Press Release
August 24, 2017

Sen. Bam's questions during Kian Delos Santos' hearing

Highlights:

"Bakit ito naging malaking isyu? Kasi ito ang unang beses na may CCTV, testigo, at forensic evidence na lumalabas talaga na pinatay ang bata na walang kalaban-laban. Kung wala ang CCTV, napalampas na lang ito. Which begs the question, ilan pa ba ang napalampas natin?" - Sen. Bam Aquino

"Kung nakaluhod si Kian at nakatalikod at barilin mo, kriminal ka. Murderer ka, hindi ka law enforcer." - Gen. Bato Dela Rosa

Transcript:

Sen. Bam: Kayo naman po ang tatanungin ko kasi ayaw pong sumagot ng ating tatalong pulis dito. Ano yung nakalagay sa SPOT report? Kasi mayroon po kaming nabasa sa pahayagan na ukol sa SPOT report, nagbunot daw ng baril si Kian. Is that in your SPOT report, tama po iyon?

A: Yes, sir. As I recalled sir, yes sir.

Sen. Bam: Okay, upon?

A: Upon the- yung sinabi sir ng mga operatives. So I just based my SPOT report on the...

Sen. Bam: Yes, pero official record po iyang SPOT report na iyan po, ano?

A: Yes, sir.

Sen. Bam: Okay. Ano ho yung nakalagay sa SPOT report? Dumating po silang tatlo doon po sa lugar po nila Kian, at naglabas siya ng baril kaya siya binaril.

A: Yes sir, yun ang ano sir.

Sen. Bam: Okay. So agad agad ho, alam na po natin na yung CCTV, na kung saan dinadala si Kian lagpas po ng basketball court, iba na kaagad yung kwento dun sa SPOT report. Can you please speak into the mic?

A: I cannot comment on that, sir, kasi nung napanood ko din naman yung CCTV, sir, puro nakatalikod lang din lahat yung mga tao na...

Sen. Bam: Nasa pahayagan na rin po na cinonfirm po nila na si Kian po yung dala-dala po nila na kasama ho nila.

A: Hindi ko sir ma-confirm sa kanila kung nagsalita po sila, kasi wala po akong- hindi ko po sila nakausap regarding that matter na nung lumabas po yung issue na may umamin daw dun sa dalawang police officers na hawak nila yung si Kian, eh wala po akong confirmation na nakuha sa kanila. So hindi po ako- at hindi rin po ako sir ang naglabas ng issue na iyon.

Sen. Bam: Alam niyo ho ba kung sino ang naglabas nung issue na iyon? Maybe I can ask General Dela Rosa? May nabasa ho tayo na cinonfirm na si Kian yung dala-dala po nila doon po sa basketball court? Kumpirmado po ba yung media report na iyon?

Gen. Dela Rosa: Your honor, can I- since the source of that report is Inspector General IAS, can I make him answer that query?

Sen. Bam: Opo. Atty. Triambulo.

A: So yung lumabas na umamin po yung police nung na-involve sa operation na iyon nung namatay si Kian, so during our conference, kasi minomonitor ko kung anong progress ng kaso, one of my IAS investigator, kasi composite po iyon ng national IAS and RIAS and District IAS, na sabi ko, you should identify yung dalawang allegedly police dun sa CCTV, at tsaka kung sino po iyong kanilang kinakaladkad, dina-drag. Tapos, one of the investigators stated that no need, sir, kasi nung tinanong ko sila, umamin sa akin na sila iyon, and then iyung sa video, hindi naman isinaad yung kinaladkad, hindi klaro na iyong si Kian daw iyon. Now, we will- hindi namin po pinupursue iyon kasi baka sila makakasuhan ng Republic Act 7438, yung right nung rested person. Kasi it is a nature of admission at hindi naman niya binibigyan ng counsel. So hindi rin iyon admissible as evidence kasi walang counsel na ikinukuha iyong statement...

