Press Release
August 29, 2016

Ambush interview of Sen. Leila M. de Lima

Question: Namention na naman po (ni Pangulong Duterte) yung matrix, and may nasabi po siya na magresign daw po kayo? Ano pong masasabi ninyo?

Sen. De Lima: Wala muna ko sasagutin tungkol sa matrix-matrix na yan, ano. Sawang-sawa na ko sa kaka-deny. Ganun lang naman talaga ang gagawin ko. Because yun naman ang alam kong totoo. Wala akong kinalaman dyan, yan ang totoo. So ayoko nang magsalita nang magsalita tungkol dyan. Now the call for resignation, alam niyo, sinabi ko na yan sa inyo, na nag-cross na rin sa mind ko yan ha para tumahimik na lang sila, para wag na nila ako, tigilan na lang nila ako, tumahimik na lang ang buhay ko, magresign na lang ako. Nag-cross na sa mind ko yan, but after much reflection at uulitin ko ulit ngayon: Resignation at this point will be an admission of guilt and a sign of weakness. And I'm neither weak nor guilty.

Question: On the PDAF issue...

Sen. De Lima: May nag-text sa'kin about that. Alam niyo ang galing talaga nilang mag-imbento ng mga istorya. Napaka-fertile talaga ng mga imagination nila.

Question: Mam, yun pong investigation po sa Congress, aattend po ba kayo?

Sen. De Lima: Mahirap. Alam ko naman wala akong kinalaman dyan. And I'm judged guilty already by the President. And then you think that House Speaker will be anything near fair to me? I'm already judged guilty, I'm finished in so far as the President is concerned kaya nga ako pinaparesign. Tapos haharap ako dun? Wala na kong kahihiyan sa sarili ko nun ah.

News Latest News Feed