Press Release
December 7, 2016

Transcript of Interview with Sen. Trillanes on News to Go

SEVERINO: Makakapanayam po natin ngayong umaga si Senator Antonio Trillanes IV kaugnay sa pagkakapatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa. Magandang umaga, Senator Trillanes.

SAFT: Magandang umaga po sa inyo, Howie.

SEVERINO: Unahin po natin ang report ng Committee on Justice and Human Rights dahil napag-aalaman daw na hindi 'state sponsored' ang mga pagpatay pero nilalabag ng 'Oplan Tokhang' ng gobyerno ang karapatan ng mga drug suspects. Ano po ang reaksyon ninyo dito kaugnay sa konklusyon na ito?

SAFT: Base ho doon sa inilabas na press statement ni Senator Gordon ay talagang lumalabas na talagang isa siyang Duterte collaborator, enabler siya nitong mga pangyayaring ito. Ang committee report na iyan ay 'cover-up' doon sa mga extra-judicial killings na nagsimula at dumarami ngayon nang magsimulang umupo si President Duterte bilang presidente.

SEVERINO: Okay. So, sinasabi ninyo na baligtad ang inyong pananaw. Kasi sinasabi nitong report ay hindi po state sponsored. Ibig sabihin ay hindi ito polisiya o hindi ito binibigyan ng pahintulot ng mga matataas na awtoridad. Pero, ang sinasabi ninyo ay kahit si Pangulong Duterte ay may kinalaman dito?

SAFT: Most definitely. Ipinakita na natin ang iba't-ibang ebidensiya at iba't-ibang testigo. Mayroon ngang isa na video mismo sa Dasmariñas. Kinuha ng mga pulis sa checkpoint iyong isang OFW tapos kinaumagahan ay nakabalot na ng tape at patay na. Tapos may karatulang siya daw ay 'adik.' So, iyon mga ebidensiya na iyon ay walang saysay sa kanya. Itong mga public pronouncement mismo ni President Duterte na pinapatay niya, papatayin niya iyong mga tao, yung mga involved sa drugs. Pero, wala iyon e. Nilinis lang, kinover -up lang ito ni Senator Gordon si President Duterte. And to think na ongoing pa rin iyong mga pagpatay, mga anim na libo na ang namamamatay.

SEVERINO: Okay. Pero, sinasabi naman po ng pulis na itong mga napapatay nila ay nanlaban umano. Hindi ba ito sapat na depensa at pinaniniwalaan ba ito ng mga kapwa senador ninyo?

SAFT: Ako po ay hindi naniniwala diyan. Dahil ito na nga iyong nangyari kay Mayor Espinosa. Sa loob na ng kulungan ay sinabi na nanlaban pa. Mayroon pang mga halimbawa. Mayroon pang mga ipriniseta na ebidensiya noon doon sa hearing na iyan na mayroon din mga nakakulong na sinasabing nanlaban. Tapos, ilan iyong mga testigo na pinili niya, hindi isinalang ni Senator Gordon dahil nagmamadali siyang tapusin yung hearing at para ma-clear na niya ang kanyang amo. So, definitely not believable.

SEVERINO: Okay, iyong isang star witness dito sa senado si Edgar Matobato in the end po ay sa palagay ninyo ay may kredibilidad itong mga naging testimonya niya?

SAFT: Most definitely nagpakita siya ng mga iba't-ibang supporting documents niya. Iyong kanyang descriptions, lahat tama. Hindi nga makapagsalita itong mga ibang senador na makapag-cite ng isang instance na nagsisinungaling siya na talagang deliberate lie. Ito nga iyong 'twisted logic' ni Senator Gordon: on one hand, pinaniniwalaan niya ang confessions ni Matobato na siya ang nag-abduct kay Sali Makdum pero ire-recommend niya ng murder, pero hindi niya pinaniniwalaan iyong alegasyon ni Matobato na si President Duterte iyong nasa likod at nag-create ng Davao Death Squad noong siya ay Mayor pa. So, dito mo makikita ang selective justice na talagang sumisipsip lang itong si Senator Gordon sa kanyang political patron.

SEVERINO: Kasi, irerekomenda daw ng komite at sasampahan din ng reklamo itong si Matobato. Reaksyon ninyo po kaungnay dito.

SAFT: Iyon na nga po. Ang basis niya diyan ay ang testimonya ni Matobato daw kaya niya kakasuhan. Pero, iyong testimonya ni Matobato, linking President Duterte dun sa mahigit 1 libong pinatay sa Davao ay hindi niya pinaniniwalaan. Sinungaling daw, kakasuhan niya daw ng perjury. Kaya nga dito makikita na talagang twisted logic itong ginawa ni Senator Gordon. Ito ay pagsisipsip lang sa kanyang political patron at pagcover-up kay President Duterte.

SEVERINO: Babanggitin din daw sa report ng komite ang hindi ninyo magandang asal noong isang pagdinig partikular na iyong pagpapaalis o iyong pagpapauwi kay Matobato kahit hindi pa ho tapos ang pagdinig?