Sen: Bam: Hindi ho admissible in evidence sa korte, pero pinapatunayan niyo po na nagsabi yung isang miyembro ng IAS na inamin ng dalawang pulis na kasama nila sa Kian sa video?

A: Actually sir, hindi niya pinangalanan kung sinong police iyon. Pero, hindi ko iyon sinasama sa ebidensiya, instead na, ang ginagawa po nila, tinatanong po nila lahat yung mga kung saan dinampot si Kian sa sari-sari store, tapos yung dumaan sa basketball-an, dun sa riverside, tinatanong po lahat ng mga tao, at madami po silang nakuhang information.

Sen. Bam: Correct. So sa inyo pong impormasyon, whether may umamin o wala, definitely, si Kian po yung ikinaladkad.

A: Uh, iyon po sir, dahil sabi po ng dalawang testigo, nung doon sa sari-sari store na idinampot nga ng sa kanilang statement na binigay na idinampot po ng- sigurado silang pulis ang dumampot kay Kian. Dalawang pulis ang dumampot, merong back-up na dalawa, bali apat, and then iyon po iyon, kaya sinu-subject namin yung maclarify natin kung sino iyong pulis para maidentify natin during *inaudible* hearing doon sa kanilang statement na pulis nga yung dinampot para maidentify natin kung sino yung dumampot.

Sen. Bam: Ok, Attorney, alam ko you're very cafeful with your words kasi may kaso kayo, may investigation kayong ginagawa, pero simple nalang- yung lumabas sa media na may pulis, kasama yung bata, kinakadkad, nakita po sa CCTV, hindi niyo sinasabi na hindi totoo iyon?

A: Ano po, sir. Yung kasama iyon sa mga statement na ikinaclarify.

Sen. Bam: Na lumalabas na?

A: Oo, kasi yung sa CCTV kasi sir, ano lang iyon- isang circumstantial lang na talagang isummary...

Sen. Bam: Actually, tatlo yung hinahanap natin dito. Physical evidence, forensic evidence, tsaka testimonial evidence. May mga testigo mamaya, magsasabi na si Kian nga po iyon. Meron tayong video na meron pong dinatalang bata, sinasabi ng mga testigo, si Kian iyon. Supposedly, meron kayong kasama sa internal affairs, nagsabi na dalawa dun, yung kaharap natin dito, at si Kian po iyon, pero ayaw niya po munang sabihin kasi mayroon pong imbestigasyon na nangyayari. And third, meron tayong forensic evidence na si Kian ay pinatay.

Sinasabi po ng mga testigo, si Kian po iyon. Supposedly may kasama kayo sa internal affairs na nagsabi na dalawa ho doon, iyong kaharap natin dito, at si Kian po iyon pero ayaw niyo po munang sabihin kasi mayroon pong imbestigasyon na nangyayari.

And third, mayroon tayong forensic evidence na si Kian nga po ang pinatay. So tatlong klaseng ebidensiya na nandiyan na. Ang tanong, iyang ebidensiyang iyan ay kaparehas ng spot report na hawak-hawak ng PNP?

A: Actually sir, iyong spot report gawa po iyon ng chief of police. We found out na mayroong administrative offenses committed, grave misconduct...

Sen. Bam: Grave misconduct dahil?

A: Grave misconduct dahil inaresto na wala namang, hindi naman nag-commit ng crime kaya hindi ma-take ang warrantless arrest. Assuming na gumagawa ng krimen, so dapat kakapkapan ng ebidensiya kung may mga firearms o contrabands and then posasan. Duty ng arresting officer, dalhin sa mobile nila sa west road.

Sen. Bam: Hindi ho dadalhin sa sulok?

A: Dinala po sa opposite side sa southeast at doon natagpuang patay.

Sen. Bam: Kasi sa northwest po ang presinto?

