Press Release
November 6, 2016

Statement of Senator Nancy Binay on Senator Emmanuel "Manny" Pacquiao's WBO welterweight title win over Jesse Vargas

Muling ipinamalas sa atin ng ating pambansang kamao, si Senator Emmanuel "Manny" Pacquiao, ang galing at determinasyon ng Pilipino nang kanyang sungkutin ang World Boxing Organization (WBO) welterweight belt mula sa Mehikanong si Jesse Vargas.

Despite all the advantages that the younger Vargas had over him, all the doubts on his conditioning, and the talks on his retirement, Manny again proved all his detractors wrong.

Pinatuyan ni Manny na kaya pa niyang lumaban, na kaya pa niyang manalo.

I have seen how Senator Manny works in the Senate, on how dedicated he is to serve our country. I believe that this is the same fire that fuels him in boxing and it is very much alive.

Maraming salamat, Manny, sa karangalan at papuri na iyong inaani para sa bansa. Ngunit higit pa dito, maraming salamat sa iyong pagiging inspirasyon sa bawat Pilipino -- na kaya nating abutin ang bawat pangarap basta't mayroon tayong pagsisikap, tiyaga, at pananampalataya sa sarili't at sa Maykapal.

Isang mainit na pagbati sa iyong tagumpay, Manny! Mabuhay ang Pambansang Kamao! Mabuhay ang Pilipino!

News Latest News Feed