th Congress

SPFMD: Sa akin po tapusin muna natin yung canvassing, itawid muna natin yung pag-proklama kay President-elect Duterte at Vice President-elect Robredo. Pagkatapos siguro, the day after tomorrow, umpisahan na natin, pagiisipan natin. Tayo po ang nakaupo, and we will yield to the senator who is given the mantle of leadership by 13 senators.

Tayo naman ay naihalal sa 18 million ng ating mga botante at incumbent na Senate President, kaya kung may napupusuan ang 13 senator na maging Pangulo ng Senado, we will yield the post to whoever it is. Ito po ay nangyari na, noong panahon ni Senator JPE, si JPE ay incumbent Senate President at wala pong nakakuha ng 13 na boto, he remained as Senate President. Sabi ko nga ay mayroong bagong mandate, mahigit sa 18 million na kababayan natin ang bumoto sa atin, so we will wait until the 13 senators would say "We want a new leader," otherwise we stay as the Senate President.

We will support in general the legislative agenda of President-elect Duterte, but we will remain as an institution of democracy. Wala po akong nakikita dito sa atin na mga senador na magpapalit ng partido, we will remain as we are.

Q: Pwede bang makialam si President-elect Duterte sa pagpili ng Senate President?

SPFMD: Bilang political leader, hindi mo maiwasan iyan. Nasa sakanya po iyan kung siya ay makikialam, though narinig ko sa kanya na he respects the independence of the Senate.

Q: Yung Liberal Party, will it be part of the opposition? Ano yung magiging role ninyo?

SPFMD: It is too early, as I said, we will support in general the legislative agenda of President-elect Rodrigo Duterte.

Q: Ano po ang tingin ninyo sa plano ni President-elect Rodrigo Duterte na ilibing sa Libingan ng mga Bayani si dating Pres. Marcos?

SPFMD: Pagusapan po natin iyan pagdating ng panahon.

News Latest News Feed