Press Release
July 29, 2017

Transcript of Interview with Senate Minority Leader Franklin M. Drilon "Usapang Senado" hosted by Ms. Cely Ortega-Bueno

Q: Kasama po kayo doon sa meeting ng house and senate leaders?

Drilon: Tama po iyan. Nandoon ako. Iyan ay isang pagpupulong na ipinagpatuloy sa kongresong ito. Dati po sa 16th congress kami dati ni Speaker Belmonte ay nag-umpisa ng ganoong setup. Nagpupulong ang dalawang kapulungan ng kongreso para mapag-usapan kung ano aming ite-take up na batas. Ang aming naumpisahan ay pinagpapatuloy ngayon sa 17th congress.

Q: Kayo ay kumporme doon sa napagkasunduan na bigyang priority? Mukhang hindi po kasama doon ang death penalty?

Drilon: Tama po iyan. At doon sa priorities, yung House ay pinasa ang death penalty; sa senado ay walang maliwanag na consensus kaya hindi sinama sa common legislative agenda ng dalawang kapulungan ang pagbabalik ng parusang pagpatay.

Q: Ano po ito, senador, indication na sa kasalukuyang komposisyon ng senate ay malabong maipasa ang death penalty?

Drilon: Sa aking pagbasa ay walang sapat na boto ang mga pro-death penalty kaya hindi maitulak ni Senate President Pimentel na isama sa legislative agenda ng senado dahilan sa marami ang nag-aalangan at tumututol sa ganitong klaseng pagbabago ng ating batas tungkol sa death penalty. Maliba diyan ay may mga mabibigat na repercussion. Halimbawa sa EU counties, sa ngayon mayroon tayong tinatawag na General System of Preference kung saan ay may mahigit na 6,000 produkto ng nanggagaling sa Pilipinas ay walang tariff pagpasok sa EU countries. Nangunguna rito ang tuna sa General Santos. Iyan po ay walang tariff, kaya we can compete at mas mura ang ating tuna doon sa Europa kaya sa ibang klaseng isda. Ngayon kapag pinasa ang death penatly, baka matanggal ang ating preferential treatment, kaya po nag-aalangan ang mga senador, maliban doon sa kanilang paniwala na hindi dapat ibalik ang death penalty. Halimbawa si Sen. Gordon, ang sabi niya ayaw niya ng death penalty dahilan sa maraming pagkukulang ang ating justice system kaya hindi siya sang-ayon sa death penalty. Kapag nagkamali ka sa death penalty hindi mo na pwedeng buhayin.

Q: Mukhang pati doon sa parliamentary visit ng mga senador sa France, marami yata ang nakiusap doon na huwag ibalik ang death penalty?

Drilon: Maliwanag po ang posisyon ng EU parliament at mga bansang kasarama rito na tutol sila sa parusang pagpatay. Mayroon tayong mga tratado, convention kung saan tayo po ay nangako na hindi tayo sasang-ayon sa domestic law o sa batas natin na may parusang kamatayan.

Q: May ilang senador na umaasa na may chance itong makapasa kapag ili-limit sa mga high-profile drug trafficker?

Drilon: Sa aking pagbasa sa mga kasamahan ko, subalit pwede akong magkamali, na tutol sila basically sa death penalty, alinman ang kondisyon basta parusang kamatayan ay hindi sila sang-ayon. Limited man sa drug o sa anuman. The concept itself of a death penalty is not acceptable to may of my colleagues.

Q: Itong tax reform package, maramin ang nagsasabi na dehado rito ang taxpayers?

Drilon: Marami po kaming pinag-aaralan diyan at hindi kami papayag na maipasa sa present form. Pinakatutol kami diyan ay doon sa buwis sa langis, dahilan sa apektado dito ang ating mga maliliit na kababayan. Kung magta-tax tayo diyan - ang proposal ay P6.00- - talagang tataas ang presyo ng bilihin. Anuman ang sinasabi na bababaan ang income tax, babawiin din doon sa pagtaas ng pangunahing bilihin, dahilan sa lalagyan ng buwis yung fuel, gasoline at diesel. Kasama sa aming legislative agenda iyan. Ating sisikapit na ipasa ngunit hindi sa porma na ibinigay ng Malakanyang.

Q: Ano po ang idea kung mataas yung P6?

