Press Release
October 4, 2016

Trancript of interview with Sen. Cynthia Villar (budget hearing of the Department of Agriculture)

Q: Highlights on the budget hearing of DA

Villar: Palagi namang kulang ang budget but we have to make do. Ang definite is magbibigay kami ng additional budget para free ang irrigation. We have decided on that and maybe i-reconsider na i-increase ang farm-to-market road. But of course, ang hinihiling lang natin sa DA, sa P50.5 billion sana mas marami ang pumunta sa program kaysa sa admin at personnel services. But they have done a good job. Last time kasi parang nakita ko sa budget nila 60 percent sa PS and admin, 40 percent sa program. Ngayon na-reverse nila, parang one-third sa PS and admin and two-thirds will go to program, which is very good. Kaya Congratulations sa ating Secretary of Agriculture.

Q: Secretary, I believe na-approve na ng Pangulo ang rice subsidy. Nasa budget po ba iyon

Sec. Manny Pinol: Sa DSWD iyon. Last night ipinag-utos po ng pangulo na instead na imported rice, ang gagamitin natin sa 4Ps program sa rice rationing ay iyong Filipino farmers na ang magpo-produce.

Q: How will it help ang ating mga farmers?

Piñol: Of course, since ang mga Pilipinong magsasaka ang magpo-produce, makikinabang sila.

Villar: P21 billion.

Piñol: P21 billion iyon, parang nanalo tayo sa bidding, ang mga Filipino rice farmers parang nanalo sa bidding na P21 billion ang halaga ng kontrata.

Q: Iyong quantitative restriction daw po pwede nang alisin?

Piñol: There are diverging views sa miyembro ng kabinete. Understandable na ang miyembro ng economic team ay pabor sa lifting ng quantitative restrictions kasi commitment sa WTO iyan. But I as representative of Filipino rice farmers, ang aking posisyon hindi pa handa ang Filipino rice farmers. At no fault of their own nai-lift and quantitative restrictions, nagkulang ang ating gobyerno na tulungan sila na maitaas iyong level of productivity at bumaba ang cost of production. Number 2, katakot-takot na sakuna ang inabot natin: Yolanda, meron na naman susunod na bagyo, ngayon La Niña na naman. Ang worry ko diyan, kapag binaha tayo ng imported na murang bigas momentarily siguro babagsak ang bigas sa merkado but at the end of the day kapag nawalan ng gana ang mga Filipino rice farmers kasi hindi na sila kikita at lumipat sa ibang farming activity, magkakaproblema tayo. Kasi kapag hindi na nagtanim ng palay iyan magiging dependent tayo sa imported rice and we know the history of imported rice, kapag alam ng market na may demand ang Pilipinas tinataas ang presyo sa world market at magiging kawawa tayo. At the end of the day, hindi rin totoo ang sinasabi nilang babagsak ang presyo ng palay o ng bigas kapag hindi nai-lift ang quantitative restrictions because that will make us vulnerable to the dictates of the world market pricing.

Q: Do you agree sa pag-iimport ng corn dito from China?

Piñol: Actually as of the moment, wala pa tayong nakikitang requirement ng importation. But at certain periods of the year, kasi ang mais seasonal. Marami tayong supply during at least two seasons of the year pero at certain points of the year meron tayong demand kasi wala nang supply ng mais. That is precisely because we lack the storage facilities. Kaya ang focus ng DA ngayon is post-harvest facilities para steady ang supply ng mais natin na pagkatapos ng harvest pwedeng maimbak para sustained ang supply sa mga feed millers. Kasi ang nangyayari ngayon parang sakit ng tiyan, kapag maraming ani, masakit, hindi maganda ang laman ng tiyan. Kapag walang ani, empty ang tiyan natin.

Villar: Isa pa siguro tanggalin ang control ng mga bodega sa trader. Kasi ngayon they are in control ng mga taguan ng supply. Dapat magtayo din ang DA para we're also in control of storage facilities. Kasi kapag nasa kanila ang kontrol ayaw nilang papasukin ang ating mga farmers, kailangan ipagbili sa kanila para pumasok sa kanilang storage facilities.

Q: Paano ninyo matitiyak na mga Filipino farmers ang makikinabang sa P21 billion? Kasi ang worry po, ang sinasabi ni Senator Drilon meron daw makikinabang dito.

Villar: No, meron na silang usapan ng DSWD. They are signing a MOA. DSWD budget kasi iyan. Ipa-facilitate ng DA kung saan bibilhin na mga Filipino farmers cooperatives at saka LGUs.

Piñol: Ang problema kasi natin sa pera, ito ang reality ng 4Ps, huwag naman sanang masaktan ang iba, pero totoo lang, karamihan ng ATM ng 4Ps beneficiaries nakasangla na nga eh, iyon pa kayang ibibigay mo na pera? Eh di wala ring mangyayari diyan. Ang purpose ng pagbibigay ng gobyerno ng bigas ay para makakain sila. Nagyon kung bibigyan mo ng pera at hindi pinangbili ng bigas, defeated ang purpose.

Villar: Saka bigyan ng hanap-buhay ang Filipino rice farmers.

Q: Sa ACEF kanina bakit parang nadidismaya kayo?

Villar: Binibida ko lang kay Secretary Piñol kasi wala siya nang mangyari ang ACEF, binibigay ko sa kanya ang history ng ACEF. Isang taon kong pinag-aralan ang ACEF. We have to make up sa Filipino farmers, small farmers and fishermen kasi para sa kanila iyan. Hindi nabigay sa kanila iyan. Iyong natitirang pera na P5 billion, let's give it to them. Maganda ang programa.

Q: May pinababayaran kayong utang sa DA?

Villar: Sa CHED, sa state universities and colleges, iyong tuition ng mga scholars natin iyon, P300 million.

Q: Noong previous administration iyon?

Villar: Oo, ang ACEF kasi is 25 years ago. Naipon na iyon. Sabi ko bayaran na para matapos na ang story ng ACEF.

Piñol: At may commitment ako na babayaran before November 10, bago ako humarap uli kay Senator Villar.

Q: May budget po iyon?

Piñol: Oo naman. Meron lang the usual paper works, things like that. Pero sabi ko nga sa kanila, hindi dahilan iyan para ma-delay ang payment.

Q: Secretary, kumusta po ang damage sa maisan sa Isabela?

Piñol: Sa report na binigay sa akin, mga P1 billion iyong damage kaya isa sa aming request kanina sa budget hearing ay ibalik sa DA iyong P1 billion na quick response fund (QRF) sapagkat tulad niyan, sa Isabela for example, ang hinihingi ng mga farmers ay binhi at saka abono kasi sirang-sira ang kanilang pananim. Ang kailangan namin diyan ay QRF na maibigay agad namin. Hindi pwedeng magbi-bidding ka pa, hindi pwedeng next year mo pa ibibigay kasi ngayon na kailangan ng farmers. At ito ang gusto naming i-emphasize-- the QRF is a vital component in the ability of the department to be able to respond to the immediate needs of the farmers.

News Latest News Feed