Press Release
December 5, 2016

TRANSCRIPT OF SEN. ANTONIO F. TRILLANES IV'S INTERPELLATION
Senate Public Hearing on the killing of Mayor Rolando Espinosa Sr.

LACSON: Senator Trillanes is recognized.

SAFT: Maraming Salamat Mr. Chairman. Ang una kong itatanong ay si Kerwin Espinosa, doon sa testimony mo sa last time sinasabi mo papaano mo na-contact mo si Mr. Dayan.

ESPINOSA: Siya po ang tumawag po sa akin, your Honor.

SAFT: Huh? Papaano mo siya na-contact?

ESPINOSA: Nakatanggap lang ako ng tawag na galing sa kanya, your Honor.

SAFT: So walang nagbigay sa iyo ng number, walang nagpakilala sa iyo?

ESPINOSA: Meron po, your Honor.

SAFT: Yun, sabihin mo lang.

ESPINOSA: Si Sir Jovi Espenido po, your Honor.

SAFT: Yun ang sinasabi ko, 'siya ang nag-endorse kay Mr. Dayan'.

ESPINOSA: Wala pong sinabi na pangalan, your honor. May tatawag lang daw sa akin na driver-bodyguard.

SAFT: Okay. Chief Insp. Espenido do you confirm that?

ESPENIDO: Good Morning po your Honors. No your honor.

SAFT: No. Hindi totoo na ikaw nagpasabi kay Kerwin Espinosa.

ESPENIDO: Hindi po totoo, your Honor.

SAFT: Mr. Dayan, kilala mo ba si Chief Insp. Espenido?

DAYAN: Hindi po, your Honor.

SAFT: Hindi. Okay so, alam mo Kerwin ito, ito lang ang sasabihin ko sa inyong lahat, kapag nagpalit ng administrasyon, magbabago rin yung statement niyo. Wag ninyo kasing iisipin na yung mga nakapwesto ngayon ay habambuhay nakaupo diyan. Okay. Yun lang ang tatandaan mo. Okay, ngayon, sinabi dito na November 2015 kayo nagkita ni Mr. Dayan at saka ni Senator De Lima sa Baguio, ganun ba?

ESPINOSA: Yes po, your Honor.

SAFT: Okay. Mr. Dayan, sinasabi mo 2014.

DAYAN: Yun po kasi ang tanda ko, Sir.

SAFT: Totoo bang nagkita talaga kayo nito, ever?

DAYAN: Opo, your Honor.

SAFT: Okay, 2014 sigurado ka diyan?

DAYAN: Opo.

SAFT: Kailan kayo nag-split ni Senator De Lima?

DAYAN: Sir?

SAFT: Kailan kayo naghiwalay?

DAYAN: 2015 po.

SAFT: Anong buwan?

DAYAN: Mga last week of February, Sir.

SAFT: Last week of February. After nung February 2015, nasaan ka na?

DAYAN: Nasa Pangasinan na po.

SAFT: Wala ka na ba sa DOJ?

DAYAN: Wala na po.

SAFT: Okay wala ka na. So bakit ngayon pagkakatiwalaan ka kung split na kayo? Okay huwag mo muna sagutin yan. Ngayon punta na tayo dito sa... kay Espenido...dito sa Baguio. Yung sa Baguio kayo Mr. Ram Espinosa, so Ram magsasabi ka ng totoo. Nakita mo ba ito si Mr. Dayan?

ESPINOSA: Hindi po, your Honor.

SAFT: Hindi. Walang na-mention si Kerwin Espinosa tungkol kay Mr. Dayan?

ESPINOSA: Wala po your Honor.

SAFT: Okay. Ikaw Kerwin, saan kayo nagkita ni Senator De Lima?

ESPINOSA: Sa Burnham Park.

SAFT: Sa Burnham Park kayo nagkita. San kayo kamo nagpalitan ng pera?

ESPINOSA: Sa parking lot po ng Burnham Park.

SAFT: Parking lot ng Burnham Park, sa loob ng kotse, sa labas ng kotse, saan?

ESPINOSA: Sa loob po ako ng kotse...

SAFT: Ano yung kotse mo?

ESPINOSA: GL-Grandia van po, your Honor.

SAFT: Grandia. Do you confirm that Mr. Dayan?

DAYAN: Ano po yun Sir?

SAFT: Na... saan mo nakuha yung pera? Sa Baguio?

DAYAN: Sa parking lot po, Sir.

