Press Release
March 8, 2017

PRIVILEGE SPEECH OF SENATOR TRILLANES

Maraming salamat, Madam President. I hope I will not spoil the flavor this afternoon with this privilege speech.

So, magandang hapon sa inyong lahat. I stand on a matter of privilege to talk about the Lascañas testimony.

Noong Lunes, humarap si G. Lasacañas sa Committee on Public Order and chaired by Senator Lacson, at ito ang kaniyang mga allegations:

Si dating Mayor Rodrigo Duterte ang mastermind at bumuo ng Davao Death Squad;

Si dating Mayor Rodrigo Duterte ang nag-utos nang pagbomba sa mga moske sa Davao City noong 1993;

Si dating Mayor Rodrigo Duterte ang nag-utos ng pagpatay sa Patasaha family kabilang na ang isang buntis na babae at apat na taong gulang na bata;

Si dating Mayor Rodrigo Duterte ang nag-utos ng pagpatay kay Jun Pala noong 2003;

Si dating Mayor Rodrigo Duterte ang nag-utos ng pagpatay kay Jun Bersabal noong 1997;

Si dating Mayor Rodrigo Duterte, through Sonny Buenaventura, ang nag-utos ng pagpatay kay Fred Sotto;

Si dating Mayor Rodrigo Duterte, through Sonny Buenaventura, ang nag-utos ng pagpatay kay Master Sergeant Donald Caigas na tao ni General Palparan;

Si dating Mayor Rodrigo Duterte, through Sonny Buenaventura, ang nag-utos ng pagpatay sa dance instructor ni Jocelyn Duterte;

Si dating Mayor Rodrigo Duterte, through Sonny Buenaventura, ang nag-utos ng pagpatay kay Alan Sy at 10 Chinese nationals;

Ika-sampu, si dating Mayor Rodrigo Duterte, through Sonny Buenaventura, ang nag-utos ng pagpatay sa isang Taiwanese national base sa impormasyon ni Charlie Tan, isang nababalitaang drug lord sa Davao City;

Si Vice Mayor Paolo Duterte ang nag-utos magpapatay ng isang suspect na nagpapanggap ng kaniyang identity sa Catalunan, Davao City;

Si Vice Mayor Paolo Duterte ang nag-utos ng pagpatay sa isang nakaalitan sa trapiko na naka-motorsiklo; si Vice Mayor Paolo Duterte ang nag-arbor ng suspected drug shipment ni Charlie Tan na naisakay sa container van ni Vice Mayor Duterte.

Iyan po ang mga alegasyon na binigay ni G. Lascañas. At, as far as the Senate is concerned, lahat po ito ay on record at unrefuted kasi wala namang testigo na humarap sa komite na nagsabi na hindi ito totoo. In fact, ang na-mention ni Lascañas na si Jerry Trocio ay kinunpirma ng PNP officials as person of interest sa Jun Pala case. Ang mga CHR resource persons na naroon also affirmed the existence of the Davao Death Squad. Kaya kung mahihinto ang hearing ngayon, lahat po iyan ay nasa record ng Senado at hindi po ito dinebate o tinutulan ng counter evidence.

Ito naman po ang mga observations ng ilang mga senador: (1) Hindi maalala ni Lascañas kung sino ang kaniyang unang pinatay. Pero base doon sa ating transcript doon sa March 6 hearing, ito ang isinagot ni Mr. Lascañas doon sa tanong na iyon: "Mr. Chair, noong bago akong pulis, nakapatay ako ng tao pero hindi intentional, reckless imprudence kasi may hinabol ako na snatcher. And then, noong binaril ko iyong snatcher, tinamaan iyong bystander at dahil dito nagkakaso ako ng reckless imprudence. In fact, tumulong sa akin dito noong fiscal pa si mayor. Kung hindi ako nagkakamali, siya ang nag-prepare ng affidavit of desistance."

Ngayon noong kinlaripay kung ano ang una niyang pinatay bilang DDS, hindi niya ito masabi. At ang dahilan dito ay dahil hindi naman niya na-distinguish kung kailan siya naging DDS noong mga panahon na iyon dahil nang kinuha siya ni Mayor Rodrigo Duterte, Anti-Crime Unit, siya rin po ay pulis pa rin. So, pulis siya noong 1982. Nakailang engkwentro siya, nakapatay sila ng ilang tao, tapos na-absorb siya ni Mayor Duterte at tuluy-tuloy ang kaniyang pagpatay ng mga ordinaryong tao.