A: Yes sir. Iyong mga circumstantial evidence na iyan, pinagbabasehan namin na i-recommend na i-pre-charge investigation to evaluate kung sapat na bang ebidensiya iyon sa aming ipa-file na kaso

Sen. Bam: Basic lang ho. Sino po ba ang chief of police. Kayo po ba sir Chief Bersaluna? Iyong spot report ano po ang nakalagay?

A: Based po sa sinubmit na spot report ng PCP 7 commander P/ Chief Insp. Cerillo, nakalagay po roon sir na on or about 8:45 p.m. of August 16, 2017 while the personnel of PCP 7 led by PO3 Juarez and supervised by Cerillo were conducting OPlan Galugad at Brgy. 160, Caloocan City, nagkaroon ng...

Sen. Bam: Engkuwento?

A: Yes sir. May hinabol daw sila sir at binaril daw sila sir at gumanti sila sir.

Sen. Bam: Hindi ba sa spot report nakalagay na nung nagkitaan sila, naglabas ng baril si Kian?

A: As far as I can remember sir, pinutukan daw sila sir noong hinabol nila ang mga tao doon na nagpulasan...

Sen. Bam: So may chase?

A: Yes sir, noong nagpulasan ang mga tao, pinursue nila sir. Nauna si PO3 Juarez, allegedly pinutukan siya sir. Kaya siya ay gumanti.

Sen. Bam: Agad-agad po, iyong spot report at pagkakaroon ng CCTV footage. Ayaw pa pong sabihin ni Atty. Triambulo, pero mukhang lumalabas na si Kian naman po iyon. Iyon mismo magkasalungat na iyong kuwento, magkaiba na ang kuwento, kasi wala sa spot report na dinala iyong bata, lampas sa basketball court, papunta sa sulok at doon po nagka-engkuwento. Kasi sa spot report, nagkakitaan, nagputukan, nagka-chase at doon ho siya binaril. Tama po?

A: Yes sir, that was ganun nga ang kuwento.

Sen. Bam: Kaagad-agad, alam na natin na merong pagkakaiba sa kuwento ng mga pulis at sa nakikita natin sa CCTV, sa nakita natin sa forensic evidence, sa nakita ho natin sa testimonial evidence, at pinaka-klarong-klaro, iyong nakita natin sa CCTV, ibang iba talaga sa nakita natin sa spot report.

A: Yes sir. I happen to know na nasa news na po sir. That's why noong gabi ng August 17, I immediately ordered my chief admin and may presumption na ng irregularity based sa lumalabas sa media, pina-relieve ko na po sila. I called Cerillo, who were directly involved and I immediately caused their relief, including Cerillo, for investigation.

Fitz, [Aug 24, 2017, 5:10 PM]: Sen. Bam: So sinasabi ho ninyo, ang salaysay po ninyo, kayo ang may dala ng bata. Bata po ba ang alpha ninyo?

A: Your honor, hindi po natin identified kung ilang taon po iyong alpha namin.

Sen. Bam: Anong suot niya?

A: Your honor, that time, focused kami sa binibigay niyang ano e...

Sen. Bam: Naka-shorts ba siya, nakapantalon, naka-jacket, ano ang suot ng iyong asset na sinasabi niyong kinakaladkad niyo? Nagbubulungan pa kayo ni PO3. Huwag mo siyang bulungan.

A: Your honor, hindi kasi talaga namin matandaan kung anong itsura ng asset namin noong araw na iyon kasi gabi po iyon.

Sen. Bam: Pero dala-dala niyo ang asset o doon niyo lang nakilala sa barangay?

A: Iyong damit lang po ang hindi namin matandaan sa kanya sir.

Sen. Bam: Sabihin na nating dala-dala niyo. Pinipilit niyo siyang magturo kung sino iyong mga drug pusher kaya gusto niyo siyang magtago para sasabihin niyo, dito ba sa bahay na ito. ganun ba ang ginagawa niyo sa asset niyo?

A: Hindi po your honor.

Sen. Bam: Bakit niyo siya dinadala sa kabuuan ng barangay?