SAFT: Saang parking lot?

DAYAN: Sir, malapit po sa Burnham Park po.

SAFT: So ano, sa gilid lang ng daan? Sabihin mo kung ano.

DAYAN: Nagtabi lang po yung sasakyan namin, Sir...

SAFT: Tapos inabot lang sa iyo ang pera?

DAYAN: Yes your honor.

SAFT: Hindi ka na pumasok sa kotse?

DAYAN: Hindi na po.

SAFT: So ayusin niyo ang script talagang buhol-buhol. Ngayon, 2015 November bakit ka nagbigay ng pera kay Senator De Lima?

ESPINOSA: Para po sa ano...

SAFT: Proteksyon?

ESPINOSA: Proteksyon at saka yung pondo po para sa eleksyon po.

SAFT: okay, pero primarily yung proteksyon, diba?

ESPINOSA: Opo, your honor.

SAFT: Alam mo ba resigned na siya nun? Nung panahon na yun as DOJ?

ESPINOSA: Wala po akong alam...

SAFT: Di mo lam. Okay. Papaano ka mapo-proteksyunan, e hindi na secretary ng DOJ si Senator De Lima, di ba? Okay. Ngayon ganito yan, Ikaw drug lord ka, makikipagkita ka sa pulitiko doon kayo sa Burnham Park. Alam mo, kapag pulitiko ang pumunta doon at mangampanya, kahit isang libong tao magpapa-picture sa amin. Hindi kami nagi-screen, teka muna ano ba ito, background check, walang ganun. Kung sino ang lumapit, pose ka, pikturan ka. Kung ganito ang magiging basis natin...na sasabihin natin na drug lord or drug coddler, e wala nang magpapa-picture na pulitiko. E dito pa lang paglabas namin, nagpapapicture na lahat. Hindi pwedeng ganun, kung totoo yang sinasabi mo magkikita kayo sa isang lugar maguusap man kayo, hindi ka magpapapicture sa isang drug lord. Common sense, alam mo yung problema dito sa script na ginawa niyo, kulang e. tapos ito si Chief Insp. Espenido na siyang ginagawa niya yung trabaho niya, nilaglag mo siya kasi may galit ka sa kanya. Walang koneksyon e. Kaya kailangan mo sabihin e. Sisirain mo yung pangalan ni Chief Insp. Espenido. Kaya nga sabi ko, Kerwin, alam mo itong nasa affidavit mo, maliwanag na namili ka kung sino ang ilalaglag mo e. Sino yung po-proteksyunan mo, sino yung ilalaglag mo. Alam mo doon sa affidavit mo. Si Senator De Lima yung idinawit mo kasi madali siyang ilaglag. Proteksyon sabi mo kaya ka nagbibigay pero yung mga pulitiko doon sa lugar mo, aba wala kang binigay. Pero doon kay Chief Insp. Espenido...by the way, Mr. Chairman, can we have a copy of the blue book of the late Mayor Espinosa para makita natin talaga?

LACSON: Jovi.

ESPENIDO: Yes, your Honor.

SAFT: Paki-submit dito para magkaalaman kasi lumalabas yung credibility mo, credibility ni Chief Insp. Espenido at saka credibility ni Mr. Dayan.

SAFT: Ako naiiintindihan ko yang lugar mo, alanganin iyan. Kaya kailangan mong i-please iyong mga humahawak sa iyo. Pero, it will not save you. It will not save you Kerwin. Sinasabi ko sa iyo pagka nagpalit iyong administrasyon at sasabihin 'sige nga, sabihin mo ang totoong kuwento.' Sasabihin mo iyan. Di'ba, Kerwin?

ESPINOSA: Sinabi ko lang po ang totoo, your Honor. Nandito na po ako, iyong buhay ko-

SAFT: -iyon na nga, naiintidihan ko. Iyong tatay mo pinatay. Kaya kailangan makikisama ka di'ba? Pero, pinipili mo kung sino ang ilalaglag mo e. Marami kang hindi sinabi doon. Ngayon, magda-divest lang ako ha. Ito ba iyong grupo mo yung nagtutulak sa Region 8. Region 8 ba iyong teritoryo mo?

ESPINOSA: Hindi po sa Region 8 lahat po, your Honor.

SAFT: Ano lang?

ESPINOSA: May mga partikular area lang po iyong-

SAFT: Leyte?

ESPINOSA: Leyte na binibisita ko-

SAFT: Southern Leyte?

