Press Release
October 12, 2016

SEN. GRACE POE'S AMBUSH INTERVIEW TRANSCRIPT ON EMERGENCY POWERS

Question: Ma'am, based doon sa hearings...intially yung lalabas sa draft ay malayo sa nirelease ng DOTr?

Sen. Grace Poe: Sa tingin ko marami talaga tayong dapat linawin doon pero maganda kasi ito yung kauna-unahang pagkakataon na narinig natin ang DPWH. Maganda ang mga plano nila. At sa tingin ko mas may kalinawan noong narinig natin mismo sa kalihim ng DPWH kung anu-ano yung mga idadagdag nila lalong-lalo na sa flood control projects kasi nakita naman natin na kahit na maganda ang kalsada, kung binabaha naman ito ay balewala. Naumpisahan naman iyan...Matatapos na nila. Yung isa pa na maganda na sinabi ng DPWH, yung C6. Kasama rin iyan sa mga proyekto na gagawin nila.

Q: Lumalabas na parang malayo na ang output ng committee sa original proposal?

Poe: Well sa tingin ko mas maraming naidadagdag dito na mas malinaw at saka kasi hindi ba, noong umpisa pa lang sinabi ko na sa inyo na yung sinumite nilang mga proyekto samin parang mga titulo lang pero hindi na-eksplika. Pero ngayon nakita natin ito palang Bus Rapid Transit system mayroon palang mga dedicated terminals para dito na magiging sa ilalim ng MRT. Yung mga bagay na ganoon. At least mas malinaw na ng kaunti. Ngayon, kulang talaga tayo sa panahon pero dapt din nating malaman ano yung mga proyekto nila, halimbawa sa Cebu, Davao...Mga highly urbanized centers...Ang malinaw hinihingi nila ay emergency powers para sa buong Pilipinas na apektado ng traffic hindi lamang dito sa mga nabanggit na lugar tulad ng Metro Manila. Sinabi ng DPWH halimbawa na magkakaroon ng bypass roads sa iba't ibang lugar ng Pilipinas, hindi lamang doon sa mga nabanggit nga sa initial emergency powers.

Q: Ano yung iniisip ninyo na special powers na ibibigay na sure na isasama sa bill?

Poe: Sigurado, na magkaroon ng central traffic agency. Sa tingin ko, isa iyan na magiging malinaw. Siyempre pagdating sa acquisition ng right of way, sa tingin ko rin yung mga frivolous na mga cases. Yung hindi importante na kaso na iyan na mapipigilan ng TRO ang isang maayos na proyekto na maimplementa...Sa tingin ko kung matatanggal iyan ng emergency powers, bakit naman hindi?

Q: Pero ma'am kulang kulang pa rin daw ang traffic enforcers sa Central Traffic Agency...

Poe: Basta kung ano man ang kailangan nilang gawin. Kulang talaga ng traffic enforcers. Diba sabi nila 300 nga lang daw yung trained na traffic enforcers na kailangan ay umabot ng at least 1300 or 1500. So talagang marami pang kulang pero kailangan nating ayusin ng mabuti ang mga detalye.

Q: On budget?

Poe: Yun na nga. Alam mo naman, phases iyan. So kung ang hinihingi nila, P1.3 Trillion, hindi naman iyan magagasta sa isang taon. Marahil dalawang taon, tatlong taon. Yung iba ngang mga proyekto na binanggit ni Sec. Villar, hanggang 2020 matatapos. So sa tingin ko ngayon na alam na natin iyan, malalaman natin kung masasama ba iyan sa regular budget ng GAA o kung saan ba...Kung PPP...Pero tama na napag-aralan na natin ngayon lahat ang maaaring maging expenses para dito.

Q: On partial report...Will you grant the emergency powers?

Poe: Basta yung atin muna, yung mga pinag-usapan na cell towers sa DICT, kasama iyan. Yung pagkakaroon ng central traffic authority. Kaya lang, ano ba ang extent ng ibibigay natin sa mga local governments pagdating sa relocation ng settlers? Unti-unti nang nagkakaroon ng technical working group kasi hindi naman pwede lahat public hearing kapag specific sa particular department iyong tatanungin.

Q: On the general...whether to grant it or not, meron na bang consensus?

Poe: Sa tingin ko naman, hindi lamang ako, pati yung ating mga kasamahan sa Senado, marami namang naniniwala na mayroon talagang balakid sa pagpapaimplementa ng ibang proyekto. Katulad nga niyan, nabanggit ng DPWH, para mag-secure ng permit sa isang proyekto ang isang contractor kailangang pumunta sa local government. Sa local government may barangay, may mayor. Pagdating sa mga ahensya, kailangang pumunta sa DENR. Kaya importante siguro, sabi nga nila, na ang magse-secure ng permit para sa kanila ay mismong DPWH. Centralized. Sa tingin ko naman, kung magiging transparent ang mga kontrata, bakit hindi kung mapapabilis natin iyan? Isa yan sa mga ikokonsidera natin.

