Press Release
March 7, 2017

INTERVIEW TRANSCRIPT OF SEN. JV EJERCITO
On yesterday's Senate hearing on Lascañas' testimony
Unang Hirit (5:30 AM - 7:45 AM)
Winnie Monsod/ Arnold Clavio/ Rhea Santos/ Susan Enriquez/ Ivan Mayrina/ Connie Sison
7 March 2017 | 7:14 AM | Tuesday

Monsod: Was there a vote to stop the hearings already?

Ejercito: Wala ho namang botohan, there was a motion pero wala naman ho kumontra, pero Tita Winnie for the record noong nagkaroon ng botohan para marinig si Lascañas, in fact ako po ay nag-abstain. I just want to explain, kasi siyempre ayaw naman nating na maakusahan ang Senado na ipinagtatanggol, na may pinagtatakpan or we are concealing the truth. We wanted na...

Monsod: Laughs... Bakit kayo nag-abstain?

Ejercito: Hindi po, pero on the other hand, doon po kay Sen. Richard Gordon we just cannot announce people to go to the Senate, mag-aano sila under-oath, tapos babalik, tapos sasabihin nila hindi totoo yung pinagsasabi ko. Yun po ano, dalawang punto po yun, that's why binigyan ko pa po ng chance, yun po ang rason kung bakit I was torn, I have to admit, na tama yung punto ni Sen. Gordon noon na hindi natin dapat payagan yung ganoon, kaya lang ayaw naman nating sabihin na ang Senado ay may tinatago kay pinagbigyan po natin na si Lascañas ay marinig.

Santos: Pero ang problema ho Senator kung hindi na itutuloy, paano ang mga nabanggit na pulis, meroong ibang personalities na dapat ipapatawag pa sana kung matutuloy yung hearing. Paano po nating mahihingan ng paliwanag?

Monsod: Lalo na si Sonny Buenaventura. Ang lakas-lakas ng tunog ng pangalan niya, he should be brought back or something hindi ba?

Ejercito: Well kasi, kung nakikinig po kayo noong ako po ay nagtanong, nadiskubre na si Lascañas na mayroon siyang sama ng loob he asked four favors, apat na pabor po yun. Unang-una, pagkatapos ng retirement niya, gusto niyang magkaroon ng STL (small-town lottery) franchise sa Laguna, sa Cavite, sa Bulacan, yung mga juicy area na tinatawag.

Monsod: Ang ano?

Santos: STL franchise.

Ejercito: STL franchise, yes, nag-apply po sila for his group. Pangalawa, he was also asking for a permit for a van transport terminal in Davao. Pangatlo ay humingi rin po siya ng posisyon, kung hindi ako nagkakamali sa Customs. At pang-apat po ay yung quarry contract doon sa Turil, sa Davao rin po. So apat po yung pabor na hinihingi niya, apat nga po ay hindi naman napagbigayan. And this was after the first hearing. Palagay namin ay meron po siyang motibo na talagang sumama ang loob niya. Apat po yun, in fact, Sabi ko pa nga e hindi strike 3 mukhang na-strike four siya, 0-4 nga sabi ni Senator Lacson kaya yun po ang sa tingin ng marami.

Santos: Senator, so hindi ninyo na po nakikita yung kredibilidad nitong Lascañas base po sa mga kuwento niyo, na may kahilingan pala siyang, sabi ninyo hindi napagbigyan kaya lumalabas na bumaliktad siya sa mga testimoniya niya?

Ejercito: Well, isa lang sa mga factor yan Rhea. Pero kasi sa amin pag ikaw ay bumaliktad halimbawa, you lied under oath tapos sasabihin mo ngayon babalik ka, yung credibility mo suffers a lot, ano. At siguro ito naman personal opinion ko lang ay...

Monsod: Ano kaya ang dahilan, ano kaya ang rason niya at magbabaliktad siya, that means his going against the most powerful man in the country. Bakit siya, you know, why will he go against the most powerful man in the country? What do you think is the reward to him for doing that, hindi ba?

Ejercito: Dahil masama po ang loob niya Tita Winnie, kasi nga po ang mga kasamahan po niya... yung mga kasamahan po, yung mga kasama po.

Santos: Ano ho ba yan, may pera po bang involved kayong nakikita din?

Ejercito: Hindi po, mga kasamahan po niya tulad ng, yung Davao group na sinasabi ko mukhang sila po ay nabigyan na ng mga posisyon, or a much better situation right now, kumabaga siya po yung medyo napag-iwanan.

Monsod: So naiwanan siya? So nagalit siya.

Ejercito: Sa palagay po namin, yan po ang isang malaking parte, kasi po Tita Winnie, kung iisipin, apat po ang hiniling niya, yung STL, yung Customs, yung quarrying contract, at yung... may isa pa, apat po yan, na lahat po ay tinabla, kumbaga hindi ho napagbigyan kaya sa tingin ko sumama talaga ang loob and alam niyo na kakaretire niyo, you are already thinking, lalo na yung mga pulis, you are thinking of your future...

Santos: Opo. Senator just to wrap it up po, ano konklusyon ng Senado kung ito na po ang huling pagdinig ng Senado ukol po dito sa presence umano ng DDS, ano po ang nahita ng taong bayan dito sa hearing natin? May kumpirmasyon pa? May DDS ba? Involved ba si Pres. Digong?

Ejercito: Well, siguro Rhea sa akin, personally, siguro itong mga issues na ito, DDS at iba pa, mga bank account, these are all cases thrown at the President when he was running, noong tumatakbo pa ho siya, isyu na po ang lahat ng ito. But he was still given the mandate. Ang sa amin lang, we do not want the Senate to be used again for destabilization or ouster plot kasi wala pa pong isang taon si Pangulong Duterte, and he was given the mandate by the Filipino people, pagbigyan naman natin, hayaan naman natin. We have to respect the mandate given to him.

Santos: Alright. Senator, maraming salamat po for giving us your thoughts, thank you very much for you time and have a good morning.

Ejercito: Salamat po.

News Latest News Feed