Press Release
November 23, 2016

TRANSCRIPT OF SEN. GRACE POE'S INTERPELLATION
Public Hearing on the killing of Mayor Rolando Espinosa Sr.

Sen. Grace Poe: Maraming salamat po, Mr. Chair. Unang-una, kay Kerwin, nais ko lang linawin, ikaw ay nagtutulak ng droga at hindi gumagamit, tama po ba?

Kerwin Espinosa: Opo.

Poe: Magkano buwan-buwan ang kinikita mo sa iyong negosyong pagtutulak ng droga? Ano po ang average nito?

Espinosa: Ang average po ay kumikita ako ng 10 million to 15 million in 40 days.

Poe: So, 40 days so lagpas ng isang buwan, 10 to 15 million, magkano ang parte ng mga protectors mo? Yung 10 to 15 million, ano yun? Gross?

Espinosa: Gross po ma'am.

Poe: So yung naitatabi mo magkano?

Espinosa: Nasa mga kalahati na lang po ng gross ma'am.

Poe: So mga 6 million, 8?

Espinosa: Oo

Poe: Sa ngayon, dahil nabanggit mo nung una nagpunta ka sa iba't-ibang lugar. Mayroon kang Malaysia, Thailand, mayroong Abu Dhabi. Nais kong malaman kung saan mo kinukuha ang pangaraw-araw na kinikita mo. Wala ka bang freeze order mula sa gobyerno?

Espinosa: Ang ginagamit kong pera sa pag-travel ko ma'am yung dala kong pera, mga USD40,000 at saka yung ATM ko sa banko ng BDO.

Poe: Yung inyong mga account ay gumagana pa rin?

Espinosa: Opo, ma'am.

Poe: Salamat sa pagtatapat niyan. Hindi ba nasabi mo na nakulong ka sa Cebu?

Espinosa: Yes

Poe: Ilang beses ka nang nahatulan? At dahil ito sa droga sa pagkakaalam ko, hindi basta basta napapakawalan ang mga nakukulong dito. Bakit tila nakalaya ka na ngayon? Sino ang pumirma ng release order mo?

Espinosa: Yung nahatulan po ako, ma'am. Isang beses lang po ako na ano, na-convict. Tapos nung inapela ko ma'am, na-reverse yung decision.

Poe: On what grounds? Attorney, pwede bang masagot iyon? Ano muna ang unang hatol sa iyo, na ikaw ay guilty sa pagtutulak ng droga? Tama po ba?

Espinosa: Life imprisonment yung sa kaso ko sa drugs.

Poe: Ilang taon mo pinagbayaran iyon? Ilang taon ka nakulong?

Espinosa: Nakulong ako siguro, apat na taon lang akong nag-serbisyo sa loob.

Poe: Na-reverse po iyon? Ano ang dahilan? May nakitaan ba silang mali sa mga ebidensya? Ano ang naging dahilan bakit ka nakalaya? Espinosa: Ma'am, ang abogado ko po yung tatanungin ko kasi wala po akong knowledge sa mga ganyan po.

Poe: Attorney pakisagot po.

Atty. John Ungab: The decision of RTC branch 13 was reversed by the Court of Appeals for lack of reasonable grounds for failure to establish chain of custody.

Poe: So na-reverse ito ng Court of Appeals. Ok, nais ko ring malaman, ang tatay mo, isang term pa lang naging mayor? Tama ba, nitong 2016?

Espinosa: Opo, ma'am.

Poe: Anong trabaho ng tatay mo bago siya naging mayor?

Espinosa: Buy and sell siya ng kung anu-ano tapos may palayan siya.

Poe: Sa tingin ko nagsisisi ka marahil na ikaw ang humikayat sa ama mo na tumakbo?

Espinosa: Oo.

Poe: Para maprotektahan rin siguro yung mga transaksyon mo?

Espinosa: Hindi po ma'am.

Poe: Bakit mo hinikayat ang ama mo?