Q: Masyado po bang umasa ang DOTr sa emergency powers? Sabi niyo nga maraming pwedeng gawin kahit walang emergency powers.

Poe: Tama ka diyan. Tingnan mo, yung ginawa ng MMDA inayos ang Southwest Terminal para malinis ng kaunti. Hindi man solusyon iyan sa trapiko pero nakita mo na may nagawa na sila. Yung sa Kalentong, nagpadala silla ng enforcers. Gumaan ang daloy ng trapiko kaya may mga bagay na pwede naman nilang gawin ngayon at bilang public services committee, sisiguraduhin ko na yung mga bagay na pwede na nilang gawin ipaalala sa kanila, gawin niyo ngayon. Pero huwag mag-alala ang publiko kasi sabi nga namin, gusto din namin mapabilis rin yung trabaho nila kaya hangga't sa abot ng aking makakaya dito sa mas mataas na kapulungan, sa tingin ko bago naman mag Disyembre eh mapapasa na namin ang emergency powers dito pero syempre kailangan din natin ng tulong ng ating mga kasamahan sa kongreso.

Q: Ma'am may observations na yung hinihingi nilang central traffic authority or traffic czar sobrang laki ng kanyang scope noh. Nationwide and all other beyond road networks ma'am. May tendency o may inclination kayo na ilimit lang talaga doon sa may congested area? Yung authority ng central traffic authority.

Poe: Maari talaga. Sabi nga namin i-identify na ninyo yung mga lugar kung saan meron talagang traffic. Ngayon, kung kunwari habang pinag-uusapan natin ngayon hindi nalagay doon ang isang syudad pero nakikita naman natin sa kalaunan na kailangan pwede naman tayong maglagay ng probisyon na pag umabot sa ganitong klaseng pag-aaral na meron pang pangangailangan na hindi natugunan, hindi nailagay eh pwede naman ihabol kaya nga may oversight committee ang senado at kongreso para masama iyon at saka nabanggit ko rin dapat yung mga kontrata ma review natin bago pa lang pirmahan. Kasi pag napirmahan na iyan ang pangit naman biglang aatras tayo. Mali rin yun. Hindi rin yun maganda sa mga mamumuhunan sa ating bansa na tayo ay umaatras sa ating kasunduan. Kaya bago pirmahan, i-review namin pero bigyan din namin ang aming sarili ng deadline. Pag hindi namin iyan na review within two weeks at nagbigay na ng desisyon, deemed approved na iyon.

Q: Pero pwede bang mag-cancel or mag-recommend na huwag ituloy yung contract?

Poe: Yun ang gusto kong ilagay sa oversight provision. Na kapag mayroon kaming compelling reason na ibig sabihin masusuway ang tatlong kategorya na aming sinasaad na dapat FOI compliant, fiscally responsible, dapat mayroon ding deliverables at practical effective solutions. Kung yung isa doon sa tatlong iyon at malinaw na hindi talaga gagana maaari nating ipatigil ang implementasyon nito.

Q: Applicable po ba pag direct contracting?

Poe: Kahit na ano pang mode ng procurement. Kasama iyan sa oversight.

Q: Sa oversight, in making such a recommendation, are you only referring to contracts covered by emergency powers?

Poe: Yes.

Q: Hindi siya magpapabagal sa proseso?

Poe: Our intention is not to slow it down but to make sure that it's effective and necessary. Kasi kung sasabihin natin na blanket authority na...Basta bahala na kayo kung ano yung papasukan ninyo diyan, wala din tayong safeguard. Kaya nga pinapakiusap ko rin naman na itong oversight committee namin, bagamat ang mga miyembro nito ay mga miyembro ng kongreso at Senado, dapat mayroong independent advisors rin na from the private sector, from advocacy groups, na kasama dito. Ayaw natin pabagalin ang sistema pero ayaw din natin na pagnakawan tayo. Sisiguraduhin namin na hangga't ako ay nasa oversight commitee hindi ito magiging balakid kundi isang pagkakataon para masiguro natin na ang proyekto ay magiging epektibo para masolusyonan ang problema sa traffic.

Q: Sinasabi niyo po na by December ma-approve na?

Poe: Sana. So, diba mayroon tayong break. Tapos, November, papasok. So kung...titingnan natin kung...Mauumpisahan na iyong debate sa plenaryo. Sa tingin ko naman, wala naman akong nakausap na senador na kontra dito. In principle. Pero siguro magkakaroon ng kaunting debate sa mga probisyon katulad niyan...May mga sinabi si Sen. Alan na gusto niyang masama. Kami naman, gusto naming masiguro na ang oversight committee ng Senado ay hindi naman magiging balakid kundi makakatulong na maging maayos ang paglatag ng emergency powers.

Q: Thank you, ma'am.

News Latest News Feed