Press Release
May 1, 2017

Transcript of Senator Joel Villanueva's DZMM Failon Ngayon interview on endo

Ted Failon: Sir, ano ho ang parliamentary status ng inyong panukala tungkol sa pagbabawal sa kontraktwalisasyon?

Senator Joel Villanueva: Tapos na po tayo sa committee level. Nasa technical working group na po tayo at binigyan na po natin ng two-week deadline ang ating mga ahensya ng pamahalan para makapag sumite ng kanilang official position dahil medyo matagal na po na di nakakapag submit ang iba and at the sane time hinihintay din po natin, gusto natin masiguro na ung version sa House kaunti nalang ang difference para by the time magkaroon na talaga ng bicameral, mas madali po nating maipapasa itong panukalang batas na wakasan ang endo.

TF: When do you see this being passed at least in the Senate?

SJV: Sa atin po, this month inaasahan po natin na makapag sponsorship speech tayo dun ho sa plenaryo. Hindi [naman] po natin masabi ang time schedule ng ating liderato. We will talk to the Senate President about it kung paano ang scheduling kung ito po talaga ay ipa prioritize dahil ito'y lagi namang sinasabi ng ating administrasyon na ipa prioritize nila ang pagwawakas ng 555 scheme, ng labor-only contracting, e talagang magkaroon tayo ng strict regulation tungkol dito.

TF: Ano ho ba ang kaibahan ng inyong Senate Bill 1116 tungkol sa pagwawakas ng kontraktwalisasyon dito sa Department Order 174 ng DOLE?

SJV: Una po gusto ko pong ipaliwanag ang kaibahan ng contractual work arrangement sa endo. 'Pag sinabi pong contractual, ibig sabihin lamang po niyan ay nonstandard form of employment pero globally recognized scheme po ito ng labor practice. Ang bawal na bawal po talaga ay yung labor-only contracting. Nagaganap po itong labor-only contracting 'pag may contractor na wala namang sapat na kapital, walang sapat na tool at makinarya tapos nangongontrata po ng mga manggagawa para magtrabaho sa isang principal samantalang ang ibibigay po na trabaho ay directly related po doon sa negosyo ng principal. Yung endo po, itong 555 scheme, limang buwan lang ayaw na nilang gawing regular kasi pagdating ng 6th month automatically regular na. Doon ho sa DO 174 ng DOLE, nagtatalaga sila ng striktong regularisasyon tungkol sa kontraktwalisasyon. Tama naman po yun, makakatulong po yun. Gayunpaman, gusto po nating patatagin ang batas para po magkaroon ng tunay na proteksyon ang ating manggagawa. Dun sa isinusulong natin na panukalang batas, hindi lang po yung striktong regularisasyon laban sa endo, kasama po dito ang classification ng workers gawin na nating simple: isang probationary at isang regular nalang. Ngayon kung kayo po ay seasonal worker, kung kayo po ay project based worker, you will still fall under the regular worker category. Meaning to say, ikaw din po ay magkakaroon ng benepisyo gaya ng benepisyong tinatamasa ng isang regular worker.

TF: Meron ho bang penal provision ang inyong panukala? Meron ho bang criminal liability ang mga employer na lalabag?

SJV: Yun pong fines na nakasaad doon ay 50,000 pesos per employee at ang maganda po dito talagang titignan natin nang husto yung pagka ginawa nating contractual or dun po sa third party sa isang ahensya nilagay yung (inaudible), we want to make sure na yung trabaho po ay specialized service, job or work. Kunwari po kayo ay bangko, di naman po pwede na yung bank teller kokontratahin mo sa ibang ahensya o service agency. Kung kayo naman po ay isang bangko at gusto nyong kumuha ng contractual security guard, okay lang po yun na icontractual mo sa isang security agency dahil yung bangko naman po di natin ineexpect na sila ang mag train ng sarili nilang security, sila ang bumili ng mga baril, etc. dahil 'di naman po ito ang main business nila. Nililinaw po natin nang husto 'yon para sigurado na specialized jobs lang po ang pwede i-contractual.

TF: Pero again, wala itong kulong kung hindi po, monetary penalties lang?

SJV: Monetary and pagsasara po ng kumpanya. Tayo naman po open pa rin tayo sa TWG at yung mga posisyon ng ating kasamahan sa labor groups ay pinapakinggan naman po natin.

TF: Meaning dito po sa panukala ninyo pinapayagan pa rin ang contractual employment? Basically, pinapayagan po yan pero ide-define lang talaga nang mas malinawag kung ano lang ang pinapayagan by this Act?

SJV: Tama po 'yon at dapat maging strikto po tayo dun kasi kunwari sa isang mall ang iyong direct business as a mall ay magbenta ng mga produkto, so yung mga saleslady at workers sa mga mall na nagbebenta ng mga produkto ay dapat po directly hired by malls 'yan. 'Yan po ang posisyon natin dyan.

TF: Kumbaga kung ano ang core business ng negosyo?

SJV: Tama ho kayo. Iyong core business 'yon po dapat ang directly being hired by the principal.

TF: Kasi ho parang lumalabas na wala naman talagang malaking kaibahan yung DO ng Labor Department at yung inyong panukala. Ang inyo lang ho is going to be a Republic Act right?

SJV: Hindi lang po 'yon, pati ho dun sa specialized service, hindi po nakasaad sa DO yun. Di rin po masyadong napagtuunan ng pansin yung classification ng workers na isinusulong po natin na dalawa nalang: isang probationary at isang regular. Kunwari po ung seasonal worker na nagtatrabaho sa isang resort. Kung tatlo o apat ba buwan lang ho siyang nagtatrabaho sa isang resort, kahit na wala siyang trabaho at di siya susweldo ng walong buwan sa resort na 'yon, he is still considered a regular worker at ang lahat ng benepisyo pati pagbabayad ng SSS dapat ibigay po ng principal owner

TF: Even if seasonal?

SJV: Opo. Tama po. They become regular workers po kahit 3 o 4 na buwan lang po sila sa isang taon. For example, summer, yung 3 buwan na ito, may regular work sila na inaasahan, may trabaho sila na regular at puwede naman sila magtrabaho dun sa iba.

TF: Pag seasonal po, empleyado sya ng agency na kinokontrata ho [ng principal owner]?

SJV: Kung direct hiring po sya at seasonal worker, he or she would fall under a regular worker. Kung siya po ay nasa ahensya o manpower agency, regular po, ibig sabihin po kahit walang work dun sa pinapasukan niyang ahensya, siya po ay patuloy na sumusweldo dahil regular worker po sya dun sa contracting agency.

TF: So yung agency na pinagkukunan nitong mga merchandisers, (for example), dapat sila ang nag reregularize sa kanilang mga empleyado?

SJV: Opo regular po 'yon whether or not meron silang nakuhang kontrata sa isang principal.

News Latest News Feed