A: Your honor, iyon pong asset namin isa siya sa nakakakilala sa aming hinahanap. May target kami na si Alias Negro na nasa warrant po namin.

Sen. Bam: So may iba kayong target na alyas Negro.Kasama niyo ba si PO3 Juarez sa operasyong ito o kayong dalawa lang iyan? Sagot lang po.

A: Your honor opo.

Sen. Bam: Kasama niyo siya? Makikita naman natin kung sino ang pumatay kay Kian kasi sa baril, sa bala, sa paraffin. Makikita naman natin iyan e. So magkasama kayong tatlo, iba ang asset ninyo. Sinasabi niyo ngayon na hindi kayo pumatay kay Kian. Iyon ba ang kuwento ninyo? Kasi so far ang sinabi niyo, hindi siya ang nasa CCTV. So tatanungin ko kayo directly, sino ang pumatay kay Kian? Kayo po ba? PO1 Pereda sino po ang pumatay kay Kian Delos Santos?

A: I invoke my right sir.

Sen. Bam: Sinasabi niyong hindi siya ang kasama niyo sa CCTV although may mga testigo tayong nagsasabi na kayo iyon ha na dala-dala niyo si Ian sa madilim na lugar pero ngayon ayaw niyong sagutin kung kayo ang pumatay o hindi. PO1 Cruz o PO1 Pereda? Ayaw niyong sabihin kung sino ang bumaril sa kanya?

A: Your honor, I invoke my right.

Sen. Bam: Sino ang gumawa ng spot report ninyo? Ikaw ba PO3 Juarez ang gumawa ng spot report. PO1 Cruz ikaw ba ang gumawa ng spot report. PO1 Pereda ikaw ba ang gumawa ng sport report? Paano nabuo ang spot report na iyon? Cerillo, ikaw ba ang gumawa ng spot report?

A: Your honor, iyong investigator namin ang gumawa.

Sen. Bam: Sino poi yon? Nandito po ba siya? Paharapin natin siya please. Atty. Triambulo, sino po ba ang dapat gumagawa ng spot report kapag may engkuwento?

A: Iyong mga operatives gagawa sila ng after-operation report.

Sen. Bam: Who wants to answer? Gen. Bato? Gen. Albayalde? Gen. dela Rosa, sino ang gumagawa ng spot report?

A: It is being signed by the commander your honor.

Sen. Bam: Hindi ho signed. Sino ang nagbubuo ng mga detalye ng spot report?

A: Pagbalik ng operatives sa istasyon your honor, pupunta sa imbestigador. Iyong imbestigador ang gumagawa ng spot report.

Sen. Bam: Sino po ang investigator, kayo po sir? Kayo po ang gumawa ng spot report? Tama po? Mr. Ramirez kayo po ang nagbuo ng spot report?

A: Yes sir. Kami po ang investigator on case noong time na iyon.

Sen. Bam: Sino po iyong humarap sa inyo na nagkuwento dito po sa mga pangyayari kay Kian kaya nabuo niyo ang spot report.

A: Pagdating po namin doon, iyong first responder nagkaroon kami ng brief information gathering with regards po sa pangyayari. Ang then, later on nag-conduct na po kami ng pagtatanong kung sino iyong involved. Kasi noong time na iyon, hindi pa po kilala ang biktima.

Sen. Bam: Sino ang nagkuwento sa inyo na nagsabi na nagkaroon ng engkuwentro, nagbunot ng .45, nagkaroon ng chase, nagkaroon ng barilan at pinatay si Kian Delos Santos. Sino po ang nagsasalaysay sa inyo?

A: Sir iyon pong involved personnel.

Sen. Bam: Sino po sila?

A: Iyong tatlong pulis na involved, including the team leader.

Sen. Bam: Si PO1 Pereda, PO1 Cruz, PO3 Juarez and si PCI Cerillo. Tama po ba o hindi?

A: Sir tatlo lang po ang nakausap namin during that time.

Sen. Bam: Sino po iyong tatlong nakausap ninyo?

