Press Release
December 6, 2016

Bam on VP Leni's resignation, national broadband plan and stealing the vice presidency

On VP Leni's resignation and supermajority

Sen. Bam: The Senate is independent. Per issue iba iba rin iyong magkakasama. In fact, in the Libingan ng mga Bayani issue, the Senate President voted with us.

So, as long as we're able to keep that independence, we'll probably stay with the majority here. Kung tutuusin naman, iyong majority at minority division sa Senate, it's not as strict as its followed in the House.

Ang tingin namin, as long as we're able to really push for reforms and at the same tackle issues case per case and see kung sino ang alliances on a case per case issue, we'll stick it out with the majority.

I think that statement was House talking about its own membership. Ibang iba ang sitwasyon sa Senate.

Again, things are transpiring but right now masasabi ko is, on an issue per issue basis, magkakaiba talaga ang botohang nangyayari dito.

Most of the time, if it's with regard to helping our countrymen pagdating sa paglaban sa kahirapan o sa edukasyon, nagsasama-sama ang mga tao.

Kung mas kontrobersiyal o mapulitika, nagkaka-iba iba rin ang botohan.

We respect each other at iba iba rin ang desisyon ng mga miyembro dito.

Palagay ko, habang may independence kami dito, we'll stick it out with the current setup.

Q: Mayroon ba kayong sini-set na deadline for that? Si Sen. Kiko na party president said until Wednesday kakausapin niya ang local government, pati sa House.

Sen. Bam: Of course, with the resignation of the vice president sa Cabinet, may movements na nangyayari.

But I think ang mahalaga rito, on a bill per bill basis, or issue per issue basis, mayroon ba kaming independence o wala na para piliin ang sa tingin namin ay tama?

As long as that's kept, we'll stick to the status quo.

On testimony of Dayan and Espinosa

Sen. Bam: Obviously, may nagsisinungaling sa kanila. Hindi nagtutugma iyong mga datos. May mga nasabi sa congressional hearing na hindi tumutugma sa kanyang testimonya.

Hindi ko po masabi kung sino sa kanila ang nagsisinungaling pero sigurado ako may nagsisinungaling sa kanila.

Again, iyong isyu kahapon samut sari na. Andiyan iyong isyu ni Ronnie at ni Kerwin, iyong isyu ni Supt. Marcos at Mayor Espinosa, iyong pagtanggal sa kanya ni Bato at pag-reinstate ni President Duterte, iyong isyu ni Major Son, na bilang isang pulis ay pinatay rin allegedly ng isang pulis.

Maraming issues ang pinag-usapan kahapon. Isang isyu lang ang Ronnie at kay Kerwin.

Q: Sabi ni Sen. Lacson, kaya nila in-allow si Dayan na umuwi, convinced na sila na hindi deliberately nagtatago, pagod lang. Do you see that kahapon?

Sen. Bam: Hindi ko masasabi na si Ronnie ang nagsisinungaling pero may nagsisinungaling sa kanila. Among the three of them, si Espenido, si Espinosa at si Dayan, hindi talaga tumutugma ang kuwento nila. So kumbinsido tayo na isa sa kanila ang nagsisinungaling.

Q: Paano niyo hahanapin kung sinong nagsisinungaling?

Sen. Bam: You have to corroborate the stories. Titingnan mo ang pinaka-plausible, kung ano ang ebidensiya. Sa napakaraming nasabi, hindi pa rin nakikita ang total picture kasi their stories are still contradicting.

Ang sigurado diyan, may masamang nangyari at isa sa kanila ang nagsisinungaling.

Q: Hindi mo nakikita na mas totoo ang kay Espinosa kahit bumawi si Dayan na 2015 na pala ang picture?

Sen. Bam: Palagay ko may tinatago pa rin ang resource persons natin. Hindi pa rin the whole truth ang binibigay nila.

Q: May alam ba kayo kung ano ang tinatago nila?

Sen. Bam: Hindi, pero kung titingnan niyo ang testimonya, may mga panahon na blangko. Puwede ba iyon na may times naaalala mo tapos may times na hindi mo naaalala so may mga blangko talaga.

Again, it's not just kay Ronnie at Kerwin. Pati iyong kay Supt. Marcos, iyong revelations ng widow ni Major Son, iyong mga nakuwento ni Espedino, talagang alam natin na may masamang nangyari pero at this point, iyong mga kuwento, hindi pa talaga nagtutugma.

Q: I understand you had a hearing on the national broadband plan, can you tell us kung ano ang sinabi ng telcos?

