Press Release
July 27, 2017

Grace Poe's interview transcript Radyo Pilipinas with Mr. Erwin Tulfo

Tulfo: Magandang hapon, Sen. Poe.

Poe: Magandang hapon, Erwin.

Tulfo: Kayo po'y nagtanong kahapon at nagtataka, tila hindi nabanggit ng Pangulo, at mukhang nakalimutan nating lahat dahil early this year, he was really, ika nga, the government, this administration, wanted sana na mabigyan si Pangulong Duterte ng emergency powers para maresolba ang traffic. Tama ho kayo, nitong State of the Nation Address, wala ho syang nabanggit doon, and you were wondering, ano nga ho ba ang balita doon, Sen.Poe?

Poe: Nung umpisa, ganado lahat sa Senado na tinatanong ako, 'Grace, anong nangyari sa hearing natin, kalian ang next?' Tuloy-tuloy naman ang hearing. Tapos nung bandang gitna, medyo nawala ang interes sapagkat mismong ang Pangulo hindi na masyadong binabanggit. Naging iba na ang prayoridad ng Senado. Ngayon, yung ibang senador , nagpapalista, gustong magtanong sa interpellation, hindi naman matapos-tapos yung interpellation at yung schedule namin kaya tuloy natatagalan. Nabanggit ng Pangulo mismo sa kanyang SONA, problema nya yung TRO ng mga korte, isa yan sa aalisin ng emergency powers--yung balakid na yan pag merong nananalo ng bid tapos merong magkukwestyon sa korte, matatagalan ang pag-umpisa ng proyekto, isa yan sa tatanggalin. Pangalawa, sinabi rin naman ng Pangulo, para bang inuudyok nya rin ang Senado na 'kayo kasi, yung budget para sa funding ng imprastraktura.' Hindi naman pera lamang ang importante sa mga ganito, kailangan din yung mga balakid na ligal ay maisaayos natin. At isa pa, kung naaprubahan ang emergency powers, yung problema, halimbawa sa mga informal settlers, hindi mo naman sila basta-basta paaalisin na wala namang lugar na titirhan. Yung emergency powers, maglalaan ng pondo para sa mga kababayan nating mahihirap na kailangang may malilipatan. Isa pa, pag sila nama'y lumabis at kwestyunin ito sa korte, yung korte ay hindi papanig dyan dahil ang papanigan ng korte ay yung mas nakabubuti sa mas nakararami, kung kailangan ng kalsada sa lugar na yun. Pumunta ka sa isang city halimbawa, iba ang traffic rules ng Quezon City, iba rin sa Makati, iba rin sa Maynila, sa Pasay. Kailangan harmonized ang ating traffic rules. Pag sinabing ito ay identified as a national road, bawal dito ang traffic, hindi pwedeng umalma ang local government. Iyong mga bagay na yun na gusto ko syang matulungan, naging katunggali ko man sya, lahat naman tayo ay biktima ng traffic.

Tulfo: Ma'am, maisingit ko lang po, happy 26th wedding anniversary sa inyo ni Sir Neil Llamanzares.

Poe: Maraming salamat, Erwin.

Tulfo: Ma'am, itong emergency powers, is the Senate really willing and ready to give it to the President kung saka-sakaling hingin nya?

Poe: Sa tingin ko naman. Pinapakiusapan ko na rin ang ating mga kasama doon na unahin, pero nakita mo iyong agenda mismo ni SP Koko, ang gusto nyang unahin ay yung debate pagdating sa fedaralismo. Yung tax proposal, yun ang priority, mahabang debate iyan. Pag yun ang nakasalang at hindi naman prayoridad ang emergency powers, depende talaga yan kung maisisingit pa. Sana bago natin talakayin ang istruktura ng gobyerno tulad ng federalismo, ayusin muna natin ang mga problemang nakaamba na dyan, tulad ng traffic. Pagdating dito sa tax measure, lahat naman tayo sa gobyerno, nakikita naman natin yung pangangailangan din para sa programa, pero ako'y hindi pa masyadong kumbinsido sapagkat andami nating perang hindi nagagastos. Lalagpas ng isang bilyon pagdating sa 2017, tapos ang i-reraise lang naman nila sa first year ng tranche ng taxes, ma-cocover din yung windfall natin o savings. Bakit pa kailangan? Bawat mahirap ay madadagdagan ng P10 kada araw sa gastos nila dahil sa dagdag na consumer taxes. P10 a day will equate to about P300 a month, malaki yan sa pamilyang mahirap. Meron namang conditional cash transfer program pero hindi mo naman maisasama lahat ng mahihirap dyan. Yan yung mga duda lang ako.

Tulfo: Maraming salamat, ma'am.

News Latest News Feed