Press Release
April 27, 2017

GRACE POE'S INTERVIEW TRANSCRIPT
With Ted Failon

TED FAILON: Nagpahiwatig na po si Senator Grace Poe ng panibagong imbestigasyon tungkol sa Dalian trains na ito. Senator Grace Poe, good morning po.

SEN. GRACE POE: Good morning Manong Ted. Welcome back.

FAILON: Opo, Ma'am alam niyo ho talagang nakakagalit na. I just interviewed Usec. Chavez of DOTr and he revealed to me the present situation po besetting DOTr dito ho sa Dalian trains na ito.

POE: Opo, narinig ko ho yung interview niyo e.

FAILON: Yes, Ma'am, so ano ho ang inyong balak gawin dito because people lied during your committee hearing?

POE: That's right. Actually Manong, alam naman natin na ang DOTr when they assumed, nung sila ay pumalit diyan, wala rin silang alam sa mga nangyari din noon na pinasukan ng nakaraan. At kami rin patuloy na sinasabihan na magiging operational na itong 48 trains na ito--P3.8 billion, etc. So, kami naman, tayong lahat nag-iintay at mismo nung nasa pinakahuling hearing namin, sinabi ng DOTr na unti-unti ay mababawasan na yung pagpila dyan sapagkat ipapasok na yung mga train na 'yan. Nagulat na nga rin ako nung narinig ko, session break namin ngayon, narinig ko din sa radyo na hindi na pala gagamitin itong mga inorder na ito sapagkat hindi nga nagkakatugma sa signaling system. So, P3.8 billion po na nasayang 'yan.

Ngayon, yung iba sinasabi na hindi ba pwedeng gawan ng paraan? Sa isang banda, ang nakikita kong punto ni Sec. Tugade na huwag nating gamitin, huwag nating ipilit kung nakasalalay naman kasi dyan ang kaligtasan ng ating mga kababayan. Pero ang dapat natin balikan talaga, at doon sa mga ibang nagsasabi na move on na tayo, pero hindi matututo ang mga 'yan e--yang mga mismong pumasok nung una sa kontrata na 'yan. Nasabi pa naman na marami sa kanila, mga abogado dyan, akala mo siguro dahil puro abogado magandang mga kontrata nila? Hindi e. Tayo po ang nagiging dehado sa pinasok nilang kontrata kaya sa ating mga kababayan, ito lang naman talaga ang mandato ng Senado para marinig ninyo kung ano talaga ang nangyari, magrekomenda na kasuhan muli. Bakit natin dapat gawin ito? Hindi matututo 'yan at patuloy nilang gagawin 'yon.

FAILON: Ma'am, sa akin na po manggaling ito na alam niyo ho ang lamang lang kung mga abogado po ang mga nandyan? Alam nila ho kung papaano maging mas malinis po e. Malinis sa punto ng dokumento, wala silang sabit. Kahit na po lantaran, klaro na po ang panloloko po sa atin, sa kasuhan eventually may mga lusot sila e. Doon ho lamang ang mga abugado. Well, anyway, Sen. Grace, kailan po kayo magpapatawag po dito ng imbestigasyon?

POE: Ngayon, sa bagong pronouncement ng DOTr, hindi magagamit itong train na ito. As soon as mag-resume kami sa Tuesday ay ipa-file ko na po iyong resolution dahil committee ko naman iyon, mabilis na naman po iyon masasama. Kasama na rin po doon ang update noon na hiniling namin na sana doon sa common station ay mag-ambag naman ng mas malaki ang pribadong sektor dahil nga magiging mataas ang gasta ng gobyerno diyan. So, kasama na rin po iyan dahil wala pa ring nangyayari sa ating mga pasahero.

FAILON: Can you also, ma'am, please lang po verify during the hearing iyong binabanggit po ni USec Chavez na itong pagkuha natin ng third party na mag-o-audit niyan. Malaking gastos na po na ito na naman e. Ma'am, P3.8 billion, I mean, bago pa po ito gawin lahat nandiyan po si Deo Manalo na inhinyero. Di'ba ma'am lahat bago ito gawin dapat po lahat calibrated po ang galaw natin na mas makatipid ang gobyerno po natin? Ang lumalabas niyan palaki ng palaki ang gastos tapos wala pa tayong napapakinabangan e.

POE: Alam ninyo, Manong, kapag ganyan ang mga pronouncement nila ang ibig sabihin wala ba tayong tiwala sa mga sarilli nating auditors na magsasabi ng totoo? Kung mayroong direktiba mula sa itaas na magsasabing, 'basta hindi tayo papayag na makakalusot na kurakot dito.' Aba'y susunod naman siguro ang mga iyan. Lalong lalo na, kunwari hindi naman mismo ang DOTr ang mag-i-imbestiga sa sarili nila, sabihin na natin COA, kung sinong third party ng gobyerno na hindi na kailangang bayaran. Ngayon kung magpipilit pa rin sila na kailangan ay may third party, unang-una ano ang costing diyan? Pangalawa, kailangan reputable firm na talagang malaki ang mawawala sa kanila kung sila ay magsinungaling. Halimbawa, SGV o KPMG. Kung anuman iyong mga talagang marunong na mag-audit na hindi magtatago ng katotohanan. Pero, iyon na nga Manong, ang laki na nang nagastos natin diyan sana naman iyong sinasabing pagbabago ay hindi lamang limitado sa iilang bagay. Iyong talagang mga nangurakot ay talagang ipakulong at hindi pakawalan.

FAILON: Opo. Okay, so ma'am ganito po, sino ho ang inyong iimbitahan? Sino ho ba ang pumirma sa iny pong imbestigasyon noong una ang pumirma sa kontratang ito sa Dalian? Kasi ho ang aking punto ho dito ma'am di ba ho dapat silang imbitahan para magpaliwanag?

POE: Lahat po--

FAILON: Yes ma'am , go ahead.

POE: Marami pong mga panga-pangalan diyan pero siyempre ang kalihim mismo ay hindi dapat makalusot. Ang alam ko siya rin ang pumayag diyan dahil siya ang nakaupo di'ba? Si Secretary Abaya, so siyempre kailangan kong ipatawag, pasensiya na kung retired kayo ngayon at nagpapahinga kayo pero iyong ginawang perwisyo sa ating mga kababayan ay you don't deserve to have a rest dahil kailangan ninyong i-eksplika kung anong nangyari diyan. Manong, iyong mga ginawa nga namin doon sa ibang mga hearing namin, hindi naman kami huwes e. Hindi naman namin pwedeng sabihin na, 'o, ipakulong iyan.' Pero, puwede kaming magrekomenda. Sa tingin ko sa panahon ngayon 48 trains, hindi magagamit. P3.8 billion ay lagpas na po iyan sa requirement para plunder o kung ano pa man na graft.

FAILON: Okay ma'am, aasahan po namin na you are going to invite ang mga nakalipas po na mga pumirma sa kontratang ito, ma'am?

POE: Kung hindi po sila magpakita ay ipapa-subpoena na po talaga namin.

FAILON: Alright, ma'am we appreciate that. Sige po ma'am, kami po ay mag-aabang po sa muli ho ninyong pagbabalik sa sesyon na ito po inyong uunahin sa inyong agenda.

POE: Maraming salamat.

News Latest News Feed