Press Release
July 30, 2017

Transcript of DZBB Interview with Senate Minority Leader Franklin M. Drilon
Hosted by Ms. Nimfa Ravelo

Q: Ano po ang inyong reservations dito sa tax reform proposal?

Drilon: Unang-una, hindi naman pwedeng kung ano ang ihinain sa amin na lang aaprubahan hook, line and sinker. Ang titingnan naming nang husto ay yung pagtaas ng buwis sa fuel products, dahilan sa malaki ang epekto nito sa pagtaas ng presyo ng pangunahin bilihin. Yung inflation, pinakamalaking dahilan ng pagtaas ng presyo ng pangunahing bilhin. Ang pagtaas ng pangunahing bilihin ay dahilan sa pagtaas ng buwis sa fuel products, lalo na po ang diesel dahilan po ito ay apektado ang pampasahering sasakyan; yung diesel po ang ginagamit ng pampasaherong sasakyan; yung mga mangigisda, diesel; yung tricycle driver, diesel. Kaya ito ang ang aming titingnan at kung ano ang epekto nito sa mga mahihirap.

Pangalawa po, yung tungkol sa asukal dahilan po sa hindi naman kasama iyan sa unang batch ng sinasabi nilang pagbabago sa buwis. Iyan ay isiningit na lang sa deliberasyon sa lower house. In fact marami ang nagulat nang ipasok ang tax on sugar. Ito po ay P10.00; yung sa gasoline ay P6.00. Ito ay dapat nating tingnan dahil ito rin ay isa sa mga dahilan para tumaas ang mga presyo ng pangunahing bilihin.

Q: Yung pong renta sa bahay ay papatawan din ng vat?

Drilon: Hindi ko pa maalala nang masyado. Ang pagkaalam ko doon din sa socialized housing, aalisin yung vat exemption.

Q: Sa fuel, kapag pinatawan ng excise tax, sa ngayon exempted yund diesel at kerosene, ano yung impact noon sa presyo ng bilihin? Tataaas po ba ng 10%, 20%?

Drilon: Hindi natin masabi ngunit may mga pag-aaral na sa ganyang lebel na pagtaas ng buwis sa fuel, mga 1.5% ang increase sa inflation. Kung ang inflation ngayon ay 3½ % on the average, baka umabot sa 5% ang inflation. Ibig sabihin tataas ang presyo ng ating mga bilihin lalo na yung basic commodities.

Q: Mataas na po ngayon, tataas pa.

Drilon: Tama po iyan.

Q: Yung sa sweetened products, yung pong mga produktong may asukal ay tatatamaan at papatawan ng buwis na P10.00?

Drilon: Tama po iyan. yung mga 3-in-1 coffee, tatamaan yun. Iyon ay ating titingnan nang husto. Ito rin ay ginagamit ng ating mga mahihirap na kababayan.

Q: Ano po ang stand ninyo? Tutol kayo sa pagpapataw ng buwis o magtatawaran lang po?

Drilon: Sa amin, ni-re-recognize natin na panahon na para tingnan nang husto ang ating sistema ng pagbubuwis, ngunit unang-una tingnan natin yung administrative aspect kung bakit tila kakaunti ang nakokolektang taxes at kung bakit hindi nakokolekta ang tariff sa customs. Ano pa ang mga paraan na pwede nating gawin para hindi itaans yung present rates. Yung tinatawag nating administrative devices kung paano po mapapataas ang collection without increasing the rates. Iyan po ang ating objective.

Q: Kung pwede nang hindi itaas, kasi may ibang pagkukunan?

Drilon: Kung higpitan ang collection, baka maitaas ang collection nang hindi kailangan ang bagong rate. Iyan ang una nating priority. We will look at the administrative aspect of tax collection -where the leakages are and what we can do to stop these leakages. And it's only after we are convinced na talagang pigang-piga na that we can agree on a revision of tax rates. Ngunit hindi dapat yung mga nagpapahirap sa mahihirap. Dapat may equity in the tax rates.

Q: Ang sabi po ng economic managers ng Malakanyang ay para mabawi yung mawawala sa gobyerno dahil doon sa pagbaba ng income tax rate?

Drilon: Kung ganon, eh di zero-sum, ibiga sabihin yung nawala ay babawiin sa ibang aspeto. Mas labis ang kanilang makokolekta kaysa sa mawawalang buwis dahil sa pagbaba ng buwis sa income tax. Hindi naman tama iyan.

