Press Release
September 25, 2017

DUTERTE'S FAKE VICTORY IN UN HUMAN RIGHTS COUNCIL
*Statement of Akbayan Senator Risa Hontiveros

Kung may fake news, may pekeng tagumpay.

Walang tagumpay na nangyari sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) Universal Periodic Review (UPR) process. Talo ang sambayanan.

Human rights violators lang ang matutuwa at magbubunyi sa nangyari.

Paano naging tagumpay ang pagtanggi sa 154 na rekomendasyon ng maraming bansa upang mas pabutihin ang karapatang pantao sa ating bansa?

Paano naging tagumpay ang pagtanggi sa 44 na rekomendasyon upang tugunan ang kaso ng mga extrajudicial killings sa bansa, 23 na rekomendasyon laban sa panunumbalik ng death penalty at pagbaba ng minimum age of criminal liability, at 13 na rekomendasyon para proteksyunan ang buhay at seguridad ng mga mamamahayag at human rights defenders?

Paano naging tagumpay ang pagtanggi kay UN Special Rapporteur Agnes Callamard na pumasok sa ating bansa upang imbestigahan ang kaso ng mga extrajudicial at summary executions? Tagumpay nino? Tagumpay ng mga extrajudicial killers?

Walang tagumpay na nangyari sa UN Human Rights Council Universal Periodic Review (UPR) process. Talo ang karapatang pantao. Talo ang sambayanan.

News Latest News Feed