So, ito ang maaaring naging dahilan. Dahil nga all those times, for 34 years, siya ay pulis, naka-uniporme siya. So, kung hindi ka mamamatay-tao o siguro kung lima o sampu lamang ang iyong napatay, maaaring maalala mo lahat. Pero kung daan-daan na ang napatay mo, maaaring hindi mo na ito maalala. Kagaya natin dito sa Senado, ang trabaho natin ay magpasa ng batas. Palagay ko, mahihirapan din tayong ma-recall kung ano ba iyong first bill na nai-pass into law natin or ang ating first sponsorship speech. So hindi na katagalan iyan, but that shows kung ano iyong mga weaknesses ng isang tao.

Next. Pangalawang observation.

Magkaiba ang pahayag ni Lascañas sa kanyang affidavit at press conference tungkol sa pagpatay kay Patasaha at sa kaniyang pamilya. Base po doon sa kaniyang press conference, sinabi ni Lascañas. "Napatay po ang buong pamilya sa harap ko using a caliber .22 with a silencer and the rest po is history."

Sinabi naman niya dito sa committee hearing, "After a while, I heard several muffled gunshots of a firearm with a suppressor coming from the small house. I then heard the loud screams of the wife then silence after several gunshots were fired. I did not know how the child was killed because it was dark."

I agree with the observation of Senator Lacson that there is a minor inconsistency. Pero, kagaya nga ng sinabi ni Martin Andanar, ang tagalog ng Bisaya ay hindi perpekto. Pero, ako ngayon, sabi ko nga, inisip ko, ako bilang taga-Maynila, ano nga ba, papaano mo nga ba tatagalugin o idi-describe iyong nangyari doon? Nakita niya ng buhay, pumasok sa kuwarto, narinig niya ang putukan, tapos inilabas iyong mga bangkay sa harap niya. Papaano natin idi-describe iyon? So, figuratively, it should still qualify. Pero, anupaman, base sa Supreme Court decision na nai-provide din ni Senator Lacson, People vs. Mirandilla Jr., penned by recently retired Justice Perez dated July 27, 2011, and I quote, among others: "A witness is not expected to give error-free testimony considering the lapse of time and the treachery of human memory, but this principle learned from lessons of human experience applies only to minor and trivial matters innocent lapses that do not affect the witness' credibility."

Next observation.

Sinabi ni Matobato at Lascañas na pinatay nila ang dance instructor ng kapatid ni President Duterte, pero may lumabas sa balita na buhay ito. Alam po ninyo, nagtataka lamang ako kung papaano nila nalaman na parehong DI ang tinutukoy nila kasi base sa mga testimony ni Matobato at Lascañas dito sa Senado, hindi naman ibinigay ang pangalan noong DI, unless sa buong Davao City ay iisa na lamang ang dance instructor.

Anu't anupaman, itong impormasyon na ito ay hindi ipinasok sa komite; hindi siya ibinigay as evidence or as information by a resource person under oath. So, as far as the committee is concerned, hindi po ito dapat isama.

Another observation.

Nagkaroon ng spiritual renewal si Lascañas noong 2015, pero nagsinungaling pa rin siya sa hearing noong 2016. Ang isang paliwanag ko rito ay kukuhanin ko na rin sa Bibliya, kagaya ng mga kasamahan natin, na ang pagsisinungaling under duress or may threat sa buhay ay pinapatawad at iniintindi at pinagbibigyan.

Ito po, Matthew 26:69-74, and I read:

Now Peter was sitting out in the courtyard and a servant girl came to him, "You also were with Jesus of Galilee," she said. But he denied it before them all: "I don't know what you're talking about," he said. When he went out to the gateway, another servant girl saw him and said to the people there: "This fellow was with Jesus of Nazareth." He denied it again, with an oath, "I don't know the man." After a while, came unto him, they stood by, and said to Peter, "Surely thou also art one of them; for thy speech bewrayeth thee." Then he began to curse and to swear, saying: "I know not the man." And immediately, the cock crew.