Sen. Bam: As all of you know, ang pagbibilis ng Internet ay isa sa mga tinutulak natin. Ang DICT, nag-present sila ng initial plans kanina sa ating hearing. Ang nasabi nila, a major national broadband plan worth about P75 billion implementable in about 2 to 3 years, iyon ang kanilang naipahiwatig sa hearing natin.

Mayroong tayong private sector partners doon, mula sa Internet groups na nakonsulta naman para sa planong iyan.

Ang plano ho nila, na by 2nd quarter of 2017, talagang detalyadong detalyado na iyong national broadband plan natin.

Sa tingin naman natin, itong national broadband plan, isabay ang pagtulak ng kumpetisyon sa ating bansa. Kasi with a more robust competition sa private and government investing in money para mapabilis ang ating Internet, doon lang natin makukuha ang ninanais nating mabilis na internet at mapababa ang presyo.

Ang isa pang component diyan is allowing investors to come in. Kailangan iyong investment climate natin nandiyan, makapag-partner sa Filipino companies upang ang mga dayuhang kumpanya ay mapayagan ding pumasok sa ating bansa.

All of this was talked about earlier.

Malaking step iyon na nagsabi ang DICT na willing na sila na ihain sa Kongreso for the budget ang isang P75 billion plan para mapabilis ang ating internet.

Q: Ano ang target nila, sa speed kung gaano kalaki ang increase?

Sen. Bam: Hindi pa nila kayang magbigay ng ganoong kalaking detail but definitely ma-improve ang sitwasyon natin kung saan tayo isa sa pinakamababa kundi ang pinakamababa doon sa tinatawag na ASEAN five o five biggest countries sa ASEAN. We're the lowest there consecutively.

Kung tutuusin, every year bumibilis naman tayo pero di hamak na mas mabilis ang pagbilis ng ibang bansa. So lagi tayong nahuhuli.

This national broadband plan, coupled with a better competitive climate, kapag pinagsabay natin iyan, iyan iyong makakatulak talaga para mapabilis ang ating internet.

Q: Ang pagpasok ba ng private investor, magpapamura at magpapabilis sa internet?

Sen. Bam: Yes. Mahalaga iyon. In fact, ang kumpetisyon na kailangan natin mula sa foreign at sa domestic. Kung tutuusin, because of our constitution, may partnership with Filipino company because may constitutional provision tayo on ownership.

Iyong papasok players will inevitably be, kung hindi man purely Filipino, Filipino plus a foreign partner na mas mababa iyong ownership nila. Kailangan natin iyan.

Pagdagdag ng kumpetisyon, kasabay ng investment ng ating gobyerno, iyan siguro ang puwedeng magtulak.

We're quite happy with the presentation of DICT. Humingi sila ng kaunting oras para sa further approvals and by the second quarter of next year, maibibigay nila iyong full program para maipatupad itong national broadband plan.

Q: Anything that be done by the Senate to break down this opposition for more players?

Sen. Bam: Kailangan talagang bantayan. Kailangang bantayan natin ang pagkuha ng franchises na hindi pinapahirapan iyong mga gustong mag-invest na makakuha ng congressional franchise.

Kailangang bantayan natin ang proseso ng pagkuha ng permits. NTC promised six months para makakuha ng permits para mag-build ng facilities. Pinaalala natin sa kanila na isa iyan sa pangako ng bagong administrasyon na mapababa ang number of days para sa pagkuha ng permit. Kailangang binabantayan natin iyan para mapadami ang players natin.

Aside from that, mabantayan din natin itong P75 billion allocation ng ating DICT para sa sariling imprastruktura ng gobyerno.

Kapag binabantayan natin iyan. Maayos ang pagkagawa ng plano, maayos ang pag-implement and efficient, then we're one step closer towards having the improved internet infrastructure na gusto natin.

Na-mention ng DICT na mas magiging madali ang buhay nila with accompanying legislation so humingi tayo ng draft.

Ang basis po nila, ang Open Access Bill, which we filed already pero marami silang gustong idagdag. Para during this process, masabayan din ng legislation na makakasuporta sa pagbukas ng ating telco industry at pagdami ng competitors sa ating bansa.

Ang naibigay nila sa hearing na timetable ay 3 years but they will do their best for 2 years.

Q: Do you think the admin is involved the plot to steal the vice presidency?

Sen. Bam: I hope not. Sa totoo lang, I hope not. Iyong bagay na ganyan na baliktarin mo iyong will of the people para lang sa sarili mong kapakanan, kahindik-hindik iyan.

Whoever is involved there, talagang napakasama. So I'm hoping na hindi talaga involved ang administrasyon dito.

News Latest News Feed