Press Release
February 21, 2017

TRANSCRIPT OF SEN. GRACE POE'S AMBUSH INTERVIEW

ON PUBLIC ORDER HEARING

Question: Ma'am, kanina po yung hearing nga natin isa po doon sa mga bill yung strengthening the IAS. So far po ano po ba ang masasabi natin regarding that?

Sen. Grace Poe: Kasi alam mo, ang IAS kasi ang nag-iimbestiga ng mga pulis na kasangkot sa mga anomalya. Sila dapat ang punong nag-iimbestiga dito. Ang problema, dalawa lamang ang kanilang intelligence officer sa IAS. Walo lang ang kanilang imbestigador, dalawang daang libo ang PNP. Tapos ang liit pa ng mga sweldo nila kaya talagang mahihirapan tayo na imbestigahan ang mga kurakot na mga pulis sapagkat kulang na kulang talaga sa suporta ang Internal Affairs Service.

ON BUS TRAGEDY

Q: Regarding po dun sa bus, naglabas po kayo ng statement kahapon na dapat panagutan ng bus company. May nakikita po ba kayo, dapat magsagawa ng hearing, ano po ba yung mga dapat i-refile pa na batas, sa mga field trips.

Poe: Alam mo hindi lamang sa mga field trips, yung ating mga bus na nandiyan. Pinapayagan ang mga bus na 15 years old or below. Tanungin natin,ano ba yung mga safety features na mayroon ngayon na wala yung mga buses na 14 years old o 10 years old. Kailangan yung mga experience din ng mga drivers, hindi sapat na may lisensya lang kung tatlong buwan pa lang nagmamaneho ang isang drayber, kargo de konsensya ng lahat yung buhay ng mga batang iyan. Ako talaga tuwing may lakad ang mga bata, lalo na pag field trip at malayo, minsan talaga ang puso mo nasa lalamunan mo eh, hindi mo rin alam kung papayagan mo yung anak mo sa malalayong lugar. Kaya nga siguro yung mga paaralan, prayoridad talaga nila ang paggarantiya ng kaligtasan ng mga bata...

Q: Ma'am as chairman of public services,may plano po ba kayo na mag file ng resolution to investigate this case?

Poe: Yes, actually in granting permits for drivers of commercial buses, for example, yung mga ganyan at saka yun ngang mga safety features na mga pinapayagan natin na mga buses.

ON PUBLIC ORDER HEARING

Q: When it comes to issues in disciplining our young recruits in the police, there seems to be lapses. Is it actually feasible to implement the changes that we've been talking about when it comes to the PNP having more control and not being involved, is it a long, winding road or is it possible?

Poe: We will we have to remain hopeful. We in the legislative branch have to throw our support by enacting laws that will truly address the needs of the PNP to effectively serve the public. My particular concern is the Internal Affairs Service because they are the ones that conduct investigations on rogue and erring cops and one of their concerns is to have more manpower, to have a higher salary base and also to have more powers, to be able to issue subpoenas. They have no powers to summon certain individuals, how will they be able to conduct the proper investigation and hearings on those cases. So those things are within the areas of concern of the legislative branch and I intend to file the relevant bills that will amend the PNP law.

ON SPO3 LASCANAS

Q: Kay SPO3 Lascañas, sa tingin niyo ba may value pa ito. Yung sa unang committee report, you did not sign, clearing the government of extra-judicial killings, the existence of DDS and now here comes SPO3 Lascanas, sa tingin niyo ba ay may value pa siya, dapat bang pakinggan siya ulit, kahit na nag-perjure na siya ng sarili niyang salita.

Poe: Alam mo naguusap-usap nga kami ng ibang kasamahan ko dito. Unang-una, hindi ako pumirma doon sa committee report na yun, hindi dahil hindi ako naniniwala na hindi totoo yung ibang sinabi doon, kundi kulang pa, sa tingin ko, ang mga nakalap nilang impormasyon para gumawa ng ganung klaseng konklusyon. Ngayon, lumabas itong testigo na kinokontra ang una niyang salaysay. Kung para lang malinawan kung bakit niya ginawa yun, if only to find out why he perjured himself, is already enough reason for us or sapat nang dahilan para mag-conduct uli ng hearing kasi gusto nating malaman, ano ba ang pumasok sa isip mo bakit mo nagawa yan noon? Bakit mo gagawin ngayon yan? Kasi iba siyempre ang isang presscon, at iba rin ang isang pagdinig. Ako ay umaapela rin sa mga kasama ko, ayaw naman natin na basta lang tayo hearing ng hearing pero nandito tayo para malaman kung ano ba yung katotohanan. Bigyan natin siya ng pagkakataon mag-eksplika, hindi naman nangangahulugan na totoo ang sinasabi na niya agad, kaya nga gusto natin malaman.

Q: Sabi niyo ho hindi kumpleto yung nalaman in the past hearing, so siya ba ay kukumpleto sa inyong tingin, o kulang pa din?

Poe: Hindi natin masasabi, tingnan natin kung ano ang kanyang mga ibang masasagot sa mga katanungan natin. Ang malinaw doon, ano ba ang interes na mapupunta dito sa taong ito para palitan ang kanyang salaysay. Bakit niya papalitan ngayon? Kasi tahimik na siguro ang kalagayan niya, biglang sumabak siya dito. Siyempre may kanya kanyang haka-haka. Sinasabing nabayaran ba siya? Tinakot ba siya? Siya ba ay nakonsensya? Gusto natin isipin na ang bawat tao na lalabas dito sa senado ay may tamang hangarin na sabihin ang katotohanan. Tingnan natin kung totoo ba yung sinasabi niya kasi kung totoo yun ay hindi natin dapat palampasin ito.

ON EPOWERS

Q: What can you say po doon sa mga statement na kaya hindi iho-hold ang Edsa People Power celebration sa Edsa dahil daw wala pang emergency powers, matatagalan pa po ba ang pag-grant? Para lang maiwasan po ang traffic?

Poe: (Laughs) Ilang taong walang emergency powers meron naman silang selebrasyon dun. Basta kami dito sa senado, nandoon na kami sa period of interpellation, hindi ko naman mapipigil ang aking mga kasamahan sa pagtatanong tungkol sa detalye ng inisyatibo na ito, itong bill na ito. Basta ako, tapos na yung aking trabaho na pinagsama-sama itong mga probisyon na ito kung merong gustong baguhin ang mismong mga kaalyado ng pangulo, nasa sa kanila yun kung gaano katagal ang deliberasyon dito sa senado.

News Latest News Feed