Espinosa: Hinikayat ko ang papa ko na pumasok sa ganyan para sa pagbabago ko at hindi na ako mangangailangan pa na pumasok sa ilegal na mga gawain kaya pinilit ko yung papa ko na tumakbo sa eleksyon, na maging mayor siya dahil plano na naming dalawa na hihinto na ako sa ilegal na mga gawain ko lalo na sa pagtutulak ng droga dahil sa mga anak ko na maliliit pa.

Poe: Pero alam mo ang kinikita ng isang mayor ay mababa rin? Hindi rin ito sapat para tugunan ang pangangailangan ng pamilya. Kung talagang pagtulong at serbisyo, maaaring marami ka nang naipon sa iyong mga naging transaksyon so pagbabalikloob sa batas, yun ang nakikita mong dahilan?

Espinosa: Opo ma'am.

Poe: Sino ang may gawa ng affidavit ng tatay mo na sabi mo ay walang katotohanan?

Espinosa: Walang pong iba ma'am. Si Sir Jovie Espinido at Ma'am Yutrago lang.

Poe: Sila lang ang nagsulat? Walang kinalaman ang tatay mo. Hindi siya nagsulat noon na tinakot siya o kung ano pa man?

Espinosa: Ang sasagot diyan ma'am ay ang abugado ko kasi yung time na iyan wala ako dito sa Pilipinas.

Poe: Sige po.

Atty. Leilani Villarino: Good afternoon po. During the time po ako yung abugado ni Mayor Espinosa. Hindi ko po alam na mayroon siyang in-execute na affidavit. Hindi po pinaalam sa akin na dadalhin siya sa Tacloban City para mag-execute ng affidavit. Nalaman ko na lang po noong may tumawag sa akin na dinadala na po si Mayor Espinosa sa Tacloban pero hindi ko nakakausap kasi natatakot si Mayor kasi kasama niya po si Inspector Espinido po.

Sen. Richard Gordon: Are you saying that the affidavit was secured without benefit of counsel?

Poe: Maaaring ibang counsel ang tumayo bilang tagapag-advise. Ganoon po ba?

Atty. Villarino: Wala pong counsel iyon kasi noong ibinigay sa akin ni Mayor yung copy ng affidavit wala pong nakapirma na assisted siya ng counsel.

Poe: Sige po. Kailangan kong bilisan kasi marami pa akong kasamahan na magtatanong. Nais kong tanungin si General Bato. Ito pong mga nabanggit na iba't ibang mga miyembro ng kapulisan, ang iba ay naririto pa rin. Mayroon bang mga pending na kaso sa kanila? Ilalagay ba sila sa kustodiya? Papaano po ba ang mga nagiging protocol dito? Nandiyan si Col. Marcos, madalas binabanggit. Isa siya doon sa ating napapagtanungan dahil nga doon sa parang hindi maayos na operasyon na nangyari doon sa provincial jail sa Leyte. Ano po ang mangyayari sa kanila?

Gen. Rolando "Bato" Dela Rosa: Ma'am, unang-una po, your honor, karamihan sa binanggit ni Kerwin Espinosa na mga pulis, yung nauna sa affidavit niya, months ago pa, I have already given instructions to our regional director Police Chief Superintendent Beltejar to remove them from their position at ilagay sa Regional Personnel Holding and Accounding Unit (RPHAU) para mag-conduct ng investigation ang IAS. So ginawa niya, ma'am, lahat ng mga nabanggit earlier natanggal na po sa kanilang position at ongoing yung imbestigasyon.

Poe: Si Col. Marcos po?

Dela Rosa: Itong kaso ni Col. Marcos, ma'am, nirelieve ko na sila from CIDG-8 at I placed them dito sa Personnel and Accounting and Holding Unit ng Camp Crame to face the investigation that is being conducted by IAS.

Poe: So in the meantime, sir, they are still on active duty? Kaya lang being questioned? Tama po ba?

Dela Rosa: They are still on active duty but kung sa aming terminology ma'am, floating status dahil nakalagay doon sa admin holding unit and they are not performing regional police duties. Nandoon lang po sila, naka-freezer waiting for the time na ipatawag sila ng IAS for investigation. Silang lahat po, ma'am. Buong grupo ni Col. Marcos sa CIDG 8.