A: Si PO1 Pereda, PO1 Cruz at si PO3 Juarez.

Sen. Bam: Ang kuwento po nila, sila ang bumaril kay Kian Delos Santos.

A: Iyon ang lumalabas sa kuwento nila sir.

Sen. Bam: Iyong tanong kung sino ba ang pumatay kay Kian Delos Santos, doon sa sarili nilang spot report, inaamin na pulis ang pumatay kay Kian Delos Santos? Tama po?

A: Sir, unang dating kasi namin doon, ang info sa amin, coming po ng TOC, shooting incident lang po. So noong dumating na kami sa area, doon namin napag-alaman na may involved na pulis at pinaka-report nila sa amin si shooting encounter.

Sen. Bam: Shooting encounter, ibig ho sabihin noon, nagbunot ng baril ang suspect at napatay dahil nanlaban nga kaya nila binaril.

A: Iyon po ang kuwento nila.

Sen. Bam: Kung sino ang pumatay hindi na kinikuwestiyon iyan. Ang tanong talaga, nagbunot ba talaga ng baril si Kian Delos Santos. Tatanungin ko po si PO1 Pereda, PO1 Cruz, may dala bang baril si Kian Delos Santos?

A: Sir kasi po madilim noon hindi namin alam. Kasi po pinutukan niya lang po kami.

Sen. Bam: May narinig kayong putok?

A: Opo.

Sen. Bam: Hindi niyo talaga alam kung baril siya o hindi? Sinabi mo hindi mo makita, madilim.

A: Alam po namin na baril iyon sir dahil malakas po ang pagkakaputok. Nakita na rin namin dahil may kapirasong ilaw doon sir.

Sen. Bam: So ang salaysay niyo, nagbunot ng baril si Kian Delos Santos at binaril kayo. Iyon pa rin po ang kuwento niyo. At itong engkuwentrong ito, nangyari sa inyong salaysay, kung saan nahanap iyong kanyang bangkay?

A: Yes your honor.

Sen. Bam: Bakit iyong forensic evidence ng PAO, nakahandusay sa lupa ang bata nang pumasok ang bala sa kanyang ulo. Bakit ganun po iyong forensic evidence? Can I ask iyong pambansang tagapagtanggol natin. Sa inyo pong pag-aaral, ano po ang posisyon ng katawan ni Kian Delos Santos nung siya'y makatanggap ng pagbabaril sa ulo. Ano ang posisyon ni Kian Delos Santos noong siya'y namatay.

A: Noong nakasubsob po siya at iyong shooter nakatayo dito sa may paanan at iyong isa pong shooter, nandoon po sa kaliwang bahagi ng katawan niya.

Sen. Bam: Can you stand up and show us, pakita niyo nga po kung ang bata ay nasa inyong paanan, saan po ang shooter?

A: Dalawa po kasi ang na-determine namin na shooter. One is on the feet...

Sen. Bam: Ano po ang posisyon ni Kian dito? Nakahiga?

A: Iyong trajectory po kasi ay acute angle pababa po pero iyong sa katawan niya ay paitaas. Ang posisyon po ay nakatayo ang shooter at nakasubsob po si Kian. Nandito po sa paanan ang shooter.

Sen. Bam: Pero nasa baba na po ang bata?

A: Opo. To be able to produce that angle entry, kinakailangan nakatayo ang shooter at nakasubsob po si Kian. Dito sa tenga sa left ear, almost 90 degrees po iyong trajectory so directly perpendicular po dito.

Sen. Bam: Paano po iyon. Pakiposisyon po kung paano ginawa.

A: Iyong ulo po nakaganito and iyong baril nandito. Ang distance po ay near contact distance. Ibig sabihin po malapit na malapit ang baril.

Sen. Bam: Dr. Cruz do you agree with the pao determination na nakahiga yung bata noong bumaril? Kasi siba niya ho 2 feet away. Ang kanila kasi, near contact. Yung inyo po ba ay nakatayo lang. Pero do you agree na ang biktima ay nakahiga noong binaril o tumatakbo habang binaril?