Drilon: Pag-usapan natin. Pwedeng wala ng pagtaas ng tax sa gasoline. Iyan po ay pag-aralan natin dahil ito ay may malaking epekto sa pagtaas ng mga bilihin. Baka naman po kung mapigil natin ang smuggling diyang po sa free-trade areas natin, Noon, ewan ko kung hanggang ngayon, may malalaking importers, kaya yung coloring, isa sa mga administrative measures ay yung paglalagay ng kulya sa mga gasoline na dumaan at nagbabayad nang tamang buwis.

Q: Bago po tayo magtaas ng tax, baka po meron pang mga measures na magagawa pa?

Drilon: Tama po iyan, kung ang administrative process ay pwedeng higpitan para mawala ang smuggling sa mga malalaking items, halimbawa yung buwis sa gasoline, ang alam ko sa nakaraang administrasyon ay nangyayari iyan at hindi ko alam kung hanggang ngayon, ngunit may mga malalaking pangalan na nababanggit diyan.

Q: Mas malaki pa raw po ang mababawing buwis kumpara rito sa mawawalang revenue sa pagbaba ng income tax?

Drilon: Hindi ko alam ang exact figures, ngunit ang alam ko ay lagpas doon sa mawawalang buwis dahilan sa income tax ang babawiin ng gobyerno.

Q: Pabor po kayo doon sa desisyon ng senado na i-convene ang committee of the whole?

Drilon: Wala akong problem sa committee of the whole, ngunit I think Senator Angara is doing a good job. During the break po, may lima o pitong hearings na ginawa si Sen. Angara. At handa po ang kaniyang committee na tapusin at maghain ng committee report. Kaya wala akong problem sa committee of the whole ngunit hindi dapat ilipat ang komite out of respect to Senator Angara and his committee. Dapat ipagpatuloy ni Sen. Angara ang kaniyang pagdidinig, dahilan sa marami na siyang trabahong ginawa rito. Talagang puspusan ang hearings ni Sen. Angara. I've attended several hearings at talagang marami ang nag-attend. Hindi po ako papayag na alisin sa komite ni Sen. Angara ang income tax reform bill dahilan Sen. Angara has been doing his job on this point.

Q: Kahit po mag-convene ang committee of the whole, ang may responsibilidad pa rin po na gumawa ng report ay ang komite ni Sen. Angara?

Drilon: Tama po iyan dahilan sa wala naman po talagang makakagawa ng report dahilan siya ang puspusang nag-aral dito. Ang committee of the whole ay para lang deretsang marinig ang mga gabinete, subalit wala po dapat na magbago sa setup kung sino ang gagawa nito.

Q: May mga naawa raw po kay Sen. Angara dahilan sa re-electionist, alam po naman natin na kapag may nagpasa ng panibagong buwis ay may backlash sayo pagdating ng kampanya?

Drilon: Hindi naman. Kung tama lang, kung kailangan at kung talagang tama lang ang reporma, alam ko naman na iyon ang gagawin ni Sen. Angara, kaya palagayo ko naman ay tanggap ng baumbayan na kailangan din na may gawing pagbabago, ngunit karapat-dapat lamang na ito ay para sa kapakanan ng mas marami. Hindi po na babanatan po ng P6 yung gasoline. Sa akin, dapat ay suriin nang husto. Sa akin dapat suriin nang husto para lang itong pagbabago ng sistema ng ating buwis at dapat lang para sa kapakanan ng taumbayan.

Q: Kayo po ba ay kumporme dito sa rightsizing. Ano po ba kapag sinabing rightsizing? Karapatan na bawasan at i-abolish ang opisina ng gobyerno?

Drilon: Tama po iyan, retrenchment. Tinawag lang na rightsizing para magandang pakinggan, pero sa totoo lang ito ay retrenchment. Unang-una po, ang pag-abolish ng mga opisina sa gobyerno ay kailangan ng isang batas. Ang unang taon, talagan bang sobra ang tao sa gobyerno at kailangan bawasan ang kawani sa pamahalaan? Iyan po ang unang tanong at hindi ang bigyan natin ang ehekutibo ng kapangyarihan para magbawas ng tao. Uulitin ko lang, ang reorganisasyon ng pamahalaan ay nasa kapangyarihan ng kongreso. Ngayon pwede nating i-delegate ito. Ngunit ang unang tanong ay kung sobra ba ang tao sa pamahalaa at kung ang sagot ay oo, paano po natin gagawin? Ang ehekutibo ba o ang kongreso. Kung ehekutibo ang gagawa, ano ang standards na dapat ipatupad before they exercise the right to dismiss people or abolish or merge offices?