So, dito po sa example na ito sa istorya galing sa Bibliya, ito pong si San Pedro, hindi lamang siya nagkaroon ng spiritual renewal, talagang he lived an apostolic life. And yet, when he was under duress, he lied three times when he feared for his life, dahil baka kuyugin siya ng mga tao doon. And yet, noong siya ay humingi ng tawad, pinatawad siya at pinagkatiwala pa sa kanya ang haligi ng simbahan.

Kagaya po nito si Lascañas, noong siya ay nagkaroon ng kidney failure noong 2015, sinabi niya na nagkaroon siya ng spiritual renewal. At dahil dito, noong nakakita siya ng mga imahe, doon nagbago ang kanyang buhay. Hininto na niya ang kanyang pagpatay ng mga tao. Subalit nandoon pa rin siya sa grupo sa mundo ng Davao Death Squad. Pero pirming binibigyan siya ng mga trabahong pagpatay, sinasabi niya na naghahanap siya ng alibi na nagpapagaling pa siya at hindi pa niya kayang gumawa ng trabahong pagpatay. Pero noong mga panahon na iyon, nakikipaghalubilo na siya sa ilang miyembro ng simbahan, nagdo-donate na siya sa simbahan. Itong mga ito, sa pananaw niya, ay mga munting paraan para makabawi doon sa kanyang mga pinaggagawa sa buhay.

Ngayon, noong nagkaroon ng hearing dito sa Senado, siya ay isa pang pulis noong panahon na iyon at iyong kanyang pamilya ay nasa Davao City at binigyan pa siya ng order ng kanyang superiors to deny everything. So, kagaya ni San Pedro, inisip niya iyong kanyang safety and security, ganoon din sa kanyang pamilya kaya napilitan siyang magsinungaling. Pero after noong experience niya na iyon, bumalik siya doon sa mga madre at lalong naging firm iyong kaniyang resolve na magkaroon ng public confession. Kaya hinayaan niyang matapos iyong kaniyang pagiging pulis at nag-retire siya, nagpaalam siya sa kaniyang pamilya. Ngayong handa na siya, nandirito na siyang muli humarap sa atin at itinataya pati ang kaniyang buhay.

Ganoon din, kagaya ni San Pedro, noong siya ay handa na maging martir para sa paniniwala niya kay Hesukristo, hinarap na niyang lahat at inaalay niya pati ang kaniyang buhay.

Ngayon, ito ang sinasabi ni Lascañas na motivation niya. Ito iyong kaniyang spiritual renewal. Ito naman ang ini-insinuate o ina-ascribe na motivation sa kaniya base na rin doon sa mga sinasabi ng ilang mga senador.

Una, binayaran daw si Lascanas para bawiin ang kanyang mga unang pahayag.

Alam ninyo po, buhay ng tao ang kanyang tinataya rito kasama na ang kaniyang pamilya. Siya ay retired na sa police force. After 34 years, nakuha na niya ang kanyang pension. Pwede na siyang mamuhay nang matahimik. Binibigyan pa siya ng P100,000 a month.

So, tanungin natin ang ating sarili. Sino ba sa inyo ang kapag inalok ng pera para gumawa lamang ng istorya para sirain ang isang tao pero isasaalang-alang niya ang kaniyang buhay at buhay ng kaniyang pamilya? Tanungin natin ang ating mga sarili kung kaya nating gawin na haharap dito sa Senado, gigisahin ng mga senador, iyon pala gawa-gawa lamang iyong kuwento. Sino ang kayang gumawa niyan? Hindi po kayang tumbasan ng pera ang buhay.

At doon sa mga PMAers na kasamahan natin dito at sa mga nakikinig, hindi ko po ito binayaran, o wala akong sinumang alam na binayaran si Lascañas para mag-testify laban kay President Duterte.

All right, sir.

Ikalawa, kinumbinsi siya ng isang senador para siraan si President Duterte. Hindi man pinangalanan pero ako na siguro ito. Muli, sinasabi ko po sa inyo, hindi ko kinumbinsi si Mr. Lascañas. All right, sir. Pero do not take my word for it, six hours siya ginisa at na-interrogate ng mga senador. Wala siyang binabasa, diretso siyang magsalita. Kung hindi totoo ang kaniyang mga sinasabi, mahuhuli siya ng mga senador at maliwanag na mabubutasan. Hindi ito magagawa ng isang tao na hindi buo ang loob. At higit pa riyan, kung ipagpapatuloy ang hearing o kung papayag ang komite, ipiprisinta ko iyong pari na naglapit sa akin kay Mr. Lascañas na siyang nag-vouch ng sincerity ni Lascañas. Sa executive session, gisahin natin itong pari na ito kung anuman ang naging motivation, handa rin siyang humarap para lamang matanggal iyang pagdududa na iyan.

