Press Release
February 7, 2017

Pahayag ni Akbayan Sen. Risa Hontiveros sa planong ibalik ang death penalty

Sa usapin ng planong ibalik ang parusang kamatayan, pinapapili nila tayo sa pagitan ng extrajudicial killings o judicial killings. Pero yon lang ba ang pwedeng pagpilian ng mamamayan? Hindi ba natin pwedeng piliin ang isang epektibo at mabilis na sistemang pangkatarungan?

Ibabalik natin ang parusang kamatayan pero si Peter Lim ay bisita ng Malacanang? Ibabalik natin ang parusang kamatayan pero ang mga katulad ni Jack Lam ay kayang suhulan ang ating mga pampublikong opisyales? Ipapatupad ang parusang bitay sa isang sistema na kayang bilhin ng mayaman at makapangyarihan ang katarungan?

Hanggang korap at mabagal ang sistemang pangkatarugan sa Pilipinas, walang garantiya na ang parusang kamatayan ay magbibigay ng tunay na katarugan para sa lahat. Katulad ng kasalukuyang extrajudicial killings, ang kaya lamang nito patayin ay ang mga mahihirap.

News Latest News Feed