Poe: Alam niyo general, mayroong tiwala sa inyo ang ating pangulo at ang taumbayan. Nais ko lang sana ipaalala na talagang nasa batas po na ang internal affairs ng police ay dapat sibilyan. Hanggang ngayon po, alam ko na mayroon kayong isinumite na pangalan subalit nananatili pa rin ang isang pulis bilang namumuno dito. Iyan po ay isang paglabag sa mismong batas na nakasaad.

Dela Rosa: Ma'am, hindi po ako ang nag-violate ng batas, your honor. Sinabihan na po ako ni Presidente na mayroon na siyang napili, inaantay ko pa yung order na i-issue niya diyan. Wala iyan sa power ko na mag-issue ng order kung sino ang gagawing IAS so sabi niya mayroon akong napili, intay-intay ka lang, ipa-process ko ito. Mayroon na po ma'am, huwag kang mag-alala.

Poe: Salamat po. Para lang hindi tayo mapula sapagkat kayo nga ang nagpapalutang ng kredibilidad pero kailangan niyo rin ng tulong ng mga kasamahan ninyo sapagkat mawawala ang duda kapag mayroong isang sibilyan na may kredibilidad. Nais ko ring tanungin dito, dahil kasama na natin dito ang miyembro ng media diumano, kasama daw nung pagsalakay sa Leyte Provincial Jail. Subalit nakatanggap ako ng balita na wala naman talaga yung media. Tama ba, Byron Alcoba, na kayo po ay dumating noong tapos na ang pagsalakay?

Byron Alcoba: Opo, nung dumating po ako patay na po si Mayor Espinosa noon.

Poe: Pero kayo ang pumirma doon sa request for warrant doon sa judge, tama ba?

Alcoba: Opo, kailangan po kami pumirma para maka-cover po kami ng media doon sa loob ng jail.

Poe: At nasa batas din kasi iyon. May isang miyembro ng media at may dalawang saksi. So nais kong tanungin ngayon kay Col. Marcos, nung pumunta po kayo doon, sinabi niyo noong una sa inyong presentasyon ng CIDG na mayroon kayong media witness subalit wala naman pala doon. Sino ang media witness ninyo, kundi yung operasyon na ito,

Marcos: Si Mr. Yulco Ma'am

Poe: Bakit hindi siya yung binanggit nung umpisa pa lamang?

Marcos: Siya po yung binanggit ko, ma'am. Hindi po siya, hindi ko nga po nakita ito eh.

Poe: Pero siya yung nakapirma doon sa request sa judge, hindi nakapirma yung

Marcos: Yung taga GMA, I don't think he was able to see me in the area pero nandoon siya. Tama yung sinabi niya na nandoon siya, after na nung patay na si Mayor.

Poe: So bakit siya pinapayagan pumasok nung tapos na, nung siya nga ang nakakuha ng permiso mula sa judge?

PCI Leo Laraga: Good morning po, your honor. Bale ang nangyari po noon your honor, yung media po ng GMA nandoon po siya nung time na yun, nandoon na po si Mr. Yul Cavorte, tapos kailangan dalawang media tsaka dalawang barangay officials. So he was there to witness yung pag-implement na po ng search. Nung pag simula po, pagkatapos na po ng SOCO nung tinurnover po doon sa investigator ng CIDG 8, magsisimula na po yung search warrant, nandoon na po sila, kasama na po siya, pati po

Poe: Pero tapos na, hindi na nga niya nakita yung insidente, tama ba Byron?

Mr. Byron Alcoba: Tama po.

Poe: Yung atin pong jail warden, naalala po ninyo nung dating nandito po kayo, tinanong ko kung ano ang nangyari doon sa mga inmates na nakarinig sa insidente. Sila ba ay pino-protektahan ngayon kung saka-sakaling kailangan sila ipatawag?

Homobono Bardillon: Yes, your honor.

Poe: Kayo na po nagpoprotekta?

Bardillon: Yes your honor, pati po yung PNP thru Gen. Del Pilar.

Poe: Salamat naman, yung CCTV niyo gumagana na ba?

Bardillon: Sa ngayon po, wala pa po.

Poe: Yung hard drive nung nangyari ng gabing yun, wala pa rin? May idadagdag po kayo?