Ikatlong ascribed motivation, apat na beses daw tinanggihan ni Lascañas sa kaniyang mga proyekto kaya sumama ang loob niya. To the credit ni Sen. JV Ejercito, maganda iyong research niya at nakuha niya lahat itong mga projects. Mukhang may idea ako kung sino ang nag-research. [Laughter] So, magaling iyong research at hinarap ni Lascañas ito, inako niya ito lahat. He had every opportunity to deny pero as a test noong kaniyang sincerity, sinabi niya, "totoo lahat iyan." Pero babalik tayo roon sa una. Dahil nagtampo siya rito, itataya niya na ngayon ang buhay niya para lamang makabawi sa mga projects na ito. Remember, maayos na ang kaniyang buhay, nakuha niya ang pensyon niya, mayroon siyang P100,000 a month. Hindi po nagugutom si Lascañas.

Now, punta naman po tayo roon sa recantation. Ang na-mention po ng ilang kasamahan natin ay walang probative value ang recantation. Pero mayroon po tayong ilang mga nakuha sa U.S. jurisprudence na naka-pattern din naman dito sa ating Philippine jurisprudence. Dito, a man was released after a witness recanted. Joseph John Edward Smith, who was an 18-year-old gang member when he was accused of murder, was tried and convicted with less than five hours of testimony and three hours deliberation in 1994 and later sentenced to life in prison. Nearly two decades after, when Smith's new attorney contacted witness, Landu Mvuemba, he recanted within minutes and said police pressured him at that time to identify Smith. So, nakalaya ito dahil sa isang recantation.

Next example.

Murder conviction voided after 20 years. The murder case against Carrillo hinged solely on the word of six teenage boys who had been standing with the victim when the gunman drove by. One jury deadlocked seven to five in favor of acquitting Carrillo, but a second jury found him guilty. He was sentenced to two life terms in prison. Five of the six witnesses testified at the Compton Courthouse that they had not clearly seen the gunman. Among them was the victim's son, who said he made the identification because one of his friends at the scene said he recognized Carrillo as the shooter. That friend also recanted. So, na-void iyong murder conviction.

Dito naman sa ating bansa, dito po sa case of People of the Philippines vs. Romeo Datu and Rolando Batuelo. In this case, the Supreme Court en banc vacated the decision of the Regional Trial Court of Ilagan, Isabela, Branch 16, dated November 18, 1998, convicting the two accused of the crime of rape sentencing them to death by lethal injection in accordance with RA 8177 on the basis of an affidavit executed by prosecution witness, Sgt. Flordelito Sabuyas, after the conviction of the accused on January 7, 1999. The Supreme Court, recognizing the importance of the retraction of the witness for the prosecution, remanded the case for retrial.

Finally, in People of the Philippines vs. Bensurto which was decided by the Supreme Court, December 7, 2016: "The recantation, like any other testimony, is subject to the test of credibility based on the relevant circumstances, including the demeanor of the recanting witness on the stand." So, mayroon pong probative value ang recantation provided ma-test iyong kaniyang salaysay at ma-cross examine siya ng kabilang partido.

Now, punta po tayo sa "independent corroborating evidence," as mentioned by Senator Lacson, that is needed in furthering any case against those mentioned. Ito pong sworn statement of Jose Basilio. Dito po sa sinumpaang salaysay ni Jose Basilio, na isang miyembro rin ng Davao Death Squad ay na-mention niya ang mga pangalan na sinasabi rin nila Edgar Matobato at ni Arturo Lascañas, itong sina Rolando Dawilag, Fulgencio Pavo, Arturo Lascañas, big boss na si Sonny Buenaventura, Jim Tan, Jumawan, Bobong Aquino, Bienvenido Purog, at iba pa. Ito rin ang mga nami-mention ni Edgar Matobato.

