Press Release
August 9, 2017

STATEMENT OF AKBAYAN SENATOR RISA HONTIVEROS ON KENNETH DONG

Aking nakilala si Mr. Kenneth Dong noong 2012. Gaya ng ilan sa kapwa ko senador, ang pagkakilala ko sa kanya ay isa siyang lehitimong negosyante na nasa pagbebenta ng industrial weighing scales. Nagkaroon ng pagkakataon na tumulong siya sa aming Yolanda relief operations at sa kampanya.

Noong 2013, ako, kasama ng mga kapwa ko senador gaya nina Senators Migz Zubiri, Kiko Pangilinan at Ralph Recto, ay naimbitahan mag-ninong at ninang sa kanyang kasal. Kaya't pare-pareho kaming nagulat ng mabanggit ang kanyang pangalan sa Senate Blue Ribbon Committee Hearing.

I will not tolerate any accusations of irregularity that will smear my personal integrity and record of service to the people. Inaasahan ko na pawang katotohanan lamang at walang halong kasinungalingan ang sasabihin ni Kenneth Dong sa Senate Blue Ribbon Committee Hearing para sagutin ang mga seryosong akusasyon laban sa kanya.

News Latest News Feed