Bardillon: The CCTV that we have, its reinstalled na, we bought new DVR and hard disk for that Ma'am.

Poe: How about the missing hard drive or what was taken during the incident that night? We can't find it?

Bardillon: We do not know.

Poe: Meron ba kayong suspetya, mga suspects na kumuha nito, may nagreport ba sa inyo?

Bardillon: None, your honor, but during that time, all the CIDG personnel were inside, they practically took over the jail at that time.

Poe: Sa GMA muli, kayo po ay media, sanay po ang inyong mata sa pagtingin sa mga ganitong uri ng imbestigasyon. Sa tingin po ba ninyo may anomalya o hindi maayos na nangyari dito?

Alcoba: Hindi ko po masabi kasi hindi ko po nakita yung nangyari. Noong pumunta po ako doon, patay na po si Mayor.

Poe: Mga ilang oras o minuto pagkatapos nito?

Alcoba: Bale ang inabutan ko po roon, naka-face the wall na ang mga guwardya tsaka nauna na sa akin ng konti itong mga SOCO.

Poe: So hindi ka talaga pwede maging saksi dito dahil nga tapos na nung nangyari.

Alcoba: Opo, ma'am.

Poe: Dito po sa ating ibang mga kasama, dito naman sa ating medico-legal, meron bang, magmula nung pinatawag namin kayo Dr. Lara, meron bang karagdagang imbestigasyon kayo na maaaring ma-share sa amin ngayon?

Benjamin Lara: On my part po your honor, wala na po. I just conducted the autopsy, I came out with my findings, there were other pieces of evidence that I've collected from the body of the victims, which I turned over to the Ormoc City crime laboratories office for examination po, ma'am.

Poe: Diba sinabi nila na nagpaputok yung Mayor pero sabi ninyo, hindi kayo gumagawa ng test na iyon. Pero nagawa rin ba ninyo? Nagpaputok ba talaga ng baril, meron bang residue?

Lara: To my knowledge your honor, the paraffin test was done on both the Mayor and Raul Yap, your honor.

Poe: At merong positive?

Lara: Your honor, may I refer the question to the chief of the regional crime laboratory office 8.

Sen. Richard Gordon: The question was previously answered in the previous hearing, they said that it was positive but it is not conclusive, is that correct?

Poe: So you did not conduct, Inspector Lara, you did not do the paraffin test right?

Lara: No, your honor, that is not part of my duty.

Poe: Okay thank you. For Mr. Espinosa, palagi po ninyo nababanggit itong si Victor Espina, hindi ito police ano?

Espinosa: Hindi po.

Poe: Ano ang connection niya? Bakit siya malakas, paano siya naging liaison mo? Paki linaw lang.

Espinosa: Siya po ay contractor rin Ma'am, tapos nakilala ko siya na maraming mga kaibigan na PNP yun.

Poe: Bakit siya maraming kaibigan na PNP

Espinosa: Bayaw man siya ni Gen. Leonardo Espina, dating Chief PNP Ma'am.

Poe: So ngayon na binabanggit natin ang pangalan ng isang tao na katulad ni Gen. Espina, paki linaw lang, kayo walang diretsahang koneksyon kay Gen. Espina?

Espinosa: Wala po Ma'am.

Poe: Wala ka ring kinalaman na direktang koneksyon nitong si Victor na nirereport ni Gen. Espina o hindi mo alam? Pasensya na baka hindi malinaw, wala kayong direktang kaugnayan kay Former Chief PNP Gen. Espina pero sigurado rin ba kayo na wala rin namang kinalaman si Gen. Espina sa mga pinaggagawa ni Victor Espina?

Espinosa: Hindi ko po yan alam, ma'am.

Poe: Pero wala namang pinapaabot na kwento sayo?

Espinosa: Wala naman, ma'am.

Poe: Nasaan ngayon si Victor Espina?

Espinosa: Nasa Ormoc yan ngayon sa nalalaman ko lang.

Poe: At malaya siya doon?

Espinosa: Malaya

Poe: That's all Mr. Chair, thank you so much for the opportunity. Maraming salamat po sa pagsagot sa aming katanungan.

News Latest News Feed