ESPINOSA: Dito lang po banda, partikular lang po. Halimbawa, Ormoc, baybayin lang.

SAFT: Sige. Mayroon ka bang factory doon?

ESPINOSA: Ay, Wala po.

SAFT: So, kumukuha ka lang ng shabu?

ESPINOSA:- shabu.

SAFT: Sino ang pinagkukuhanan mo?

ESPINOSA: Si Lovely Impal Adam at saka si Peter Co at noong buhay pa si Jaguar Diaz, your honor.

SAFT: So, na mention mo last time si Peter Lim?

ESPINOSA: Opo, your honor.

SAFT: O, ba't hindi mo sinasabi di'ba? Na Source mo rin siya?

ESPINOSA: Oo, kaming dalawa ni Jaguar, your honor.

SAFT: Silang dalawa ni Jaguar ang source mo?

ESPINOSA: Opo, your honor.

SAFT: Si Peter Lim at si Jaguar, iyong namatay.

ESPINOSA: Opo, your honor.

SAFT: Kilala mo ba itong si Governor Cua ng Catanduanes?

ESPINOSA: Hindi po, your honor.

SAFT: Okay. May nahuli, just recently, na pinakamalaking shabu factory sa Catanduanes. Eto, kaya nga dina-doubt ko rin iyong sincerity nitong drug war na ito dahil iyong malalaking drug lords napinapangalanan hanggang ngayon ay untouched. Hindi ginagalaw, hindi iniimbestigahan. So, may nahuli diyan, under the care ito ni Governor Cua at Virac Mayor Laynes. Sila iyong nagsu-supply. Grabe yung supply nila. Hindi nga name-mention, even ni President Duterte. Ngayon, eto kasing si Kerwin sa tingin ko rito, distributor ka lang e. Di'ba? Masasabi mo bang ano ka?

ESPINOSA: Yes po, your honor.

SAFT: Binabagsakan ka lang. ikaw ang nagbebenta. Ganoon ang kalakaran sa iyo?

ESPINOSA: Binabagsakan ako tapos ibinabagksak ko rin sa mga tao ko, your honor.

SAFT: Okay. I'll move to PNP Chief Dela Rosa. Sir?

DELA ROSA: Yes, your honor. Good morning.

SAFT: Good morning, sir. So, in your capacity as PNP Chief, can you rattle off kung sino ang pinakamalalaking drug lord at drug protector dito sa Pilipinas: Luzon, Visayas, Mindanao?

DELA ROSA: Unang-una, your honor ang pinakamalaki nasa loob ng Bilibid. Sumunod, hindi ko ma-quantify ang kanilang ranking, your Honor dahil nga ongoing pa at may mga revelation pang lumalabas habang mayroong nakukuhanan ng statement. Now, just like this morning ay nag-surrender sa akin si Lovely Impal Adam, iyong ini-incriminate ni Kerwin. Mayroon naman siyang mga additional information na sinasabi but sa ngayon, your Honor, siguro kino-consider namin iyong nasa loob ng Bilibid ang malalaki. Kasama na diyan iyang si Peter Lim ng Cebu, na sinasabi mo na hindi hinahabol. At hindi naman po naming puwedeng sabihin lahat ng detalye ng aming mga operations against the subject, your Honor. Karamihan itong mga Chinese, your Honor. At saka iyong sinasabi mo, your honor, gusto ko lang sabihin yung sa Virac Catanduanes, bago lang namin na na-raid na shabu laboratory, your honor, wala po kaming pinoprotektahan doon. Sabi mo hindi namin binabanggit iyong pangalan ng governor, yung mayor. Hintayin na lang po muna natin kung sino ang lalabas, your honor. As of now, nakilala na namin ang Instik na nagrenta ng mga lugar na iyon, your honor. Mayroon pa ngang NBI agent na nasali doon, your honor. Iyong nagrenta doon ay isang common law wife ng isang NBI agent. Kahit na kapwa namin law enforcers, your honor, wala po kaming kono-coveran .Hindi po kami nagatatago. At iyong war on drugs natin, totohanan po ito, your honor. Hindi po ito may pinipili o may kinikilingan.

SEN. LACSON: With the permission of Senator Trillanes, may background na ba kayong ginawa, background investigation duon sa NBI Assistant Regional Director na sangkot dun sa Catanduanes?

DELA ROSA: On-Going na po your honor, CIDG; ewan ko sa NBI your honor.