Patuloy pa rin po rito sa salaysay ni Jose Basilio, narito ang mga description noong mga modus operandi ng Davao Death Squad, nami-mention si Arturo Lascañas pa rin at itong sina Sonny Buenaventura, Jim Tan at ibang miyembro ng DDS. Dito sa pagpapatuloy ng kaniyang salaysay, narito si Arturo Lascañas at si SPO4 Bienvenido Laud, na-mention pa si Arturo Lascañas at Edgar Matobato. Ito po ay 2009, ginawa itong salaysay na ito.

So, itong mga taong hinarap natin dito sa Senado, hindi po ito mga nagbebenta lamang ng taho sa Davao City at pinagawa natin ng kuwento o kung sino lamang na empleyado roon. Sila ay nami-mention na long before. Pati iyong Laud Compound na kung saan sinasabi na roon tinatambak ang mga pinapatay. Iyan, si Tatay Laud ang sinasabi ay sina Sonny Buenaventura ulit, Jim Tan, Arturo Lascañas, sila-sila mismo ang mga nami-mention.

Narito rin ang sworn statement ni Crispin Salazar. Nami-mention dito na dati siyang rebelde, ito iyong rebel returnee na sinasabi ni Edgar Matobato at ni Arturo Lascañas na ginawa nilang miyembro ng Davao Death Squad. Na- mention dito si Mayor Rodrigo Duterte, sinabi sa kaniya, "Kaya mo ba ang ganitong trabaho, ang patayin ang mga salot sa lipunan tulad ng mga drug addict, drug pusher at magnanakaw? Sabi niya papatulan niya, babayaran niya ako ng P15,000." Ito rin po, that corroborates iyong statement ni Arthur Lascanas na itong mga ginagawa nilang trabaho ay may kapalit na reward or mga allowance.

Next. Iyang slide na ito, lumalabas dito, minensiyon "makalipas ang isang linggo, binigyan ako ng listahan ng mga wanted na tao na aking papatayin. Nakalagay doon ang pangalan at tirahan ng mga taong papatayin ko. Inaabot at dini-distribute ang listahan sa akin at maging sa aking mga kasamahan ng aming pinaka-pinuno sa samahan. Minsan ay mismo si Mayor Duterte ang pumupunta sa safe house at nag-aabot ng listahan, tapos sambitin, 'O, eto ang listahan ng mga tarantado.' Ilang beses ko na personal nakita at nakausap si Duterte, halos bawat linggo ay pumupunta siya sa safe house para mangumusta." Ganito rin ang pattern ng nangyari ngayon, mayroong listahan ng mga pinapatay.

Sa pagpapatuloy ng kaniyang salaysay, "Nang minsan noong 1993, may isa kaming lakad na kasama si Mayor Duterte. Kami ng kaniyang mga kasamahan ang dapat tumira ngunit nagkamali kami. Hinabol niya mismo iyong tao na isang holdaper at saka niya ito pinagbabaril. Naubos niya ang isang magasin noon. Matapos iyon, natakot ang mga pulis at nakita kung paano magalit si Mayor."

Ito po ang sworn statement ni Ernesto Avasola. "Nasaksihan ko ang pagpatay sa anim na kalalakihan na nakapiring ang mga mata at may tali ang mga kamay at paa noong bandang alas nuwebe ng gabi sa ikatlong linggo ng December, 2005. Isa ako sa naglibing ayon sa utos ni Tatay Laud sa mga katawan ng biktima sa tatlong kuweba matapos itong patayin ng anim miyembro ng Anti-Crime Unit ng Davao City Office." Ito po iyong Anti-Crime Unit na mini-mention ni Arthur Lascanas sa kaniyang salaysay. "Na nakilala ko lamang na alyas Pedro at alyas Mario ang dalawa sa anim na biktima at ang dalawang ito ay inilibing namin sa unang kuweba na malapit sa bahay ni Tatay Laud, samantalang iyong dalawa ay sa sunod na kuweba at iyong natirang dalawa ay sa pangatlong kuweba."

"Na dinala ko si Col. Fajardo at kaniyang mga kasamahang pulis sa nasabing mga kuweba at doon ay nakita namin sa huli at ikatlong kuweba mula sa bahay ni Tatay Laud ang isang nakausling buto, na ayon sa mga pulis na isang doktor ay buto ng isang tao." Ito pong Tatay Laud, ito po ay may-ari noong tinatawag nilang Maa Quarry or Laud Quarry or Laud compound na kung saan ito iyong tinatambakan ng mga sinalvage nila na mga tao.

