Press Release
June 12, 2017

Sen. Bam on DOJ Sec. Aguirre and Senate probe on fake news

(Transcript of media interview)

Q: Hindi siya (Aguirre) nag-publicly apologize sa iyo, pero na-clear ang name mo?

Sen. Bam: We appreciate the clarification of the DOJ pero ang inaantay natin ay pag-so-sorry. Kasi pag mali ang ginawa mo, tama lang na mag-apologize ka. In any case, sinabi nga ng mga kasama ko, hindi rin siya nag-apologize kay Jamby Madrigal, hindi rin riya nag-apologize kay Len Alonte, hindi rin siya nag-apologize noong inimplicate niya ang Korean Embassy sa pagkapatay kay Jee Ick Joo. Huwag na raw antayin. Pero I'm sure magkikita rin kami niyan. Si Sen. Grace has said she will call a hearing on fake news and Sen. Villanueva said he will file a bill penalizing those that spread fake news. Definitely, magkikita pa rin kami ni Sec. Aguirre.

Q: So iko-confront mo siya sa hearing?

Sen. Bam: Definitely! Gusto kong marinig mula sa kanya na kung ano talaga ang nangyari at kung bakit siya naniwala sa fake news. Kung ang Justice Secretary natin mismo may problemang ganyan, hindi lang ito problema ng kanyang ahensiya, problema po iyon ng ating buong bansa.

Q: Itutuloy daw niya ang investigation sa opposition senators, what do you think?

Sen. Bam: Honestly, iyon ang dapat una niyang ginawa, to really go to official sources, upang malaman niya kung ano talaga ang mga nangyari, hindi iyong makikinig sa mga nanloloko lang sa kanya o maniwala sa fake news. To be frank, he should investigate it, he should look into it, huwag lang gawing harassment ang investigation na iyon.

Q: Hindi naman nakakainsulto on the part of the senators na pati kayo maiimbestigahan?

Sen. Bam: Alam mo, lahat ng insulto natanggap na namin. Natawag na kaming terorista so ano pa ang matinding insulto kaysa roon. As much as possible, ayaw ko kasi itong personalin. The issue really is about institutions. Kung iyong institusyon natin, the Department of Justice, represented by the secretary, ganun-ganon na lang ang pagbibitiw ng salita at talagang nagsisinungaling, talagang delikado iyan sa institusyon natin bilang isang bansa. Kapag tinatawag niya na terorista ang ibang nasa oposisyon, I think that's really troublesome. Nagkakagulo pa sa Marawi. Our men and women are risking their lives for us tapos namumulitika ka. Anong klase naman iyon. We should focus on supporting our troops ending the fight in Marawi at huwag ginagamit sa pulitika ang ganitong bagay.

Q: Sir what does it make of him. Iyong hindi niya pag-a-apologize, ilang beses siyang nagsalita ng mali, walang basis, and yet hindi naman siya nag-a-apologize.

Sen. Bam: Again, we're hoping that he will still apologize. He will have the opportunity kapag nagkita kami sa Senado.

Q: Iyong sa Marawi, going three weeks tapos Martial Law pa iyan. Pero hindi naman nako-contain...

Sen. Bam: Ako naniniwala sa AFP na they're gaining ground. We need to support our troops, suportahan natin ang ating Armed Forces, our men and women are risking their lives. Today nga, iyong isang front page ng isang pahayagan, nandun lahat ang namatay na sundalo natin. We need support them so they can finish this at the soonest possible time. Set aside politics and focus on bringing Marawi back to normalcy. As soon na matapos ang firefighting, I think Martial Law should be lifted and mag-focus tayo on rehabilitation sa area. Iyon ang isang kailangang bigyan natin ng pansin, hindi puwedeng palampasin. Right now, our Armed Forces, our uniformed men, are fighting for their lives and fighting for our freedom, siguro at this point, we need to support them right now.

Q: Na-justify ba ang Martial Law dahil ang tagal namang na-contain. Di ba supposedly dapat nandoon nga iyon para mas mabilis...

Sen. Bam: Mahirap kasi magsalita habang tuluy-tuloy ang bakbakan. I think what we need to do is focus right now sa support na kailangan ng sundalo natin. May mga reports, I don't know if they are rumors, na kulang sila ng logistical support. Dapat matulungan natin sila. Iyong ating mga kababayan natin na na-displace napakarami, hundreds of thousands, they need help, they need support, they need care, kailangan po ng tamang pagkalinga. We're hoping na kung hindi ito matapos today, na at some point naging deadline ng AFP, sana matapos po ito within the next couple of days. At that point, we can start talking about lifting martial law and start talking about kung anong kalinga ang kailangan ng mga ating kababayan sa Marawi.

Q: What can you say na nag-launch siya ng formal investigation based on fake news and conspiracy theory?

Sen. Bam: You're wasting government resources pero kung para sa akin kung kailangang dumaan doon para maging klaro lahat, sige na lang. Pero to be very frank, kung ang basehan niya ay mga nabasa niya sa internet, di ba pagsasayang na lang iyan ng pera ng gobyerno. But again, hindi naman mahirap i-verify ang dates na sinabi niya. April 24, pumunta tayong eskuwelahan at birthday ni VP Leni, April 28 nasa ASEAN pa tayo napaka-public ng event. May 2, of course, the PICC PUP graduation and the session day. That investigation probably will be quite fast, napakadali kasi napakadaling i-verify ang mga dates na nakalagay at nasabi naman niya. We'll see where that will go but if that investigation is just merely used to harass the political opposition, hindi talaga maganda na habang may kaguluhan sa ating bansa, namumulitika ang ibang tao.

Q: You're willing to answer the DOJ summons?

Sen. Bam: Of course, in fact noong nag-usap kami ni Secretary Aguirre noong gabi ng Wednesday, sinabi ko sa kanya Secretary you have may number you could have called me, puwede mo naman itong i-clarify ito sa akin nang diretsahan. Hindi naman ho kami strangers, magkakilala naman po kami. Instead, he chose to go to the media and magbanggit ng kung ano-ano na mali na pagsisinungaling.

Q: Ano po ang sinabi niya?

Sen. Bam: Wala. Tahimik lang siya. He kept on repeating that he was confused. If they want me to go there, sure why not. Pero hindi ba mas maganda na mag-research ka muna, mag-imbestiga ka muna bago ka magbanggit ng tao sa ganyang bagay.

Q: Apparently, hindi lang Marawi crisis ang nili-link sa inyo kasi ang term na ginamit niya destab. Ang ini-insiuate niya, matagal na kasi marami nang isyu against the Duterte administration.

Sen. Bam: I don't really know what he means anymore. Sa totoo lang, magandang mas maging klaro siya kung ano ang ibig niyang sabihin.

If you look at that Department Order, napaka-broad niya. I just hope na hindi ito gagamiting pang-harass against the opposition.

Q: Ano ang latest sa suggestion sa inyo na mag-file ng case?

Sen. Bam: Pinag-uusapan pa rin namin. May lawyers' groups na kausap kami who are determining that. Kung magpa-file kami, kung saan ito ipa-file, iyang mga ganyan pinag-uusapan pa but at the minimum, pagdating naman sa Senate maghaharap naman kami.

News Latest News Feed