SEN. LACSON: Isidoro diba? So anong investigation ang ginagawa niyo dito? Sino ba si Isidoro?

MR. GIERRAN: Good morning. Your honor, Si Atty. Eric Isidoro, before that incident, was the acting regional director of Region 12 which is Koronodal, after that incident of discovery, Colonel Art Ferro texted me about the matter-

SEN. LACSON: Si Atty. Isidoro, meron ba siyang kinalaman sa mga raid sa Muntinlupa? Meron ba siyang naging partisipasyon tungkol sa pagra-raid na isinasagawa noon ng DOJ sa Muntinlupa?

MR. GIERRAN: I'm not so sure po, your honor.

SEN. LACSON: You're not so sure.

MR. GIERRAN: noong panahon na po yun, nasa probinsya po ako, your honor.

SEN. LACSON: General Dela Rosa- Ronald, may information kayo?

DELA ROSA: None yet, your honor

SEN. LACSON: Anyway sige, Thank you Senator Trillanes.

SAFT: Salamat sir, clarify ko lang kay PNP Chief Dela Rosa. Sir, wala akong sinasabing pinoproteksyunan mo. Wala akong sinasabing iniiwasan niyo. So, ang sinasabi ko rito, six months na tayo into this 'war on drugs.' Limang libo na ang namatay. Pero iyong malalaki na- ako nakita ko iyong- kung sino ang malalaking pangalan at inaantay ko na ilabas iyon kung talagang babanggain. So, hindi ko pa naririning iyong mga pangalan na iyon so far. Anyway, moving on to the next topic, I commend the PNP for breaking thru dito sa Mega shabu dito sa Catanduanes, hopefully makita talaga kung sino ang drug lord diyan at kung aarestuhin natin. Hindi natin papatayin iyong mastermind, mas lalawak pa. Makukuha natin kung sino talaga. Iyon sir, itong mga, iyong sa mga involved sa drugs na namention natin ng mga members ng PNP, sino ang nag-iimbestiga sa kanila, Sir?

DELA ROSA: Your honor, iyong tatlong general na active pa, your honor ang nag-iimbestiga is NAPOLCOM. I am also a major of the NAPOLCOM, being a commissioner and as far as I know, itong week na ito, your honor, idedeliberate na namin iyong resolution sa kaso na iyan your honor. Magkakaroon na iyan ng decision, iyong tatlo.

SAFT: Iyong mga generals na iyon sir, iyong mga active hindi ba noong na implicate sila, nirelieve sila kaagad sir?

DELA ROSA: Yes your honor.

SAFT: Yes, tapos, so as far as you know wala nang ibang investigating body na nag-investigate doon sa mga naiinvolve na mga members ng PNP?

DELA ROSA: Sa ngayon, your honor, iyong NAPOLCOM lang your honor.

SAFT: Iyong NAPOLCOM.

DELA ROSA: Yes sir.

SAFT: So iyon sir iyong ano, sa ngayon SOP, sir, hindi ba kapag may naimplicate, preventive suspension?

DELA ROSA: Yes your honor.

SAFT: So okay, ay ngayon, sinasabi ko iyan in light of the case of Superintendent Marcos. Noong naimplicate siya, SOP, preventive suspension, nirelieve siya. Ngayon eventually inako nga recently ni President Duterte na siya daw ang nag-utos sa inyo na ipareinstate siya. At sinasabi niya na meron daw kasi siya nag-iimbestiga rin daw siya? Pero just a few minutes ago, sinasabi ninyo, as far as you know, ang nag-iimbestiga sa kanila is NAPOLCOM and SOP is preventive suspension.

DELA ROSA: Your honor iyong tatlong general your honor, NAPOLCOM. Pero ito ngayong, sa kay, ito ngayong grupo ni Superintendent Marcos your honor, IAS your honor ang nag-imbestiga. Iyong tatlong general kasama rin ang IAS doon, your Honor.

SAFT: So well I was referring in general. Sinasabi ko lahat ng mga nasasangkot na mga members ng mga PNP sino iyong mga nainvestigate so NAPOLCOM and IAS. Pero may sinasabi kasi si President Duterte na, kaya viniolate iyong SOP na preventive suspension ay dahil nagiimbestiga raw siya. At dahil doon, doon sa "imbestiga" niya ay nakabalik sa pwesto itong si Superintendent Marcos at eventually pinatay iyong tatay ni Kerwin Espinosa. So that basically it is the essence of the preventive suspension to avoid things like that. So anong masasabi ninyo doon sir?

