Press Release
May 22, 2017

Sen. De Lima on the visit of congressmen
Dispatch from Crame No. 89

05 / 22 / 17

Malaking karangalan para sa akin ang pagbisita ngayong araw ng tinaguriang "Magnificent 7" ng Kabilang Kapulungan ng Kongreso na sina Reps. Edcel Lagman, Gary Alejano, Teddy Baguilat, Jr., Edgar Erice, Emmanuel Billones at Raul Daza (si Rep. Tom Villarin lang po ang hindi nakarating).

Sila ay nananatiling matatag sa kanilang prinsipyo na isulong ang kanilang mga adbokasiya, hindi para masunod ang gusto ng Pangulo, kundi para itaguyod ang kapakanan ng Pilipino. Sa kabila ng paniniil sa ating demokrasya, nariyan sila, naninindigan para sa bayan.

Naging masaya po ang aming kumustahan. Pinag-usapan din namin ang mahahalagang usapin sa bansa.

Just like my colleagues in the Senate minority who previously visited me, these lawmakers are the genuine and functioning minority in the House of Representatives. In this time of darkness and flagrant violations of human rights that besiege our nation today, it is really an honor to be fighting with them for truth, justice and democracy.

News Latest News Feed