Press Release
April 6, 2017

Interview of Senator Maria Lourdes Nancy Binay Tigaon, Camarines Sur

Question: Ma'am, ano po ang purpose natin sa pagbisita?

Senator Binay: Ako po ay napag-utusan ng aking kapatid, si Mayor Abby Binay ng Makati, na mag-distribute ng tulong para dito sa mga kababayan natin na nasalanta ng bagyo.

Question: Ma'am, aside from here, anong mga lugar pa sa Bicol ang ating pupuntahan?

Senator Binay: From here, pupunta na kami sa Legazpi... Pupunta muna pala kami ng Libon and then to Legazpi.

Question: Magkano po ang bigay natin sa mga...

Senator Binay: Depende po kung gaano ka-grabe ang epekto ng bagyo pero ang pinakamataas po ata is one million.

Question: Pero may mga advance na kayong tulong noong December (2016) sa mga LGU?

Senator Binay: Ako po, pangalawang balik ko na po ito. Kailan ba iyon, noong January nagdistribute na rin po ang tulong ko naman po.

Question: Para po sa mga LGUs?

Senator Binay: Opo, opo.

Question: Ma'am, national issue lang po. Reaction lang po sa mga impeachment na niluluto sa House kay VP Leni, numbers game po siguro iyan sa House pero pagdating siguro sa Senate, ano po kaya ang treatment diyan?

Senator Binay: Mahirap na pong magsalita pero assuming na pumasa po iyan sa House, kami po ang magsisilbing mga judge. Ngayon po, tignan na lang natin kung ano magiging resulta sa House bago po siguro ako makapagkomento.

Question: Pero ano po ang dating sa iyo ng ganitong parang gusto pong i-impeach ang ating mga top leaders?

Senator Binay: Ako po, wala pa ngang isang taon. Ang aga naman nating mag-away. Siguro, tulong-tulong na lang muna tayo dahil ang bilis ng panahon, wala man lang truce na naganap, giyera kaagad.

Question: Kamusta naman po si former VP Binay ngayon? May plano pa ba siya sa 2022?

Senator Binay: Actually, tinatanong namin siya kung ano ang plano niya. Ang lagi niyang sagot, parang masyado pang maaga para mag-isip siya ulit patukoy sa pulitika. So, ngayon po, abala siya sa University of Makati. I think magkakaroon na doon ng Law school.

Question: Ma'am, ano po ang stand ninyo sa death penalty?

Senator Binay: Noong 2013 pa lang po, paulit-ulit ko pong sinasabi na I am against death penalty.

Question: Bakit po?

Senator Binay: At kahit ngayon, against pa rin po ako. Unang-una, pro-life po ako. Hindi rin po ako naniniwala na magiging deterrent siya sa pagsugpo sa kriminalidad.

Question: Reaction, Ma'am, sabi ng Malacanang, wala naman daw pong extra-judicial killings, ano po sa tingin ninyo? Mga EJK po ba ang mga nagaganap na patayan?

Senator Binay: Technically, wala talagang ebidensya na state-sponsored ang mga extra-judicial killings. Siguro ang pagkukulang na lang, at paulit-ulit ko ring sinasabi sa mga pamunuan ng PNP, na sana bilisan na rin nila ang pag-solve sa mga extra-judicial killing kasi iyon ang nag-crecreate ng perception na baka nga state-sponsored siya kasi hindi nabibigyan ng solusyon ang mga extra-judicial killing.

Question: Ma'am, thank you po.

News Latest News Feed