Ang kapangyarihan para magbago ng istraktura ng pamahalaan, ang kapangyarihan para na mag-merge o mag-abolish ng opisina ay nasa kongreso at hindi sa ehekutibo. Ngayon may mga reorganization acts at iyan ay tinatawag nating dlegating authority kung saan ibinibigay sa ehekutibo ang kapangyarihan ng kongreso upang baguhin ang istraktura ng gobyerno. Ngunit iyan ay may mga standards on how the executive that prerogative delegated by Congresss.

Q: Ano sa tingin ninyo? Dapat bang i-delegate?

Drilon: Pag-usapan natin kung ano yung kanilang...they must convince us na may kailangan na magbawas ng tao sa gobyerno, kailangan na ipaliwanag nila sa publiko at sa kongreso. Ito po ay makukuha natin sa interpellation doon sa bill ni Senator Legarda.

Q: Kapag po pala na-approved ito ay may posibilidad na may mawalan ng trabaho?

Drilon: Tama po iyan. Malaking posibilidad ito kaya dapat ingatan natin ito. Dapat hindi arbitrary ang pagtanggal ng tao sa pamahalaan. Kailangan reasonable ang pag-reorganize, at iyan po ang ating titingnan.

Q: Sa House mukhang pasado na ito, sa senado po, ano ang status?

Drilon: Sa senado, ini-sponsored iyan ni Senator Legarda, nasa interpellation stage na.

Q: Ibig sabihin po na-convinced ang komite na kailangan ang rightsizing dahil sobra ang tao?

Drilon: Ganoon nga ang premise niya, sobra ang tao sa pamahalaan. Iyan po ang premise ng bill/

Q: Nasa priority rin itong BBL. Ano po ang magiging kapalarang ng BBL?

Drilon: Hindi ko po alam dahilan sa nasa minorya kami, ang masasabi ko lang ay sumusuporta ang minorya dito sa BBL. Noon pa ay sinusuportahan natin ito, subalit dahilan sa ilang circumstance - kagaya ng Mamasapano - ay hindi ito nitulak nang husto. Mayroon din na naniniwala noon na dahilan sa halalan ay hindi tanggap ng karamihan ang BBL. Ngunit iba na ang panahon ngayon, tingnan natin muli. Sa minorya po, aming napag-usapan na we will support the BBL.

Q: Ito po ay nakikita ninyo na isa ito sa mga kailangan para magkaroon ng katahimikan sa Mindanao?

Drilon: Tama po iyan. Sa aming tingin dapat maipasa natin ito para sa pagbabago doon sa istraktura ng pamamahala doon sa ARMM, para po mayroong degree of autonomy na siyang tanggap ng taumbayan, para po magkaroon ng stability sa ARMM.

Q: Sana wala ng unconstitutional. Ang concern ng iba ay ito ay panibagong state?

Drilon: Hindi tayo papayag diyan. We will not support any provision or any bill that will cause a removal of the sovereignty of the stagovernmentte over any portion of the country.

Q: Ang sabi po ninyo ay baka may pwedeng kaso rito kay USec. Orceo?

Drilon: Pinag-aaralan pa natin ngunit maliwanag na may sabwatan para mawalang bias ang murder charge at ang dismissal n Supt. Marcos at ang kaniyang mga kasamahan. Maliwanag na may cover-up at ito ay pinag-aaralan natin kung may liability si Orceo sa ilalim ng anti-graft act.

Q: Dapat po ba na ipagpatuloy ang hearing?

Drilon: Dapat po, kasi hindi po humarap si Sec. Aguirre. Hindi ko alam kung bakit. Baka naman dapat ipaliwanang ni Sec. Aguirre mismo ang kaniyang papel dito sa pag-downgrade. Ang nakakalungkot pa diyan, kung pinabayaan ng DOJ yung kaso na murder sa husgado at kung hindi maipakita na premeditate ito ay pwede naming i-convict na homicide. Ngayon dahilan sa ibinaba nag kaso, hindi mo na pwedeng i-convict na murder kahit ang ebidensya ay murder.

Q: Bilang minority leader, ano po ang maipapangako ninyo sa ating mga kabagayan ngayong nagbalik na ang session ng senado?

Drilon: Asahan po ng ating mga kababayan na kung ano lamang ang karapat-dapat nating itulak na panukalang batas, na makakabuti sa taumbayan an gating susuportahan sa minorya.

News Latest News Feed