Ito naman ang sworn statement of Police Supt. Roberto B. Fajardo, "On July 5, 2009, in the course of serving the writ docketed under search warrant 0914347 earlier issued by the honorable court, I was approached by a male person who identified himself as Mr. Ernesto Avasola, 51 years old, married and resident of Relocation Site, Barangay Mintal, Davao City, and confided to me that he is an asset of Bienvenido Laud alias Tatay Laud, the owner of the premises subject of the search warrant.

"Mr. Avasola offered information that human remains of summarily executed victims could be found inside three adjacent caves located a few meters away beside the makeshift house of alias Tatay Laud at Laud compound. Hence, I and other policemen went to the caves and found out that a bone is protruding from one of the caves in the plain view. The accompanying SOCO operative, a doctor of medicine, checked it and positively concluded that it was a human bone. Though it is in plain view, however, I and other policemen suspect that more of such kinds are still in that hole/cave and in other adjoining caves." Ito po iyong picture ng mga buto na na-recover nila doon sa Laud compound. Human bones ito.

Ito naman iyong Urgent Motion to Quash and to Suppress Illegally Seized Evidence na nai-file sa korte ni Laud. Dito ninyo makikita na People of the Philippines vs. Fulgencio Pavo, Bienvenido Laud, Vivencio Jumawan, Dawilag--ito iyong Dawilag brothers na sinasabi ni Matobato at ni Lascañas. They are the same people.

Ngayon, tingnan ninyo kung sino iyong abogado. Ang abogado ni Bienvenido Laud noong mga panahon na iyon nang nag-file sila ng Motion to Quash and Suppress Illegally Seized Evidence ay si Vitaliano Aguirre II na ngayon ay justice secretary ng ating bansa. So, noong 2009. Maliwanag ang mga connection.

Ito naman ang Supreme Court decision regarding that search warrant, deciding on the petition by Bienvenido Laud, it upheld the validity of the search warrant. Therefore, valid iyong mga nakuhang ebidensiya doon sa Laud compound.

So, mayroon ka ng "dead bodies." Mayroon ka ng human remains. Mayroon ka ng ebidensiya doon mismo sa mga lugar kung saan sinabi ni Edgar Matobato at ni Lascañas.

Ito ngayon ang isa pang ebidensiya.

Noong 1997--1997 po ito ha--itong Commission on Human Rights resolution, tungkol dito sa case ni Jun Bersabal, lumalabas dito sa case of Gaudencio Bersabal, Lucina Bersabal vs. Fulgencio Pabo, Arturo Lascañas, Edgar Matobato (CAFGU), PS/Insp. Mitra. Ito iyong mga taong mini-mention niya at kasama silang dalawa, si Lascañas at Matobato. So, hindi pala talaga ito standby lamang sa opisina ni Mayor Duterte. Talagang as early as 1997, magkasama silang dalawa at, in fact, nakasuhan sila.

At ito ang interesting dito sa resolution na ito.

On paragraph (d), "The victim--meaning, Jun Bersabal--was brought to Kaputian Police Station where the arrest was officially recorded on June 28, 1997.

On June 29, 1997, 0500 custody over the person of Jun Bersabal was then transferred to Governor Generoso Municipal Police Station in Davao Oriental on the basis of a warrant of arrest for Frustrated Murder issued in Criminal Case No. 3663 by Municipal Trial Court of Governor Generoso, Davao Oriental.

On 10 June 1997, the victim reportedly escaped from Governor Generoso Municipal Station by destroying the padlock in the prison cell. Subsequently, the dead body of Jun Bersabal was found along the seashore of Pantukan, Davao del Norte."

Ito iyong sinasabi ni Arthur Lascañas na tinurnover nila sa pulis kaso noong gustong ipapatay ni Mayor Duterte, sinabi nila, papaano nila palalabasin ngayon dahil naka-blotter na. Ngayon, gumawa sila ng scenario na kunyari tumakas at saka nila pinatay. So, eksakto as recorded here in this resolution written 20 years ago.

Next. Corroborating evidence. Even the Ombudsman has penalized 21 PNP officers over the Davao Death Squad. So ito, noong March 29, si Ombudsman Morales penalized 21 police officers over the Davao Death Squad.