PAO Med Examiner: The position of the victim, he was kneeling face down when he was shot.

Sen. Bam: Patingin ng picture. Meaning ito po (photo) ng binaril siya?

PAO Med Examiner: Yes you're honor, based on the injuries that I examined from the victim.

Sen. Bam: Ang pinagkaiba lang ng inyong determination, ang kanila ay malapit, ang sa inyo 2 feet away?

PAO Med Examiner: Yes your honor. The injuries sustained in the ear, behind the ear, there were no tattooing, no soot, no searing which would denote that that wound is contact, near contact or intermediate contact.

Sen. Bam: So hindi kayo nagkakaiba ng findings on these two bullets?

PAO Med Examiner: It's almost the same, your honor.

Sen. Bam: So you concur with each other na ganoon ang nangyari.

Gen. Dela Rosa, ganoong posisyon, nakaluhod, nakababa ang ulo, binaril. In any legitimate police operation, mayroon bang sitwasyon na majujustify ang ganoong klaseng pagbaril o pagpatay sa isang suspect na nakaluhod at nakababa ang ulo.

Dela Rosa: Hindi ko majustify kung barilin mo ang taong nakaluhod. Unless nakaluhod at naka-ganyan ang baril. Hindi natin alam kung may baril siyang ganun. Ang akin lang your honor, kung nakaluhod si Kian at nakatalikod at barilin mo, kriminal ka. Murderer ka, hindi ka law enforcer.

Sen. Bam: Malinaw naman po yung nangyari, kung ano ang mak-kwento nila PO1 PO2 Cruz at PO3 Juarez, hihintayin na lang namin ang susunod na hearing kung handa na kayo magsalaysay kung ano ang tingin niyo nangyari. Pero lumalabas talaga na nabaril ang bata habang nakahandusay. That is consistent. Hindi lang consistent kung gaano kalayo ang baril, pero consistent na ganoon ang posisyon na sabi ni Gen. Dela Rosa mahirap i-justify kung paano ka papatayin na nakahandusay at nakatalikod. Now, ang nakikita natin kay Kian, bakit ito naging malaking isyu? Kasi ito ang unang beses na may CCTV, testigo, forensic evidence na lumalabas po talaga na pinatay ang bata na walang kalaban-laban. And I hope, kilala ko naman kayo dito, mabubuti naman kayong tao. Gusto ho natin malaman kung ilan pa ang napatay na ganito ang nangyari. General, I hope this case will really let us reassess itong ginagawa nating one-time-big-time operations, pagkakaroon ng patayan. Dahil sa totoo lang, kung walang CCTV footage, hindi natin malalaman ito. Maniniwala na lang tayo na isang Kian Delos Santos na Grade 11 students, naglabas ng .45, namatay. Kung wala ang CCTV, napalampas na lang ito. Which begs the question, ilan pa ba ang napalampas natin?

Dela Rosa: I have here the data of the number of minors arrested for violation of RA9165 in the jurisdiction of NCR. And the number of minors arrested, 518, only 1 killed in legitimate police operations. So kung tinatanong niyo kung ilan pa ba ang ganito sa parehong kaso kay Kian, si Kian lang.

Sen. Bam: Mayroong listahan ng 31 children and students na namatay in police operations. Althea Bal.... 4 yrs old, Ideoshi... 17 years old, pumilang 18 yrs old... Are you saying hindi totoo ang mga ito? Mayroon ring mga vigilate killings na pinapatay. Dapat iniimbestiga niyo rin ito.

Dela Rosa: We are referring to legitimate police operations resulting in arrests or killed in police operations. Ito ang resulta. According to the data, number of arrested minors 518, 1 lang ang namatay.

Ilan ang naging "collateral damage"?

Dela Rosa: Can I give you the answer later, your honor?

Sen. Bam: Ok thank you General.

News Latest News Feed