Q: Ang sabi ni Sen. Angara, times two.

Drilon: Kaya nga, sa bawat piso na mawawala ay dalawang piso ang kokolektahin. Hindi naman tama iyan.

Q: Itong tax reform proposal, isasalang sa committee of the whole.

Drilon: Ako, wala akong problema sa committee of the whole. Ang pagkakaintindi ko ang committee of the whole ay gagawin para yung ibang senador ay makapagtanong sa mga economic managers. Ngunit hindi kami papayag na yung tax bill mismo ay aalisin sa komite ni Sen. Angara. Matagal na pong pinag-aaral ni Sen. Angara ang proposed tax measure. During the break ay at least may five hearings na ginawa; sa aking tingin ay malapit nang matapos iyan at sa palagay ko ay sa susunod na buwan, kung hindi ay Setyembre, ay mayroon ng committee report na maari naming pagdebatehan sa plenaryo.

Papayag ako sa committee of the whole, huwag lang alisin ito sa komite ni Sen. Angara dahil matagal nang napag-aralan ito ni Sen. Angara.

Q: Napaisip din kami diyan, dahil kung may committee of the whole, ang ibig sabihin ay ang chairman niyan ay ang Senate President? Kapag ganyan, sino ang gagawa ng committee report? Kapag kinuha yan kay Senator Angara, parang iso-shortcut po?

Drilon: Hindi kami papayag dahilan sa yung bill ay na-referred sa committee on ways and means at walang dahilan para alisin sa ways and means. Kaya hindi ko naintidihan kung bakit may committee of the whole. Ang paliwanag sa akin ay upang yung mga senador ay makapagtanong directly sa economic managers. Iyan po ay pwede ring gawin sa committee. Pero kung gusto nilang gawin sa committee of the whole, wala akong problema pero huwag alisin sa committee on ways and means.

Q: May suspetya kayo na ito ay paraan para marapido iyong bill?

Drilon: I don't want to attribute anything. Ang sa akin ang tamang paraan ay manatili ang bill sa committee on ways and means. Napag-aralan ito nang husto ni Sen. Angara at sa ngayon siya ang nakakaintindi rito. Nakakainsulto po iyan na tanggalin kay Sen. Angara dahilan sa ginagampanan naman niya ang kanyang trababaho.

Q: Anong take n'yo doon sa papatawan ng VAT ang pagbili ng bahay under socialized housing?

Drilon: Pag-aralan natin nang husto. Tingnan natin.

Q: Paano tatanggapin o ano ang inyong tugon doon sa panawagan ng pangulo na ito ay aprubahan nang mabilis?

Drilon: Hindi naman pwede na pabayaan natin kung ano ang sabi ng economic manager, iyon na. Kaya po tayo may kongreso ay kaya ito pagdebatehan. Hindi po ito martial law na kung ano ang sabihin ng pinuno ay iyan lang po ang susundin natin.

Q: Magiging rubber stamp na lang po kayo kapag ano.

Drilon: Tama po iyan.

Q: Yung issue ng absorptive capacity, may na-point out si Sen. Lacson na may P600 billion pa mula sa 2016 budget.

Drilon: Ang underspending ay masama. Dapat kung ano man ang available sa budget ay sikapin na mailabas dahilan sa malaki ang epekto ng gastusin ng gobyerno sa paglago ng ekonomiya. Kung maayos ang ating spending capacity ay lumalago ang ekonomiya at mas maraming trabaho ang nabubuo. Ngunit hindi ibig sabihin na dahilan sa may unspent budget ay hindi na pwedeng rebyuhin an gating tax structure, dahilan ang importante diyan ay yung sustainable collection of resources. Hindi dahilan na may surplus ka ngayong taon ay sa susunod na taon wala ka ng surplus kaya kailangan natin na rebyuhin din kung ano ang pagkukulang ng ating tax structure.

Q: Hindi pwedeng maging argument against tax yung may sobra-sobrang pondo ang gobyerno?

Drilon: Sa akin po tama po iyan at kailangan natin ng steady source of resources. Pero hindi ibig sabihin na ang steady source of resources ay manggangaling lamang sa pagtaas ng buwis kundi titingnan natin sa existing tax structure, ano ba yung hindi pa nakokolekta at bakit hindi.

Q: Sa rightsizing, tama po ba na 1 million at opisyal at empleyado ng gobyerno?

Drilon: Opo, sa pagkakaalam ko.

