Press Release
June 8, 2016

Excerpts from Sen. Bam Aquino's DZRH interview

Q: Sino ang iboboto niyo sa pagka-Senate president?

Sen. Bam: Pinag-uusapan pa po ng aming bloke. Medyo malaki-laki rin po ang LP bloc. We're talking to different groups. Palagay ko mapa-finalize na iyan. Mayroon lang pong isang bagay na kailangan sigurong pag-usapan pa.

Marami pong nagsasabi na tapos na, gawa na iyong mga numero pero palagay ko po, give it a few more days kasi may mga tinatapos na mga usapin.

Karamihan po kasi sa bloke namin, mga bago, bagong pasok. Nandiyan sila Leila de Lima, Joel Villanueva. Marami ho diyan bago kaya ang pagnanais po ng aming grupo ay makapagtrabaho.

So mahalaga po sa amin na makuha iyong komite. In fact, iyong mga posisyon-posisyon hindi kami gaanong interesado. Ang interesado ho kami, na magawa po namin ang kinakailangan ng taumbayan, and that means we get the committees na makapagbibigay sa amin ng oportunidad na makatulong at makagawa ng reporma.

Ang inuuna po namin, hindi po iyong personalidad.

Q: You are an Aquino and our president is Duterte, paano kayo poposisyon sa kanyang administrasyon?

Sen. Bam: Ako naman po, kahit naman noong si P-Noy ang presidente, very independent naman po tayo.

Kapag may maganda, e di sabihing maganda. Pag di maganda o di maayos, you just say no, kumbaga tututol ka.

We had a lot of investigations noong 16th Congress sa Internet at doon medyo, we were very hard on DOST or the NTC. Talagang siningil natin sila sa kanilang pangako na pabilisin ang Internet natin.

Kung sino pa man po iyan. Kahit pinsan iyan. Kahit magkaiba ang partido. Kahit sino pa man, kung kinakailangang gawin, iyon ang gagawin ho natin.

News Latest News Feed