Press Release
September 2, 2016

GRACE POE'S AMBUSH INTERVIEW TRANSCRIPT
San Carlos, Pangasinan

Question: Bakit po kayo sa Pangasinan nagdiwang (ng bisperas ng inyong kaarawan)?

Sen. Grace Poe: Siyempre ito yung lugar ni Papa, ng aking ama. Alam mo pagkatapos ng eleksyon, medyo nagpahinga muna ako. Nagmuni-muni kasama ng pamilya. Tapos nagbalik-trabaho. Noong nagkaroon na ako ng lakas loob na harapin ang lahat ng ating mga kababayan, magpasalamat sa kanila, sabi ko magandang mag-umpisa sa aking kaarawan kasi diba kapag magbibirthday tayo, tayo ay nagpapasalamat? Gusto kong unahin dito sa Pangasinan sapagkat dito naman talaga nagmula ang pamilya ng aking ama at hindi nila ako pinabayaan. Sabi ko naman, hindi man ako nagtagumpay bilang pangulo, pipilitin ko sa aking makakaya sa aking trabaho na gawin kung anong pwedeng kong gawin para sa Pangasinan at sa ating mga kababayang mahihirap. Kaya pa naman.

Q: Pwede niyo bang i-share ang pinagdasal natin?

Poe: Ay siyempre pasasalamat para sa ating kalusugan at sa kalusugan ng mga mahal natin sa buhay. At nagpasalamat din ako sapagkat noong nakita ko yung ilang libong mga bata na gusto talaga nating magkaroon sila ng mga programa--libreng pananghalian sa paaralan. Ang dasal ko talaga ay mabigyan ako ng gabay at inspirasyon sa dami ng tukso sa aking trabaho na gawin palagi kung ano man ang makakabuti sa ating mga kababayan.

Q: Ma'am, nasama rin ba sa pinagdasal natin yung nagaganap sa Senado? Yung mga pagdinig?

Poe: ...Basta inisip ko lang na kung ano ang gagawin ko ay dapat maging tapat sa ating sarili at sa mga tinuro din sa akin. Sinasabi ko, ang dami ngang tukso diyan. Pero ngayon na binanggit mo iyan, hinihiling ko na rin ang inyong dasal na dapat kung anong makakabuti para sa ating bayan ang maitulak namin, hindi lamang ng aking sarili kundi ng aking mga kasamahan sa Senado. Thanks guys.

News Latest News Feed