Press Release
May 31, 2017

TRANSCRIPT OF AMBUSH INTERVIEW AFTER OIL TAX HIKE HEARING

Q: Mahihirapan ba ipasa ang tax reform package?

Sen. Juan Edgardo "Sonny" Angara (SJEA): Itong pinakinggan natin ukol sa petroleum, yun ang pinaka-sensitibo sa tao. Pinakinggan po natin yung babala ng DSWD at para sa akin, nakakabahala na yung mismong ahensya na co-equal ng DOF, yun ang kumukontra sa kanilang proposal. So siguro kelangang mag-usap maigi ang gobyerno kung ano ba talaga - para magkaisa sa proposal. Dahil ang DSWD, yun ang ahensya na nakaatas sa kanila yung pag-aalaga sa mga mahihirap. E kung sila kumukontra doon, kami sa Senado, paano namin itutulak yung tax package kung nakakasama sa mahihirap ito? Siguro kailangang pag-isipan talaga kung ano yung subsidiya, ano yung programa na tutulong sa mga mahihirap, tutulong sa mga sektor na apektado tulad ng transportation.

Q: Yung certification ng Presidente...

SJEA: Well, what he certified was the House Bill.

Q: So signal na rin ba iyon sa Senate?

SJEA: That's why we intend to have a lot of hearings. But sa finished product, tingin ko, kailangan maging sensitibo tayo sa marginalized sectors.

Q: SIR, BUKOD DOON SA SINERTIFY NI PRESIDENTE AS URGENT, YUNG SA HOUSE, NAGSALITA PA SI NEDA SECGEN PERNIA NA WALA DAW MABI-BUILD NA MGA INFRA KUNG HINDI RAW MA-APPROVE YUNG TAX REFORM BILL. ANO YUN, PANG-PRESSURE BA YUN?

SJEA: We don't appreciate that pressure coming from the executive branch because we are doing our best here. But, it seems like we're being setup for failure. Sini-set up tayo sa failure. Kumbaga, kung hindi natin ipinasa yung gusto nila, e, kasalanan namin kung bumagsak ang ekonomiya. Bakit, kami ba ang nasa manibela? Hindi naman kami ang may hawak ng manibela. Sila ang may hawak, nakasakay lang kami dun.

Q: SO, IT DOESN'T MEAN, MAMADALIIN NINYO...

SJEA: No, we are prioritizing it, but we don't appreciate those kinds of pronouncements from the Executive. That makes it appear that they're trying to put us in a corner. Yun ang gusto nila. Parang pag hindi ninyo ginawa yan, e, kasalanan ninyo kung magka-leche leche ang bansa. That's not true because the Aquino administration was able to build a lot of infrastructure, it was able to grow the economy by 6 percent with only raising sin taxes. Bakit, hindi nila kaya yun?

Q: TSAKA SIR, WALA NAMANG FISCAL CRISIS PARA GANUN KATINDI ANG ISUSULONG NILANG TAX MEASURES DI BA?

SJEA: Exactly. It's a different period also. Pakita muna nilang kaya nilang gastusin yung pera. Naglabas ng column si Cielito Habito, sabi niya very poor ang spending ng infrastructure departments of the government, di ba? What happened to the rhetoric about spending every peso? It's not been done. It's not being done.

Q: One of the economic managers said wala daw masyadong nakakaintindi ng tax sa Congress?

SJEA: Huwag na nating komentahin yun.

Q: Anong winoworry niyo sa laman ng tax package ngayon?

SJEA: Hinihimay namin eh. We're going to have separate hearings. We're worried about petroleum taxes and excise taxes and the effect on poorer sectors as warned by the DSWD also. Iba kasi yung effect ng inflation sa isang mahirap na pamilya doon sa isang middle class family. Mas kayang saluhin ng middle class family pag tumaas ang gastusin sa pagkain niya bente pesos o fifty pesos sa isang araw--kaya niyang saluhin yun. Pero iyong mahirap, talagang hirap na hirap siyang kitain yung ganun kalaking pera. So kami, hihingin namin sa DOF na mas maging specific sila dito sa kanilang assistance programs. Sa ngayon, wala kasi sa panukala yun, iyong specifics ng kanilang ibibigay sa mahihirap. Dapat ilagay nila doon sa panukala.

Q: Kailan mafoforward sa plenary?

SJEA: It's too early.

Q: Yung P6 sa petroleum products, dapat bang baguhin yun?

SJEA: I think it should be phased. Yung 3-2-1 pag-aaralan namin yun dahil mabigat yung 3 kagad.

Q: Ano sa tingin niyo na ideal sir?

SJEA: Wala pa, we're taking a look at it.

Q: Pagsasabayin yung approval ng tax relief at pambawi doon sa mawawalang revenue? Iaassure niyo ba na balanse?

SJEA: Sana sabay. Dapat balanse kasi ang madalas na nangyayari dyan nawawala yung pambawi o pantulong o yung tinatawag na safety net. Siguraduhin natin na mayroong safety net bago natin ipapasa.

Q: Anong safety net yung madaling ipasa?

SJEA: Yung safety net na sinasabi nila na cash transfers for affected sectors--sa transport sector, sa poorest families i-expand daw nila. So we're waiting for the details on that.

Q: Kaya ba by 2018?

SJEA: I think we can come up with a measure in the next few months. It's just that it may not be exactly what is being pushed by the Executive.

News Latest News Feed