Press Release
September 17, 2016

Transcript of Interview with Senate President Pro-Tempore Franklin M. Drilon by Jarius Bondoc over DWIZ

Q: Ano ang impresyon ninyo dito kay Matobato?

Drilon: Ang binitiwan po ni Matobato ay mga serrious allegations against no less than the President and his family. Kaya ingatan natin yung pagpapasa ng judgment, because the institution and the state is at stake. Dapat po ingatan ang pag-examine natin doon sa kaniyang mga statements dahil seryoso itong kaniyang mga allegation. We must avoid premature conclusions. We cannot say, at this point, na nagsisinungaling yung testigo, but neither can we accept that his testimony is the whole truth. Sa ngayon, it is too early to assess. Dapat ipagpatuloy ang pagtatanong hangga't mailabas natin ang katotohanan.

Q: Ano po yung masasabi ninyo doon sa mga glaring inconsistencies dito?

Drilon: Ang sabi ko nga, ito ay initial testimony at kailangan na ipagpatuloy. Kung hindi po totoo ang sinasabi niya, then mapapatunayan iyan in the course of the hearing. Ngunit huwag din nating sabihin na ang lahat ay kasinungalingan. Dapat sa ngayon ay mag-ingat tayo sa pag-examine. We should not jump into any conclusion.

Q: Umaangal po si Senator Cayetano na they were never informed, ganoon po ba talaga iyon?

Drilon: Hindi po kami inabisuhan, ngunit wala naman requirement na abisuhan ang lahat bago magprisinta ng testigo. Hindi po ito court of law, hindi po husgado, na sasabihin kung sino ang testigo. Ito po ay investigation in aid of legislation at resource person po itong testigo. Hindi po siya testigo sa isang criminal case. Sa katunayan, may mga pagkakataon na pinapatawag ng chairman yung nasa gallery para tumestigo.

Q: Dapat po bang bigyan ng witness protection yung testigo ng senado?

Drilon: Ganito po iyan, ang pagbibigay ng protective custody sa isang testigo sa senado ay dati na pong ginagawa. Iyan po ay nasa kapangyarihan ng komite na magbigay ng protective custody.

Q: How is it done? Doon patitirahin sa premises ng senado?

Drilon: I was about to say that. That is within the discretion of the Senate President kung patitirahin sa premises ng Senado. The Senate President has the control over the premises of the Senate. Iyan po ay kapangyarihan ng senado. Kaya mayroon pong kapangyarihan ang pangulo ng senado na ipagbawal na doon tumira sa senate premises ang isang testigo.

Ngunit may kapangyarihan din ang komite na ilagay sa kanilang protective custody at hindi po sa senate premises. Iyan po ay kapangyarihan ng komite na hindi po pwedeng i-veto ng pangulo ng senado.

Q: Kapangyarihan ng komite na magbigay ng protective custody maski outside of the Senate?

Drilon: That's correct.

Q: Ang nangyari po dito kay Matobato ay ni-reject ang request to put Matobao under Senate's protective custody?

Drilon: Hindi po. Ganito po iyan. Hindi pwedeng i-reject ng pangulo ng senado ang kapangyarihan ng komite na ilagay sa kanilang protective custody ang isang testigo. Ang kapangyarihan ng pangulo ng senado ay ang pagbawalan na doon ilagay sa premises ng senado.

Q: So, iyon po yung ginawa ni Senate President Pimentel?

Drilon: Opo, ganon na nga po. Ang sabi niya, bawal dito ilagay sa loob ng building o senate premises. Pero hindi naman niya sinabi na hindi pwedeng ilagay sa protective custody ng komite dahil iyan po ay kapangyarihan ng komite na hindi pwedeng i-veto ng pangulo ng senado. Ang mangyayari niyan, ang protective custody ay gagawin sa labas ng seando.

Q: Sino ang magdedesisyon ngayon to provide protective custody outside of the senate?

Drilon: Desisyon po iyan ng chairperson dahilan sa ang protective custody ay isa sa kapangyarihan ng komite.

Q: May budget po ang komite diyan?

Drilon: May budget ang komite, in general, not necessarily for protective custody.

Balikan ko lang po yung sa protective custody. Nangyayari po iyan nang madalas sa senado. Ako po bilang dating pangulo ng senado, maraming beses po sa pagdinig noon ay humingi po ng budget at permission na ilagay sa senate premises ang testigo at pinayagan ko naman po. Iyan po, whether or not to place a person inside the premises of the Senate ay kapangyarihan ng pangulo ng senado. Ngunit ang desison as whether or not one is placed in the commitee's protective custody ay nasa komite po iyan at matagal ng gawain sa senado iyan.

Q: Ayon kay Senate President Pimentel, ni-reject niya dahil wala naman raw kapangyarihan ang senado na magbigay ng protection. Yung executive or Ombudsman or CHR ang pwedeng magbigay. Isa pa sa rason niya ay sinabi niya na wala na raw kinalaman yung testimonya sa resolution na subject ng hearing.

Drilon: Ang pangulo po ng senado ay wala pong kapangyarihan to veto the committee's decision, hangga't wala pang isusumiteng committee report sa plenaryo. By tradition, ang independence po ng komite ay kinikilala. Sa ating Saligang Batas, ang komite ay may kapangyarihang mag-imbestiga. Ulitin ko po, kasama sa kapangyarihan ng komite ang maglagay sa isang testigo into a protective custody. Ngayon, ang kapangyarihan ng pangulo ng senado ay payagan o pagbawala na manatili ang isang testigo doon sa premises ng senado.

News Latest News Feed