Press Release
June 12, 2017

SEN. JOEL VILLANUEVA's INDEPENDENCE DAY MESSAGE

Ako po ay nakikiisa sa sambayanang Pilipino sa pagdiriwang ng ating ika-119 na Araw ng Kalayaan.

Ngayong araw, ginugunita po natin ang kagitingan ng mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay para sa kasarinlan ng ating Inang Bayan.

Sa kasalukuyan, panibagong hamon ang ating kinakaharap tulad ng kalayaan mula sa terorismo, kahirapan, kagutuman, kakulangan ng trabaho at pangangailangang pangkalusugan sa iba't ibang parte ng bansa.

Narito po tayo sa panahon na marami pa ring modernong bayani ang nagsasakripisyo at nagbubuwis ng kanilang buhay upang tuluyang makamit ang kapayapaan lalo na sa Katimugan ng Pilipinas.

Saludo po kami sa mga sundalo na sariling buhay at panahon sa pamilya ang isinasakripisyo makamtan lamang ang pinakaaasam nating kapayapaan.

Patuloy po sana nating ipagdasal ang paghilom ng ating bayan tungo sa pangmatagalang kapayapaan.

Sama-sama po tayong magsikap tungo sa kaunlaran, hindi lamang para sa kasalukuyan, kundi para sa mga susunod pang henerasyon ng mga magigiting na Pilipino.

Muli, maligayang Araw ng Kalayaan!

Mabuhay po ang Republika ng Pilipinas!

News Latest News Feed