Next. So itong mga ilang dokumento dated July 2001, Special Anti-Crime Response Unit, makikita natin itong mga personalities: Fulgencio Pavo, Arthur Lascañas, Jim Tan, Ronald Lao at Enrique Lao Jr. So itong mga ito, ito iyong mga mini-mention. So, katibayan muli na sila ay talagang magkakasama and it corroborates the testimony of Mr. Lascañas. Ito pa, si SPO2 Paguidupon at Ronald Lao.

Next slide. Ito pa, Special Order No. 54 ng Philippine National Police, July 30, 2001. So ang unit nito, Special Operation and Reaction Team. So ang mga members nito ay sina Fulgencio Pavo, Reynaldo Capute, Arthur Lascañas, Jim Tan, Bobong Aquino, Jumawan, Ronald Lao, the same people. So, again, isang katibayan to reinforce the statements of Arthur Lascañas.

Dito naman sa Davao City Police Office Special Operations, Fulgencio Pavo, Reynaldo Capute. Again, sila-sila ang mga members.

Ngyon po, having presented independent corroborative evidence, dito natin makikita kung gaano kaimportante ang mga testimonya ni Lascañas at ni Matobato. SiLascañas, in particular, nagsimula siya sa paniniwala na tama ang kanyang ginagawa, na ang kriminal ay walang karapatang mabuhay. Pero kinalaunan, ginamit nila ang kanilang skill ng pagpatay at pinagkakitaan itong pagpatay ng mga inosenteng tao. Ito rin po sa salaysay nila, lumalabas ang template ng DDS na ngayon ay ginagawa sa ating bansa bilang Philippine Death Squad. So, ang mabigat na tanong dito: Ilang Lascañas na ang mayroon sa ating mga pulis ngayon na ginagamit, una, iyong kanilang paniniwala sa war on drugs ni President Duterte na nagsanga-sanga na sa pagpatay ng mga personal na kaaway, kaaway sa negosyo, kaaway sa pulitika.

Ngayon ito pong war on drugs na ito, buong mundo na ang nakakapansin. Mayroon pong report ang US Department of State, and I read: "Killings allegedly undertaken by vigilantes, security forces, and insurgents as the principal human rights abuse documented this year."

And it also the chronicles these apparent government is disregard for human rights and due process and a very weak and overburdened criminal justice system.

Dito naman, ang Al Jazeera News Agency ay nag-report din, "Philippines Inside Duterte's Killer Drug War." And I quote: "Sometimes the heads of those killed are found in duct tape, often bodies are strewn with cardboard signs with slogans, reading, 'I am a drug pusher, don't be like me'."

Ang Human Rights Watch, gumawa rin ng report, "License to Kill: Philippine Police Killings in Duterte's War on Drugs." And I quote: "Duterte's repeated calls for killings as part of his anti-drug campaign could not constitute acts instigating law enforcement to commit the crime of murder."

Ang Amnesty International gumawa ng report, "Philippines Police's murderous war on the poor. This is not a war on drugs, but a war on the poor. Often, on the flimsiest of evidence people accused of using or selling drugs are being killed for cash in an economy of murder" said by Mr. Tirana Hassan, Amnesty International Crisis Response Director.

Another quote, "If you are poor, you are killed." CNN International made the report, "City of the dead, a neighborhood destroyed by Duterte's war on drugs. As innocent people are increasingly caught in the crossfire, a growing number of Filipinos are questioning the true cost of the leader's crusade."

Finally, the New York Times reported, "They are slaughtering us like animals. What I experienced in the Philippines felt like a new level of ruthlessness. Police officers summarily shooting anyone suspected of dealing or even using drugs. Vigilantes taking seriously Mr. Duterte's call to slaughter them all."

Kita na po ng buong mundo ang mga patayan sa ating bansa. Nasa 8,000 na ang mga namatay na tao, mga totoong tao sila. Walang drug lords dito, puro mahirap sila. Hindi personal sa akin ito. Siguro I may be perceived to be passionate about my job. Pero siguro hindi ko lamang kayang magbulag-bulagan pa. Kaya panawagan ko lamang sa mga kapuwa ko senador, ipaglaban natin sila, protektahan natin sila. Salamat po.

News Latest News Feed