Press Release
August 10, 2016

TRANSCRIPT OF SENATOR JOEL VILLANUEVA's AMBUSH INTERVIEW

On emergency powers to be granted to the President to address traffic problems

Senator Joel Villanueva: Mahalaga po yun na ito'y FOI compliant at alam naman natin na si Pangulong Duterte nag-issue na ng executive order tungkol dito ngunit hanggang ngayon di pa rin natin nakikita yung exemptions dun sa inissue na executive order for access to information na compliant ang buong executive department so gusto natin garantyahin na FOI compliant itong emergency powers na ibibigay at hindi lang po yun, pati yung fiscal responsibility kaya kanina isa sa ating tinukoy yung listahan ng mga ipo-procure nating gamit upang maestablish na alam natin talaga kung ano ang bibilhin, ano ang ginagawa natin. Meron talaga tayong master plan para itumba talaga itong perwisyong traffic na nararanasan natin. Ilan pa sa gusto natin makita ay yung detalye kung papaano ito gagawin, papaano ipatutupad. For example, etong binanggit natin kanina yung contractualization inamin na nga sa atin kanina ni Secretary na may sampung libong mahigit na contractual. Wala naman tayong, hindi naman tayo against dun, ang sa atin lang if it falls under precarious work, then we are against it. Kaya nga sinasabi natin kanina at mismo si Secretary nung nainterview nya yung kanyang tauhan dun sa departamento, job order at walang 13th month pay, then they fall under the category of precarious workers. Again kung gusto talaga natin itumba itong precarious workers na scheme ay dapat simulan natin sa government offices at natutuwa tayo dahil si Secretary Tugade kanina sinabi nya na sya mismo ang mangunguna sa kanyang departamento and we hope that other agencies and departments will follow suit.

On the proposal of DOTr to move their main office in Clark, Pampanga

SJV: We laud the efforts of the Secretary. I think it's important na maging open tayo sa ganitong ideas. Kanina natuwa tayo dahil ang daming outside the box programs na narinig natin gaya ng cable cars, yung pag ayos ng ferry system, yung pag tap ng private sector para ipatupad itong mga ito. Natutuwa tayo dun, inaamin na kung ano talaga yung di natin kayang gawin ano yung limitasyon natin, ano pa yung mga pupwede pa nating gawin. But at the same time, umisip pa tayo ng mga schemes na pupwede natin ientertain. Ilan po dito, may bill po tayo ngayon sa telecommuting yung pag work at your convenience, nasa loob ka ng bahay mo, you don't need to go to your office. May mga pag aaral po, for example, may pag aaral po ang Harvard Business School sa industriya ng ITBPM sa call center industry. For nine months pinag aralan nila ito at naka produce sila ng 32 to 36 percent ng increase in efficiency. Di ko sinasabi na sa lahat ng industriya ganito but at least may mga data na kagaya nito. Binanggit na rin nung mga nakaraang panahon yung 4-day work week, yung staggering schedules, for instance, kung ang government workers ganito ang schedule, sa klase ganito, etc. May mga pag aaral na nagsasabi 25 percent ng traffic maiibsan sa staggering schedules lang, so ito yung mga bagay na nakikita natin na pwede natin i-entertain in relation dito sa lumalalang problema ng traffic system at natutuwa naman tayo na parte tayo at nakakasama tayo sa pagbalangkas ng solusyon na pwede natin isulong.

On Pres. Duterte's threat to CJ Sereno to declare martial law

SJV: Matagal na natin sigurong kilala ngayon ang ating Pangulo, yung kanyang sentimyento, yung how emotional, well, I would say, more of how passionate he is in bringing change. Ako hindi ako naniniwala na ganun ka seryoso yun yung the way he is projected na magdedeklara sya nun. I think wala na tayo sa barbaric stage ng kasaysayan na yung mga ideas na ganun ay naeentertain pa rin.

On death penalty

SJV: Well, ako gaya ng sinabi ko. I'm very open to discussions and debate at importante talaga sa akin unang una we make sure na i-strengthen muna natin yung ating rule of law, yung ating judicial system kasi kung ma-strengthen ito mas magiging kampante tayo na yung macoconvict o mapapatawan ng parusang kamatayan, hindi ako magkakaroon ng agam-agam o di ako magsasabi o magrereklamo o di ako makakatulog nung gabi after i-initiate yung parusang kamatayan. But on the onset, I agree na magiging deterrent itong death penalty kung may maayos tayo na justice system.

On Marcos burial at the Libingan ng mga Bayani

SJV: Well sa akin ito'y Bill of Rights. Sa ating Konstitusyon nakasaad ang mga karapatan natin na ipahayag ang ating sentimyento o mga sarili. I respect the decision of the President. If not for some people most of the time iba yung kanilang paniniwala. Para sa akin importante nandoon yung respeto.

News Latest News Feed