Press Release
August 8, 2016

Statement of Senator Nancy Binay on Hidilyn Diaz' silver medal finish in the Rio Olympics

Kaisa ako ng buong sambayanan sa pagpapaabot ng pagkilala sa tagumpay ng ating kababayang si Hidilyn Diaz, na nagkamit ng silver medal sa weightlifting sa ginaganap na 2016 Rio de Janeiro Olympics.

Nagpapasalamat tayo kay Bb. Diaz at sa Panginoon na tinapos ang 20-taong paghihintay ng Pilipinas na manalo ng medalya sa Olympics.

Kinikilala rin natin na ang tagumpay ni Bb. Diaz ay tagumpay rin ng ating mga kababaihan, bilang kauna-unahang Pilipina na nagkamit ng medalya sa Olympics. Sinisimbolo ni Bb. Diaz ang lakas ng loob at pagtitiyaga na ipinapakita ng mga Pilipino sa pagharap nito sa anumang pagsubok.

Mabuhay ka Hidilyn! Mabuhay ang Pilipinas!

News Latest News Feed