Press Release
May 3, 2017

DOORSTOP INTERVIEW OF SEN PANGILINAN ON ATTEMPT TO IMPEACH VP LENI; SEC. TAGUIWALO APPOINTMENT

SEN PANGILINAN: ...Nakasaad sa saligang batas ang malayang pagbigkas ng mga damdamin o freedom of speech. Iyon yung ating concern diyan. Mabuti na lang, so far, wala pang nag-eendorse.

Q: Pero yung kahapon, parang medyo unprecedented iyon na mayroon silang naka-ready na pangalan ng Congressman, apparently hindi naman pa pala nila nakakausap.

SEN PANGILINAN: Oo nga eh. Sabi ko nga extrajudicial filing na kahit yung congressman mismo hindi niya alam. So, nakikita natin siguro rito, maraming mga question, ano ba talaga ang binabalak ng mga ito? Seryoso ba o--so 'yun ang ating posisyon diyan. Mabuti na lang so far, wala pang nag-eendorso.

Q: Sir, tama po ba yung naging perception, medyo nag-ooppose ka o may question ka sa nomination ni Secretary Taguiwalo?

SEN PANGILINAN: Ah, hindi. Sabi ko nga, I have some questions regarding the position of the Secretary and the DSWD, gusto ko lang ma-clarify dito sa proposed amendments dito sa Juvenile Justice Law, na gustong ibaba ang age of criminal liability. Ang DSWD kasi ang head department na nagpapatupad ng Juvenile Justice Welfare Law so magandang malaman natin, ano ba ang posisyon ng Secretary, so 'yun ang dahilan kung bakit mayroon pa akong mga katanungan sa kaniya. Pero hindi ako nag-oobject dahil narinig ko na rin in a public forum na against siya sa pagbababa ng minimum age of criminal liablity na sa akin, welcome iyan and magandang balita iyan kung totoo

Q: ...

SEN PANGILINAN: Freedom of speech is a constitutionally protected right. It is not an impeachable offense. 'Yun ang aking posisyon diyan.

Q: So far, sign of relief or hindi pa rin na walang nag-endorse?

SEN PANGILINAN: Well so far, magandang development iyan. Sana tuloy-tuloy.

Q: So you're confident na mababasura lang, sir?

SEN PANGILINAN: Wala akong--I don't know. We'll see. I'm optimistic na makikita nung mga kongresista na we do not consider free speech as impeachable. Sana.

Q: Sir, kailan niyo ifo-formalize yung pagkalas ng Liberal Party contingent sa Lower House majority?

SEN PANGILINAN: Wala pang time-table iyan. Tuloy-tuloy pa rin ang pag-uusap . Marami pa ring meeting na isinasagawa. So we are in the process of deciding because of this recent development nga, minomonitor pa natin.

News Latest News Feed