Press Release
September 6, 2017

Grace Poe's Ambush Interview Transcript

Q: Si Carl Angelo Arnaiz nung nawala, may kasama siyang bata, nakita na po, 30 stab wounds, sa Nueva Ecija tapos naka-mask. Posible kaya na holdap talaga?

Sen. Grace Poe: Sa holdap ba, lalagyan ka ng ganyan?

Q: Ang binibintang kasi nila kay Arnaiz ay holdap.

Poe: 14 years old siya, nakakalungkot na ito ang kinahinatnan nito.

Q: Paano nagkahiwalay? Magkasama sila ni Carl Angelo.

Poe: Isa yan sa bagay na kailangang malaman--bakit nagkahiwalay iyan. 14 years old, walang kalaban-laban. Sabihin natin na nangholdap, hindi naman ganyan ang aabutin. Alam mo nakakabahala na talaga iyan lalo na kapag parang ganun-ganun na lang ang buhay lalo't bata pa.

Q: Ma'am sa susunod na hearing ninyo, i-oopen niyo iyan?

Poe: Sana nga magkaroon pa ng isang hearing kasi pinatawag ko yung taxi driver at yung parents, kasi di ba libing (ni Carl) nung araw na iyon.

Q: Pati parents nun (Reynaldo de Guzman) ipapatawag niyo din ba?

Poe: Dapat, siyempre sila wala naman silang masyadong kaya, 'di ba, so I'm sure ninenerbyos din ang mga iyan. Kailangan talagang maprotektahan na bago pa pumunta dito.

Q: Siguro ma'am yung parents niya lalapit na sa Senate iyan dahil ayan na ang anak nila, lumutang na.

Poe: Sana nga lumapit sila para mas matulungan sila.

On public services:

Q: May bago kasi, yung Angkas, motorcycle naman, parang Uber. Ang report, may information na may naaksidente na. Tapos ang LTFRB hindi pa--

Poe: Yun na nga, hindi makahabol ang LTFRB pero para sa akin kasi dinidiscourage na nga natin ang riding-in-tandem pero naiintindihan natin na ang iba, may pamilya, yun lang talaga ang sasakyan nila. Pero para--alam ko sa ibang bansa ginagawa nila--yung angkas na iyan, pero mas sumusunod sa batas trapiko ang mga tao dun. Sa ngayon sa tingin ko, napakadelikado niyan sa ating kalsada kaya, ako, personal na pananaw, siyempre may proseso iyan, hindi ko basta-basta masusuportahan ang ganyan.

Q: Katulad niyan sa amin maraming ganyan

Poe: Kung yung sasakyan nga nakakabili, motorsiklo pa kaya? Sasbihin na natin--ilan ang ganyan--kahit yung anak mo mag-drive ng motorcycle ng hindi naman sanay.

Q: You will ask LTFRB?

Poe: Definitely, di ba magkakaroon kami ng hearing ulit ukol sa batas ng TNVS, kasama iyan. Priority iyan. Salamat for calling my attention.

News Latest News Feed