Press Release
June 1, 2017

DOORSTOP INTERVIEW OF LIBERAL PARTY PRESIDENT SENATOR FRANCIS PANGILINAN ON JUVENILE JUSTICE LAW AND ON MARTIAL LAW
01 JUNE 2017

Q: Ano po magiging next steps ng minority block with regards to Martial Law?

SEN PANGILINAN: Well, tapos na sa Senate. We were voted down doon sa joint session. So mayroong mga initiatives ang mga private lawyers to file petitions. We will support that, pero hindi naman siguro kinakailangang kami na ang maging lead petitioners. We'd like the Supreme Court to look into the factual basis of the declaration of martial law. So sana bigyan ng pagkakataon ng Supreme Court 'yung mga petisyon na isasampa sa mataas na hukuman para magkaroon ng kaliwanagan.

Dalawa ata ang ipe-petition doon eh. Isa na Mandamus ata to compel Congress to convene dahil ang kanilang paniwala ay automatic dapat ang review ng Kongreso in a joint session.

And pangalawa is to actually question or itanong kung talaga bang mayroong basehan para magdeklara ng martial law sa buong Mindanao dahil 'yun naman ay nasa Saligang Batas na mayroong tungkulin din ang Supreme Court na aksyunan o desisyunan.

'Pag mayroon kasing petition to review dito sa Supreme Court, they have to act within 30 days according to the Constitution.

Q: Sir, may posisyon na sila doon sa proposal na magkaroon ng curfew nationwide?

SEN PANGILINAN: Well, kailangan niyan batas. Ako naman eh bakit nationwide? Besides, I think local governments are already empowered to establish local ordinances. So I don't think that should be a national law. So 'yun ang aking concern diyan.

Q: Sir, sa juvenile law, ano pong status natin doon sa--

SEN PANGILINAN: Well dito, sa House, at least kami ay welcome itong naging pasiya ng committee na hindi naibaba sa age nine ang ciminal liability ng mga bata. So, susuportahan natin iyan. Kung ito'y papalawigin ang kapangyarihan ng gobyerno para talagang maimplementang maayos 'yung Juvenile Justice Welfare Law, mas mabuti 'yan dahil kulang talaga ang facilities. Kulang talaga ang mga Bahay Pag-asa na dapat tugunan ng gobyerno.

Q: Calling for more budget--

SEN PANGILINAN: Yes, budget to effectively implement rather than to amend the law. Kung may batas man, dapat budgetary appropriations para maganda ang magiging implementasyon ng mga batas para sa ating mga anak.

In the end, sino ba ang gustong ikulong ang isang bata? 'Yung mga nagkasala dapat managot. In fact, dalawa nga 'yung sinasabi 'pag ikaw eh heinous crime o heinous offenses, involuntary confinement yan for at least one year. Puwede pa nga mas mahaba. So hindi totoo na sinasabing hindi napaparusahan o hindi nananagot ang mga batang pariwara.

Dito sa batas, basta tamang implementation, mananagot ang mga nagkasalang mga menor de edad.

Q: Sir, aside po doon sa lowering ng criminal liability age, ano pa po yung other apprehensions niyo doon sa bill na nasa House bill?

SEN PANGILINAN: Well 'yung automatic confinement ng hanggang nine years old. Medyo mahirap 'yon dapat siguro case-to-case iyon at hindi age-based. Kasi 'pag age-based ibig sabihin, nagnakaw ng manok dapat automatic confinement. Ako naman, 'yung mga anak ko hindi ko in-automatic confinement.

You don't have to confine somebody if the offense is minor. 'Di ba? Dapat siguro doon, eh civic work. Magbantay doon sa barangay o kaya magtanim ng gulay. 'Yun ang mga pupuwedeng gawin kung hindi naman ganoong katindi ang kasalanan. So 'yun ang concern ko na kahit nine years old eh dapat ma-confine involuntarily.

Q: Sir, mayroon pang ibang alternatives doon sa na ibaba nga po yung--

SEN PANGILINAN: Sa ngayon wala na. Pero dapat manatili tayong nagbabantay dahil alam naman natin sa legislation, puwedeng bumalik, puwedeng magkaroon ng debate sa floor at i-amyenda ulit. Dapat maging mapagbantay at vigilant.

Q: Sir, about po yung move ng Congress, na ibasura na yata yung ano. Do you share the same fear na kapag natuloy po 'yun, puwedeng maging target ng vigilante killings 'yung mga bata doon sa sinasabing in conflict with the laws?

SEN PANGILINAN: Posible dahil nga mayroon na namang pananagutang kriminal itong mga menor de edad at sa sitwasyon ngayon, 'pag sinabing kriminal masyadong mainit kaya posible na maging basehan pa yun na madagdagan itong extrajudicial killings at this time mga menor de edad. Kaya dapat maging mapagbantay tayo.

News Latest News Feed