Press Release
August 19, 2017

Pahayag ni Senadora Risa Hontiveros Pagkatapos ng Kanyang Pagbisita sa Burol ni Kian Lloyd delos Santos

Nandito ako para makiramay sa mga mahal sa buhay ni Kian, kay Bong at Elsa. Ang buong bansa galit, nagluluksa.

Paano tayo humantong sa ganito?

Siguro itanong natin sa mga sarili natin, ganito ba tayo bilang mga Pilipino? Hayok sa dugo na ok lang sating may mga mabiktimang disisyete anyos na katulad ni Kian? Hayok sa dugo na ok lang mabiktima ang isang batang masayahin, malambing, mapagbiro at mahal na mahal ng mga kabarangay, ng mga kaibigan, mga kaklase at pamilya niya?

Sobra na ito. Tama na. Nakakabahala na ang mga mahihirap at walang kalaban-laban ang mga nabibiktima ng war-on-drugs na ito.

Kakatapos lang ng pulong namin ni Bong at Elsa. Nananawagan ako ng isang totoong independent at impartial na investigation sa kasong ito at lahat ng kaso ng pagpatay na involved ang mga kapulisan.

I am here to accord full protection and security to the family and to the witnesses, to provide whatever legal service is needed. We will unearth the truth. We will fight for justice for Kian, and for those whose lives were abruptly ended by this abusive and corrupt war-on-drugs. This ends here.

Pinatay dahil nanlaban? Puwes, tayo ngayon ay lalaban.

News Latest News Feed