SAFT: Iyon na nga po, inexplain ko yan mismo doon sa committee hearing. Mahigit twelve hours na nag-aantay si Matobato na isalang. In fact, ang usapan noon was una siyang isasalang. At nandudoon siya naghihintay sa holding area, hindi nila pinapansin kasi meron silang script. Ngayon, nung lumalalim na ang gabi at pinabyahe ko na sa safe house, nag-decide ako na mukhang wala naman silang planong isalang, ipinauwi ko na. Dahil yung safety and security ang kino-consider ko, thinking na meron namang siyang scheduled na 9am na hearing na pwede naman naming isalang ulit ng umaga. Yun pala dun sa script nila tatapusin na nila nung gabi na yun at kakanselahin na yung hearing kinabukasan. So itong si Senator Gordon ay kumbaga gumagawa siya lang ng palusot na wala na para lang ma-cover up niya si President Duterte. And ito, it's a blatant lie yung sinasabi niyang merong material concealment. Nahuli na nga siya, nandudoon sa transcript ng hearing ng Senado yung sinasabi niyang kinonceal daw ni Senator De Lima plus siya pa mismo ang nakausap ni Matobato nung sinasalaysay iyon. So ano ito, talagang this is a piece of garbage itong committee report ni Senator Gordon kung yan nga talaga ang nakalagay diyan.

SEVERINO: Okay magtungo naman tayo sa naging pahayag nina Kerwin Espinosa at Ronnie Dayan sa kabuuan po, ano ang masasabi niyo sa kanilang mga isinawalat nandoon po kayo sa hearing.

SAFT: Narinig naman po ng ating mga kababayan na sumusubabay dun na nagsisinungaling po parehas. Ito nga, dito mo makikita ikukumpara niyo na lang kay Matobato na yung salaysay niya ay talagang kahit anong pagtatanong consistent siya doon sa kanyang mga pahayag. Itong si Kerwin Espinosa at si Dayan ay nagkabuhol-buhol yung kanilang kwento. Pero handang paniwalaan nitong ibang senador itong drug lord. So dito mo makikita kung ano ang nangyayari na dito sa independence ng Senado.

SEVERINO: Itong sinasabi niyo na nagkabuhol-buhol yung kwento, ano ang pinaka importanteng buhol diyan. Kasi baka ang naalala ng iba nagka-iba lang yung halimbawa yung taon hindi kaya failure of memory lang iyon hindi naman iyon parang deliberately nag-iimbento ng kwento.

SAFT: Ito po maliwanag na mga trentang beses din tinanong si Dayan: 'sigurado ka bang 2014, yes 2014 sila'. Itong isa November 2015, tinanong ko siya: 'kailan ba kayo naghiwalay ng relasyon niyo Senator De Lima?' February 2015 at ayon dun sa salaysay niya sa House of Representatives ay nagsampalan pa sila. So it was a bitter parting, na paghihiwalay. So February 2015, ngayon, bakit siya pa rin yung gagawing emisaryo ni Senator De Lima kung nung sa November 2015 kung totoo mang nangyari yun. So talagang base rin sa records ng DOJ wala na si Dayan sa DOJ kaya nga hiwalay na, wala na. Tapos ito yan nung sinabi na papaano ibinigay yung pera. Ang sabi nitong Kerwin Espinosa doon sa Burnham Park nag-abutan ng pera sa kotse. Ito namang si Dayan sinabi niya doon parking lot nung Hotel. So talagang malayung-malayo at remember itong dalawang ito ay under police custody. Sila ay naga-apply para ma-absorb sa witness protection program otherwise kakasuhan sila, tinatakot silang kakasuhan. So parehas sila under duress, and, therefore, hindi reliable yung kanilang testimonya.

SEVERINO: Okay itong isang inilalabas na ebidensiya po itong litratong magkasama sina Kerwin, yung asawa at si Senadora Leila De Lima na noon nangangampanya pa lang. Sinasabi po ninyo na hindi sapat na ebidensiya?

SAFT: Opo. Ganito po, yung scenario na iyon ay nasa Burnham Park. In fact, naglabas ako ng iba't ibang pictures ng iba't ibang mga tao na nagpa-picture kay Senator De Lima at iyan po ay sa Burnham Park, parang yung pulitiko na nangangampanya na maraming nagpapa-picture. Alam niyo kung ikaw ay kilala mo, pulitiko ka, kilala mo itong drug lord hindi ka magpapa-picture sa Burnham Park of all places. Anyway, nandidiyan yun, ayan yung pinakita nila pero nagpakita ako kung yan yung pagbasehan ninyo ng guilt ng isang tao, nagpakita ako ng mga pictures ni President Duterte mismo kasama si Peter Lim na identified as the biggest drug lord of Visayas. Ilang okasyon po yan, so yun po ang basis. Ngayon, sinasabi ni Senator Lacson na wala naman daw nag-accuse kay President Duterte, ito nga, presidente sino mag-accuse diyan; tapos itong isa kalaban sa pulitika, na ang nag-accuse ay itong mga drug lord, mga convicted. So, papaano na lang tayo? Di ba kung lahat yang mga iyan, convicted mga drug lords na yan, i-identify yung mga kalaban sa gobyerno, kalaban sa pulitika ni President Duterte di wala na, ipit na ipit na. So, yan po ang pinaglalaban natin.

SEVERINO: Salamat po sa inyong paliwanag Senador Antonio Trillanes.

SAFT: Salamat din po.

News Latest News Feed