Press Release
August 23, 2016

SEN. ANGARA'S STATEMENT ON ANTI-WIRETAPPING
LAW AND EXTRAJUDICIAL KILLINGS

On anti-wiretapping law:

Maybe we should prioritize the amendment of the anti-wiretapping law or RA 4200 sapagkat hindi sakop doon yung pagbebenta o pagtutulak ng droga. Ang sakop lang nun ay treason, kidnapping, espionage, pero wala doon yung droga, so nag-file tayo ng bill. Sana ma-prioritize po iyan. Alam ko si Sen. Honasan at si Sen. Poe meron din pong similar bill. Kasi alam na nating nagtutulak yang mga yan, eh pakikinggan na lang natin yung kanilang telepono. Yan po ang ginawa ng Amerika sa Jamaica, nung pinatalsik po nila yung drug lord na si Dudus. Pinakinggan nila yung kanyang phone conversations for seven years at nakita nila, kausap niya yung prime minister, kausap niya yung mga mambabatas, kausap nya yung mga huwes. So talagang kitang-kita po yung buong larawan ng korapsyon na dulot ng droga, Madam chair. I think, if anything comes out from this hearing, isa na yan sa reporma na pwede nating i-prioritize dito sa hearing na ito.

On extrajudicial killings:

Dito sa Commission on Human Rights, kami'y nagpapasalamat dahil tinutulungan po nila yung ating mga kababayan na namatayan. Pero siguro, may I ask them also to conduct a study of the poor communities, yung mahihirap na komunidad na sabihin nating nag-iinvest ng droga. Sapagkat nakikita po natin yung mga biktima natin dito, galing po sa mahihirap na barangay po-si Hara at saka si Mary Rose. Siguro, yung parents po ni Mary Rose, 15 years old lang yata nung manganak sa kanya. So definitely, yung elemento ng kahirapan naroon.

Sa pagkakaintindi ko po, very strong ang Pilipinas sa pag-enforce ng civil and political rights-ang right to attorney, right against warrantless arrests, etc. Pero bahagi rin naman ang Pilipinas ng iba't ibang instrumento or international treaties like the international covenant for economic and social rights. At bahagi rin po ng ating Saligang Batas yung karapatan ng isang tao sa kabuhayan at karapatan ng isang tao magkabahay.

Gusto ko nga sana kung mabibigyan ako ng oras, mailabas ko po yung sitwasyon ng ating mga kababayan na nagiging biktima ng droga. Palagay ko pag tinanong po natin sila, hindi sila nabigyan ng karapat-dapat na edukasyon o supisyenteng edukasyon. Malamang hirap sila sa kabuhayan nila. Sabi nila, namamasada ang kanilang mga magulang, namamasada rin po yung asawa ni Hara, si Jaypee. Ngunit hindi sapat ang pera doon siguro kaya pumasok po sila sa droga. Kaya yung droga po, easy temptation. Pero kung meron naman tayong alternatibo, siguro yun ang dapat pag-aralan ng komisyon at ng PNP.

With respect to the General who's doing a good job with the PNP, we fully support them in their effort as long as it's within the bounds of the law. Pero sa atin, yung droga ay hindi lamang problema ng police enforcement. Police enforcement is a crucial, very important part of the drug problem but it is a whole social economic phenomenon which spans our economic policies. It involves our rehabilitation policies. It is a health problem as Sen. Risa Hontiveros also said in her opening statement. So, lahat yan dapat tingnan natin. Medyo mas mahirap para sa lipunan sapagkat pag sinabi mong right to housing, right to education, tayo ang magbibigay nun. Pero pag sinabi mong right against warrantless arrest, the state will just refrain from doing things. So it's easier because walang affirmative action on the part of the state.

Pero I think, it's about time that with the help of the Senate, we are willing to help you para matingnan natin how do we address these poor communities. Kasi kahit huli tayo nang huli, hindi naman natin ina-address yung rehabilitation ng ating drug addicts. Itatanong ko sana sa ating mga biktima kung naisip na ba nila magpunta sa rehabilitation, kung meron bang rehab program sa Pasay, kung meron bang rehab program sa Antipolo, yung mga public hospital ba nila, merong rehab ward? Yun ang gusto ko sanang tanungin, ngunit wala na tayong oras. Yun ang gusto ko sanang tanungin Madam chair sapagkat we must tackle the drug problem as a whole if we really want to solve it.

News Latest News Feed