DELA ROSA: Your honor, I would like, I just have to make it clear na iyong preventive suspension po inissue ko, ay yung after na hong napatay iyong si Mayor Espinosa. Iyon ang preventive suspension. Iyong inissue ko po dati is relief muna. Nung nanggagaling si EIDG Director Col. Ferro at saka si Col. Demo at saka si Col. Iyong tatlo your honor. Peralta. Pag uwi nila galing sa Abu Dhabi, paghuli kay Kerwin doon binanggit kaagad nila sa akin iyong kanilang initial actual information. Ito sir ito iyong mga on the tape sa drug payola kay Kerwin. So nabanggit doon ang pangalan ni Col. Marcos. Nandoon ang pangalan so sabi ko, para clean slate tayo sa ating anti-drug operations, since active si Marcos sa anti-drug operations doon sa Region VIII, tanggalin natin kasi ayaw kong mapula tayo, ay nirelieve ko doon your honor, walang, without preventive suspension, relief lang your honor, hindi preventive suspension. Noong after napatay si Mayor Espinosa, iyon ang preventive suspension.

SAFT: Well that's very clear, but still, ibinalik.

LACSON: 13 seconds but with you permission with the body the chair will give you extra 2 minutes to pursue your point.

SAFT: Maraming salamat sir, well I'm going to Superintendent Marcos . Superintendent Marcos, what led you to conduct the operations against the Mayor Espinosa? Ano iyong nagmotivate sa iyo? Na bakit hands on ka doon?

MARCOS: Actually, sir, wala namang nagmotivate sa akin na specifically i-operate si Mayor Espinosa, it was a recommendation coming from provincial officer na meron silang na find out na intelligence report. At may nakuha silang deponent na there is a fire arm on the cell of Mayor Espinosa, and there is a drug transaction in the cell of Raul Yap. Based on his recommendation sir at saka nag-apply siya ng search warrant, I just approved it sir.

SAFT: Bakit hindi mo na lang nirefer doon sa unit kung saan under custody si Mayor Espinosa? Bakit hindi mo na lang inirefer iyong intel report na iyon? Alam ninyo kasi Col. Marcos, ako nakulong ako. Maya't maya kahit in the middle of the night, magcoconduct ng search kung sino iyong custodial namin. Walang search warrant diyan. Walang search warrant diyan sa ISAF, sa Crame. Part noong psychological na approach nila, totortahin ka in the middle of the night, magcoconduct sila ng search. Walang search warrant na kelangan. Bakit kailangan ikaw? Bakit kailangan ikaw, bakit kailangan ang team niyo?

MARCOS: It was the recommendation of the provincial officer. Actually, as the regional chief of the CIDG I have different provinces to supervise. It was the wisdom of my provincial officer na based on his recommendation. I think it is appropriate to do it.

SAFT: Okay so, aside dito kay Mayor Espinosa, sino pa doon sa grupo ni Kerwin Espinosa na ang napatay ninyo?

MARCOS: Iyong isa rin sir na subject ng search warrant, it was a two search warrant...

SAFT: No aside from that incident, sino iyong nag-operate sa iba pa. Iba pang kasama sa circle ni Kerwin Espinosa. At Kerwin pwede mo bang i-enlighten sino pa ba ang napatay doon sa grupo mo na? Sinong ang nag ano sa CIDG?

MARCOS: Wala na yata akong.... Wala po yata sir sa amin.

ESPINOSA: May napatay na tao pero hindi ko alam kung grupo ang nag operate sa kanya si Fernando Balagbis alias Entoy na nasa Baybay City Jail.

SAFT: Okay. Si... sa city jail din? Hindi ba?

ESPINOSA: Opo your honor.

SAFT: Pinatay siya sa loob ng city jail?

ESPINOSA: Opo your honor

SAFT: Tao mo, Iyong abogado ni Mayor Espinosa, sino nag-operate doon sa pagkakaalam mo?

ESPINOSA: Hindi ko po iyon alam your honor kasi wala ako dito sa...

SAFT: Chief Inspector Espenido, meron ka bang insight kung sino ang gumawa noon?

ESPENIDO: So far, your honor, iyong provincial director natin sa Samar nagconduct din sila ongoing investigation pa.

SAFT: So iyong abogado, iyong mga tropa mo, iyong dating asawa mo ba iyan?

ESPINOSA: Oo iyong sa Cebu your honor.

News Latest News Feed