Press Release
August 2, 2016

SENATOR JOEL VILLANUEVA'S TRANSCRIPT OF INTERVIEW ON THE ABOLITION OF PARTY-LIST SYSTEM

Q: On the abolition of party-list system?

SJV: ...para iabolish baka po 'di ako sumang ayon dyan unless talagang may bago na po tayong Konstitusyon kasi nakasaad yan sa Konstitusyon at napakahalaga na kapag tinignan mo ang track record ng partylist system especially yung contributions ng partylist groups, legitimate partylist groups, e napakadami pong mga batas na naisulong nyan at pinakikinabangan ngayon ng taumbayan.

Q: Naniniwala ka ba na naabuso rin ito ng ibang partylist groups?

SJV: Well, I think ang importante rito ay yung mekanismo natin to regulate and to ensure na yung inaaccredit ng Comelec ay mga legitimate so yun ang importante. First things first doon tayo pumunta. Alamin natin kung ano ang naging proseso nyan at may mga balita tayo sa ilang sources natin na naging industriya na yan ng ilang corrupt practices doon sa bandang Maynila. Bago ma- accredit ang isang partylist group well yun ay isang allegation pa lang naman but still magandang tignan nating mabuti yan at magpaparticipate ako jan kung ito'y magkakaroon ng mga pagdinig at pagtingin dito sa mga issues na ito.

SJV: Hindi bago sa ating lahat na may mga groups na umiikot ikot dyan na ginagawa na talagang raket ang pag accredit ng partylist tapos ibinebenta, may mga groups naman dyan na yung partylist yun nga napaka glaring alam na alam mo na pag aari ng isang pulitiko o malaking politician whether governor, congressman, or mayor. It's up to both Congress to act on it and ako naman, I'm more than willing to participate anumang deliberasyon, anumang pagsisiyasat upang ma serve natin ang purpose ng partylist system.

Q: Instead of abolition, reform?

SJV: Definitely. I think it's glaring na kailangan ireporma ang partylist system.

Q: Ano yung reforms na pwedeng gawin?

SJV: Yun nga, yung sa pag accredit pa lang ng partylist groups, tignan na natin ano ba ang nagiging basehan, ano bang polisya ng ating Commission on Elections to actually accredit a partylist group so importante na malaman natin yan. Yun bang representation na sinasabi dapat yung representative o nominee dapat yun yung marginalized sector o nirerepresent lang siya o binigyan sya ng authority ng buong grupo ng marginalized sector na ito na maging boses nila? Kung hindi klaro yun then we are not serving the purpose of partylist system.

Q: Yung abolition, through amendment of Constitution or through bill?

SJV: Through bills, pwede. Even in resolution kung pwede natin yang ireporma at tanungin natin ang Comelec ano ba ginawa nila, ano ang ginagawa nila at ano ba ang assessment natin because parang lahat tayo ang assessment natin ngayon gaya ng sinasabi mo parang puro yung mga naghaharing uri ang nakaupo ngayon. Parang di naman tama na marginalized rich diba?

Q: So aalisin mo ang ganung criteria?

SJV: Well para sa kin dapat klaro ang boses ng marginalized sector ang naririnig, hindi ng isang tao o ng indibidwal.

News Latest News Feed