Q: Ano ang dapat mangyari?

Drilon: Unang-una, bigyan natin ng diin na ito ay retrenchment o reorganizayion. Binibigyan lang ng mas magandang pangalan na rightsizing. Having said that, huwag nating makalimutan na ang pag-dissolve ng isang opisina o ang pagbuo ng isang opisina ay kailangan ng isang batas. Ang ehekutibo ay walang kapangyarihan na magtanggal ng empleyado sa pamahalaan unless for cause, or in a reorganization law, at iyon ay manggagaling sa kongreso. Ngayon may mga pagkakataon na yung power to- eorganize ay dine-delegate sa executive branch under certain standards. Ngunit ang unang debate diyan, talaga bang labis ang kawani sa pamahalaan na kailangang bawasan? Assuming na talagang sobra, ilan yan at aling opisina? Pangatlo, iyan ba ay dapat i-delegate sa DBM o sa DOF secretary. Iyan po ang mga tanong bago natin aprubahan ito. The matter of reorganization is a function of Congress. It can be delegated to Malacanang or to any cabinet group provided that there are sufficient standards.

Sino ang dapat magbawas? Yung kongreso o yung executive branch on a delegated power of congress.

Q: Ano po ang comment ninyo doon sa pagtigil ng peace talks sa CPP-NDF?

Drilon: Ako, sa akin, ang kapayapaan ay importante sa ating lipunan. Ngunit huwag naming abusuhin ang effort natin to have peace by continuing all of these atrocities. We must have a law and order. Kaya ang rule of law, sa akin importante iyan, kaya yung USec. Orce of DOJ, talagan iyon naman ay papasok siya Section 3 (e) ng anti-graft court. Talagang pwede siyang kasuhan dahilan sa kaniyang ginawang manifest partialty, evident badt faith at inexcusable negligence doon sa kaniyang pagbaba ng charge from murder to homicide. Maliwanag na nagkasabwatan ito kaya dapat kasuhan ito sa ilalim ng anti-graft, dahilan sa ang kaniyang ginawa, it caused undue injury to the republic and to our justice system. ito po ay rule of law at hindi pwedeng palampasin ito kaya kapag nagkaroon ng report ang committee ay talagang isisingin ko ito for prosecution under Section 3 (e) of the anti-graft law. Siguro sa ngayon kung nakikinig si Ombudsman Morales baka naman pag-aaralan na ng field investigating office nila ito.

Ang sabi ni USec. Orceo, hindi alam ni Sec. Aguirre iyon?

Ikaw ba'y naniniwala roon? Unang-una, logic lamang at human experience. Ang sabi ni Sec. Aguirre, ito'y murder. Ang sabi ni Orceo, hindi ako naniniwala sa iyo at homicide ito, tapos sasabihin nila hindi sila nag-usap? Hindi naman pwedeng maniwala tayo sa ganong klaseng kasinungalingan.

Q: Kayo dating justice secretary, in cases like that hindi naman pwedeng hindi aprubahan ng justice secretary?

Drilon: Ang sabi nila, ito po ay may authority sila, although the authority is questioned by Sen. Lacson dahilan sa nag-lapsed na ang kanilang department order. I understand ima silang undersecretary, bakit sa lima siya ang napili na mag-review nito? Si USec. Orceo po miyembro ng Lex Taliones; si Sec. Aguirre po ang nagpasok sa kanya. Why does he have the temerity to reverse the opinion of his secretary of justice, of the NBI and of the panel of prosecutors. Talagang mahiwa itong nangyari dito.

Q: Balikan ko lang po yung sa CPP-NDF, dapat po tuloy ang pag-uusap?

Drilon: Sa akin po, hanapan ng paraan kung saan magkakasundo. Ngunit hindi dapat magpatuloy ang imounity, ang pagkolekta ng revolutionary tax, ang extortion na iyan, ang pag-ambush sa ating mga sundalo dapat itigil yan. Hindi naman pwede na nag-usap tayo sa kapayapaan, panay naman ang banat ng kabila sa ating mga sundalo. Panay naman ang revolutionary tax sa ating mga mangangalakal.

Q: Yung pintuan para sa negosasyon ay dapat bukas pa rin?

Drilon: Kailangan bukas pa rin. Ngunit hindi pwedeng ipagpatuloy under this environment. Ang pinakamabuti diyan ay mutual ceasefire. Tama muna ang putukan. We cannot continue in that kind of environment.

News Latest News Feed